0965238641 12345 65544332

7

Click here to load reader

Upload: roschelle-dominique-estoesta-lorezco

Post on 16-Apr-2015

99 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

k

TRANSCRIPT

Page 1: 0965238641 12345 65544332

Panitikan sa Panahon ng Pananakop ng mga Amerikano

Aurelio V. Tolentino (Aurelio Valenzuela Tolentino) (1867-1915)

Nag-aral sa ilalim ni Pedro Serrano Laktaw, una sa San Luis sa Pampanga at sumunod sa Malolos sa BulacanNag-aral sa Colegio de San Juan de Letran, nagtapos ng bachiller en artes, at kinalaunan nag-aral ng abogasya sa Universidad de Santo Tomas Nang mamatay ang kaniyang ama noong 1891, huminto siya sa pag-aaral ng abogasya, bumalik sa Guagua sa Pampanga at nagturo sa isang pribadong paaralanNagkaroon siya ng mainit na sagutan sa isang Kastila na nang-insulto sa kaniya, kaya umalis siya at sa Tondo nagtagoDoon naging oficial de mesa siya ng Hukuman ng TondoSa panahong ito nakilala niya si Andres Bonifacio, tumulong mamahagi ng mga kopya ng La Solidaridad, sumali sa La Liga Filipina, naging mason, at isa sa mga unang naging kasapi ng KatipunanPinagpatuloy niya ang kaniyang gawaing propaganda nang siya ay naging klerk sa Bulacan at kinalaunan sa MorongKasama siya ni Bonifacio sa kuweba ng Pamitinan sa Montalban, Rizal nang ganapin ang unang sigaw para sa kalayaan ay ginawa noong 10 Abril 1895Noong sumiklab ang Rebolusyong Pilipino noong 1896, nahuli si Tolentino at nakulong sa loob ng siyam na buwan; ito ang una sa siyam na pagkakakulong na mararanasan niya sa buong buhay niyaPinalaya siya noong 1897, at bumalik sa pagrerebolusyonNoong 12 Hunyo 1898, isa siya sa mga nakasaksi at pumirma sa Deklarasyon ng Kalayaan ng Pilipinas sa Kawit, CaviteNoong 1898, sa Maynila, sumulat siya para La Independencia ay noong 1899 sa La Patria, dahilan para ipakulong siya ng mga AmerikanoMatapos noon nagsulat siya para sa El Liberal; nang nagsara ang pahayagang ito, nagtatag ng sairling pahayagan si Tolentino, ang Filipinas, dahilan para muli siyang makulongMatapos nito, napalaya siya muli at bumalik sa pamamahayag, nag-edit ng El Pueblo at El Imparcial, maging ang mga katulad ng mga ito sa Pampango ang Ing Balen at Ing EmangabiranNoong Agosto 1900, kinausap siya ni Emilio Aguinaldo para itayo ang Junta de Amigos, isang kilusang gerilya laban sa mga AmerikanoNoong 1903, sumali siya sa rebolusyonaryong puwersa ni Artemio Ricarte ngunit kaagad na naaresto dahil sa pakikipagsabwatan (“conspiracy”)Kinalaunan, nagsulat siya para sa La Democracia, Revista Caviteña, at iba pang mga makabayang pahayaganSi Tolentino ang tagapagtatag ng Katimawan noong 1910, isang kooperatiba ng mga manggagawa, una sa ganitong uri sa bansaItinatag din niya ang El Parnaso Filipino, isang paaralan para sa pagsulong ng panitikan at kulturang PilipinoNaniwala siya na kailangan ng isang iisang wika para sa pambansang pagkakaisa (“common language for national unity”), ang Tagalog

Bilang manunulat, mahusay siya at napakarami niyang nagawaMayroong 69 akda na iba’t iba ang genre at nakasulat sa tatlong wika – Tagalog, Pampango, at EspanyolTinuturing ng ilan na pinakamaganda sa lahat ng kaniyang nagawa ang Luhang Tagalog,; ang pinakakilala ang Kahapon, Ngayon, at Bukas Isa sa pinakamahalagang nobela sa Pampango ay ang Buhok ni EsterAng kahalagahan ni Tolentino sa kulturang Pilipino ay nakasalalay hindi lamang sa kaniyang walang-maliw na mithiin para sa kalayaan na nagdulot sa kaniyang ng maraming pasakit at pagkakulong; kundi maging sa kaniyang mga drama at sarsuwela na nanguna sa paggamit ng alegoriya at mga simbolo upang mamulat ang mga Pilipino noong panahon ng sensurang Amerikano

Sangguniang Binanggit:

Manuel, E. A., Manlapaz, E. Z., at Tiongson, N. G. “Tolentino, Aurelio Valenzuela.” CCP Encyclopedia of Philippine Art. Tiongson 413-414.

Tiongson, Nicanor G. (ed). CCP Encyclopedia of Philippine Art. Vol. VII (Theatre). Manila: CCP, 1994.

1

Page 2: 0965238641 12345 65544332

Kahapon, Bukas at Ngayon

Isang drama simboliko na may tatlong tagpoUna itong itinanghal sa Teatro Libertad sa MaynilaAng dulang ito ay unang inilathala sa Volyum II ng Dictionary of Philippine Biography ni E. Arsenio Manuel (Lungsod Quezon, Filipiniana Publications, 1970)Ang dula na nasa wikang Tagalog ang itinuturing na pinakasignipikanteng ambag ni Aurelio Tolentino sa dramang Pilipino; ito rin ang pinakasensasyonal na dramang sedisyoso ng panahon nitoNang una itong itinaghal, ilang tanghalan ang sinira ng mga Amerikano ang mga set at mga gamitSinampahan ng sedisyon si Tolentino dahil dito (siya rin ang gumampan sa bida ng dula, si Taga-ilog)Pinagtanggol si Tolentino ng batang abogadong si Manuel L. Quezon ngunit si Tolentino ay nasentensiyahan pa rin na makulong nang dalawang taon at nagbayad ng $2,000 halaga ng ginto (isa ito sa siyam na pagkakataong nakulong si Tolentino)Nag-apela sa korte sina Rafael Palma at dalawang abogadong Amerikano ngunit pinagtibay ng Korte Suprema ang sentensiya at nahatulan nitong maysala si Tolentino batay sa akusasyon sa kaniya noong 6 Marso 1906Ang dramatis personae (tauhan sa dula) nito ay malinaw na nagpapakita ng intensiyon ng dula, ang gamit ng alegoriya at simbolo ng ganitong genre ng dulang politikalSi Tagailog ang bida, anak ni Ynangbayan at ama niya si KalayaanTagpo I ay tungkol sa tributong pinipilit na makuha ni Haring Bata, ngunit nabigo ng mga PilipinoTagpo II ay tungkol sa pang-aapi na ginawa nina Matanglawin, Dilat-na-bulag, at lalo na ni Halimaw na nagpipilit na kunin maging mga alahas at personal na mga gamit ng mga babae; gayumpaman ang puwersang pinamumunuan ni Taga-ilog ay nagtagumpay sa paggapi sa kanila. Dito rin sa tagpo ang pagpasok nina Bagong Sibol at Malaynatin, na nagsasabing lahat ng tutulungan nila ay lalaya sa pang-aalipinTagpo III ay tungkol sa mga Amerikanong nagtatangkang gapiin sina Ynangbayan at Taga-ilog. Nakipaglaban sina Taga-ilog; at sa dulo, binigay nina Bagong Sibol at Malaynatin ang kalayaan sa mga tao dahil hiningi ito ng mga bataSa lahat ng tagpo, may dalawang katutubong laging nakikipagsabwatan sa mga dayuhan, sina Asalhayop at DahunpalayAng tanging buhay na kopya ng dulang ito ay ang kopyang isinumite bilang ebidensiya sa korte ng sampahan ng kaso si Tolentino sa Korte Suprema, at mukhang kampi sa mga Amerikano kaya’t hindi magiging batayan para sa kasong sedisyonGayumpaman, dahil hindi lamang ginamit ni Tolentino ang drama at sarsuwela, mga banghay at mga tauhan nito bilang alegoriya at simbolo, gumamit din sina Tolentino ng mga stage effect (ang pinagbabawal na bandila ng Pilipinas na binubuo ng mga batang babaeng nagtatanghal sa entablado na labas-masok sa pormasyon ; pagpapatugtog habang nagtatanghal ng dula ng pinagbabawal na Himno Nacional nang walang babala; at mga biglaang diyalogo ng mga tauhan para gumawa ng kanilang pahayag); kaya sinasabing ang kopya ng dula na ipinasa sa korte ay hindi ang totoong iskrip pamproduksiyon ng dula(Sipi ni D. G. Fernandez kina Manlapaz 1975, Riggs 1981, at Lapeña-Bonifacio 1972)

Sangguniang Binanggit:

Fernandez, D. G. “Kahapon, Ngayon at Bukas .” CCP Encyclopedia of Philippine Art. Tiongson 205.

Tiongson, Nicanor G. (ed). CCP Encyclopedia of Philippine Art. Vol. VII (Theatre). Manila: CCP, 1994.

Magdalena Jalandoni (Magdalena Gonzaga Jalandoni) (1891-1978)

Nag-aral sa Colegio de San Jose sa Jaro, Iloilo ngunit hindi natapos ang kaniyang pag-aaralPinigilan ng ina na pumasok ng high school nang maging coed itoHindi rin gusto ng ina ang kaniyang kahiligan sa panitikanKaya marami sa gawa niya ay sinulat nang palihimSa edad na 6 na taon, pinakita ang kahusayan sa pagkukuwento (storytelling); sa edad na 13 naman isinulat niya ang kaniyang unang tula at sa edad na 16 ang kaniyang unang nobelaTinuturing na “Grand Old Lady of Ilongo Literature” (“Matandang Dalaga ng Panitikang Ilongo”)Siya ang pinakakilala sa lahat ng mga nobelistang Ilonggo at pinakamaraming akda niya ang matatagpuan sa mga aklatang lokal at dayuhanMarami ang kaniyang naging akda – 36 nobela, 122 maikling kuwento, 7 novelette, 5 korido, 8 tula (narrative poems), 231 maikling liriko (short lyrical poems),24 maikling dula, 7 volyum ng mga sanaysay, at iba pa

2

Page 3: 0965238641 12345 65544332

Lahat ng kaniyang mga nobela ay kakikitaan ng dominanteng impluwensiya ng koridoTinuturing na pinakamahusya niyang akdang nobela ang Juanita dela CruzNag-iwan siya ng di-mabuburang marka sa tradisyong naratibo ng panitikang Ilonggo, na makikita sa laganap na romantikong nobelang Ilonggo sa kasalukuyang panahon

Sanggunian:

Nava, C. “Jalandoni, Magdalena.” CCP Encyclopedia of Philippine Art. Tiongson 639.

Tiongson, Nicanor (ed). CCP Encyclopedia of Philippine Art. Vol. IX (Literature). Manila: CCP, 1994.

Deogracias Rosario (1894-1936)

Mula sa isang mahirap na pamilya, nag-aral sa Manila High School (ngayon ay Araullo)Masugid na mambabasa ng mga akda nina Faustino Aguilar, Patricio Mariano, Lope K. Santos, Valeriano Hernandez-Peña at Rosario Almario, mga sumusulat sa mga popular na publiksyon ng panahong iyonNagsimulang magsulat sa edad na 13; gamit ang Espanyol sa pagsasalita at pagsusulatNaging peryodista; pumuntang Amerika noong maagang bahagi ng dekada 1930 para aralin ang mga makabagong kaganapan sa peryodismo sa Amerika ng panahong iyon (“observe journalistic trends”)Kilala bilang “Ama ng Maikling Kuwentong Tagalog” at isa sa cuarteto (quartet) ng Ilaw at PanitikNaging pangulo ng Ilaw at Panitik, Kalipunan ng mga Kuwentista, at Kalipunan ng mga Dalubhasa sa Akademya ng Wikang TagalogSiya ang nagsulat ng unang maikling kuwentong Tagalog (sa punto de bista ng pagiging fiksyon) na pinamagatang “Kung Magmahal ang Makata”Nakaakda siya ng 80 maikling kuwento, dalawang novelette, dalawang nobelang serialized, marami-raming mga personal na sanaysay, feature articles, at mga tula.

Sanggunian:

Picart, K. “Rosario, Deogracias.” CCP Encyclopedia of Philippine Art. Tiongson 733.

Tiongson, Nicanor (ed). CCP Encyclopedia of Philippine Art. Vol. IX (Literature). Manila: CCP, 1994.

MARCEL NAVARRA (Ipinanganak: 1914, Namatay: 1984)

FictionistBuong panahon ibinigay ang kaniyang buhay sa mundo ng pagsulat (“devoted his life almost entirely to the world of letters”)Kauna-unahan niyang tula ay nailimbag sa Cebu Advertiser noong 1930; una niyang maikling kuwento sa Nasud noong 1931 Naging editor ng Bisaya (sa Maynila) mula 1938-1941 at nagbalik sa Cebu noong Ikalawang Digmaang Daigdig, nagtrabaho sa iba pang pahayaganKaraniwang naging isa ring hanapbuhay ang lokal na pamamahayag; kinalaunan lumipat sa Pagadian sa Zamoboanga del Sur kasama ang kaniyang pamilya, nagbalik sa Cebu pagkatapos sa Maynila at muling naging editor ng Bisaya noong 1967 hanggang siya’y magretiro noong 1972Tumulong siya sa pagtatatag ng Lubas sa Dagang Bisaya (LUBADI) noong 1956Kilala si Navarra bilang “Ama ng Modernong Maikling Kuwentong Cebuano” at ang Cebuanong HemingwayNakapagsulat ng halos sandaang kuwento ang maraming mga artikulo; hindi man nakapagtapos ng pag-aaral, maaral siyang manunulat na nagbabasa nang nagbabasa kung anuman ang kaniyang matagpuanIsa sa mga popular niyang akda ang “Ug Gianod Ako,” ilan sa mga popular niyang akda ay inilathala sa BisayaAng kaniyang mga tula at kuwento ay naisalin sa Ingles at Filipino at tinipon sa isang antolohiyang pinamagatang Marcel Navarra: Mga Piling Kuwentong Sebuwano noong 1986 ni Teresita Gimenez-Maceda

Sanggunian:

Mojares, R. “Navarra, Marcel” CCP Encyclopedia of Philippine Art. Tiongson 686.

3

Page 4: 0965238641 12345 65544332

Tiongson, Nicanor (ed). CCP Encyclopedia of Philippine Art. Vol. IX (Literature). Manila: CCP, 1994.

WILFRIDO MARIA GUERRERO (Namatay: Mayo 1995)

Lolo niya sa ama si Lorenzo y Leogardo, isang pintor at ang naging unang guro ni Juan LunaNag-aral si Guerrero sa Ateneo de Manila, sa Unibersidad ng Pilipinas, at sa maikling panahon sa Columbia University (hindi siya pinayagang kumuha ng mga matataas na kurso dahil sa kawalan ng digri)Isinulat niya ang kaniyang unang dula sa edad na 14 at ang kaniyang dula sa Espanyol na pinamagatang No Todo Es Risa ay prinodyus sa Ateneo noong siya’y 15 pa lamang Noong 1947, kahit hindi nakapagtapos si Guerrero, hinirang siya ng presidente ng UP noon na si Bienvenido Gonzales, na assistant professor sa dramaticsNaging direktor siya ng UP Dramatic Club ng 18 taon na nagkaroon ng mahigit 2500 pagtatanghalNakapagprodyus siya at nagderehe ng higit 120 dulaNagsulat din siya para sa radyo (1950-1951), maging ilan sa kaniyang mga dula ay naitanghal sa telebisyon noong 1959Noong 1962, itinatag niya ang ang UP Mobile TheatreInaral niya ang mga teatro at mga drama school sa Amerika (sa ilalim ng isang isang iskolarship mula sa UP noong 1956-1957) at sa Inglatera (sa ilalim ng isang iskolarship mula sa British Council noong 1965)Maraming mga dula ni Guerrero ang naisalin na sa Intsik, Italyano, Espanyol, Tagalog, Bisaya, Iloko, at Waray.May mga dula na rin siyang itinanghal sa ibang bansa tulad ng “Wanted: A Chaperon” sa University of HawaiiKasama ang kaniyang mga akda sa mga teksbuk at antolohiya sa kolehiyo at hay-iskul, ilan ay naisama rin sa Russian EncyclopediaAng kaniyang mga akda ay naging paksain na rin sa mga tesis sa MA at disertasyon sa PhDNakatanggap ng tatlong natioanl award: Rizal Pro-Patria Award for Drama (1961), Araw ng Maynila Award for Drama (1969), at Republic Cultural Heritage Award (1972)Siya ang kauna-unahang Pilipino na nabigyan ng pagkilala na maipangalanan sa kaniya ang isang teatro (Tanghalang Wilfrido Ma. Guerrero sa Palma Hall, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman)Sa http://upreplib.tripod.com/guerrero.htm (par. 10), sinasabi na noong namatay si Guerrero noong Mayo 1995, nagpanukala ang kaniyang mga kaibigan at mga tagaakademya na gawaran siya ng parangal bilang Pambansang Alagad ng Sining. Dalawang taon pagkalipas, binigyan ng parangal si Guerrero bilang Pambansang Alagad ng Sining sa Teatro

Mga Sanggunian:

Guerrero, Wilfrido. 4 Latest Plays. Lungsod Quezon: Regal Publsihing, 1980.

UP Repertory Company. “Wilfrido Ma. Guerrero.” Webpage. n.d. 15 Sept. 2011 <http://upreplib.tripod.com/guerrero.htm>

Wanted: A Chaperon

Dinerehe ni Propesor Douglas Rosentator ang dulang ito nang itanghal sa University of Hawaii noong Abril 1979Kinausap ng Philippine-American Club ng University of Hawaii si Rosentator na maging direktor ng nasabing isang-tagpong dula (one-act play)Ayon kay Dosentator, sa mga pinagpiliang mga akda ni Guerrero para isadula, nanaig ang Wanted: A Chaperon dahil sa husay ng dula na sinabi niyang may mahigit nang 3000 pagtatanghal sa Pilipinas simula ng isiulat ito ni Guerrero noong 1940 (1980 noong sinabi ni Rosentator ito)

Labas sa nasabing dula, nabanggit ni Rosentator na nagsimula si Guerrero sa kaniyang karera sa teatro sa pagsusulat ng mga dulang nasa Espanyol; samantala ang una niyang dula sa Ingles ay pinamagatang Half an Hour in a Convent isinulat noong 1937. Naranasan din ni Guerrero na maging isang reporter at theatre critic sa Manila Tribune at La Vanguardia

Sinabi ni Rosentator na ayon kay Alberto Florentino (isang playwright din at prodyuser), si Guerrero ay hindi lamang isa sa mga pangunahing nakaimpluwenisya sa kaniya (kay Florentino) , kundi sa teatro sa Pilipinas sa pangkalahatan

4

Page 5: 0965238641 12345 65544332

Sinabi rin ni Rosentator na noong panahon ng digmaan, si Guerrero lamang ang tanging Pilipinong playwright na nagpatuloy sa pagsulat; una niyang nilimbag na akda ang 13 Plays at naging fakulti sa UP Diliman

Siya ang kauna-unahang direktor na ipakilala sa bansa ang mga dayuhang akdang panteatro, klasik man o kontemporaneo, na hindi pinangahasan ng sinumang direktor sa teatro noon. Noong 1962, dahil tanto ni Guerrero ang pangangailangang dalhin ang teatro sa mga probinsiya, itinatag niya ang UP Mobile Theatre na sinabi naman niyang mayroong 2457 pagtatanghal (1980 noong sinabi ni Rosentator ito)

Wika ni Guerrero, ayon kay Rosentator, “ Well, you see, my plays are my children. I write fir my people through them” (8). Sa pagtatapos ni Rosentator, sinabi niya na “Guerrero’s plays and work span across the emergence of modern drama and theatre in the Philippines... continues to demonstrate his mastery of human nature and the Filipino experience.”

Sanggunian:

Rosentater, Douglas B.. Foreword. 4 Latest Plays. Guerrero 1-6.

Guerrero, Wilfrido. 4 Latest Plays. Lungsod Quezon: Regal Publsihing, 1980.

Manuel E. Arguilla (Manuel Estabillo Arguilla) (1910-1944)

Anak ng mga pesante, natapos ng pag-aaral (elementarya at sekondarya) sa kanilang bayan ng San Fernando, La UnionNakapagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas kung saan nag-aral siya ng pagsulat ng maikling kuwento sa ilalim ni Paz Marquez- Benitez at nakakuha ng karampatang pagkilala sa kaniyang panitikan (“acquired a considerable literary reputation”)Pagkatapos nagturo at nagtrabaho sa Bureau of Public WelfareNaging asawa ang kapwa manunulat na si Lydia Villanueva, at ang kanilang bahay (lumang bahay Kastila) sa Ermita ay naging tagpuan ng mga manunulat at mahihilig sa panitikan at binansagang “The Porch”Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagtrabaho bilang espiya para sa kilusang lihim gamit ang kaniyang trabaho sa propaganda corps ng Hapones bilang prenteNoong 1944, siya ay hinuli ng mga Hapones, nilitis, hinatulang may-sala, at pinatawan ng kamatayan

Nagsimulang magsulat si Arguilla edad 18Nang nagsimula ang Philippine Free Press na maglathala ng short story section sa pahayagan at nag-alok ng bayad sa lahat ng magpapalathala ng kanilang mga akdang maikling kuwento, isa sa kaagad na tumugon si ArguillaNakatanggap ng P50-P60 kada kuwentoSa panahon na nailathala niya ang kaniyang antolohiyang “How My Brother Leon Brought Home a Wife noong 1940, may naisulat na siya na 150 kuwento.Makikita sa mga kuwentongf inakda ni Arguilla na gamay na gamay niya ang wikang Ingles (“as if it were a Philippine dialect” ayon sa isang editor-pabliser na si A.V.H. Hartendorp, sipi ni M.L. Maniquis)Ang kaniyang mga unang mga inakdang kuwento ay laging nasa lugar ng Nagrebcan (Bauang, La Union) at mga kalapit na lugar (“Ilocano landscape serving as backdrop”)Ang kaniyang mga akda kinalaunan, tulad ng “Caps and Lower Case” ay nasa Maynila, karaniwan ang mga tauhan ay nagiging biktima ng mga makina at iba pang kasamaan ng kapitalismoSa kontrobersiya sa pagitan ng “art for art’s sake” at “literature of social commitment” ni S.P. Lopez, pumanig si Arguilla kay Lopez, mababasa sa kaniyang sanaysay na “Re-reading Rizal” na unang inilathala sa Herald Midweek Magazine“Midsummer,” “Heat,” and “How my Brother Leon Brought Home a Wife” ang maituturing na mga signipikanteng akda ni Arguilla

Sanggunian:

Maniquis, M. L. “Arguilla, Manuel E.” CCP Encyclopedia of Philippine Art. Tiongson 524.

Tiongson, Nicanor (ed). CCP Encyclopedia of Philippine Art. Vol. IX (Literature). Manila: CCP, 1994.

5

Page 6: 0965238641 12345 65544332

Carlos S. Bulosan (Carlos Sampayan Bulosan) (1911-1956)

Ilocano ang kaniyang mga magulang, bata pa lamang tumutulong na sa pagsakaNag-aral sa publikong paaralan sa Binalonan (Pangasinan), nakatatlong semestre sa Lingayen High School bago huminto sa pag-aaralNagtrabaho panandalian sa Baguio bago bumalik sa Binalonan, at noong 1931, naging migrante sa Estados Unidos kung nasaan na ang kaniyang dalawang kapatid na naunang pumuntaDumating siya sa Amerika sa panahon ng Great Depression kung kailan napakahirap maghanap ng trabaho at dahil dito may pagtingin ang mga white American na kalaban nila sa paghahanap ng trabahoSa panahon na ito, naranasan ni Bulosan ang tindi ng rasismo laban sa mga Filipino at iba pang AsyanoMarami sa kapwa Filipino ang naglipatan sa Hawaii, California, Oregon, Washington, at sa mga salmon cannery sa Alaska. Napuntahan niya ang mga eryang nabanggit, gayumpaman hindi siya nagtrabaho sa mga bukid. Nagtrabaho siya sa ilang salmon cannery sa Alaska, na sinisi niya kalaunan sa pagkakaroon niya ng chronic paralysis sa mga kamay.Dahil sa personal na karanasan bilang manggagawa, naging bahagi siya ng kilusang paggawa sa West Coast (California, Oregon, Washington, maaari ding isama maging Alaska at Hawaii). Nagsulat para sa mga lokal na diyaryo at iba pa.Mula 1936 hanggang 1938, labas-masok siya sa Los Angeles Hospital dahil sa tuberculosis, at problema sa tuhod at kidney; napalala ang kaniyang mga karamdaman kinalaunan dahil sa pag-inom at kalungkutanHindi niya kahit kailanman tinamasa ang anumang oportunidad (tulad ng naturalization) na bukas para sa mga Filipino na naninirahan sa Estados UnidosNamatay siya dahil sa malnutrisyon at tubercolosis sa Spring County Hospital (ngayon Harborview Medical Center) sa SeattleAng kaniyang pangunahing akda, “America Is In the Heart” ay isang nobelang bahagi ay awtobiyograpikal, pagsasalarawan sa mga migranteng Filipino sa Amerika noong 1930-1940.May isa pa siyang nobela tungkol sa Hukbalahap noong pananakop ng Hapon, pinamagatang “The Power of the People”, na nailathala noong 1986 nang patay na si Bulosan; inedit ito at may panimula ni E. San Juan, Jr.Marami ring nasulat na tula si BulosanMarami rin siyang nailathalang mga akda sa mga magasin ngunit isa lamang ang nalathala bilang isang libro, ang “Laughter of My Father” (1944), na naisalin pa sa ibang wika sa Europeo at naitransmit sa pandaigdigan sa pamamagitan ng radyoDahil sa librong ito naging pinagpipitagang manunulat na Fil-Am si BulosanMatapos nito (“Laughter...”), kinolekta na rin ang iba niyang akda

Sa katunayan, hindi pinansin ng kaniyang mga kababayan si Bulosan noong siya’s nabubuhay paNagkaroon ng pagbalik ng interes sa mga gawa ni Bulosan noong dekada 1970 dahil sa muling paglathala ng “America Is In the Heart” ng University of Washington noong 1973 at dahil na rin sa First Quarter Storm noong 1970Dahil dito, umusbong si Bulosan bilang pangunahing proletaryong manunulatNoong 1981, isinadula ng PETA (Philippine Educational Theatre Association) ang “Nasa Puso ang Amerika”, ang stage adaptation ng nobela ni Bulosan na ginawa ni Bienvenido Lumbera

Sanggunian:

Lucero, R. C., Lacuesta, L. R., and Tiongson, G. “Arguilla, Manuel E.” CCP Encyclopedia of Philippine Art. Tiongson 548-549.

Tiongson, Nicanor (ed). CCP Encyclopedia of Philippine Art. Vol. IX (Literature). Manila: CCP, 1994.

America Is In the Heart

Inilathala noong 1946, akda ni Carlos BulosanKahit may subtitle na “A Personal History,” ang nobela ay sa aktuwal kasaysayan ng isang grupo, kuwento kung paano maging Pilipino sa California noong dekada 1930, noong mga panahon ng Great DepressionBinabaybay ng libro ang pagkamulat ni Allos, na dahil sa kahirapan sa Pilipinas pumunta ng Amerika para makahanap ng mas mabuting buhay

6

Page 7: 0965238641 12345 65544332

Dala-dala ang edukasyong Tomasino at puno ng pag-asa, napalitan ito ng takot at depresyonNakaranas si Allos ng diskriminasyon at karahasang racial ng mga puting AmerikanoPinakita rin ang oportunismo ng kapwa Pilipino na pinakita sa eksena kung paano nadaya sa sugal ni Allos ang mga sahod ng kapwa niya Pilipino; dito niya nakita ang sarili na bahagi rin ng ganitong pagkalugmokGinawa niya binili niya ng mga grocery ang kaniyang mga dinaya at nag-inom at sinulatan ang kaniyang kapatid kung saan natuklasan niyang kaya na niyang magsulat at maintindihan sa Ingles – at nagsabing hindi na siya mapapatahimik pa at masasabi sa mundo ang ginawa sa kaniyaSumali sa kilusang paggawa, ginamit ang husay sa pagsulat para isulat ang tungkol sa pang-aapi, kasaysayan ng paggawa sa Amerika, relasyon ng mga lahi sa California, at mga epekto ng opresyon sa indibiduwalKaya lamang natuklasan ni Allos na may tuberculosis siya; nagpatuloy sa pagtatrabaho hanggang maospitalBumalik uli sa pag-oorganisa nang lumakas nang bahagya Nagtapos ang nobela na sumali ang kapatid ni Allos na si Amado sa US Navy matapos ang pagbagsak ng Bataan at ang pagsapi sa army ng kaniyang isa pang kapatid na si MacarioBahagi rin ng kuwento ang karahasan na naranasan nang bugbugin sila at nang muntik nang mamatay ang kaniyang kaibigan na si Jose; ngunit nakakita rin ng pagkalinga nang may puting Amerikanang nagbigay sa kaniya ng masisilungan

Sanggunian:

Evangelista, S. at Lacuesta, L. R. “America Is In the Heart.” CCP Encyclopedia of Philippine Art. Tiongson 404.

Tiongson, Nicanor (ed). CCP Encyclopedia of Philippine Art. Vol. IX (Literature). Manila: CCP, 1994.

7