variety of lifestyle
DESCRIPTION
poem about different vegestablesTRANSCRIPT
Variety of Lifestyle
INM 203 Output #1
By: Jean DJ. Naval
Magkakasama sa isang barangayAng mga prutas at gulay na magkakapitbahaySa isang duluhan sila ay nagtatambayAt nagkukwentuhan ng buhay-buhay.
Kanilang napansin ang mga kasamaIsa na si Kasoy na nakaupo sa tasaUpo sa hapon, upo sa umagaSa kunting trabaho, humihiga na.
Kung tamad si kasoy hindi si mansanasAt sa sobrang sipag at pagod ay laging maangas Siya ay pulang-pula at palaging asarAt sa kasambahay, sigaw ang palaging banat.
Kung si mansanas ay pikon hindi ang saging Sama-sama sila sa mga happeningsKung saan ang isa doon lahat galingMaghapon magdamag sila’y gumigimik.
Kung si saging approachable snob si mangaAt dahil kulay ginto, siya ay supladaSa loob ng kwarto palaging nag-iisa Maghapong nakaupo sa tapat ng computer niya.
Kung tahimik si mangga’y si buko’y malikot Sa taas sila palagi’y umiikotAt dahil magaling sila ay matatayogAt sa sobrang hanging sila’y mahuhulog.
Kung sobrang likot ni buko, si talong tulalaPalaging iniisip ang mga problema Laging nakakulong at nakatungangaKaya naman nagkulay violet na.
Kung si talong ay kulong, si kalabasa’y gala.Palipat-lipat ng kain at kwentoKain dito, kain doonSa sikip ng damit ay di makahinga.
Kung mataba si kalabasa Si sitaw ay payatSa sobrang tipid, ulam ay maalatPara di maubos kaagad at iwas sa snak
At sila ay masayang nag-uwianAt sa loob ng bahay ay nag-uasp-usap Sila ay nagpahinga sa buong magdamag.
Sa tahimik na gabi Gumala ang sakit At sa buong bahay sila ay sumilipKanilang sinusuri at iniisip kung saan sila susuot.
Kasama si ulcer, rayuma at high blood Ganun din si TB, sakit sa puso at ataySila ay excited na tumambay sa bahay-bahayAt kung papalarin doon ay maninirahan.
Sa barangay napansin na langMarami ang umuubo, nagkakasakitKung minamalas ay mayroong namamatay At gabi-gabi na lang may lamay.
Ang kanilang kapitan ay nag-isip At ang buong barangay ay sinuriPinagmasdan niya ang bawat kasapiAt kanyang nabatid ang dahilan ng pagkakasawi.