pagbasa 2013 (1)

49
Lungsod ng Angeles Kolehiyo ng Edukasyon Sentro ng Kahusayan sa Edukasyong Pangkaguruan Departamento ng Filipino Pagbasa

Upload: jok-trinidad

Post on 12-Apr-2017

6.927 views

Category:

Education


6 download

TRANSCRIPT

Page 1: Pagbasa 2013 (1)

Lungsod ng Angeles

Kolehiyo ng EdukasyonSentro ng Kahusayan sa Edukasyong Pangkaguruan

Departamento ng Filipino

Pagbasa

Page 2: Pagbasa 2013 (1)

Kahalagahan• Pangkasiyahan• Pangkaalaman• Pangmoral• Pangkapakinabangan• Pangkasaysayan• Pangkultural• Pampaglalakbay-diwa

Page 3: Pagbasa 2013 (1)

Kahulugan ng Pagbasa• Proseso ng pag-unawa sa mga

mensaheng nais ibahagi ng may-akda• Mental na hakbanging tungo sa

pagkilala, pagpapakahulugan at pagtataya sa mga isinulat ng may-akda

Page 4: Pagbasa 2013 (1)

Kahulugan ng Pagbasa• Pagpapakahulugan ng mga

nakalimbag na simbolo ng kaisipan• Pagkilala at pagkuha ng mga ideya at

kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag• Proseso ng pagtanggap at pag-

interpreta ng mga impormasyon nakakoda sa anyo ng isang wika.

Page 5: Pagbasa 2013 (1)

Nagaganap ang pagbasa ayon sa ss. na yugto (Gray)

• Ang pagbasa sa akda• Ang pag-unawa sa binasa• Ang reaksyon sa binasa• Ang pagsasama-sama at pag-uugnay ng

mga bagong kaalaman sa binasa at ng dating kaalaman.

Page 6: Pagbasa 2013 (1)

PAGBASA

• 80%• (Gawain sa araw-araw)

• 90%• ( Napag-aralan)

Page 7: Pagbasa 2013 (1)

KAANTASAN NG PAGBASA

• Batayang Antas• Inspeksyunal na Antas • Mapanuri o Analitikal na Antas• Sintopikal na Antas

Page 8: Pagbasa 2013 (1)

• persepsyon o pagkilala sa mga nakalimbag na simbolo;–Ponema – tunog ng bawat binibigkas–Grapema – letra–Morpema – pinagsamang mga letra (pantig)

Hakbang sa Pagbasa

Page 9: Pagbasa 2013 (1)

• Komprehensyon o pag-unawa sa kaisipang nakapaloob sa mga nakalimbag na simbolo;• Reaksyon – kakayahang

humatol o magpasya sa kawastuhan, kahusayan at pagpapahalaga sa mga isinulat ng may-akda.

Page 10: Pagbasa 2013 (1)

• Asimilasyon o integrasyon – pagsasama-sama at pag-uugnay-ugnay ng mga nakaraan at ng mga bagong karanasan

Page 11: Pagbasa 2013 (1)

Uri ng Pagbasa ayon sa Layunin

• Skimming–pinakamabilis na pagbasa na makakaya ng isang tao.

• Scanning–Paghahanap ng tiyak na impormasyon sa isang pahina.

Page 12: Pagbasa 2013 (1)

•Malakas na pagbasa

• Tahimik na pagbasa

Page 13: Pagbasa 2013 (1)

Karaniwang Teknik sa Pagbasa

• Iskiming (skimming)• Iskaning (scanning)• Kaswal• Kritikal• Pamuling-basa

Page 14: Pagbasa 2013 (1)

• Suring-basa• Komprehensibo

Page 15: Pagbasa 2013 (1)

TEKNIK PALIWANAG

Iskiming

- pahapyaw na pagbabasa ng anumang babasahin

- wala sa detalye ang pokus dito kundi sa pangkalahatang kaisipan.

Iskaning

- ang paraang ginagamit kapag naghahanap ng tiyak na impormasyon o tiyak na bahagi ng isang akda

- ginagamit sa paghahanap ng mga tiyak na sagot sa mga tanong.

Page 16: Pagbasa 2013 (1)

Kaswal- layunin dito ng mambabasa ang

magpalipas ng oras habang naghihintay upang hindi mainip

Kritikal

- Tinitiyak naman sa teknik na ito na naintindihan ng mambabasa ang kahulugan ng kanyang binabasa dahil layunin dito ang makatuklas ng bagong konsepto

- Nagiging mapanuri rin ang mambabasa sa teknik na ito dahil tinitingnan niya ang katunayan at kawastuan ng teksto

Pamuling-Basa

- Ang pagbibigay ng interpretasyon dito ay hindi agad nakukuha sa unang pagbasa bagkus mas malinaw itong nakukuha sa pagbabasang muli sa teksto.

Page 17: Pagbasa 2013 (1)

Suring-Basa

- Layunin ng teknik na ito na suriin, punahin ang isang akda upang ipakita sa mambabasa ang kalidad nito.

- Hindi ito isang simpleng pagbubuod, isa itong pagtataya sa katangian ng isang akda

- Buong ingat at masinsinang binubusisi ang akda sa teknik na ito

Page 18: Pagbasa 2013 (1)

Komprehensibo

- Ito ang pinakamatrabaho- Inuunawa ang bawat detalye dahil

mahalaga rito ang lubusang pagkatuto kaya maingat, masinsinan ang ginagawang pagbasa.

- Makikita rito halos ang lahat ng uri ng paghihimay tulad ng pagsusuri, pagtataya, pagbubuod, pamumuna, pagbibigay-opinyon, pagtatanong, pagbabalangkas, at iba pa.

- Pinaka-epektibong teknik sa akademikong pagbasa.

Page 19: Pagbasa 2013 (1)

Pagkuha ng Kahuluganng mga Salita

• Pagpapahiwatig–Hal. –Ang mag-aaral ay kumuha ng pluma upang itala sa kwaderno ang panayam ng guro.

Page 20: Pagbasa 2013 (1)

Pagkuha ng Kahuluganng mga Salita

• Kasingkahulugan/Kasalungat–Hal. • Talagang napakalusog ng batang iyan, malaki ang kanyang pangangatawan kaysa sa mga kaedad na bata.•Napakaburitektek ng iyong damit, para kang dadalo sa Santakrusan.

Page 21: Pagbasa 2013 (1)

Denotasyon at Konotasyon

• Denotasyon–Galing sa mga talatinigan o diksyonaryo

• Konotasyon–Batay sa pahiwatig ng salita

Page 22: Pagbasa 2013 (1)

Tayutayisang paraan ng pagpapahayag ng

pampanitikang salita o pangungusap na may hugis o anyong patalinghaga.

Page 23: Pagbasa 2013 (1)

Tayutay Sumasayaw ang mga kawayan sa lakas ng hangin. Sinisid ni Lam-ang ang pusod ng dagat para sa babaing

minamahal.

Uugud-ugod na ang bahay-kubo ni Mang Ador.

Pagbibigay-katauhan o personipikasyon o pandiwantao

. Paglilipat-wika

Page 24: Pagbasa 2013 (1)

Tayutay Tinik sa lalamunan ko ang

katahimikan mo.

Ang ganda mo’y katulad ng bituing nagniningning sa langit.

Pagwawangis o metapora

. Pagtutulad o simile

Page 25: Pagbasa 2013 (1)

Tayutay Para silang tubig at langis, minu-

minuto’y nagkakatampuhan.

Bumaha ng dugo nang magtagpo ang mga AFP at Abu Sayyaf.

Paghahalintulad 0 analogy

. Pagmamalabis o hayperbole

Page 26: Pagbasa 2013 (1)

Tayutay O tukso, layuan mo ako.

Ito ang puno at dulo ng suliranin.

Pagtawag 0 apostrophe

. Pagsalungat o pagtatambis o oksimoron

Page 27: Pagbasa 2013 (1)

Tayutay Napakaganda ng iyong damit, lalo na’t ako ang

magsusuot.

Si John ang Adonis ng aming bayan.Nakaisang bandehado siya kanina sa sobrang kagutuman.

Pag-uyam 0 ironya

. Pagpapalit-tawag o metonomiya

Page 28: Pagbasa 2013 (1)

Tayutay “Habang ako’y nabubuhay, ako pa rin ang masusunod sa

ilalim ng bubong na ito,” ang sabi ni Tatay.

Namayapa na ang kanilang ama.

Pagpapalit-saklaw o sinekdoke

. Paglulumanay o eupemismo

Page 29: Pagbasa 2013 (1)

Pagsasanay: Tukuyin kung anong uri ng tayutay ang ginamit sa bawat pangungusap.

1. Balahibuing parang labong ang mga braso niya’t binti.2. Tumatalon ang puso ni Karla sa tuwing nakikita si Kleto.3. Pasan niya ang daigdig sa dinaranas niyang kahirapan.4. Animo’y bituing nangniningning sa langit ang iyong mga

mata.5. Sa paglakad ng buwan, magbabago nang lahat ang takbo ng

panahon.6. Parang aso’t pusa ang magkapatid na iyan.7. Nangungusap ang kanyang mga mahiyaing mata.8. Muntik na akong matupok sa taas ng lagnat ko.9. O Pag-ibig, ‘pag pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang

lahat masunod ka lamang.10. Isang bukas na aklat ang buhay artista.

Page 30: Pagbasa 2013 (1)

Pagsusulit:Tukuyin kung anong uri ng tayutay ang ginamit sa bawat pangungusap.

1. Kay husay na labandera ni Jean! Naging kulay abuhin ang mga puting damit na kanyang nilabhan.

2. Namatay ang kawal upang mabuhay sa habang panahon.3. Namana ni Reyna Elizabeth ang korona.4. Hiningi ng binata ang kamay ng dalaga sa mga magulang nito.5. Ang lakas ng mga babae ay nasa kanilang kahinaan.6. Nadurog ang kanyang puso sa tindi ng dalamhati.7. Lumuha ang langit sa pagkamatay ng isang dakilang ina.8. Ang sinabi ni San Chai ay tinik na tumimo sa puso ni Dao.9. Si Daniel ay animo leong nanibasib sa galit.10.Pag-asa, lapitan mo ako at nang ako naman ay lumigaya.

Page 31: Pagbasa 2013 (1)

11.Kaygandang lumakad ng kasintahan mo, nag-uumpugan ang mga tuhod.

12.Putik ang ikinulapol sa ating pangalan.13. Pinupuntahan tuwing tag-init ang Lungsod

ng Pino.14.O maliwanag na buwan, hanapin mo ang

babaing aking minamahal.15. Kay hinhin ng tubig sa batis.

Page 32: Pagbasa 2013 (1)

Limang antas ng pagbasa• Pag-unawang literal• Pagbibigay ng Interpretasyon• Mapanuri o Kritikal na Pagbasa• Paglalapat o Aplikasyon• Pagpapahalaga

Page 33: Pagbasa 2013 (1)

Limang antas ng pagbasa1. Pag-unawang literal–Pagpuna sa mga detalye–Pagpuna sa wastong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari–Pagsunod sa panuto–Pagbubuod o paglalagom sa binasa–Paggawa ng balangkas

Page 34: Pagbasa 2013 (1)

Limang antas ng pagbasa Pag-unawang literal–Pagkuha ng pangunahing kaisipan–Paghahanap ng katugunan sa mga tiyak na katanungan–Pagbibigay ng katotohanan upang mapatunayan ang isang nalalaman

Page 35: Pagbasa 2013 (1)

Limang antas ng pagbasa Pag-unawang literal–Paghahanap ng katibayan para sa o laban sa isang pansamantalang kongklusyon–Pagkilala sa mga tauhan

Page 36: Pagbasa 2013 (1)

Limang antas ng pagbasa 2. Pagbibigay ng Interpretasyon

Pag-unawang ganap sa mga kaisipan ng may-akda na kalakip ang mga karagdagang kahulugan, implikasyon at pagkilala sa tunay na hangarin at layunin ng may-akda.

Page 37: Pagbasa 2013 (1)

Limang antas ng pagbasa Pagbibigay ng Interpretasyon–Pagdama sa katangian ng tauhan–Pag-unawa sa mga tayutay at patalinghagang kahulugan–Paghinuha ng mga katuturan o kahulugan

Page 38: Pagbasa 2013 (1)

Limang antas ng pagbasa• Pagbibigay ng Interpretasyon–Pagbibigay ng kuru-kuro at opinyon–Paghula sa kalalabasan–Paghinuha sa mga sinundang pangyayari

Page 39: Pagbasa 2013 (1)

Limang antas ng pagbasa• Pagbibigay ng Interpretasyon–Pagbibigay ng solusyon o kalutasan–Pagkuha ng pangkalahatang kahulugan ng isang binasa–Pagbibigay ng pamagat

Page 40: Pagbasa 2013 (1)

Limang antas ng pagbasa3. Mapanuri o Kritikal na Pagbasa

Pagkilatis sa kahalagahan ng mga kaisipan at ng kabisaan ng paglalahad.

Page 41: Pagbasa 2013 (1)

Limang antas ng pagbasa• Mapanuri o Kritikal na Pagbasa–Pagbibigay ng reaksyon–Pag-iisip na masaklaw at malawak–Pagbibigay ng pagkakaiba at pagkakatulad–Pagdama sa pananaw ng may-akda–Pag-unawa sa mga impresyon o kakintalang nadarama

Page 42: Pagbasa 2013 (1)

Limang antas ng pagbasa• Mapanuri o Kritikal na Pagbasa–Pagkilala sa pagkakaroon o kawalan ng kaisipan ng diwa ng mga pangungusap–Pagkilala sa pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap sa isang talataan.

Page 43: Pagbasa 2013 (1)

Limang antas ng pagbasa• Mapanuri o Kritikal na Pagbasa–Pagtatalakayan tungkol sa mabubuting katangian ng kwento–Pagpapasya tungkol sa kabisaan ng paglalahad

Page 44: Pagbasa 2013 (1)

Limang antas ng pagbasa4. Paglalapat o Aplikasyon

Pagsasanib ng mga kaisipang nabasa at ng mga karanasan upang magdulot ng bagong pananaw at pagkaunawa.

Page 45: Pagbasa 2013 (1)

Limang antas ng pagbasa• Paglalapat o Aplikasyon–Pagbibigay ng opinyon at reaksyon–Pag-uugnay ng binasang kaisipan sa kanyang sariling karanasan at sa tunay na pangyayari sa buhay

Page 46: Pagbasa 2013 (1)

Limang antas ng pagbasa• Paglalapat o Aplikasyon–Pagpapayaman ng talakayan tungkol sa paglalahad ng mga kaugnay na karanasan–Pag-alaala sa mga kaugnay na impormasyon–Pagpapaliwanag sa nilalaman o kaisipang binasa batay sa sariling karanasan

Page 47: Pagbasa 2013 (1)

Limang antas ng pagbasa5. Pagpapahalaga

Paglikha ng sariling kaisipan ayon sa mga kasanayan at kawilihan ng binasang seleksyon.

Page 48: Pagbasa 2013 (1)

Limang antas ng pagbasa• Pagpapahalaga–Pagbabago ng panimula ng kwento o lathalain–Pagbabago sa wakas ng kwento–Pagbabago sa pamagat ng kwento–Pagbabago sa mga katangian ng mga tauhan

Page 49: Pagbasa 2013 (1)

Limang antas ng pagbasa• Pagpapahalaga–Pagbabago sa mga pangyayari sa kwento–Paglikha ng sariling kwento batay sa binasa–Pagsasadula ng akdang binasa–Pagbigkas ng tulang binasa