ponolohiya ppt3

15
Ponolohiya

Upload: md-m-matos

Post on 24-Oct-2015

230 views

Category:

Documents


10 download

DESCRIPTION

ppt on ponolohiya

TRANSCRIPT

Page 1: Ponolohiya Ppt3

Ponolohiya

Page 2: Ponolohiya Ppt3

Gawin Natin!

• Hatiin ang klase sa mas maliliit na pangkat na may 10 kasapi bawat isa.

• Isagawa ang sumusunod na mga sitwasyon:

1.Tatapusin na ang relasyon sa kasintahan.2.Nanalo sa lotto.3.Nakasaksi ng aksidente sa kalsada.4.Manganganak na.5.Nagdiriwang ng kaarawan.

Page 3: Ponolohiya Ppt3

Ponetika

• Ang agham ng wika na nag-aaral sa tamang pagbigkas ng mga salita (pronunciation) at tumatalakay kung paano nagsasalita ang isang tao.

• Ang articulatory phonetics ang sangay ng ponetika na tumatalakay sa mga pangunahing sangkap na may kinalaman sa pagsasalita.

Page 4: Ponolohiya Ppt3

Articulatory Phonetics

Tatlong salik ang kailangan ng isang tao upang makapagsalita:1.Enerhiya o pinanggagalingan ng lakas2.Artikulador o kumakatal na bagay3.Resonador o patunugan

Page 5: Ponolohiya Ppt3

Articulatory Phonetics

Tatlong bahagi ng katawang mahalaga sa pagsasalita:1.Dila at panga2.Ngipin at labi3.Matigas na ngalangala (palate) at malambot na ngalangala (velum)

Page 6: Ponolohiya Ppt3

Ponolohiya

• Ang pag-aaral sa mga padron ng tunog sa isang wika.

• Tinatalakay kung paano pinagsasama-sama ang mga tunog upang maunawaan ng mga nakikinig ang sinasabi ng nagsasalita.

• Ponemang segmental ang tawag sa makabuluhang tunog sa Filipino. Hal., magalang / magulang

Page 7: Ponolohiya Ppt3
Page 8: Ponolohiya Ppt3

Ponolohiya

•May 21 ponema sa Filipino: 16 na katinig (kabilang na ang impit na tunog o glottal stop) at 5 patinig. (p. 45)

Page 9: Ponolohiya Ppt3

Diptonggo

• Ang diptonggo ay ang magkatabing tunog ng patinig (a, e, i, o, u) at malapatinig (y, w) na nasa iisang pantig, gaya ng /aw/, /ay/, /ey/, /iw/, /iy/, /oy/, /uy/.

Halimbawa:

• kalabaw reyna kahoysaklay giliw baduy

Page 10: Ponolohiya Ppt3

Diptonggo

• Gayunpaman, hindi maituturing na diptonggo ang magkasunod na patinig at malapatinig kung nagkakahiwalay ang mga ito kapag pinantig. Halimbawa, sa madaling tingin, maaaring isiping may diptonggo ang salitang kakahuyan (uy) o ang salitang biyaya (ay), ngunit kapag pinantig na ang mga ito, nagkakahiwalay ang /u/ at /y/ sa unang halimbawa (ka-ka-hu-yan) gayundin ang /a/ at /y/ sa ikalawa (bi-ya-ya).

Page 11: Ponolohiya Ppt3

Klaster

• Ang klaster naman ay ang magkatabing tunog ng katinig na nasa iisang pantig, gaya ng /pw/, /py/, /pr/, /pl/, etc.

• Lalong lumaganap ang mga salitang may klaster makaraang dumami nang dumami ang mga hiram na salitang ipinapasok sa talasalitaang Filipino at ginagamit sa araw-araw na pakikipagtalastasan.

Page 12: Ponolohiya Ppt3

Klaster

• Halimbawa:

• pyesa trabaho klase• gripo produkto tsansa• tabla gyera timpla• krus dyamante mwebles

Page 13: Ponolohiya Ppt3

Klaster

• Gayunpaman, hindi maituturing na klaster ang magkasunod na katinig kung nagkakahiwalay ang mga ito kapag pinantig. Halimbawa, sa madaling tingin, maaaring isiping may klaster ang salitang parte (rt) o ang salitang piglas (gl), ngunit kapag pinantig na ang mga ito, nagkakahiwalay ang /r/ at /t/ sa unang halimbawa (par-te) gayundin ang /g/ at /l/ sa ikalawa (pig-las). Hindi rin klaster ang magkasunod na /n/ at /g/ dahil ang tunog ng mga ito’y itinuturing lamang na iisa (/ng/).

Page 14: Ponolohiya Ppt3

Mga Ponemang Suprasegmental

• Tono• Haba• Diin• Antala

Page 15: Ponolohiya Ppt3

Gawin Natin!

• Sagutan ang p. 55, III. Paglilista. Isulat ang mga sagot sa ¼ na papel.