10 - znnhs.zdnorte.net · ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. pinagsumikapang matunton...
TRANSCRIPT
SUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT (SMILE)
10 Filipino
Unang Markahan – Modyul 10
Pagtukoy sa mga Salitang
Magkakapareho o Magkakaugnay ang Kahulugan
ANGELICA M. RODRIGUEZ
A Joint Project of the
SCHOOLS DIVISION OF DIPOLOG CITY and the
DIPOLOG CITY GOVERNMENT
Filipino – Ikasampung Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE)
Unang Markahan – Modyul 11: Mga Salitang Magkakapareho o Magkakaugnay ang Kahulugan
Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region IX - Dipolog City Schools Division Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City
Telefax: (065) 212-6986
E-mail Address: [email protected]
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Angelica M. Rodriguez
Editor: Sheryl C. Deocadez
Tagasuri: Riela Angela C. Josol, EPS – Filipino
Tagalapat: Riela Angela C. Josol, EPS – Filipino
Tagapamahala: Virgilio P. Batan, Jr. – Schools Division Superintendent
Jay S. Montealto – Asst. Schools Division Superintendent
Amelinda D. Montero – Chief Education Supervisor, CID
Nur N. Hussien – Chief, Education Supervisor SGOD
Ronillo S. Yarag – Education Program Supervisor, LRMS
Leo Martinno O. Alejo – Project Development Officer II, LRMS
1
Alamin
Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga salitang magkakapareho
o magkakaugnay ang kahulugan.
*Natutukoy ang mga salitang
magkakapareho o magkakaugnay ang kahulugan.
*Nakabubuo ng sariling pangungusap
gamit ang mga salitang magkakapareho o magkakaugnay ang kahulugan.
Mga Nilalaman (Paksa/Aralin)
A. Mga Salitang Magkapareho o Maggkakaugnay ang kahulugan
Mga Pamantayan sa Pagkatuto: Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang
mga mag-aaral ay inaasahang:
MELC (Week 3)
Natutukoy ang mga Salitang Magkakapareho o Magkakaugnay ang
Kahulugan. (F10PT-Ic-d-63)
Subukin
PANIMULANG GAWAIN: PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap pagkatapos tukuyin
ang kapareho o kaugnay na kahulugan ng mga salitang sinalungguhitan upang mabuo ang pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.
1. Magiting na bayani ng ating bansa si Dr. Jose P. Rizal. Siya ay ______________ na
tao. a. mabilis
b. matapang c. mayaman
d. masama
2. Wasto ang pagkakasulat mo kaya ____________ ang iyong sagot.
a. tama b. mali
c. tuwid d. baluktot
2
3. Matangkad ang aking ama kaya sabi nila paglaki ko ako rin ay magiging
______________.
a. maliit b. pandak
c. mababa d. mataas
4. Masarap magluto si inay kaya, ang aming ulam ay palaging __________________.
a. malinamnam b. matamis
c. maalat d. maasim
5. Ang hanap-buhay ng aking ama ay ang pagiging isang “habal-habal” driver ito ang
kanyang ______________ na nagpatapos sa aming mga magkakapatid sa pag-aaral.
a. negosyo
b. trabaho c. katuwaan
d. kinaaaliwan
6. Mahalimuyak ang bulaklak sa hardin. Tiyak na magugustuhan ito ni inay sapagkat ______________ ito.
a. mabantot b. mapanghi
c. mabaho d. mabango
7. Ang alagang aso ni Kirvy ay maamo. Tuwang-tuwa ang mga bata dahil ito’y likas
na _____________.
a. mabait
b. marahas c. mabagsik
d. mabangis
8. Pag-aralan nang mabuti ang aralin dahil ito ang magiging ___________ bukas.
a. laro
b. leksiyon c. ganap
d. pagkakaabalahan
9. Musmos pa lamang si Angel ay natuto na itong kumanta. Kaya _________ pa lamang ay hilig na nitong sumali sa mga patimpalak.
a. dalaga
b. binata
c. bata d. matanda
3
10. Ang marusing na aso ay pinakain at pina-inum ni Julia kahit na _____________
ito at mabaho.
a. marumi b. maayos
c. malinis d. magara
11. Tunay na nakabibighani ang palamuti sa plaza ng Dipolog tuwing Disyembre
dahil sa iba’t ibang ________________ gaya ng mga makukulay na parol at
kumukutitap na ilaw.
a. basura b. kalat
c. dekorasyon d. sagabal
12. Makitid ang daan patungong kabilang baryo. Talagang mahihirapan ka sa ____________ na daanan.
a. malawak c. malapad
b. malaki d. makipot
13. Ang mapag-impok na tao ay yayaman ng todo. Ang sikreto nito ay ang pagiging madiskarte at _____________ sa salapi.
a. magastos b. magarbo
c. matipi d d. ubos – biyaya
14. Si Dhalia ay mahilig sumali sa mga patimpalak malaki man o maliit ang
pa-premyo.
a. paligsahan
b. kasiyahan c. pagdiriwang
d. selebrasyon
15. Masarap ang simoy ng hangin sa dalampasigan lalo na kapag maaliwalas ang baybayin makakapag-isip-isip ka talaga.
a. damuhan b. baybayin
c. kabundukan
d. disyerto
4
Modyul
10 Mga Salitang Magkakapareho o
Magkakaugnay ang Kahulugan
Sa nakaraang modyul, natutunan mo ang tungkol sa pagbibigay ng
reaksiyon sa mga kaisipan o ideya sa tinalakay na akda at ang pagiging makatotohanan ng mga pangyayari sa maikling kuwento.
Balikan
Gawain A: Naalala Mo?
Balikan ang pangyayari sa isinalaysay sa akda. Gamit ang grapikong
representasyon, tukuyin ang mga makatotohanan at di-makatotohanang pangyayaring binanggit at magbigay ng reaksiyon tungkol dito.
MENSAHE NG BUTIL NG KAPE
REAKSIYON
MAKATOTOHANANG
PANGYAYARI
DI-MAKATOTOHANANG
PANGYAYARI
5
Gawain A: Kompletuhin Mo! Panuto: Kompletuhin ang mga salita sa loob ng kahon gamit ang mga pantulong
na salita o mga salita na naka italisado ng sa ganoon mabuo ang nakatagong salita
sa kahon.
1. Si Carlo ay maligaya sa kanyang nakuhang
parangal sa paligsahan.
2. Ang kagandahan ay hindi lamang makikita
sa panlabas o pisikal na itsura dahil ang taong
may mabuting kalooban ay siyang maituturing
na maganda.
3. Si Henry Sy isa sa mga masalaping
indibidwal sa ating bansa.
4. Kadalasan ang mga basketbolista ay
matangkad.
5. Matalim ang kutsilyo kaya hindi dapat
paglaruan ng mga bata.
Suriin
Magaling!
Palakpakan ang sarili sa pagsagot sa Gawain A, mula sa nasabing gawain ano
ang napapansin mo sa mga naka italisadong salita sa bawat pangngusap at sa iyong
nabuong salita mula sa kahon?
Tuklasin
m s a
m i i t
m y m n
a t a s
m t u s
Sa bahaging ito ng modyul, ay iyong lilinangin ang mga
kaisipan/kaalamang tutulong sa iyo upang higit na maintindihan ang paksang-
aralin. Dito tinitiyak na ikaw ay maihahanda upang tiyak ang mga pag-unawa sa
mga impormasyong kinakailangan malinang. Sa bahaging ito ay magkakaroon ka
ng mahahalagang ideya sa mga salitang magkakapareho o magkakaugnay ang
kahulugan. Inaasahang magagabayan ka ng inihandang babasahin upang
masagot mo ang mga sumusunod na gawain. Halika at umpisahan na ang
masayang pagbabasa at pag-unawa sa paksa.
6
Tama, ang salitang naka italisado at nabuong salita ay magkapareho o
magkatulad ang kahulugan.
Alam mo ba na may kaugnayan ito sa modyul na iyong babasahin. Tungkol
sa mga salitang magkakapareho o magkakatulad ang kahulugan. Upang mas
lubusan mong maintindihan kung ano ito. Basahin nang tahimik ang “Alamin Mo”.
Alamin Mo!
*MGA SALITANG MAGKAKATULAD O MAGKAKAPAREHO ANG KAHULUGAN*
Ang mga salitang magkakapareho o magkakatulad ang kahulugan ay
tinatawag na kasingkahulugan o Synoyms sa Ingles. Ito ay mga salitang
kagaya, katulad o kaparehong ibig sabihin at implikasyon ng isang salita. - https://brainly.ph/question/513209
Ang kasingkahulugan ay dalawang magkaibang salita na pareho o
magkatulad ang kahulugan o ibig sabihin.
Kadalasan ang mga salitang magkasingkahulugan ay mga pang-uri o mga
salitang naglalarawan.
Ang mga Pang-uri ay may mga kasingkahulugan. Tingnan ang
mga halimbawa.
1. maganda marikit
2. masaya maligaya
3. mayaman masalapi
4. mataas matangkad
5. matulis matalim
Ang mga salitang naglalarawan ay nagsasabi ng katangian gaya
ng uri, anyo, kulay, laki, amoy, lasa at kayarian ng tao, hayop,
bagay at pook o lugar.
Mga salitang naglalarawan na angkop lamang gamitin sa tao, hayop, bagay,
at pook o lugar.
Tao maganda, mabait, masaya
Hayop maamo, mailap, maliit
Bagay mabango, maliit, magara
Pook malayo, malapit, tahimik
Tandaan na mahalagang malaman ang kahulugan ng isang salita upang
madaling maibigay ang kasingkahulugan nito. Samadaling salita dapat
mayroon kang malawak na bokabularyo nang saganoon ay madali mong
matukoy ang kasingkahulugan nito. Para magawa ito ay magbasa nang
magbasa para lumawak ang iyong kaalaman.
Mahalagang pag-aralan at matutunan ng isang mag-aaral na tulad mo ang
mga salitang magkakapareho, magkakahulugan/magkasingkahulugang
salita dahil sa papamigitan nito mas lubos mong mauunawan ang iba’t ibang
uri ng mga akdang pampanitikan dahil maibibigay mo ang kahulugan ng mga
talasalitaan o iyong mga salitang may mahihirap at may malalim na
kahulugan sa mga nasabing akda
.
7
“MGA SALITANG MAGKAKAPAREHO O MAGKAKATULAD ANG KAHULUGAN”
Halimbawa:
aksidente ⇔ sakuna
aralin ⇔ leksiyon
https://www.kissclipart.com/teacher-draw-
clipart-teacher-drawing-w6mndz/
bata ⇔ musmos, paslit
https://www.pngitem.com/middle/ixhoRRm_ki
ds-painting-clipart-at-getdrawings-kids-
drawing-clipart/
paaralan ⇔ eskuwelahan
https://coloringcafe.com/coloring-
pages/school-house/
mag-isip-isip ⇔ magmuni-muni
https://pixy.org/4629182/
https://www.jnto.go.jp/safety-
tips/eng/emergency/earthquake/e08.html
8
Narito ang ilan pang mga halimbawa ng mga salitang magkapareho o magkatulad ang kauhulugan:
Gawain A: TANONG – SAGOT/Q & A! Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba sa iyong sagutang papel.
1. Tungkol saan ang paksang iyong binasa?
Sagot: _________________________________________________________________ ________________________________________________________________________
hanap-buhay ⇔ trabaho, okupasyon
prutas ⇔ bungang-kahoy
https://www.123rf.com/photo_33890752_
stock-vector-different-people-professions-
characters-set.html
https://depositphotos.com/85320510/stoc
k-illustration-fruit-set-hand-drawn-
different.html
beranda – balkunahe buti – inam
hiram – utang inalay – inihandog iniirog – minamahal
iniwan-nilisan
kalaban – kaaway labis – sobra
labis – sobra lipulin – puksain
lubog – lunod mabagal – makupad
madaldal – makwento
madumi – madungis magmadali – mag-apura
maingay – magulo
malungkot – malumbay
masarap – malinamnam mataas – matangkad
mataba – malusog matalas – matalim
matapang – mabagsik
mayaman – masalapi natuklasan – nalaman
panatag – komportable porsiyento – bahagdan
tama – wasto tirahan – tahanan
ulam – putahe
upuan – silya
Kumusta! Madali lang ba?
Ngayon mayroon ka nang ideya tungkol sa mga salitang
magkakapareho o magkakatulad ang kahulugan. Simulan na ang pagsagot sa
mga sumusunod na gawain at higit sa lahat huwag kalimutan ang iyong mga
natutunan. Maligayang paglalakbay ng iyong isipan!
9
2. Ano ang ibang katawagan sa mga salitang magkakapareho o magkakatulad ang
kahulugan? Sagot: ______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
3. Bakit kailangang magkaroon ng malawak na bokabularyo sa pagbibigay ng kapareho o katulad na salita?
Sagot: ___________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________
4. Paano mo mapapalawak ang iyong bokabularyo? Sagot: _________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
5. Bakit mahalagang matutunan ng isang mag-aaral tulad mo ang mga salitang magkakasingkahulugan?
Sagot: _________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
Gawain B: ISIP-ISIP Panuto: Mag-isip nang mabuti ng isa pang kapareho o katulad na salita sa bawat
bilang. Gamiting gabay ang larawan o emoji sa itaas.
1. lumbay ⇔ _______________ 2. tikas ⇔ _______________
3. asul ⇔ _______________ 4. bandila ⇔ _______________
http://www.symbols-n-emoticons.com/p/facebook-emoticons-list.html
https://www.shutterstock.com/search/emoji+muscle
https://webcomicms.net/balloon-picture
https://en.wikipedia.org/wiki/Flag_of_the_Philippines#/me
dia/File:Flag_of_the_Philippines.svg
10
5. kasama ⇔ _______________
Nakakabilib ka at naisip mo ang kasingkahulugan ng salita sa bawat bilang.
Batid ko ay lubusan mong naintindahan ang ating paksa. Teka lang at mayroon pa
akong inihandang gawain. Handa ka na?
Pagyamanin
Gawain A: KRUSIGRAMA/CROSSWORD PUZZLE
Panuto: Ibigay ang kapareho o katulad na salita sa bawat bilang para mabuo ang puzzle.
https://toppng.com/best-friends-emoji-png-emojis-de-mejores-amigas-PNG-free-PNG-Images_171812
Pahalang: 1. gobyerno 2. saloobin
3. alay 4. grupo
5. landas
Pababa: 1. mahusay 2. gunita 3. bantog 4. giyera 5. liham
11
Sa tingin ko ay nakuha mo na ang dapat mong matutunan at handing-handa ka na sa mga susunod pang gawain.
Galingan mo!
Gawain B: WORD SEARCH
Panuto: Hanapin sa loob ng kahon B ang kasingkahulugan ng mga salita sa kahon A.
A. B.
Isaisip
Tandaan Mo
Ang mga salitang magkakapareho o magkakatulad ang kahulugan ay
tinatawag na kasingkahulugan.
Ang kasingkahulugan ay dalawang magkaibang salita na pareho o
magkatulad ang kahulugan o ibig sabihin.
Kadalasan ang mga salitang magkasingkahulugan ay mga pang-uri o mga
salitang naglalarawan.
Ang mga salitang naglalarawan ay nagsasabi ng katangian gaya ng uri, anyo,
kulay, laki, amoy, lasa at kayarian ng tao, hayop, bagay at pook o lugar.
Tandaan na mahalagang malaman ang kahulugan ng isang salita upang
madaling maibigay ang kasingkahulugan nito. Samadaling salita dapat
mayroon kang malawak na bokabularyo nang saganoon ay madali mong
matukoy ang kasingkahulugan nito. Para magawa ito ay magbasa nang
magbasa para lumawak ang iyong kaalaman.
1. KATARUNGAN
2. PANINIWALA
3. TALIWAS
4. SOLUSYON
5. MISTERYO
6. PATIMPALAK
7. SAKUNA
8. DALAMPASIGAN
9. WINASAK
10. BUNGA
12
Isagawa
Gawain A: MAGMASID – MAG-ISIP – MAGSULAT (MMM)
Panuto: Magmasid sa inyong tahanan at paligid sunod ay mag-isip ng mga
pagkakapareho at pagkakatulad na mga salita sa mga sumusunod na kategorya:
tao, hayop, bagay, pagkain at pook o lugar, kapag nagawa mo na ito ay saka ka
sumulat ng iyong sariling pangungusap.
Gamitin ang tsart sa ibaba para sa iyong mga kasagutan.
Kategorya: Sagot: Pangungusap:
Tao
Halimbawa:
* Lolo Kiko
1.
2.
*mabait – matulungin
*Si lolo Kiko ay kilala sa pagiging mabait
sa aming lugar, matulungin siya hindi
lamang sa mga bata pati narin sa mga
matatanda.
Hayop
1.
2.
Bagay
1.
2.
Pagkain
1.
2.
Pook/lugar
1.
2.
13
RUBRIKS
Mga
Kriyterya
1 2 3 4
Paglikom ng mga
impormasyon
Hindi lumikom
ng anumang impormasyon
kaugnay sa paksa
Lumikom ng
ilang impormasyon
kaugnay sa paksa
Lumikom ng
mga kailangang impormasyon
na kaugnay sa paksa
Lumikom ng
maraming impormasyon
kaugnay sa paksa.
Organisasyon
Hindi maayos
ang
organisasyon ng mga ideya
May lohikal na
organisasyon
ngunit hindi masyadong
mabisa
Maayos ang
organisasyon,
pagkabuo ng pangungusap
Mahusay ang
pagkakasunod-
sunod ng mga ideya sa
kabuuan ng pangungusap
Paggamit ng
wika at
mekaniks
Kailangang baguhin dahil
halos lahat ng pangungusap ay
may mali sa
gramar,baybay at gamit ng
bantas
Mga kahinaan dahil maraming
mali sa gramar,baybay
at gamit ng
bantas
Mahusay dahil kakaunti
lamang ang mali sa gramar,
baybay at gamit
ng bantas
Napakahusay dahil walang
mali sa gramar,
baybay at
gamit ng bantas may
mayamang bokabularyo
Pagkakasulat
Mahirap basahin
dahil sa hindi maayos at
malinis na pagkakasulat
May kahirapang
unawain ang pagkakasulat at
ng pangungusap
Malinis ngunit
hindi lahat ay maayos ang
pagkakasulat at ang mga
pangungusap
Malinis at
maayos ang pagkakasulat
ng pangu-ngusap
Puntos: Kahulugan:
14 – 16 – Natatangi
11 – 13 – Natutupad
7 – 10 – Nalilinang
4 – 6 – Nagsisimula
Sanggunian: “Koleksyon ng mga Istratehiya
sa pagtutura at Iba’t ibang uri
ng Rubriks”
14
Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap pagkatapos tukuyin ang kapareho o kaugnay na kahulugan ng mga salitang sinalungguhitan upang
mabuo ang pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.
1. Magiting na bayani ng ating bansa si Dr. Jose P. Rizal. Siya ay ______________ na tao.
a. mabilis b. matapang
c. mayaman
d. masama
2. Wasto ang pagkakasulat mo kaya ____________ ang iyong sagot. a. tama
b. mali c. tuwid
d. baluktot
3. Matangkad ang aking ama kaya sabi nila paglaki ko ako rin ay magiging
______________. a. maliit
b. pandak c. mababa
d. mataas
4. Masarap magluto si inay kaya, ang aming ulam ay palaging __________________.
a. malinamnam b. matamis
c. maalat d. maasim
5. Ang hanap-buhay ng aking ama ay ang pagiging isang “habal-habal” driver ito ang
kanyang ______________ na nagpatapos sa aming mga magkakapatid sa pag-aaral. a. negosyo
b. trabaho
c. katuwaan d. kinaaaliwan
6. Mahalimuyak ang bulaklak sa hardin. Tiyak na magugustuhan ito ni inay
sapagkat ______________ ito. a. mabantot
b. mapanghi
c. mabaho d. mabango
15
7. Ang alagang aso ni Kirvy ay maamo. Tuwang-tuwa ang mga bata dahil ito’y likas na _____________.
a. mabait b. marahas
c. mabagsik d. mabangis
8. Pag-aralan nang mabuti ang aralin dahil ito ang magiging ___________ bukas.
a. laro
b. leksiyon c. ganap
d. pagkakaabalahan
9. Musmos pa lamang si Angel ay natuto na itong kumanta. Kaya _________ pa lamang ay hilig na nitong sumali sa mga patimpalak.
a. dalaga
b. binata c. bata
d. matanda
10. Ang marusing na aso ay pinakain at pina-inum ni Julia kahit na _____________ ito at mabaho.
a. marumi b. maayos
c. malinis
d. magara
11. Tunay na nakabibighani ang palamuti sa plaza ng Dipolog tuwing Disyembre dahil sa iba’t ibang ________________ gaya ng mga makukulay na parol at
kumukutitap na ilaw. a. basura
b. kalat c. dekorasyon
d. sagabal
12. Makitid ang daan patungong kabilang baryo. Talagang mahihirapan ka sa
____________ na daanan.
a. malawak b. malaki
c. malapad
d. makipot
13. Ang mapag-impok na tao ay yayaman ng todo. Ang sikreto nito ay ang pagiging madiskarte at _____________ sa salapi.
a. magastos b. magarbo
c. matipi d d. ubos – biyaya
16
14. Si Dhalia ay mahilig sumali sa mga patimpalak malaki man o maliit ang
pa-premyo. a. paligsahan
b. kasiyahan c. pagdiriwang
d. selebrasyon
15. Masarap ang simoy ng hangin sa dalampasigan lalo na kapag maaliwalas ang baybayin makakapag-isip-isip ka talaga.
a. damuhan
b. baybayin c. kabundukan
d. disyerto
Karagdagang Gawain
Gawain : MAGSALIKSIK KA
Panuto: Magsaliksik sa mga aklat sa Filipino o kaya sa internet ng mga karagdagang
halimbawa ng mga salitang magkakapareho o magkakahulugan. Sikaping
magkaroon ng higit pa sa 10 halimbawa.
Mga Salitang Magkapareho o Magkatulad ang Kahulugan
1.
2.
3.
5.
5.
6.
7.
8.
9.
10. O higit pa…
17
Sanggunian
Aklat: Ambat, Vilma C., et al. 2015 Panitikang Pandaigdig Filipino Modyul para sa Mag-aaral. Quezon City, Metro Manila: Vibal Publishing House Inc. (pahina: 224)
Internet: https://www.slideshare.net/flamerock/mga-salitang-magkasingkahulugan - Slide Share.com
https://www.slideshare.net/mariavictoriaobar/mga-salitang-magkasingkahulugan-33891029
http://misterhomework.blogspot.com/2013/07/mga-salitang-magkasingkahulugan-synonyms.html
https://brainly.ph/question/513209 - 15princess23
https://brainly.ph/question/509000 - preciousclamor https://brainly.ph/question/134771?source=aid1167720 - taehyungkim
https://brainly.ph/question/237066?source=aid1167720 - AlyssaJules, AwesomeHelper
https://brainly.ph/question/42832?source=aid1484881 - ellenettereyesdimas
https://brainly.ph/question/167152 https://brainly.ph/question/233624
https://prezi.com/mmwfxvtpk67d/group-5-kasingkahulugan-at-
kasalungat/?frame=47d377fec4b7ca41122265673579a8e39d6df36c
http://misterhomework.blogspot.com/2013/07/mga-salitang-magkasingkahulugan-synonyms.html
https://www.slideshare.net/DominiqueVitug1/aralin-3-ang-apat-na-buwan-ko-sa-espanya
https://thewordsearch.com/maker/