rice hull gasifier-pump system - pinoy rice …...ang mga teknolohiyang ito ay hindi nangangailangan...

2
Ang mga teknolohiyang ito ay hindi nangangailangan ng gasolina o krudo para umandar. Nakatutulong din ang mga ito upang mabawasan ang emisyon ng greenhouse gases sa lugar. Rice Hull Gasifier-pump System Gamit lamang ay ipa ng palay sa halip na gasolina, ang rice hull gasifier-pump system ay ginagamit sa pagbobomba ng tubig. Higit itong kailangan sa panahon ng tagtuyot lalo na sa mga lugar na nakadepende lamang sa tubig-ulan. Ito ay may kakayahang magbomba ng 6-7 litro ng tubig kada segundo. Windmill-Pump System Gamit ang likas na lakas ng hangin, ang windmill-pump system ay maaaring gamitin sa pagpapatubig ng pananim. Sa pamamagitan ng ihip ng hangin, ang elesi ng windmill ay umiikot na siyang nagpapagalaw sa bomba na nag-aalsa ng tubig. Ito ay angkop sa mga lugar na malakas ang ihip ng hangin.

Upload: others

Post on 20-Apr-2020

9 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Rice Hull Gasifier-pump System - Pinoy Rice …...Ang mga teknolohiyang ito ay hindi nangangailangan ng gasolina o krudo para umandar. Nakatutulong din ang mga ito upang mabawasan

Ang mga teknolohiyang ito ay hindi nangangailangan ng gasolina o krudo para umandar. Nakatutulong din ang mga ito upang mabawasan ang emisyon ng

greenhouse gases sa lugar.

Rice Hull Gasifier-pump System Gamit lamang ay ipa ng palay sa halip na gasolina, ang rice hull gasifier-pump system ay ginagamit sa pagbobomba ng tubig. Higit itong kailangan sa panahon ng tagtuyot lalo na sa mga lugar na nakadepende lamang sa tubig-ulan. Ito ay may kakayahang magbomba ng 6-7 litro ng tubig kada segundo.

Windmill-Pump System

Gamit ang likas na lakas ng hangin, ang windmill-pump system ay maaaring gamitin sa pagpapatubig ng pananim. Sa pamamagitan ng ihip ng hangin, ang elesi ng windmill ay umiikot na siyang nagpapagalaw sa bomba na nag-aalsa ng tubig. Ito ay angkop sa mga lugar na malakas ang ihip ng hangin.

Page 2: Rice Hull Gasifier-pump System - Pinoy Rice …...Ang mga teknolohiyang ito ay hindi nangangailangan ng gasolina o krudo para umandar. Nakatutulong din ang mga ito upang mabawasan

Rice Hull Stove

Ang kalan na ito ay gumagamit ng ipa ng palay bilang panggatong sa halip na gasul o LPG at kahoy. Ito ay may dalawang klase: Maligaya rice hull stove at Rice hull gasifier stove. Sa isang kilong ipa, kaya ng Maligaya rice hull stove na magbigay ng 650 °C na init sa loob ng 1 oras, at ang rice hull gasifier stove naman ay pwedeng gamitin ng hanggang 30 minuto gamit lamang ang 0.8 kilo na ipa.

Rice Hull Carbonizer

Ito ay ginagamit upang gawing biochar ang mga ipa ng palay. Ang biochar ay nakapagpapataas ng kalidad ng lupa, at isa sa mga pangunahing sangkap sa paggawa ng organikong pataba. Ang paggamit ng biochar ay nakababawas sa emisyon ng karbon sa hangin.

Rice Hull Gasifier Stove

Maligaya Rice Hull Stove

Sinuri ni: Engr. Joel Ramos, Rice Engineering and Mechanization