pssst july 13 2012 issue

11
Kleptomaniac na solon pinapraning ng mga kapwa-solon Driver sabay na nabuntis ang dalawang lover HOLLYWOOD BITZ NICOLE KIDMAN SINUPORTAHAN NGA BA SI KATIE HOLMES SA DIVORCE+MILEY CYRUS•ROBERT PATTINSON KAPIT-BAHAY MO, I-BLIND ITEM MO! TSISMIS PAHINA 4 BIYERNES • HULYO 13, 2012 PULITIKA • SHOWBIZ • SPORTS • SCANDAL • TSISMIS www.pssst.com.ph Vol. 1 No. 136 P10 No.1 ISSN-2244-0593 1$ = P41.883 Hunk na HS student pa-booking pala Lotto Results 6/49 SUPERLOTTO 45 49 30 33 20 44 Sa paglipat ni Allen: Back-to-back tatargetin 6/42 LOTTO 22 17 01 13 32 06 SPORTS PAHINA 10 TSISMIS PAHINA 4 COCO MARTIN, NASAPAWAN SI GOV. VILMA SANTOS?! TODAY’S WEATHER Variable clouds with scattered thunderstorm 32°C TSISMIS PAHINA 4 Alma bilib sa tatag ni ZsaZsa Amalia Fuentes humingi ng proteksyon sa NBI Gov. Vilma Santos na-‘first time’ sa horror NATIONAL DAY OF REMEMBRANCE PULITIKA PAHINA 2 SHOWBIZ PAHINA 9 ISA si Pangulong Benigno ‘PNoy’ Aquino III sa mga nakira- may sa mga naulila ng comedy king na si Dolphy sa Heri- tage Park sa Taguig City. Kasama ng Pangulo sa larawan ang longtime partner ni Dolphy na si ZsaZsa Padilla. Malacañang Photo Bureau DOLPHY ‘biniro‘ ang media SHOWBIZ PAHINA 6 SHOWBIZ PAHINA 8 PULITIKA PAHINA 2 Isabelle Daza sakit pa ng ulo sa set?! Hindi na nga mahusay sa hosting ... SHOWBIZ PAHINA 6 SHOWBIZ PAHINA 8 Janine Gutierrez ayaw magpakabaliw sa pag-ibig SHOWBIZ PAHINA 7 SHOWBIZ PAHINA 7 Rhian Ramos at KC Montero from business partners to lovers? SHOWBIZ PAHINA 8 ZsaZsa Padilla Janine Gutierrez

Upload: peter-mariano

Post on 26-Mar-2016

266 views

Category:

Documents


25 download

DESCRIPTION

P.S.S.S.T. Politics Showbiz Sports Scandal Tsismis. FRIDAY July 13, 2012. Visit the website at: http://www.pssst.com.ph and join us at Facebook http://www.facebook.com/Politics.Showbiz.Sports.Scandal.Tsismis

TRANSCRIPT

Page 1: PSSST July 13 2012 Issue

Kleptomaniac na solon pinapraning ng mgakapwa-solon

Driver sabay na nabuntis ang dalawang lover

HOLLYWOOD BITZ NICOLE KIDMAN SINUPORTAHAN NGA BA SI KATIE HOLMES SA DIVORCE+MILEY CYRUS•ROBERT PATTINSON

KAPIT-BAHAY MO, I-BLIND ITEM MO! TSISMISPAHINA 4

BIYERNES • HULYO 13, 2012

PULITIKA • SHOWBIZ • SPORTS • SCANDAL • TSISMIS

www.pssst.com.ph

Vol. 1 No. 136P10

No.1

ISSN-

2244

-059

3

1$ = P41.883

Hunk na HS studentpa-booking pala

Lotto Results • 6/49 SUPERLOTTO 45 49 30 33 20 44

Sa paglipat ni Allen: Back-to-back tatargetin

6/42 LOTTO 22 17 01 13 32 06

SPORTSPAHINA 10

TSISMIS PAHINA 4

COCO MARTIN, NASAPAWAN SI GOV. VILMA SANTOS?!

TODAY’S WEATHERVariable clouds withscattered thunderstorm 32°C

TSISMIS PAHINA 4

Alma bilib sa tatag ni ZsaZsa

Amalia Fuentes humingi ng proteksyon sa NBI

Gov. Vilma Santosna-‘first time’sa horror

NATIONAL DAY OF REMEMBRANCE PULITIKA PAHINA 2

SHOWBIZPAHINA 9

ISA si Pangulong Benigno ‘PNoy’ Aquino III sa mga nakira-may sa mga naulila ng comedy king na si Dolphy sa Heri-tage Park sa Taguig City. Kasama ng Pangulo sa larawan ang longtime partner ni Dolphy na si ZsaZsa Padilla. Malacañang Photo Bureau

DOLPHY ‘biniro‘ ang media

SHOWBIZPAHINA 6

SHOWBIZPAHINA 8

PULITIKA PAHINA 2

Isabelle Daza sakit pa ng ulo sa set?!

Hindi na nga mahusay sa hosting ...

SHOWBIZPAHINA 6

SHOWBIZ PAHINA 8Janine Gutierrez ayaw magpakabaliw sa pag-ibig

SHOWBIZPAHINA 7

SHOWBIZPAHINA 7

Rhian Ramos at KC Montero from business partners to lovers? SHOWBIZ

PAHINA 8

ZsaZsa Padilla

Janine Gutierrez

Page 2: PSSST July 13 2012 Issue

PULITIKA BIYERNES • HULYO 13, 20122www.pssst.com.ph

National Day of Remembrance

NinaJulie Santiago

Rogine Rogelio

SINIMULAN kahapon ng alas-8:00 ng umaga ang public viewing sa mga labi ng comedy king na si Dolphy.

Simula alas-singko ng umaga ay pumila na ang mga tagahanga ng co-medy king para makapasok sa Mortuary and Crematory Building para sa public viewing.

Naka-t-shirt na may naka-imprentang “We love Dolphy” at may bitbit pang mga larawan at bulaklak ang karamihan sa mga sumilip sa mga labi ng hari ng komedya.

Naging mabilis naman ang pagpasok at walang naging problema dahil pag-kasilip ay agad ding lumalabas ang mga nakiramay.

Apat na chapels ang inilaan ng pamil-ya Quizon sa mga kaanak at kaibigan na makikipaglamay.

Ang public viewing ay tatagal ng alas-3:00 ng hapon na sisimulan ngayong araw hanggang sa Sabado.

Sa Linggo, Hulyo 15 ang itinakdang petsa ng libing ng Comedy King.

PSSSTnewswires

Public viewing kay Pidol hanggang Sabado

Ang deklarasyon ay ibinase sa Presidential Proclamation 433 na nilagdaan ng Pangulo.

“The President issued the proclamation in recognition of how the nation deeply feels the passing of Dolphy. In the proclamation, the President cited Dolphy as a man who will live on in Philippine cultural history-and in the hearts of many of his countrymen,” ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte.

Gayunman, nilinaw ng Malakanyang na hindi ito non-working holiday.

Hindi rin ani Valte inaatasan ng proklamas-yon na i-half mast ang mga bandila gayundin ang ilang minutong katahimikan sa mga tang-gapan ng gobyerno.

Paliwanag ng tagapagsalita ng Palasyo ang

buhay ni Dolphy at hindi ang pagpanaw nito ang sentro ng pag-alala ng bansa.

Labis naman ang kagalakan ng pamilya Quizon sa deklarasyon ng Malakanyang.

Nauna dito ay plano ng Malakanyang na magdeklara ng ‘national day of mourning’ bi-lang pagbibigay-pugay sa pagpanaw ni comedy king Dolphy.

Ang ‘national day of mourning’ ay kara-niwang idinedeklara sa araw ng pagkamatay o libing ng kinikilalang personalidad.

Samantala, dumalaw na kagabi si PNoy sa burol ni Dolphy sa Heritage Park sa Taguig City kung saan ay personal nitong nakausap ang mga naulila ng hari ng komedya sa pangunguna ng longtime partner na si ZsaZsa Padilla. Ira Corvera

OPISYAL nang idineklara kagabi ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III bilang ‘National Day of Remembrance’ ang Hulyo 13 (Biyernes) bilang pagkilala sa yumaong Comedy King Dolphy.

KINALAMPAG ni Cotabato Bishop Jose Colin Bagaforo ang gobyerno at iginiit na solusyunan ang problema sa mga kabataan na sumasali sa mga armadong pakikibaka.

Ayon sa obispo, dala ng kahirapan at ang iba ay adventure lamang kaya’t nare-recruit sila para humawak ng armas at ipagtanggol ang sarili at grupong kanilang kinaaaniban.

Dagdag pa ni Bishop Bagaforo, kaila-ngan nakasentro din sa kanayunan ang pro-grama ng gobyerno lalo na sa pagbibigay edukasyon sa mga bata at tukuyin ang mga problema na kanilang kinakaharap upang ito ay matugunan.

Sa ulat ng United Nations, nasa 600 at na nasa gulang 8-17 ang minor rebels sa bansa at kung hindi matutugunan ang suli-raning ito, posibleng tumaas pa ang bilang.

“Karamihan ng kabataan ngayon ang sit-wasyon natin gaya ng poverty ang dahilan o unavailability ng trabaho and therefore very easy for then to be recruited o ‘di kaya

maghanap ng mga trabaho bilang ‘body guards’ ng mga powerful local politician,” pahayag ni Bishop Bagaforo sa panayam ng Radyo Veritas.

Kasabay nito, nanawagan si CBCP- Episcopal Commission on Youth, executive secretary Rev. Fr. Kunegundo Garganta sa Department of Social Welfare and Develop-ment (DSWD) na bigyan ng kaukulang pan-sin ang ulat ng United Nations na umaabot sa mahigit 600 kabataan ang sangkot sa rebelyon o kaanib ng mga bandidong Abu Sayyaf, NPA at MILF.

Ayon kay Fr. Garganta, bagamat hindi na bago ang naturang ulat, nakakabahala ang dumaraming menor de edad ang na-ri-recruit ng mga rebelde na dapat sana ay nasa paaralan.

Giit ng pari, dapat maglatag ng prog-rama ang DSWD na huhubog sa kagalingan at buong pagkatao ng mga kabataan. Ira Corvera

Simbahan naalarma samga rebeldeng kabataan

NAGMATIGAS ang Department of Labor and Em-ployment (DOLE) sa implementasyon ng pagbibi-gay ng buwanang sahod sa mga bus driver.

Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, itutuloy ng DOLE ang implemen-tasyon ng buwa-nang sahod sa mga bus driver at mga conductor.

Ang pahayag ay ginawa ng kalihim sa harap ng pagbawi ng Korte Suprema sa status quo ante na pumipigil sa pagbibigay ng fixed salary sa mga driver at konduktor ng bus.

“Itutuloy na namin ngayon ‘yung pag-iimple-ment,” giit ni Baldoz.

Idinagdag pa ni Baldoz na bagama’t pumabor sa kanila ang huling desisyon ng Kataas-taasang Huku-man, tiniyak ni Baldoz na magbibigay pa rin sila ng komento alinsunod na rin sa hinihingi ng Korte.

“In the meantime, tuloy-tuloy ang pag-iimple-ment namin ng Department order 118,” pahayag pa ng kalihim.

Labis ding ikinatuwa ng kalihim ang hakbang ng

Korte Suprema dahil naipapakita umano nito na pa-tas ang hudikatura dahil nagsusulong ng magandang reporma ang pagkakaroon ng fixed salary scheme sa mga bus driver at konduktor.

Nauna dito ay pinigilan ng Supreme Court ang pagpapatupad ng naturang kautusan matapos mag-hain ng pagtutol ang Provincial Bus Operators Asso-ciation of the Philippines (PBOAP), Southern Luzon Bus Operators Association, Inc. (SOLUBOA), Inter- city Bus Operators Association (INTERBOA) at City of San Jose Del Monte Bus Operators Associa-tion (CSJDMBOA).

Nanindigan ang Supreme Court (SC) sa pagbawi sa status quo ante order laban sa kautusan ng DOLE na nagtatakda ng buwanang sweldo ng mga driver at konduktor ng bus.

Hulyo 1 nang sinimulang ipatupad ng DOLE ang fixed salary scheme pero tinutulan ito ng mga grupo ng bus operators.

Patricia Oamil

DOLE ayaw paawat:

Buwanang sahod sa mga bus driver, tuloy

PAGSAPRIBADO KINONDENA!Sumugod sa harapan ng Jose Reyes Memorial Medical Center anggrupong Gabriela para kondenahin ang plano ng gobyerno na isa-pri-bado ang mga pampublikong ospital dahil magdudulot lamang ito ng dagdag pasakit sa mahihirap na mga Filipino. Jhay Chavez

HANGANG-HANGA si Alma Moreno, isa sa mga nakarelasyon ng namaya-pang hari ng komedya na si Dolphy sa pag-aalaga ni Zsa Zsa Padilla sa ama ng anak na si Vandolp.

Sa pahayag ni Alma na nagsadya kahapon sa Senado, hanga aniya sya sa pagmamahal ni Zsa Zsa kay Dolphy dahil hanggang sa huling sandali ay nasa tabi niya ito.

Si Alma ay dumalo sa pirmahan ng memoran-dum of agreement (MOA) sa Senado kaugnay sa igagawad na tulong sa 10 awardees ng The Out-standing Councilors of the Philippines (TOCP) na kanyang pinamumunuan.

Nalaman umano ni Alma na namatay na si Dolphy noong Martes ng gabi nang mag-text sa kanya si Vandolph, pero hindi ito makapunta sa ospital dahil nasa probinsiya pa ito.

“Hindi ako missing in action. Kaninang madaling araw dapat kami ni Vandolph sabay na pupunta kanina 6 in the morning kaya lang tu-mawag sa akin si Van na ‘mama wag ka munang pumunta( sa ABS-CBN), puwedeng ngayon (sa Heritage),”pagdidiin ni Alma.

Nilinaw din ni Alma na ang mahalaga ay minsan niyang nadalaw si Dolphy sa Makati Medical Center at seryoso niya itong kinausap at kinumusta kahit na hindi na ito nakakapagsalita.

Julie Santiago

Alma bilib sa tatag ni ZsaZsa

Page 3: PSSST July 13 2012 Issue

NEWSBIYERNES • HULYO 13, 2012 3 www.pssst.com.ph

TULOY-TULOY umano ang pagpapatupad ng `yellow lanes’ para sa mga bus.

Ito ang sinabi ni Metro Manila Develop-ment Auhtority (MMDA) Asst. Gen. Manager for Operations Atty. Emerson Carlos kahapon.

Dinagdag pa ni Carlos na sumusunod na-man umano ang mga motorista sa ibanabang kautusan ng ahensiya.

“Ang monitoring namin ngayon, `yung mga buses sumusunod na sa ating yellow lane after ng meeting namin with the different bus opera-tors”, pahayag ni Carlos.

Nagpaalala rin ang opisyal sa ibang nalili-tong bus drivers na tanging sa yellow lanes la-mang dumaan sa lahat ng oras. Hindi rin umano maaaring basta dumaan sa mga tunnel at flyover na wala namang yellow lane.

Iginiit pa nito na tanging mga provincial

bus lamang umano ang puwedeng lumabas ng yellow lane sa mga partikular na oras upang maiwasan ang trapiko.

“Binibigyan natin sila ng window dito from 6 to 10 in the morning and 5 to 9 in the afternoon na puwede silang lumabas sa yellow lane at dumaan sa mga flyovers natin pero sa tunnel pinagbabawa-lan natin silang dumaan doon,” sabi ni Carlos.

“Ang rational behind that is `pag rush hour from 6 to 10 in the morning, 5 to 9 sa hapon mas marami ang dispatch ng mga city buses. Sapagkat yun po yung oras na pumapasok at lumalabas na mula o galing sa opisina or esku-welahan yung ating mamamayan. So i-e-ease natin yung bus lanes natin at papayagan natin yung mga provincial bus na lumabas muna rito at gamitin ang kasunod na linya,” paglilinaw pa nito. Honey Rodriguez

Sa ginanap na ASEAN-US Ministe-rial Meeting sa Cambodia, hinimok ni US Secretary of State Hillary Clinton ang 10-member states ng ASEAN na magka-isa sa pagpapakita ng posisyon sa isyu.

Ayon kay Clinton, mahalaga umanong ngayon pa lamang ay maresolba na usapin upang hindi na maging malaking balakid sa darating na panahon.

“ASEAN needs to meet its own goals

and standards and be able to speak with one voice on issues facing the region,” pahayag ni Clinton.

Liban sa nabanggit na gusot sa pagitan ng Pilipinas at China ukol sa Scarborough Shoal at Spratlys, kasama rin sa girian sa teritoryo ang Vietnam at Taiwan.

Kasama ni Clinton bilang co-chairman si Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario sa nabanggit na pulong. JM Castro

US sumegundasa PH call sa

ASEAN vs China

Yellow lanes para sa mga bus tuloy-tuloy - MMDA

NAKIISANG sumigaw kasama ng ilang sektor ng lipunan ang mga grupo ng kabataan upang isabatas na ang matagal nang natutulog na Free-dom of Information (FOI) Bill sa Kongreso.

Ginawa ang naturang panawagan sa pama-magitan ng programa ng mga ito na Konsulta-hang Kabataan: PULSO (Pinag-isang Ugnayan Laban Sa Opinyon) sa Universidad De Manila (UDM) sa Arroceros, Maynila kahapon.

Sa pagtalakay ng FOI sa nabanggit na fo-rum, naging katuwang ang UDM ng Kabataang Liberal Party-list kasama ng mga panauhing tagapagsalita na sina Manila Mayor Alfredo Lim, House Deputy Speaker Lorenzo “Erin” Tañada III, kinatawan ng Kabataang Liberal Partylist Melchor Cayabyab, Atty. Nepomuceno Malaluan, Lea Navarro at Kristine Baguio.

Sa pahayag ni Malaluan, sinabi nitong matagal nang nahimbing ang FOI at panahon

na umano para bigyan ito ng pansin ng mga mambabatas.

“Ilang kongreso na ang dumaan, hindi pa rin maipasa-pasa ang FOI. Taong 1997, new born pa ang anak ko, ngayon, magkokolehiyo na siya ay hindi pa rin ito naipapasa. Ano ba’ng problema?” giit ni Malaluan.

Hiningi naman ni Cayabyab ang suporta ng lahat para maisabatas na ang FOI Bill na umano’y aayon sa pagbabago at tuwid na daan na inaasam ng administrasyong Aquino at buong bansa.

Ang FOI Bill ay nagbibigay-kapangyarihan sa publiko upang mabulatlat ang mga public document kabilang na ang statement of assets, liabilities and net worth (SAL-N) ng mga opisyal ng pamahalaan at iba pang mga govern-ment transaction.

Honey Rodriguez

Kabataan sumamang sumigaw para sa FOI

P4-B sa CCT pinatatapyas ni drilon

SINEGUNDAHAN kahapon ng Amerika ang panawagan ng Pili-pinas sa iba pang mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na manindigan laban sa China, kaugnay ng territorial disputes sa bahagi ng West Philippine Sea.

NANGUNA ang University of Sto. Thomas (UST) sa mga paaaralang sumailalim sa Pharmacist Licensure Examination na ibinigay ng Board of Pharmacy sa mga lungsod ng Maynila, Baguio, Cebu at Davao ngayong buwan.

Si Heidi Rose Censon Tanjueco na nakakuha ng markang 91.63 ay kabilang sa 1,117 na nakapasa mula sa 1,770 na kumuha ng naturang pagsusulit.

UST nanguna sa Pharmacist Licensure Exam

NAABURIDO ang mga weather forecaster ng Pilipinas kaugnay ng umano’y tinanggal na benepisyo ng mga ito.

Sinabi ni Philippine Atmospheric Geophysi-cal and Astronomical Services Administration (PAGASA) Weathermen Employees Association President Ramon Agustin na simula pa noong Marso ay hindi pa umano ibinibigay sa kanila na nakapaloob sa Magna Carta for Science and Technology Employees.

Kabilang umano rito ang substance allo-wance na P160 kada araw at hazard pay na 15% ng kanilang suweldo at longevity pay.

Himutok pa ni Agustin, nasa P3,000 hang-gang P4,000 lang umano kada buwan ang naiuu-wing sahod ng mga empleyado ng PAGASA.

Sentimiyento pa nito, aanhin pa umano ng gobyerno ang modernisasyon sa ahensya kung unti-unti namang nauubos ang mga wearther expert.

Nilinaw naman ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na pansamantalang sinuspinde ang nasabing benepisyo dahil sa fun-ding problem noong 2011.

Gayunman, nakipagpulong na umano ang mga opisyal ng PAGASA sa Department of Budget and Management matapos magbigay ng direktiba si Pangulong Noynoy Aquino na ayusin na ang issue.

Matatandaang sa loob ng 10 taon, 22 emple-yado na ng PAGASA ang nangibang bansa dahil sa malaking suweldo. Rogine Rogelio

PH forecasters naaburido sa benepisyo

PINATATAPYASAN ni Sen. Franklin Drilon ng P4-B ang umano’y napakalaking imple-mentation cost ng Department of Social Welfare and Develop-ment (DSWD) kaugnay ng pagpapatupad ng P39.45 bil-lion conditional cash transfer program o CCT para sa mga mahihirap na pamilya.

Lumutang ang naturang halaga sa ginanap na joint Congressional hearing sa Senado kahapon na tataas pa umano sa P4.48 billion sa 2013.

“Your budget is far in excess of what is acceptable as administrative cost. Given the magnitude of this program, we should be more accurate in budgeting in terms of administrative cost,” pahayag ni Drilon.

Dagdag pa ng senador:“We want to reduce it to about

7 percent from 10 percent of the total program budget.” JM Castro

NAPATAY sa isang engkuwentro ng mga operatiba ng Manila police ang hindi pa nakikilalang lalakeng ito na diumano’y nangholdap ng isang pampasaherong jeepney sa kahabaan ng Abad Santos sa Tondo, Maynila. Jhay Chavez

Sinundan si Tanjeco ng isa pang taga-UST na si Rafael Paolo Cunanan Salimo na nakakuha naman ng 91.42.

Pumangatlo ang University of the Philip-pines, pang-apat `uli ang UST, panglima ang Centro Escolar University (CEU)-Malolos, UST `uli sa pang-anim, pangpito ang Univer-sity of San Carlols, UST `uli ang pangwalo at pangsiyam, at bumalik sa pangsampu ang CEU-Malolos. JM Castro

SA layuning lalong lumuwag ang daloy ng trapiko sa Edsa ay ipinanukala ng Metropoli-tan Manila Development Authority (MMDA) ang paglalagay ng special lane na tatawaging "EDSA Express".

Ayon sa MMDA, bubuksan ang EDSA Express sa mga bus company na papayag mag-merge o magsanib upang mabawasan ang oversupply ng

EDSA Express mga bus na bumibiyahe sa EDSA.Paliwanag ni MMDA Chairman Francis To-

lentino na ang nasabing hakbang ay ipatutupad upang lalo pang mabawasan ang volume ng mga sasakyan sa Edsa.

Dagdag pa ni Tolentino, mayroong mga bus company na bukas sa merger kaya’t maari itong maisakatuparan.

Ang EDSA express ay planong gawin sa isa sa dalawang yellow lanes na itinalaga ng MMDA. Julie Santiago

Page 4: PSSST July 13 2012 Issue

TSISMIS BIYERNES • HULYO 13, 20124www.pssst.com.ph

Sa kwento ni Bugzie, sineryoso ng kanyang mga kasamahan ang mga balita o tsismis na “malikot” ang kamay ng isang mambabatas dahil tuwing nagkaka-roon ang mga ito ng pagtitipun-tipon ay iti natago ang kanilang mga bag.

Wala pa namang nabi biktima ang mamba batas sa kanyang mga kasamahan pero matindi ang pag-iingat na ginagawa ng mga ito kapag kasama nila ang solon.

Bago kasi naging mambabatas ang solon ay mayroong tsismis na malikot ang kamay nito as in isa

umano siyang kleptomaniac o ku-

mukuha ng mga gamit na hindi sa kanya.Ang matindi, kayang-kaya naman ng

mambabatas na bilhin ang mga bagay na kanyang pinagtitripang kunin pero gina-gawa niya ito dahil sa taglay daw niyang sakit.

Ang mga tsismis ay tumatak sa mga kasamahan ng mambabatas kaya ang biruan ng kanyang mga kasamahan ay magtago ng bag kapag siya ay dumara-ting na. Sino siya? Clue: ang lady solon

na miyembro ng Kamara ay mula sa NCR na may letrang N sa kanyang pangalan as in “nakaw” ang ilan sa kanyang mga acces-sories.

Para sa iba pang blind items bumisita sa aming website sa www.pssst.com.ph

Candido C.

PROTESTA SA K+12Nagprotesta ang Kilusang Mayo Uno sa Plaza Miranda sa Quiapo, Maynila para tutulan ang K+12 education program na sinimulan ang implementasyon ngayong taon dahil dagdag- pahirap lamang umano ito sa mga manggagawang Filipino.

Kleptomaniac na solonpinapraning ng mga kapwa solon

HI po sa inyong lahat, sa mga taga-subaybay ng PSSST. I’m Ellen, taga Alabang, Muntinlupa City. Gusto ko lang itsismis itong kapitbahay kong babaero.

Aba’y mantakin n’yo ba na-mang, may tatlo na ngang anak, na-gawa pang makabuntis ng dalawang babae, sabay yun ha. Di ba matulis. Tawagin na lang natin siya sa pan-galang Jayson, bus driver, tubong Bicol. Di ba pag Bicolano, ma-L? Solo parent po itong sa Jayson, nai-wan sa kanya ang kanyang tatlong anak. Namatay kasi ang asawa, breast cancer two years ago. Buti na lang yung panganay, si Suzie, 17, maasahan na sa gawaing bahay.

Ito namang si Jayson, 40, fee-

ling binata pa rin. Mahilig pa rin sa babae. Dahil nga driver, sweet lover daw, kaya ayun may dalawang dyowa.

Ayon sa kaibigan ni Jayson na si Obet, nakabuntis daw ng dala-wang babae itong kaibigan niya at sabay na manganganak sa katapu-san ng Agosto. Kaya problema ang loko dahil malaking gastusin yun. Kulang na nga ang kinikita, tapos nambuntis pa.

Sa ngayon, todo kayod itong si Jayson sa pagtatarabaho, halos kontimg tulog na lang. 18 hours kung magtrabaho. Bus sa umaga, taxi naman sa gabi. Kayod marino ika nga.

Ang balita ko, sabi ng mga nabuntis ni Jayson, kapag nanganak na raw sila, iiwan nila ang bata sa kanya. Eh yung mga babae pala yung eh mga GRO sa club at may mga anak na rin.

Patay itong si Jayson pag nag-kataon, magiging lima agad ang anak niya. Malaking problema yan. Yan ang napala niya sa sobrang matulis niya. Buti nga. Hahaha!

Salamat po.Ellen ng Binan, Laguna

KAPIT-BAHAY MO, I-BLIND ITEM MO!

Kung kayo ay may kakaiba, na-kakagulat at nakakaawang kwento ng inyong kapit-bahay i-share dito sa Kapit-bahay Mo, I-Blind Item Mo at i-email sa [email protected] at manalo ng mga sorpresang papremyo.

Driver sabay na nabuntis ang dalawang lover

HELLO to followers of PSSST. Two weeks pa lang ho akong nagbabasa ng tsismis sa inyong online. Nakakaa-liw po kasi. Marami scandals, blind items about politicians at mga artista.

Pero mas naaliw ako sa tsismis about sa mga kapitbahay. Talagang for real. Totoo nangyayari sa buhay. Kaya naman naisipan ko ring magpadala.

Ang tsismis ko ay tungkol sa kapitbahay naming hunk, si Dave. Di lamang dito sa aming barangay siya sikat, kundi sa school. Tall, medyo Moreno at talagang artistahin ang dating. Hindi lang mga babae ang nabab-aliw sa kanya kundi mga bading. Malakas ang dating niya. Sabi nga nila, pang-display daw talaga.

Pero nakakuha ako ng info about Dave na nagpapa-book daw ito sa mga bading, at karamihan daw sa mga customer niya ay yung mga professional na bading, yung mga trabaho na may big salaries.

Kaya ko nalaman, eto kasing pinsang kong si Gaynor, na isang manager sa isang call center sa Ortigas ay naging customer ni Dave. Ni-refer lang daw sa kanya noong gay friend

in niya.Alam n’yo ba

how much ang presyo ni Dave? P10,000 for two hours. Bale 5k each hour. Wow! Ang

taas ng presyo. Pero kwento ni Gaynor sulit naman daw ang ibinabayad nila kay Dave kasi gagawin daw niya lahat kahit ano raw. Game na game daw talaga.

At wala raw pahinga ha. Jingle nga lang daw ang pahinga.Mahusay daw ang perfor-mance ni Dave, wala ka raw masasabi at ‘di ka manghihinayang sa P10 k mo. Sabi nga ni Gaynor, babalikan daw niya si Dave kasi bitin daw siya.

Kaya naman pala ang porma porma nitong si Dave at mga di signatures ang mga damit, tapos high tech ang mga gadgets niya, ‘yun pala matindi ang raket niya sa mga bading.

Hindi raw nag-gi-girlfriend itong si Dave kaya nagtataka kami. Ang sabi nga ilan, di kaya silahis itong si Dave? Yan ang oobserba-han natin. Pero dream ko rin na tikman siya hahaha..

Justine of Marikina City

Hunk na HS studentpa-booking pala

NATSISMIS na kleptomaniac o makati ang kamay ng isang lady solon kaya naman ilan sa kanyang mga kapwa mambabatas ay tila iwas sa kanya.

Page 5: PSSST July 13 2012 Issue

BIYERNES • HULYO 13, 2012 5 www.pssst.com.ph/beta OPINYONSi Ka Paeng Mariano at si CJ nominee DOJ Sec. Leila De Lima

MARLO DALISAY

WALANG SABLAY

Siya ay napapakinggan din sa DZRB Radyo ng Bayan 738khz AM band alas 8-9 ng umaga Mar-tes at Huwebes sa programang 738 KALYE ESCALERA.

CELY BUENOISYU

Tambalan para sa 2016 elections, dapat na bang pag-usapan

ELY SALUDAR

STRAIGHTTO THE POINT

Tantanan na ang Cha Cha

APAT na taon pa bago ang 2016 presi-dential elections pero ngayon pa lang ay pinag-uusapan na ang mga maaa-ring maging magkatandem at maaa-ring maglaban-laban sa presidential at vice presidential race.

Kamakailan lang ay lumabas ang balita na pinag-uusapan na sa political circle ang Jojo-Jinggoy at Mar-Chiz teamup para sa halalang pampangulu-han at pampangalawang panguluhan sa 2016.

Bagamat malapit si Escudero kay Vice President Jejomar Binay dahil sa matatandaang si Escudero ang sinasabing isa sa mga nasa likod ng NoyBi campaign slogan noong 2010 presidential elections pero sinasabing mas lamang daw si Estrada kaysa kay Escudero para maging katandem ni VP Binay.

Sa ngayon kasi, kapansin-pansin na wala pa sa ipinalabas na inisyal na listahan ng senatorial candidate ng United Nationalist Alliance o UNA si Escudero. Ang UNA ay koalisyon ng Partido ng Masang Pilipino ni da-ting pangulong Joseph Estrada at ng PDP-LABAN na partido naman ni VP Binay.

Indikasyon ba ito na hindi na maganda ang relasyon sa pagitan nina Binay at Escudero kaya’t tila walang offer mula sa UNA para mapasama sa kanilang senatorial lineup si Senator Escudero? Totoo bang may pagtatampo ang senador sa ating Bise Presidente?

Anuman ang real score sa pagitan nila, patunay lang ito na sa larangan ng pulitika ay wala talang permanenteng magkaibigan at walang permanenteng magkaaway.

Tanong ng marami, tama bang nga-yon pa lang ay pag-usapan na ang mga maaaring tambalan, ang mga maaring maglaban-laban sa 2016 elections o sobra pang maaga dahil mayroon pa nga tayong nakatakdang halalan sa susunod na taon.

Para kay Senator Kiko Pangilinan, masyado pang maaga para ito ay pag-usapan, marami pa anyang maaaring mangyari bago ang halalang pam-panguluhan. Iginiit naman ni Senator Gringo Honasan na napakaraming mas seryosong problema ang bansa na mas dapat pag-ukulan ng pansin sa ngayon.

Ikinagulat naman ni Senate Presi-dent pro tempore Jinggoy Estrada ang paglabas ng naturang balita. Tiniyak ng senador na hindi ito makaaapekto sa magandang working relation nila

ni Senator Escudero bagama’t tila may nais nang sila’y pagsabungin.

May tamang panahon para sa lahat. Para kay Juan dela Cruz sa ganitong mga panahon mas importante sa kanila ay mga usaping malapit sa kanilang sikmura, mga usaping makatutugon sa kanilang pang-araw-araw na suliranin bagama’t para sa mga naghahangad na sumabak sa halalang pampanguluhan sa 2016, makabubuting ngayon pa lang ay pag-aralan na nila kung paano lulutasin ang mga problema ng bansa.

KATULAD ng dapat asahan, hindi lamang ang mga grupo ng mama-mahayag ang naglabas ng kaliwa’t kanang sentimiyento sa kapasya-han ng pamunuan ng Department of Justice (DOJ) na ilipat sa ibang lugar sa bisinidad ng gusali ang espasyong inookupa bilang wor-king area ng mga mamamahayag na nakabase sa kagawaran.

Ginawa ring instrumento ng ilang mga sektor na may mga kinatawan na sa party-list system

sa Kongreso ang naturang pangyayari upang mag-ingay at makisakay sa mga grupong dismayado at galit kay Justice Secretary at (incoming?) Supreme Court Chief Justice Leila De Lima.

Kabilang sa mga kinatawan ng par-tylist na unang pumiyok at nakisakay sa nag-aalimpuyong damdamin ng mga miyembro ng JUCRA at JUROR (ang dalawang grupo ng mamamaha-yag na nakabase sa DOJ at SC beats) ay si Anakpawis Congressman Rafael “Ka Paeng” Mariano.

Para kay Ka Paeng na tila wala nang nagustuhan sa mga ginagawa ng gobyerno kahit pa nakikita niyang may mga nakabubuti rin para sa publiko, hindi lamang ang larangan ng malayang pamamahayag ang nasikil sa ginawa ni De Lima kundi pati na rin ang karapatan ng publiko na malaman ang mga tinatrabaho ng DOJ dahil buwis ng taumbayan ang ginugugol sa

mga ito.Pero kung mismong ang ordinar-

yong taumbayan ang tatanungin, halos katulad din ng himutok ni Ka Paeng ang sinasabi ng mga ito kung kaya’t kahit na hindi siya magsalita ay may-roon na ring malasakit at simpatiya na makukuha ang JUCRA at JUROR.

Sa kabilang banda, tama rin naman si Ka Paeng dahil hindi magandang tiyempo ang ginawa ni De Lima sa mga mamamahayag lalo pa nga’t sa darating na Martes, Hulyo a-23 ng kasalukuyang taon ay nakatakda na siyang isalang ng mga miyembro ng Judicial and Bar Council (JBC) sa matinding pagsasala matapos niyang tanggapin ang nominasyon sa puwesto ng napatalsik na si dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Hindi maiiwasan sa mga miyembro ng JBC na tanungin sa kanya kung gaano katindi ang impormasyong

ibinigay umano ng National Intel-ligence Coordinating Agency (NICA) kaugnay sa pagiging banta ng media sa DOJ sa seguridad doon.

Kungsakali man na hindi makapasa bilang SC Chief Justice si De Lima na siya na ring inaasahan ng mayorya ng mga nakabantay sa pangyayaring ito, kailangan niyang muling magpasalang sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) bilang kalihim ng DOJ.

Kahit labag sa kanyang kaloo-ban ay wala nang mapagpipilian si De Lima kundi ang mangunyapit sa kanyang kasalukuyang puwesto kung babagsak siya sa pagsasala ng JBC na dapat ay kinaaniban niya bilang pinuno ng Kagawaran ng Katarungan.

At sa dinami-rami ng miyembro ng Commission on Appointments na kai-langang sumailalim sa reeleksyon sa susunod na taon, siguradong puputak-

tehin din siya ng mga katanungan sa mga ito upang bumango sa media at makakuha ng libreng publisidad (kundi man discounted hehehe).

Ang masama pa nito ay baka ta-nungin pa ng mga miyembro ng maka-pangyarihang komisyon ang NICA at iba pa ang maisagot ng mga opisyal nito kaugnay sa naunang isiniwalat ni De Lima na umano’y pagiging banta ng media sa pambansang seguridad.

Malas lamang ni Ka Paeng dahil hindi siya miyembro ng makapang-yarihang komisyon kaya ang tangi niyang magagawa ay ang panoorin sa telebisyon, pakinggan sa radyo at basahin sa mga pahayagan at sa internet ang mga tanong at pagbi-bida ng kanyang mga kasamahan sa KAMARA na tulad niya marahil ay sasailalim din sa reeleksiyon sa susunod na taon.

ATTY. TRIXIE CRUZ-ANGELESPublisherMANUEL TRIA AUNManaging Editor

Disclaimer: Ang mga opinyon o artikulo sa pahayagang ito ay personal na pananaw o ginawa ng mga may akda at hindi inaaako ng PSSST editorial team, publisher o managers. Hindi kinakatawan ng PSSST board ang mga nakasulat at hindi gumagarantiya sa pinagmulan ng mga balita at kawastuhan nito kabilang ang mga pahayag, balita, pitak, komentaryo, litrato, cartoons, payo, at iba pang impormasyon.

Tru-Brew Media, Inc. 259 15th Avenue, Cubao, Q.C.Tel: 7107416e-mail: [email protected]

ILANG beses na ring tinangka na isulong ang charter change o

amyendahan ang ating 1987 Constitution na ilang beses ding hindi nakalusot dahil nabibisto ang tunay na motibo at ito ay ang pansariling interes ng mga pulitiko na nagsu-sulong nito.

Ngayon ay muling binuhay na naman ni Senate President Juan Ponce Enrile ang Cha-Cha na ang pangunahing tutumbukin daw ng pag-amyenda ay ang mga probisyon na may kinalaman sa pagpapasigla ng ekonomiya sa bansa.

Hindi ba’t ito rin ang matagal nang iniulat noon ng mga nagsusulong ng ChaCha? Pero sa dakong huli ay nagkakabistuhan din dahil may nagsisingit na dapat ay alisin na ang term limits ng mga pulitiko.

Gusto kasi ng karamihang pulitiko na

dere-derecho na sila sa puwesto hanggang sa tumanda at magretiro sa pulitika na hindi na sila mapapalitan.

Sa ngayon kasi ay sa pangulo ay isang termino lang na may 6 na taon samantalang sa mga senador ay hanggang 2 termino lang na aabot ng 12 taon sa kabuuan at 9 taon naman sa mga kongresista at iba pang local na opisyal.

Kung tutuusin ay balewala rin naman ang term limits sa mga pulitiko dahil ang ginagawa lang ay nagpapalitan lang ang mga magkakamag-anak, asawa o anak sa isang puwesto kapag natapos na ang termino.

Isang ehemplo riyan sa Davao City na natapos ang termino noon ni Mayor Rodrigo Duterte kung kaya’t siya ay kumandidatong vice mayor samantalang ang anak nito ay pinatakbong mayor na nanalo naman kung kaya’t mag-ama ang namumuno sa siyudad.

Maraming ganitong sitwasyon sa iba’t ibang lugar sa bansa at maging sa senado nga ay magkapatid pa nga ay parehong

senador at maaaring matapos ang eleksiyon sa 2013 ay mag-ama naman tulad noon ay mag-ina.

Ang ibig sabihin nito ay hindi na kailan-gan pa ang ChaCha at kung pag-uusapan ang usapin ng economic provisions ay marami rin naman ang lumulusot ngayon, kunwari ang Pilipino ang mayoryang may-ari ng isang korporasyon pero sa dayuhan talaga ito.

Ang mas makabubuting tutukan ng mga pulitiko ay tiyakin muna na naipatutupad na ng lubusan ang mga naunang napagtibay na batas dahil may kapangyarihan ang mga ito sa usapin ng kanilang oversight functions.

Hindi naman problema ang Konstitusyon sa bansa kundi ang mismong nagpapatupad ng batas at mga namumuno sa ating bansa.

Kayat tantanan na ang ChaCha at makabubuting pag-tuunan ng pansin ang iba pang

mas mahaha-lagang panukalang batas na siyang magpapabuti sa pamumuhay ng mga Pilipino.

Sa inyong reaksiyon o impormasyon ay maaaring mag-email sa [email protected] at laging makinig sa radio station DZXL RMN 558 Khz sa ating programang TAUMBAYAN NAMAN 8:30-10:00 ng umaga Lunes hanggang Biyernes at lag-ing manood sa TV station NET 25 sa ating newscast na MATA NG AGILA 6:00-7:00 ng

Page 6: PSSST July 13 2012 Issue

SHOWBIZBIYERNES • HULYO 13, 20126www.pssst.com.ph BIYERNES • HULYO 13, 2012 7 www.pssst.com.phEditor: Fernan De GuzmanAssociate Editor: Eric Borromeo

SIGURADO kami na bumabaha ng pakikira-may at balita sa dyaryo para sa malungkot na pagkawala ng nag-iisang Comedy King na si Dolphy, pero mali para sa isang kolumnista na tulad ko ang hindi magbigay-galang sa isang dakilang alagad ng sining na tulad niya.

Halos 50 years na ginawang masaya at puno ng katatawanan ang tahanang Pinoy ng ating Comedy King. Bilang Pinoy ay ilang beses niya na rin tayong dinulutan ng karangalan sa kanyang sining sa ibang bansa na kanyang pinabilib at pinasaya.

Pero bilang isang manu-nulat ay higit pa sa kasiyahan ang idinulot niya sa aming mundo. Binigyan niya kami ng inspirasyon para mag-imagine dahil alam ng bawat manunulat ng drama, komedya at babasahin na si Dolphy ay nag-iisa sa kanyang estado.

Makulay ang kanyang buhay pag-ibig patunay dito ang marami niyang anak, pero mas makulay ang kanyang karera dahil buo, buhay at panday iyon ng isang “artist… isang manlilikha”, isang tunay na alagad ng sining na mahirap nang ihanap ng kapantay o katulad!

Goodbye, Tito Dolphy, at maraming salamat sa lahat ng masasaya at makukulay na alaala!

Ang Public Viewing ng mga nalabi ng Comedy King ay simula alas 8 ng umaga hanggang alas 3 ng hapon hanggang Sabado sa Heritage Park sa Taguig kunsaan pansamantalang nakalagak ang kanyang mga labi.

------- o0o --------MASAYA ang bagong firm na JFC Productions sa tiwalang ipinagkaloob sa kanila ng mga respetadong director at mga talent managers nang imbitahan nila upang mag-reading ang ilan sa mga baguhan nitong alagang aktor.

Ipinadala ni Direk Manny Valera ang kanyang pamangkin na si Jam Valera sa nasabing casting at talaga namang nakita namin ang malaking potensyal na maging leading man ang nasabing baguhan dahil sa tindig at kagwapuhan nito, kailangan lang maghasa ni Jam ng kanyang Tagalog dahil sa lumaki ito sa Chicago.

Magaling din ang mga baguhang sina Leandro Lopez at Ross Uy.Pinagpapasyahan naman ng production kung sino kina Justine de Leon ng

Hotmen, Orlando Sol at Nico Cordova ng Maskulado’s ang bibida sa palabas dahil sa parehong magaling ang mga indie actors na ito na ngayon ay papalaot na rin sa mainstream tulad ng idolo nilang si Coco Martin.

Salamat, Direk Maryo J. and Gorgy Rula for sending your actors to our reading and for trusting us.

Siyempre, super thank you kami dahil personally ay nakilala namin sina Princess Velasco nina Tito Sonny at Tita Sherbet Ilacad at ang magandang anak ni Nadia Montenegro na si Ynna Asistio who both auditioned for the Maria Clara role.

Masaya po kami dahil kahit na baguhan ang produksyon ay ipinagkatiwala ninyo sa amin ang inyong mga talent.

Sa susunod na linggo ay malalaman na kung sino sa mga nasabing bituin ang magiging bahagi ng celebrity cast ng Noli/Fili Buong-Buod na magsisimula ng mapanood sa entablado mula sa September 2012.

KER KO!OGHIE IGNACIO

CHUTZPAH!RONNIE CARRASCO III

NOT every offspring is a chip off the old block. Sa payak na paraan ng pagpapaliwanag, hindi lahat ng anak ay nagmana sa kanyang magulang. Isang nagdudumilat na halimbawa ay ang TV host na si Isabelle Daza. More than her father whom showbiz hardly knows ay mas kilala si Isabelle bilang anak ng 1969 Miss Universe na si Ms. Gloria Diaz.

Looks-wise, marami ang namana ni Isabelle mula sa kanyang ina. Isabelle, kung gugustuhin lang niya, makes for a shoo-in sa local beauty pageant, if not a standout among the rest of the girls in the global search for beauty.

Pero hanggang beauty lang yata ang kayang ipagmalaki ng anak ng kauna-unahang Miss Universe mula sa bansa. Sadly, Isabelle does not seem to have inherited her mother’s witty and intelligent genes gayong malaki pa naman ang expectations sa kanya.

Nilalahat na namin ang mga katrabaho ni Isabelle who are one in saying that she is NOT cut out for hosting. Madalas, if not eternally, mga kasimple-simpleng spiels na nakatoka kay Isabelle na binabasa na nga niya ay hindi pa niya makuhang ideliber.

Aside from the “Bakel-bakel School of Hos-ting” that Isabelle seems to have enrolled in, isa rin sa mga inirereklamo sa kanya ay ang kanyang pa-VIP attitude. Almost always, Isabelle is the cause of delay during tapings of one of her shows.

Nasa set na raw ang lahat ng kanyang mga kasama, pero hayun ang hitad, still holed inside the dressing room facing the vanity mirror. Re-touch keti retouch daw ang ginagawa ni Isabelle, na kailangan pa raw siyang sunduin ng staff at kaladkarin papuntang set para makapag-roll na ang camera.

Ka-mukat-mukat mo, ang inabot nang siyam-siyam sa pagre-retouch si Isabelle, nang iluwa ng dress-ing room ay wala namang nabago sa hitsura! Ma-palalampas na raw sana ng production staff ang mga quirks na ‘yon ng hitad, kaso, pag nagdeliber na raw ito ng kanyang mga linya on-camera ay masahol pa si Isabelle sa namatayan!

As in wala siyang kabuhay-buhay mag-host! But as if naman ay may choice ang mga program-ang nagkakanlong kay Isabelle, who would dare defy management’s order, aber?

Fine, management’s order is a given. Anumang disgust ng staff kay Isabelle for being a virtual non-talent will always be a suppressed feeling na hindi rin naman magreresulta sa pagka-katsugi kay Isabelle.

But if Isabelle is smart and sensitive enough, sa kanya na dapat magmula ang pagbibitiw sa kanyang hosting job. After all, she’s an “NPA”… as in a non-performing asset.

NALUNGKOT ang buong Pilipinas nang mabalitan ang pagpanaw ng Hari ng Komedya na si Dolphy noong Martes ng gabi.

Habang nanonood kami ng teleseryeng Princess & I at pinag-uusapan namin ng mga kaibIgan sa panulat tulad nina Boy Romero, Mildred Bacud at Rommel Placente kung gaano ka-appealing ni Daniel Padilla, sumabay ang pagbuhos ng ulan sa labas ng TJ’s Bar & Resto ng kaibigang aktres na si Sylvia Sanchez.

Ilang saglit lang, may natangap kaming text message mula kay Ibyang (Sylvia for you) na nagbabalita na pumanaw na si Mang Dolphy.

It was around 15 to 20 minutes makalipas ang saktong oras na namayapa siya sa kanyang hospital bed sa Makati Medical Center. Sa katunayan, late ang pasok ng ABS-CBN flash report ni Sol Aragones. Hinintay namin ang detalye.

Sa Kapatid Network, habang on-air ang Wil Time Big Time ni Willie Revillame, at nakatututok ang live camera sa kanya, kausap niya si Zsa Zsa Padilla. Ilang saglit na pag-uusap ‘yon habang tahimik ang bu-ong kapaligiran ng studio, sinabi na ng host-comedian sa mga manonood ang balitang pumanaw na si Pidol.

Nang sambitin ni Willie ang balita, isang malungkot na ingay ang umalingawngaw. Apektado ang live audience. Ganoon din marahil ang mga manonood ng TV ng mga sanda-ling ‘yun.

Sa social media, naging trending sa Twitter ang balitang pagpanaw ni Mang Dolphy. Usap-usapan sa Facebook ang pagpanaw ng King of Comedy.

Habang isinusulat namin ito, pinag-uusapan sa Malacañang kung magdedeklara ng National Day of Mourning ang buong bansa sa pagpanaw ni Mang Dolphy.

Sa darating na Linggo July 15 ay nakatakda ilibing si Mang Dolphy sa Heritage Memorial Park sa Taguig.

-oOo-HINDI lang nakilala si Mang Dolphy sa kanyang komedya. Hinangaan din siya sa kanyang portrayal bilang isang bakla, bekie, swarding, at bayot sa pelikula. Maraming mga pelikula si Mang Dolphy na nagbigay pugay sa karakter na ‘yon.

Ayon kay Bemz Benedito, Managing Director ng Ang Ladlad Partylist, nagbigay ng representas-yon at mukha si Mang Dolphy sa Pilipinong bakla at transgender sa kanyang mga pelikula.

Mensahe ni Benedito at ng Gay & Transgender community para kay many Dolphy: “Inukit ninyo sa lipunan na ang mga tulad namin ay mapagmahal sa kapwa at pamilya. At hindi ko makakalimutan ang inyong pagganap sa Ang Tatay Kong Nanay at sa Markova: The Comfort Gay.”

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang diskurso para mapabilang at hiranging National Artist ang Hari ng Komedya.

HOY!RK VILLACORTAIsabelle Daza sakit

pa ng ulo sa set?!

Roderick Paulate pababagsakin

ni “Kongresista’

Nat’l Artist Award kay Mang Dolphy

pinag-uusapan pa rin?

TAMA ang hinala ko nang mabalita sa DZMM ang tungkol sa suspension ni Roderick Paulate bilang konsehal ng Quezon City sa kasong pag-hire nito ng ghost employees na ang sahod ng mga ito ay umano’y kinukubra niya.

Isang strategy ang isyung ito para pabagsakin si Kuya Dick na isa sa may pinakamataas na puntos na maganda ang performance bilang isang public servant sa Lungsod ng Quezon.

Ayon sa mga nasagap naming balita, may ilang konsehal na gusto bumalik sa mga posisyon nila sa darating na May 2013 Local Election kung kaya’t may demolition job sila laban kay Kuya Dick.

Bukod sa mga konsehal na atat na siraan si Kuya Dick, may isang kongresista rin ng Quezon City ang nasa likod ng pagsira sa reputasyon ng Konsehal. As far as I know Roderick personally, I don’t think magagawa niya ang inaakusa sa kanya ng mga naninira sa kanya.

We just hope na malampasan ni Kuya Dick ang paninira sa kanya.

CoRYTICoCORY CRISTE

mga bida sa noli/fili stageplay malalaman na

Goodbye, Tito Dolphy ...

Papa Chen

Coco Martinnasapawan si

Gov. Vilma Santos?!

Janine Gutierrez ayaw magpakabaliw

sa pag-ibig

NAGLULUKSA ang buong industriya ng local showbiz sa pagpanaw ng Comedy King na si Tito Dolphy last July 10 at exactly 8:34 PM sa Makati Medical Center kung saan ito naka-confine ng mahigit two weeks.

Kahit na marami sa kasamahan nitong artista ang dumalaw at nagbigay ng moral support para ipagdasal siya sa tuluyang paggaling at paglakas, Diyos na rin ang may kagustuhang magpahinga at tapusin na ang paghihirap ni Tito Dolphy pati na ang kalooban ng kanilang pamilya. Sa edad na 84 years old ay kinuha na ng Dakilang Lumikha ang nag-iisang Hari ng Komedya.

Lalong lumakas ang pagsusulong sa kanya para gawing National Artist; nagkakaisa ang buong industriya pati na ang ilang mambabatas na karapat-dapat na siyang tang-haling Artista ng Bayan. Pero para sa mga anak ni Tito Dolphy gaya nina Eric, Epi, Vandolph at buong Quizon Clan, tila medyo alinlangan ng tanggapin kung sakali ang mataas na parangal.

Ano pa nga naman ang saysay nun kung ang gagawaran ng parangal ay wala na at hindi na niya mararamdaman ang excitement at saya? Bakit ba sa tuwing may lumu-lubha o nalalapit na sa kamatayang haligi ng industriya ng aliwang lokal ay saka pa biglang igagawad ang National Artist ng National Commission For Culture & The Arts (NCCA) at ng Cultural Center Of The Philippines (CCP)?

Hindi ba puwedeng igawad nila ‘yon sa mga taga-industriyang buhay na buhay at malakas pa?

Baka naman iniiwasan nila’y ang ibigay ang buwanang pensiyon ng isang tinanghal na Artista Ng Bayan na isa sa benepisyo ng pinagkalooban ng nasabing mataas na parangal? Dahil kaya wala silang sapat na pondo para roon gayong nakalaan naman talaga ‘yon para sa awardee?

------- o0o --------

MALABO pa raw ma-in love ang magandang si Janine Guttierrez lalung-lalo na sa ka-loveteam niya sa youth-oriented program nila na si Benedict Campos dahil ayaw ng anak ng dating mag-asawang Lotlot de Leon at Ramon “Monching” Christopher Gutierrez na bigyang atensiyon ang lovelife.

Sa magandang itinatakbo ng kanyang karera sa showbiz at isa siya sa hinuhulaang magiging pinakaimportanteng bituin bago matapos ang 2012 at maging sa papasok na taong 2013, mas maganda nga namang ang pagtatrabaho at ang kanyang career ang bigyan niya ng sapat na panahon kesa maging baliw siya sa pag-ibig. Koreeeek!

------- o0o --------

PANAHON talaga ni Coco Martin at hindi maikakaila ‘yon lalo na ng tanggapin niya ang napanalunang karanga-lan sa Yahoo OMG Awards. Halos magiba ang SM Mall Of Asia Arena ng tawagin siya sa stage to accept his award. Ganoon kalakas ang impact nitong si Coco na siya mismo’y hindi makapaniwala ng gabing ‘yon.

Hanggang ngayon ay pinag-uusapan na kesyo natabunan niya ang Major Impact Awardee na si Gov. Vilma Santos that particular evening dahil nang ianunsiyo raw ng mga presenters na si Ate Vi ang nanalo sa nasabing kategorya at patugtugin ang pinasikat niyang awitin na “Sixteen”, dedma at wala raw reaksiyon ang audience.

Ganu’n?! Kahit pa ‘major impact’ ang kan-yang napanalunan? Kaya ba wala at hindi sumipot si Ate Vi sa nasabing awards night? Well….

Hindi na nga mahusay sa hosting ...

Gov. Vilma Santos na-‘first time’ sa horror

MISMONG si Batangas Gover-nor Vilma Santos-Recto na rin ang nagsabi na bastante na si-yang makagawa ng pelikula one in two or three years. Two years ago na rin when she last did a movie under Star Cinema with Luis Manzano and John Lloyd Cruz, heto’t for a change ay isang suspense-horror naman ang hatid niya sa kanyang mga tagahanga.

The Healing, slated for showing on July 25, ang kauna-unahang hair-raising, blood-curdling movie ni Ate Vi in her 50 years in showbiz. We should know, dahil sa aming kamalayan, ang mga makapanindig-balahibong pelikulang nilabasan ni Ate Vi during

Isabelle Daza

the 70s ay Hatinggabi Na, Vilma at Takbo, Vilma, Dali, among others.

But such movies were no match to her latest outing, lalo pa’t at the helm is Chito Roño who seems to have shifted to a la Ste-phen King-kind of creative genre.

For the record, this comple-ments Ate Vi’s clinching the Major Impact Award in the recently con-cluded Yahoo OMG Awards, if only for her first attempt at suspense-horror na tiyak na maglilikha rin ng major impact sa kanyang career that has spanned half a century.

With The Healing, mukha ring wala nang mahihiling pa si Ate Vi with the wide gamut of her film ex-posures. Idagdag pa ang pagmamahal sa kanya ng press… you should know, Ate Aida.

Dolphy

The ComedyKing

CocoMartin

Janine Gutierrez

Page 7: PSSST July 13 2012 Issue

BIYERNES • HULYO 13, 20128www.pssst.com.phSHOWBIZ

WATCHLISTRUBEN MARASIGAN

VERY vocal sa pagsasabi si KC Montero na talagang iba ang sayang nararamdaman

niya mula nang magkalapit ang loob nila ni Rhian Ramos. Kaya raw lantad sa publiko at hindi nila itinatago ang espes-yal na relasyong namamagitan sa kanila ngayon.

“Kilig!” nakangiting sambit nga niya. “I’m very happy talaga. Yes. I’m just really very happy. It’s been a while since I’ve been happy. So, everything feels good.”

Si Rhian talaga raw sa ngayon ang main source ng happi-ness na nararamdaman niya.

“Yes! Of course.”Kailan at paano ba nagsimula ang magandang pagtitingi-

nan nila?“Well, we’ve been friends for a while. It happened be-

cause of work and business. We spend a lot of time together with my companies. And she might be a partner in our company. So, through that, it just developed.”

Marami raw negosyo si KC na kasosyo ang ilang kai-bigan at interesadong makipag-business partner din daw sa kanila si Rhian. Meron silang clothing line, may bar, social agency, at iba pa.

“And she’s getting into clothing. Sooner or later, she’ll be in as our partner.”

Kagaya ng nasabi ni Rhian, ‘yon din ang naging sagot ni KC nang matanong hinggil sa kung nasaang estado na ba ang relasyon nilang dalawa.

“We’re dating. We’re not dating anybody else aside from

each other. So, whatever that is. I’m there for her whenever she needs me. I’m like her best cheerleader right now. I real-ly want her to do well. And if there’s anything that I can do to help her, I’m going to do it.”

Gaano kaya katagal pa bago maging official na sila na?“What is official?” nangiting tanong ni KC. “We have to

say that we’re boyfriend and girlfriend? Do we have to? I don’t know,” tawa pa niya.

“Basta we’re dating. Everyone can see how we talk. How we act. How we treat each other. So whatever it is you wanna call it.”

Sa tindi ng pinagdaanan dati ni Rhian kaugnay ng mga intrigues and controversies na idinulot ng naging relasyon nito dati kay Mo Twister, hindi ba naging mahirap para sa kanya na magparamdam sa aktres?

“Why?” tanong ulit niya.Kasi nga, galing sa hindi birong heartache at masalimuot

na sitwasyon si Rhian. Kadalasan kapag ganito katindi ang pinagdaanan ng isang babae, medyo hinu-hold back ang sarili pagdating sa pag-entertain ng mga bagong gustong manligaw.

“Well, she’s a strong girl. And I think she has moved on. Matagal na. And I was never her shoulder to cry on. I was never that person. So when we started hanging out, talagang we were single. Everyone has moved on.”

Sa namamagitan sa kanilang dalawa ngayon, ano ang siniguro at naipangako niya kay Rhian?

“Knight and shining armor!” sabay ngiti ni KC.

Ano naman ang mga qualities ni Rhian na nagustu-han niya?

“She’s caring. She’s very driven in work. She has a big heart. And she loves her family. And I like her family as well. And ‘yong big-gest quality is she likes me back!” nangiti ulit siya.

“Yeah! I’ve met her family na. They’re very nice people. I like them a lot. I hope they like me also.”

Naipakilala na rin ba niya si Rhian sa family niya?“My Mom met her when she (his Mom) was here in the

Philippines.”Kapag naging officially sila na, wedding na kaya ang

kasunod?“Whew! Maybe someday!” natawang sabi na lang ni KC.

Amalia Fuentes humingi ng proteksyon sa NBI

AKO PA?!LOLIT SOLIS

Rhian Ramos at KC Montero from business partners to lovers?

SIGURO tahimik muna ngayon ang mga nag-aaway-away, ‘no! Bilang respeto na rin sa pagpanaw ni Mang Dolphy. Si Mang Dolphy na masayahin at gusto ay masaya lang ang lahat at walang nag-aaway-away, kaya ceasefire muna ang mga nagdedemandahan diyan!

Medyo pahinga muna si Amalia Fuentes na aligaga ngayon sa kaiikot para ipursige ang mga kasong isasampa nito sa mag-asawang Peter at Rosemarie Licup na inakusa-han niyang nanakit sa kanya at sa anak niyang si Jeric.

Lumapit pala siya sa NBI nung kamakalawa ng hapon para doon naman mag-file ng kanyang complaint sa mga nakaaway niya sa kanyang bahay.

Humingi pa raw si Amalia ng proteksyon sa NBI dahil malapit lang sa bahay niya itong mag-asawang Licup at mga kasamahan daw nito na umano’y nanakit sa kanya at sa kanyang anak. Natatakot daw siyang baka may binabalak pa itong gawin laban sa kanila, kaya kailangan daw nito ng proteksyon.

Sabi naman daw ng NBI, pag-aaralan nila ang inihaing reklamo ni Amalia at iimbestigahan nila ito. Saka nila pag-desisyunan kung isasampa ang kaso sa piskalya. Kaya hindi muna naka-focus si Amalia sa away nila ni Annabelle Rama dahil dito sa mga nakaaway na tenants niya ang kailangan niya munang harapin.

Mahaba-haba pa siguro ito, pero pansamantalang rest muna siguro bilang paggalang sa pagyao ni Mang Dolphy.

Dolphy ‘biniro’ ang media

Nagluluksa ang buong showbiz industry sa pagpanaw ng nag-iisang Comedy King.

MATAGAL na inabangan ng media sa labas ng Makati Medical Center nung nakara-tay doon si Mang Dolphy, pero talagang pinaalis muna niya ang mga ito bago siya pumanaw, huh! Siguro iniisip ni Mang Dolphy, “Naku! Aalis ako kung kailan ko gusto. Pack-up muna kayo diyan, saka ako aalis.”

Likas talagang palabiro si Mang Dol-phy, at pumanaw sa hindi natin inaasahan na oras. Ilang araw ding sinasabi sa medi-cal bulletin niya na stable pero critical pa rin ang kundisyon niya at walang param-dam na malapit na talaga siya.

Nagulat na lang tayo nung kamaka-lawa ng gabi na kinumpirma ni Zsa Zsa Padilla na pumanaw na ang Comedy

Ang burol ng Comedy King sa Dolphy Theater sa ABS-CBN

Rhian Ramos & KC Montero

King pasado alas otso nang gabi. Si Eric Quizon naman ay nasa taping ng En-chanted Garden nang ipinarating sa kanya ang balita. Kaagad na umalis ito diretso ng Makati Medical Center at siya na ang nagkumpirma nito sa media.

Dinala sa Dolphy Theater sa ABS-CBN ang mga labi ni Mang Dolphy at dadalhin din ito sa Heritage Memorial Park. Alas nuwebe ng gabi sinimulan ang public viewing.

Sa Linggo raw ang libing na maaaring doon ‘yan dadalhin sa kanilang mausuleo sa Loyola Memorial Park sa Marikina.

Marami pang tribute na pinagha-handaan ngayon bilang pagpupugay sa Hari ng Kom-edya, kaya abangan na lang natin kung ano ang mga susunod pang magaganap.

Ang amin pong pakikiramay sa pa-milyang naiwan ni Mang Dolphy, lalo na kay Zsa Zsa na talagang nagbantay sa tabi nito hanggang sa namaalam na.

Page 8: PSSST July 13 2012 Issue

BIYERNES • HULYO 13, 2012 9 www.pssst.com.ph SHOWBIZNina

MARA at CLARAHollywood Bitz

MUKHANG fresh pa ang tattoo ng ‘Hanna Montana’ star na si Miley Cyrus nang makita ito habang palabas ng Pilates class niya. Sa Celebrity Cafe report, ang tattoo ng singer ay isang quote galing sa speech ng iconic President ng America na si Theodore Roosevelt noong 1910 na “ Citizenship in a Republic.”

“So that his place shall never be with those cold and timid souls who knew neither victory nor defeat,” ang linya ng naka-tattoo sa kaliwang kamay ng singer.

Almost every year ay nagda-dagdag ng tattoo sa kanyang kata-wan ang 19-year-old girlfriend ng

hunk actor na si Liam Hemsworth. Ito na ang pang labing limang (15) tattoo ng singer.

Kabilang sa mga tattoo ni Cyrus ay ang “Just Breathe” na nasa rib cage niya. Ang word na “Love” sa kanyang tenga, anchor sa right wrist, “Om” symbol sa left wrist. Meron pa siyang tattoo na skull sa ankle, roman numerals sa right forearm at ang words na “Love Never Dies” sa upper left arm.

Hindi pa diyan nagtatapos dahil meron pa siyang anim (6) na maliliit na tattoos sa kanyang mga daliri tulad ng word na “Karma”, isang equal sign, isang peace sign, maliit na cross, heart at mata.

PAGKATAPOS ng 23 years na pagsasama ay nakipag-hiwalay na ang famous designer na si Vera Wang sa kanyang 63-year-old husband na si Arthur Becker ayon sa Huffington Post report.

“Vera Wang and Arthur Becker have mutually and amicably agreed to separate. They remain devoted parents to their two daughters,” ang pahayag ni Mario Grauso, ang presidente ng Wang’s company.

Simula noong kinasal sina Wang at Becker noong 1989 sa Pierre Hotel sa New York City ay involved ang dalawa sa pagpapalawak ng kanilang kumpanya. Bukod sa bridal gowns ay nagventure na rin ito sa iba pang products tulad ng make-ups, fragrance lines at home goods.

Ayon naman sa isang malapit na kaibigan ng couple, hindi naman makaka-apekto ang kanilang paghihiwalay sa pagpapatakbo ng kanilang kumpanya. Pinaghirapan ito nila Wang at Becker kaya’t patuloy silang magtatra-baho para maging successful pa ito.

Bago pa man magkaroon ng sariling fashion line si Wang ay isa siyang senior fashion editor ng Vogue Magazine at design director ng Ralph Lauren.

Si Vera Wang ang gumawa ng bridal gowns ng ilang mga Hollywood celebrities tulad nila Jennifer Lopez, Alicia Keys, Victoria Beckham, Jessica Simpson, Chelsea Clinton, Kim Kardashian, Kate Hudson, Ivanka Trump at Sarah Michelle Gellar.

Robert Pattinson at Andrew Garfield may iringan

Nicole Kidman sinuportahan nga ba si Katie Holmes sa divorce

Miley Cyrus adik sa tattoo

MAY Hollywood rivalry nga ba sa pagitan ng Spiderman at ng Vampire? Parehong British actors sina Andrew Garfield at Robert Pattinson pero ayon sa Hollywood Life report, hindi daw nagugustuhan ng “Spider-man” star na si Garfield ang pagkukumpara sa kanilang dalawa ng “Twilight” actor na si Robert Pattinson.

“The truth is, Andrew can’t stand Rob,” ang pahayag ng isang source. “An-drew hates that they’re put in the same category because they’re both English and around the same age.”

Sa nakaraang wedding ng kanilang common friend at producer na si Kevin Turen noong June 23 ay marami ang nakapansin na hindi nagpapansinan ang dalawa.

“They don’t enjoy hanging out.

Andrew considers himself a ‘serious actor’ and sees Rob as the equivalent of a cheesy boy bander because of Twilight,” ang dagdag ng isang source.

So sa mga fans ng dalawang star, huwag na magexpect na may magaganap na ‘bromance’ sa kanilang dalawa.

Ano naman kaya ang masasabi ng American girlfriends nina Pattinson at Garfield na sina Kristen Stewart at Emma Stone?

KUNG suporta ang pag-uusapan, buong pamilya at mga kaibigan ni Katie Holmes ay nasa tabi niya sa pinagdadaanan niya ngayon sa kanyang buhay. Balitang pati ang ex-wife ni Tom Cruise na si Nicole Kidman ay naging sandalan din ni Holmes ayon sa US Magazine.

“They’ve spoken over the last few weeks. Nicole has been supportive, saying she’s been through it too and to hang in there,” ayon sa isang insider. “She has been a private friend not many people know about,” dugtong ng source.

Hindi naman daw brand-new ang friendship nila Holmes at ng Aussie actress na si Kidman dahil simula ng maging asawa ni Holmes si Cruise noong 2006 ay nagkaroon na sila ng communication dahil sa mga anak ni Kidman na sina Isabella at Connor.

Kaya’t noong nagpla-plano na ng divorce ang 33-year-old na actress na

si Holmes ay lumapit siya kay Kidman para humingi ng advice. “Ni-cole offered her support and help,” ang sabi ng insider.

Ayon pa sa balita noong mga nakaraang araw, gumagamit ng disposable cellphones si Holmes pag nakikipag-usap sa kanyang mga abugado para hindi umano ma-detect o ma-track ng kampo ni Cruise ang kanyang mga conversations sa ibang tao.

Matatandaang nagfile ng divorce si Cruise kay Kidman noong 2001 matapos ang 11 ta-ong pagsasama. Simula noon ay hindi na nakasama ng “Moulin Rouge” star ang kanilang 2 anak na si Connor at Isabella na pare-hong followers ng Scientology tulad ng kanilang ama.

Ngayon ay may dalawang anak na rin si Kidman, sina Faith at Sunday sa asawang si Keith Urban.

Katie Holmes & Nicole Kidman

Bridal designer na si Vera Wang nakipaghiwalay

sa asawa

Miley Cyrus

Andrew Garfield & Robert Pattinson

Arthur Becker& Vera Wang

Page 9: PSSST July 13 2012 Issue

SPORTS BIYERNES • HULYO 13, 201210www.pssst.com.ph/beta

PAANO aawatin ang triangle offense ng B- Meg Llamados?

Ito ang malaking katanungan na dapat sagutin ng Meralco Bolts sa pakikipagtipan nila sa B-Meg, sa pambungad na sultada ng semifinal ng PBA Governors Cup sa Smart Araneta Coliseum.

May kartadang 8-3 ang mga alipores ni coach Tim Come at may 2-0 na rin sa semis.

Ang walang kupas na triangle offence ni Tim Cone ang bumubuhay sa B-Meg, na layon itala ang bak-to-back champion,.

Nakuha nila ang PBA Commissioners Cup sa pangunguna ng import na si Denzel Bowles, matapos talunin ang Talk ‘N Text noong Game 7.

Malaki ang tsansa ng B-Meg na manalo

sa Meralco na walang naipapanalong laro sa kanilang tatlong laro.

Pero kasabihan na bilog ang bola at huwag pakasiguro sa laban.

Kung hindi mapipigilan ni Bolts mentor Ryan Gregorio ang B-Meg mamayang gabi, pasok na ito sa play-offs ng finals, dahil may tatlo na itong panalo sa semis.

Bakbakang umaatikabo naman ang mapapanood sa second game ng Petron at Tropang Texters.

Kapwa galing sa talo ang Texters at Petron at kapwa nila ibubunton ang galit sa isat-isa at sikaping manalo upang mabigyan ng pagkakataon na makapasok pa sa play-offs ng PBA finals.

Ella C. Linde

MAHABANG pahinga ang kinakailangang gawin ni dating IBF super bantamweight champion Jeffrey Mathebula, matapos ihayag ng manggagamot na nabasag ang kaliwang panga nito sa suntok ni four-division world champion Nonito “The Filipino Flash’ Donaire Jr.

Ayon kay Branco Milenkovic, promoter ni Mathebula, hindi simpleng nabali ang ngipin ang dahilan ng pagdugo ng bibig ng South African boxer, kundi basag na ang panga nito.

Ayon kay Milenkovic, pagkatapos ng 4th round nang ito ay bumagsak hindi na umano makapagsalita si Mathebula.

“We initially thought that it was tooth problem but it is in fact a broken jaw,” wika ng boxing promoter. “Mathebula could not speak after the fourth round, which under-lines the pain he was feeling but he did not let everyone see it because he wanted to fight on like the true soldier he is.”

Sa nangyaring laban noong linggo, unanimous decision ang panalo ni Donaire laban kay Mathebula.

Sa ngayon ay inaayos na ang October fight ni Nonito Jr., kontra sa Mexican warrior na si Jorge Arce.

Mas pinapaboran ang Pinoy boxing champ na mananalo laban sa Mexican fighter. Ella C. Linde

PINAYUHAN ni dating Mexican boxingchampion Marco Antonio Barrera si eight- division world champion Manny Pacquiao na si WBO super middle weight champion Timothy Bradley ang dapat nitong labanan sa Nobyembre.

Ang payo ay ginawa ni Barrera dahil sa patuloy na debate kung sino talaga ang lalabanan ni Pacquiao.

Naniniwala si Barrera na bago luma-ban sa ibang boksingero si Manny dapat tapusin muna ang isyu kay Bradley.

Giit ni Barrera, para sa kanya malinaw na nanalo si Pacquiao, habang si Bradley sa kanyang tingin ay nanalo lamang ng

dalawa hanggang tatlong rounds.Kahit aniya sa ikatlong laban kay

Juan Manuel Marquez, naniniwala pa rin si Barrera na nanalo noon ng malinaw si Pacman.

Kung maaalala dalawang beses na natalo ni Pacquiao si Barrera.

May mga balitang lumalabas na si Marquez ang makakaharap ni Pacman sa Nobyembre at ang laban ay gagawin sa Mexico.

Hindi rin umano ang Top Rank Pro-motion ang mag-pro-promote sa planong Pacquiao-Marquez 1V.

Ella C. Linde

NAGNGINGITNGIT ang pangasi-waan ng Boston Celtics sa ginawang paglipat ni NBA 3- point shooter Ray Allen sa 2011-12 NBA champion Miami Heat.

Anumang araw mula ngayon ay pipirma na ng kontrata sa Heat si Allen na limang taon ding naglaro sa Celtics.

Ayon sa source, dismayado raw sina Celtics coach Doc Rivers at team manager Danny Ainge sa paglipat ni Allen.

Maliban kay Allen, makakasama rin sa lineup ng reigning NBA cham-pion si Rashard Lewis.

Dagdag pa ng NBA All-star player, ang hindi pagkakaunawaan sa

kapwa players ang naging dahilan ng paglipat nito sa Miami.

‘’I can’t say that it factored in my decision,’’ wika ni Allen. ‘’As team-mates, we were brothers. There’s differences. We all have differences. Paul eats corn flakes. I might not like corn flakes. That’s just part of kind of who we are as individuals.’’

Kung maaalala, naging team-mates sina Allen at Lewis noong 2003 hanggang 2007 sa Seattle Supersonics.

Dahil sa lakas ng line-up ng Heat, malaki ang tsansa nito na makuha ang back-to-back NBA champion. Sa paglipat ni Allen:

Back-to-back tatargetin ng Heat

niElla Linde

Binasag ang panga Barrera kay Pacman:‘Rematch na kayo

ni Bradley!’

Liyamado na ang Llamados

Ray Allenat ang

Heat Team

Mga eksena sa laban nina Nonito Donaire

at Jeffrey Mathebulasa 4th Round

Page 10: PSSST July 13 2012 Issue

SPORTSBIYERNES • HULYO 13, 2012 11 www.pssst.com.ph

Kevin Durant, ‘di type makalaro si

LeBron JamesHINDI kumportable si Kevin Durant na makalaro si LeBron James sa iisang basketball team matapos durugin ng Miami Heat ang Oklahoma City Thunder sa nakalipas na NBA Finals, ayon sa Sports Illustrated.

Ngunit iginiit ni Durant na team player siya kaya isasantabi niya muna ang inis niya kay James habang naglalaro sa US basketball team sa London Olympics.

“It does. It does, but what can I do?” sinabi ni Durant nang tanungin ang kung apektado ba siya sa paglalaro kasama ni James.

“He’s my teammate now. I’m a team player. I can’t let

Nina: Mara

atClara

SPORTS

BITZ

MAGANDA at matalino si Gabrielle Union ngunit hindi ito ang nagpapatibok ng puso ni Dywane Wade.

“She makes my eyes sparkle,” sinabi ng Miami Heat basketball player tung-kol sa kanyang 39-year-old girlfriend ng nakalipas na tatlong taon.

Sa panayam ni Oprah, pinuri ni Wade, 30, si Union sa pagtulong na palakihin ang kanyang dalawang anak na sina Zaire, 10, and Zion, 5, mula sa kanyang nakaraang marriage kay Siohvaughn Funches.

“The biggest time she makes my eyes sparkle is when Zaire comes home and homework is a little hard that day, so he’s stressing, and she goes to the table with him and she sits down until he gets it,” sinabi ni Wade. said of Union, 39, his love of three years. “And at that time my heart is smiling a little bigger that day because I know her love is deeper than just me.”

Noong March 2011, binigay kay Wade ang custody ng kanyang mga anak matapos ang three-year court battle kay Funches. Kahit matindi ang family drama, sinigurado ni Wade na hindi nagdududa ang kanyang anak sa pagmama-hal ng magulang.

“I just try to keep it positive. I try to make sure that they know how much their mom and dad both love them. At the end of the day, you guys are the most important thing to us,” sinabi ni Wade.

Habang katabi si Union, tiniyak ng two-time NBA champ na mas maayos na ang buhay nila ngayon. “We’re a family, and we’re growing as a family every day. And I think that’s the great thing about it. We have so much more room to improve as a family and it’s awesome,” sinabi ni Wade.

ITINAKDA ng NBA ang salary cap ng 2012-13 sa $58.044 million, tulad ng nakara-ang season.

Binuksan na rin ang free agency kung saan maaari na pumirma ang mga players ng kontrata noong Miyerkules.

Hindi rin binago ang luxury tax level na $70.307 million gaya din sa nakalipas n NBA season.

Kailangang magbayad ng basketball team ng $1 tax para sa bawat $1 na lagpas ng tax level. Magiging mas mataas ang tax level sa 2013-14 season.

Ang midlevel exception para sa teams under the tax ay $5 million habang ang taxpayer midlevel ay nasa $3.09 million. Ang bagong “mini” midlevel para sa bas-ketball teams sa ilalim ng salary cap ay $2.575 million.

Richard Lewis

Dwayne Wade, masaya sa GF

that affect this. This is bigger than that. It’s tough to lose in the Finals and play the guy you’ve been going up against for five games who beat you,” dagdag pa ni Durant.

Nasa cloud nine pa rin si James matapos manalo ang Miami Heat ng NBA champion-ship. Ilang beses na rin siya nag-tweet at naglagay ng photos tungkol sa victory ng Miami.

NBA salary cap, $58M pa rin

Dwayne Wade & Gabrielle Union

NBA CommissionerDavid Stern

Kevin Durant & LeBron James

Page 11: PSSST July 13 2012 Issue

SALAMATDOLPHY!

Hindi lamang ang mun-do ng showbiz ang nagu-lantang sa biglang pag-panaw ng hari ng kom-edya na si Dolphy noong Martes ng gabi kundi maging buong mundo.

Kasunod ng balita ay dinagsa ng mga mama-mahayag at ilang taga-hanga ni Dolphy ang Makati Medical Center kung saan ito halos isang buwan nang nakaratay.

Agad na nagsagawa ng necrological service sa Dolphy Theater bilang alay sa yumao. Dumalo ang malalapit na kaibi-gan at mga kasamahan sa showbiz ng hari ng komedya.

Hindi rin nagpaawat ang mga tagahanga ni Dolphy at nag-antabay upang makibalita sa ita-takdang public viewingsa Heritage Park sa Taguig kung saan ito nakaburol.

Kanya-kanya ring pagrespeto at pagkilala ang ginawa ng iba’t ibang grupo kabilang ang gobyerno na nag-half mast ng mga bandila sa mga pampublikong tang-gapan.

Jhay Morales Dingdong Riviera

Foto-zisero