paano kami nag simula blmc

13
BANSUD LIVESTOCK MARKETING COOPERATIVE

Upload: reynold-matining

Post on 27-May-2015

78 views

Category:

Education


3 download

DESCRIPTION

BLMC History

TRANSCRIPT

Page 1: Paano kami nag simula BLMC

BANSUD LIVESTOCK MARKETING COOPERATIVE

Page 2: Paano kami nag simula BLMC

HISTORY OF BLMC

PAANO KAMI NAGSIMULA……

Oktober 19, 2000- Itinatag ang Bansud Livestock Marketing Cooperative sa pangunguna nina G. Alfredo N. Majaba , G. Odelon H. Macalindong G. Jimmy Aclan at kasama ang 15 malalapit na kaibigan upang maitayo ang minimithing Kooperatiba.

Page 3: Paano kami nag simula BLMC

Mula sa buluntaryong ambag nakalikom sila ng puhunan na P 99,000.00 na ginamit na pangunang puhunan sa pagbebenta ng pakain at gamot para sa mga alagang hayop. Ng taon ding ito, narehistro ang samahan sa ilalim ng CDA LGA Reg. # 4700. Dahil ang mga namumuno ay hindi tumigil sa paghahanap ng pagkakakitaan at upang maibigay ang pangangailangan ng mga kasapi.

Page 4: Paano kami nag simula BLMC

Taong 2002 inilunsad ng BLMC ang proyektong PAIWI sa mga kasapi sinundan pa ng pagtatayo ng tindahan ng karne sa pamilihang bayan ng Bansud at pagpoproseso ng karne, tulad ng footlong, longganisa, skinless longganisa at tocino.  

Page 5: Paano kami nag simula BLMC

Taong 2006 binuksan ang BLMC Satellite Office na nakapwesto sa bayan ng Gloria, Oriental Mindoro. Nagtayo din ang BLMC ng Meatstand sa Barangay sumagui, at sa pamilihang bayan ng Bansud.

 

Page 6: Paano kami nag simula BLMC

Taong 2009 nakabili ang BLMC ng isang lote na siyang pinagtayuan ng bagong opisina ng samahan.Taong 2011 sinimulan ang pagpapatayo ng gusali ng samahan. Iniambag ng mga kasapi ang kanilang mga dibidendo at balik-tangkilik bilang panimulang puhunan at pondo sa pagpapagawa ng bagong gusali.

 

Page 7: Paano kami nag simula BLMC

December 2012 pormal na pinasinayaan ang bagong gusali na may 2 palapag na matatagpuan sa Poblacion Bansud Oriental Mindoro . Sa kasalukuyan ang BLMC ay unti-unti ng nakikilala sa iba’t ibang lugar ng Silangang Mindoro gayon din sa kalapit na probinsya at lunsod nito.

 

Page 8: Paano kami nag simula BLMC

Sa kabuuan ang BLMC ay mayroon ng 543 na kasapi mula sa iba’t ibang bayan ng Silangang Mindoro. Dahilan sa pagnanais na maiangat ang kalidad ng processed meat nagbigay ng tulong pinansyal ang tanggapan ng DOST upang magkaroon ng maayos at mabilis na paggagawa nito. July 2013 umabot na sa halagang siyam namilyonat limang daang libong peso P 9,500,000.00 ang puhunan ng 530 na kasapi ng samahan na patuloy na tumatangkilik dito.

Page 9: Paano kami nag simula BLMC

Upang mapanatili ang patuloy na pag-usad lalo pang pinalawak ang PAIWI PROJECT ng kooperatiba na kung saan ay umabot sa apat na daang (400) ulo ng baboy kada buwan. Hindi tumitigil ang pamunuan ng kooperatiba na abutin ang mga adhikain ng bawat isa at upang maibigay ang serbisyo na makatutugon sa pangangailangan ng bawat kasapi.

 

Page 10: Paano kami nag simula BLMC

PANANAWNangungunang Kooperatiba

sa silangang Mindoro na nagkakaisang palakasin ang livestock sector sa pagtutulungan ng mga kasapi at komunidad. 

Page 11: Paano kami nag simula BLMC

PAKAYMagkasakatuparan ng mga

programa at mga serbisyong makatutugon sa makabagong sistema ng paghahayupan na makapag-aangat sa kalagayang panlipunan ng mga kasapi at pamayanan. 

Page 12: Paano kami nag simula BLMC

LAYUNIN NG BLMC1. Maiangat ang antas ng kabuhayan ng mga kasapi sa pamamagitan ng iba’t ibang serbisyo ng kooperatiba.;2.Itaguyod ang maayos na pagsasapalengke ng mga produkto;3.Maprotektahan ang mga kasapi laban sa mapagsamantalang mamimili;4.Mapataas ang lahi ng baboy at iba pang alagang hayop; 

Page 13: Paano kami nag simula BLMC

 

5.Magkaroon ng palagiang suplay ng buhay na baboy, sariwang karne at naprosesong karne na naaayon sa itinakda ng mga ahensya;6.Makapagbigay ng hanapbuhay sa mga kasapi at komunidad.