noli written report

18
Kabanata V : Noli Me Tangere

Upload: cherlynn-magat

Post on 27-Oct-2014

396 views

Category:

Documents


18 download

TRANSCRIPT

Page 1: Noli Written Report

Kabanata V :

Noli Me Tangere

Page 2: Noli Written Report

Taglamig noon taong 1886, panahong hindi malilimutan ni Dr. Jose Rizal sapagkat:(1) Dito niya naranasan ang matinding gutom at kakapusan sa salapi, at(2) Sa panahong ito ay naisulat niya ang Noli Me Tangere, ang nobelang gumising sa diwang makabansa

ng mga Pilipino.

Ideya ng Isang Henyo

Habang nag-aaral sa Universidad Central de Madrid, naisipan ni Rizal na sumulat ng isang nobelang maglalarawan sa kalagayan ng Pilipinas matapos basahin ang:

(1)The Wandering Jew ni Eugene Sue(2)Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beecher na naglalahad ng pang-aapi sa mga aliping Negro sa Amerika at higit sa lahat,(3)ang Biblia

Sa isang pagtitipon noong Enero 2, 1884 sa bahay ni Paterno, ipinanukala niya sa mga kapwa propagandista ang kanyang ideya na sinang-ayunan naman. Agad niyang hinati-hati ang mga isusulat na kabanata ng mga kasama ngunit sa kasamaang-palad, nabigo ang panukala dahil nawili sa sugal at tungkol sa kababaihan ang nais isulat ng kanyang mga kasama.

Mga taong sanay naging May-Akda:1. Emilio Jacinto2. Graciano Lopez-Jaena

Noli Me Tangere….. Isang Banal na Kataga

Ang pamagat na Noli Me Tangere ay nanggaling sa Ebanghelyo ni Juan, kapitulo 20, versikulo 17 sa orihinal na salitang Latin na ang ibig sabihin ay "huwag mo akong salingin." (touch me not.) Ito ang unang bahagi ng sinabi ng nabuhay na Hesus kay Maria Magdalena sa harapan ng kanyang walang lamang libingan. Ang bahagi ding ito ay nagsasalaysay sa araw ng “Easter Sunday”.

“Huwag mo Akong salingin; hindi pa Ako nakakapunta sa Ama, ngunit humayo ka at ibalita sa Aking mga kapatid na Ako’y aakyat sa Aking Ama; at sa Aking Panginoon at inyong Panginoon.”

Taliwas ito sa pahayag ni Rizal sa sulat niya kay Felix Hidalgo na hango ito sa aklat ni San Lucas.

Inumpisahan ni Rizal ang pagsulat sa nobela sa Madrid noong magtatapos ang 1884 at natapos niya ang unang kalahati. Pagkatapos ng kanyang pag-aaral sa Universidad Central de Madrid, ipinagpatuloy ni Rizal ang pagsusulat sa nobela sa Paris kung saan natapos niya ang kalahati ng pangalawang hati ng nobela. Ang huling kabanata ay isinulat niya sa Wilhelmsfield, Alemanya sa pagitan ng Abril at Hulyo taong 1886. Wala pa itong pamagat noon.

Taglamig ng Pebrero 1886, ginawa niya ang unang rebisyon ng Noli. Hindi napadalhan noon si Rizal ng perang panggastos mula sa Pilipinas kaya siya’y nagutom at nagkasakit. Sa kanyang pagkagutom, siya ay dumadalo sa mga pagdiriwang nang hindi naman inaanyaya (gate crasher). Halos nawalan na siya ng pag-asa na mailimbag ang nobela kaya napag-isipang sunugin ito ngunit hindi ito natuloy. Inalis niya ang kabanatang “Elias at Salome” upang makatipid sa pagpapalimbag.

Page 3: Noli Written Report

Pabalat ng Noli Me Tangere

Ang Paghahati ng Disenyo ng Pabalat

Kung titingnan ang paghahati mula sa ibaba patungo sa itaas ay mapapansin na ang pamagat ay gumagawa nang magkahiway na hugis ng tatsulok sa magkabilang panig. Ang tatsulok sa kaliwa na makitid ang paanan at lumalapad sa ulunan. Ang tatsulok naman sa kanan na malapad ang paanan at kumikitid naman sa ulunan. Ang kanang bahagi ay kumakatawan sa kapanahunan ni Rizal at ang kaliwa naman ay kumakatawan sa hinaharap na panahon ng bayan.

Ang Kahulugan ng Simbolismo sa Kanang Tatsulok

1. Paa ng PrayleInilagay ni Rizal sa pinaka-ibabang bahagi ng tatsulok at sumasakop sa halos mahigit sa kalahati ng

paanan ng tatsulok. Ang simbolismo ay ginamit upang ipabatid ni Rizal kung sino ang nagpapalakad ng bayan sa kaniyang kapanahunan.

2. Sapatos sa Paa ng PrayleAng paglalagay ni Rizal ng sapatos sa paa ng prayle ay pagbubunyag ng pagiging maluho ng pamumuhay

ng mga prayle sa Pilipinas sa kaniyang kapanahunan. Isa sa sinaunang mga kautusan sa mga Pransiskano ay ang hindi pagsusuot ng sapin sa paa.

Page 4: Noli Written Report

3. Nakalabas na Binti sa Ibaba ng AbitoPagpapahiwatig ni Rizal sa kalaswaan ng pamumuhay ng mga prayle sa Pilipinas na hayagang tinalakay

niya sa loob ng nobela. Maari rin na ang nakalabas na balahibo sa binti ng prayle ay isang lihim na paglalarawan ni Rizal sa nakalabas na balahibo ng lobo/wolf na nakabihis ng damit ng kordero.

4. Helmet ng Guardia SibilSimbolo ng kapangyarihan ng kolonyal na hukbong sandatahan na nang-aabuso sa mga karapatang

pantao ng mga Pilipino sa kaniyang kapanahunan. Pansinin na inilagay ni Rizal ang helmet na parang nakayuko sa tapat ng paanan ng prayle.

5. Latigo ng AlperesSimbolo ng kalupitan ng opisyal ng kolonyal na hukbong sandatahan. Maging si Rizal ay naging biktima

ng latigo ng alperes sa Calamba, Laguna. Ang paglalagay nito sa pabalat ng nobela ay nagpaparamdam sa atin na hindi niya nalilimutan ang ginawang pagpalo sa kaniya ng latigo.

6. Kadena/TanikalaSimbolo ng kawalan ng kalayaan ng mga Pilipino sa ilalim ng kolonyal na pamahalaan.

7. Pamalo sa PenitensiyaTinatawag sa ibang lugar na suplina ay ginagamit ng mga mapanata sa kolonyal na simbahan upang

saktan ang kanilang mga sarili (tinatawag na penitensiya) dahilan sa kanilang paniniwala na ito ay isang uri ng paglilinis sa kanilang mga nagawangkasalanan. Para kay Rizal, para bang hindi pa sapat sa mga Pilipino ang pananakit ng mga guardia sibil.

8. Lagda ni RizalInilagay ni Rizal ang kaniyang lagda sa kanang triyangulo upang ipakita sa mga mambabasa kung saan

siyang panahon kabilang.

9. Halamang KawayanIsang mataas ngunit malambot na halaman (sinasabi ng iba na puno at ang iba naman ay damo). Inilagay

ni Rizal ang punong kawayan upang ipakita ang pamamaraan ng mga Pilipino sa pakikibagay ng mga Pilipino sa isang mapang-aping lipunan at ito ay ang pagsunod sa ihip ng hangin.

10. Bahagi ng Manuskrito ng Paghahandog ng Noli Me TangereMakikita na bago ang bahagi ng paghahandog ni Rizal sa kaniyang nobela ay ang taong 1887 at paitaas

sa nasabing taon ay ang malaking bahagi ng manuskrito ng nobela. Pagkatapos ng paghahandog ay unti-unting lumiliit ang panig ng tatsulok. Pinapahiwatig ni Rizal na nakikini-kinita niya na ang paglalaho ng kolonyalismo bilang resulta ng kanyang nobela.

Ang Kahulugan ng Simbolismo sa Kaliwang Tatsulok

Page 5: Noli Written Report

1. Bulaklak ng SunflowerAng sunflower ay isang natatanging bulaklak dahilan sa kakayahan nito na sumunod sa direksyon ng

sikat ng araw. Inilagay ni Rizal ang bulaklak na ito sa layunin na maging ugali ng kanyang mga mambabasa na sumunod sa pinagmumulan ng liwanag.

2. Simetrikal na SuloAng sulo ay ginamit ni Rizal na bilang sagisag ng Noli Me Tangere. Ang pagguhit ni Rizal ng sulo ay mula

sa disenyong simetrikal na ginagamit sa mga pabalat ng libro sa kaniyang kapanahunan. Ipinapakita rito ni Rizal na ang panggatong na pagmumulan ng apoy o liwanag ay mula sa loob ng isang aklat.

Pansining mabuti ang kaayusan ng sulo at oryentasyon ng tatlong bulaklak ng sunflower. Mapapansin na ang pinakamataas na pinakamaliit ay nakatalikod sa sulo; ang panggitna na katamtamang laki ay nakaharap, at ang nasa ibaba na higit na malaki ay nagsisimulang humarap sa sulo. Ipinakikita ni Rizal ang magiging saloobin sa kaniyang aklat ng mga tao sa ayon sa kinalalagyan nila sa tatsulok ng istrata ng mga uri sa lipunan.

Mapapansin ang salitang ´Berlin: Ang lugar kung saan ipinalimbag ni Rizal ang Noli Me Tangere . Ang paglalagay ni Rizal sa pangalan ng lungsod ay upang ipaalam ang siyentipikong diwa na namamayani sa lugar na iyon. Isang bagay na kabaligtaran sa lungsod ng Maynila na sentro noon ng panatisismo.

3. Ang Bahagi ng Manuskrito ng paghahandog ni RizalAng liwanag ng sulo ay nag-ooverlap sa manuskrito ng paghahandog sa kaliwang panig ng pabalat. Ito ay

dahilan sa layunin ni Rizal na ipakita na ang kaniyang nobela ang magsisilbing liwanag na pangkaisipan ng bayan upang Makita natin ang ating mga kahinaan na siyang dahilan ng ating pagiging huli sa karera ng kaunlaran. Maari rin na isang pagpapakita na ang mga taong mayroong sapat na liwanag ng kaisipan lamang ang maaring makatuklas ng tunay na kahulugan ng mga nakatagong mga salita o mga hanay ng salita na nakapaloob sa kaniyang nobela. Ang mga nasa kadiliman naman ang siyang nagnanais na maitago ang liwanag ng Noli Me Tangere upang hindi ito maunawaan ng bayan.

4. Ulo ng BabaeIpinakilala ni Rizal ang babae sa pamamagitan ng paglalagay niya harapan ng babae ng pinag-uukulan

niya ng kaniyang nobela A Mi Patria. Kung isasalin ito sa higit na angkop para sa ating wika ay higit nating ginagamit ang Inang Bayan.

5. KrusAng simbolo ng relihiyosidad ng malaking bilang ng mga mamamayang Pilipino. Mapapansin na inilagay

ni Rizal ang krus sa halos pinakamataas na lugar ng pabalat. Ipinakikita nito ang mataas nitong katayuan at ang kakayahan na makapaghari sa isipan ng Inang Bayan.

Mga Karagdagan:Bago ang krus ay makikita ang supang ng suha na isinama ni Rizal bilang elemento sa disenyo ng pabalat

ng kaniyang nobela. Isa sa laganap na paniniwala noon na ang supang ng suha ay mayroong mga sangkap na nakapaglilinis at nakapagpapabango.

Ang katotohanan nito, ang pagkakalagay ni Rizal ng supang ng suha sa tabi ng krus ay isa sa kaniyang pinaka- artistikong insulto sa Katolisismo ng kaniyang kapanahunan.

6. Mga Dahon ng LaurelMapapansin na ang mga dahon ng laurel ay hindi pa napipitas sa halaman. Isang paglalarawan ng pag-

asa ni Rizal na sa pagdating ng panahon ang mga dahon ng laurel na ito pipitasin at ilalagay sa ulo ng mga natatanging mga anak ng bayan.

Ang supang ng suha at mga dahon ng laurel ang magpapasibol ng isang pambansang konsensiya ng bayan na nais ni Rizal na sumibol sa kaisipan ng mga Pilipino na noon ay hinahadlangan ng kolonyal na simbahan. Higit pang dapat na mapansin na ang katabi ng suha at laurel ay ang krus. Ang krus ay gawa sa bato, subalit ang halamang suha at laurel ay mga buhay na elemento na maaring lumago sa pagsapit ng panahon. Mamimili lamang ang krus, kung siya ay magpapakalinis at makiki-agapay sa pagtalino ng bayan o sa pagdating ng panahon ay matatabunan na lamang siya ng katalinuhan ng bayan na hindi nabulag sa panatisismo.

Page 6: Noli Written Report

Maximo Viola: Tagapagligtas ng Noli Me Tangere

Maximo Sison Viola

Ipinanganak noong October 17, 1857 sa baryo Santa Rita, San Miguel, Bulacan, kung saan din nya nakamit ang kanyang maagang edukasyon.

Nagtapos ng kolehiyo sa Colegio de San Juan de Letran at kinuha ang kanyang pre-medical studies sa Unibersidad ng Santo Tomas.

Noong 1882, naglayag siya papuntang Barcelona, Spain para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral ng medisina. Dito nya nakilala ang iba pang mga estudyanteng Pilipino, kasama na si Jose Rizal, na isa sa mga naging malapit nyang kaibigan.

Si Maximo Viola bilang tagapagligtas ng Noli Me Tangere

Dahil sa kakulangan sa pera, nawalan na ng pag-asa si Jose Rizal na maipalimbag ang Noli Me Tangere at ninais na lamang niya na sirain ang orihinal na manuskrito nito.

Si Rizal ng mga panahong iyon ay nasa Berlin at nakatanggap siya ng telegrama mula kay Viola na patungo din sa Berlin.

Noong 1887, dumating si Viola sa Berlin at ikinagulat ang nakitang nahihirapang kalagayan ni Rizal.

Dahil na din sa pagiging malapit nilang magkaibigan, pinahiram ni ni Viola si Rizal ng 300 pesos para maipalimbag ang Noli Me Tangere. Bukod pa doon ay binigyan nya si Rizal ng pera para sa pang araw-araw nitong gastusin.

Pebrero 21, 1887- handa na ang nobela upang dalhin sa palimbagan.

Marso 21, 1887- lumabas sa limbang Berliner Buchdruckrei-Action-Gesseichaft na may 2000 sipi na nakaimprenta sa halagang 300 pesos.

Ang mga kauna-unahang sipi nito ay ipinadala ni Rizal sa kanyang malalapit na kaibigan tulad nina Blumentrit, Graciano Lopez-Jaena, Mariano Ponce, at Felix R. Hidalgo.

Marso 29, 1887- Ibinigay ni Rizal kay maximo Viola ang galley proof ng Noli Me Tangere, ang panulat na ginamit niya, at isang komplimentaryong sipi bilang tanda ng pasasalamat.

Sa komplimentaryong sipi ay may dedikasyon na isinulat si Rizal na nagsasabing, “Sa mahal kong kaibigan na si Maximo Viola, ang unang nakabasa at nagpahalaga sa aking isinulat. –Jose Rizal.”

Page 7: Noli Written Report

Sa Aking Inang Bayan…

Ang Noli Me Tangere ay inihandog ni Rizal sa baying Pilipinas.

Ang dedikasyon na nakasaad sa panimula ng aklat

“Nakatala sa kasaysayan ng pagdurusa ng sangkatauhan ang isang kanser na malala na kung kaya’t saglit lang na nahipo ay maiirita ito nang labis na napakasakit. Kaya, ilang ulit na, sa gitna ng modernong sibilisasyon, ginusto kong tawagin ka sa aking harapan, ngayon ay samahan ako sa alaala, ngayon ay ihahambing ka sa ibang bansa, sakaling ang mahal mong imahen ay magpakita ng kanser ng lipunan tulad ng sa iba.

Hangad ang iyong kapakanan, gaya ng sa atin, at naghahanap ng pinakamainam na gamut, gagawin ko sa inyo ang ginawa ng mga sinauna sa mga maysakit, ilalantad nila sa hagdan ng temple nang sa gayo’y lahat ng humingi ng tulong sa Diyos ay makapag-alay ng lunas.

At hanggang sa waks, magpapatuloy ako sa paglikha ng kondisyong walang diskriminasyon; itataas ko ang bahagi ng belong nagkukubli sa kasamaan, isasakripisyo ang lahat para sa katotohanan, kahit maging karangyaan dahil bilang kanyang anak, batid kong ako ri’y nagdurusa sa mga kakulangan at kahinaang ito.”

Paliwanag

Ang Noli Me Tangere ay naglalayon namagbunyag ng mga karamdaman ng bayan. Isang maling impresyon ang paniniwalang ang hangad lamang ng nobelang ito ay ang pagbatikos sa pamahalaang Espanyol. Ang nobelang ito ay naghahantad ng depekto at kahinaan nating mga Pilipino.

Inihahanda ni Rizal ang kanyang mga mambabasa sa mga magiging pagbubunyag na nakapaloob sa nobela. Kung mapapansin ay ‘belo’ at hindi kurtina ang ginamit sa teksto dahil ito ang ginagamit ng mga kababaihan sa mga Gawain sa simbahan.

Ang sumulat ng isang nobelang naglalantad ng katiwalian at kabulukan sa isang partikular na kapanahunan ay nag-iimbita ng panganib sa mapangahasna may-akda. Sa hanay ng mga pananalitang ito ni Rizal ay kaniya ng nakikitaang mga daranasin niyang pag-uusig sa kamay ng mga taong kabilang sa mgapangkating nagpapanatili ng kapanatikuhan sa kaisipan ng mga pilipino. Angpagiging imortal ng Noli Me Tangere ay binayaran ni Rizal ng kaniyang buhay.

Sa mga hanay ng pananalitang ito ni Rizal ay kaniyang ipinadarama sa mgamambabasa na tayong mga anak ng bayan ay nagdurusa sa depekto atkahinaan ng ating inang bayan. Isang napaka-malikhaing pamamaraan namagagawa ng kaniyang mga mambabasang nagtataglay ng tunay napagmamahal sa bayan ay kumilos para sa kabutihan ng ating lipunan

Page 8: Noli Written Report

Mga Tauh

an

Juan Crisostomo Ibarra - binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.

Elias - bangkero at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga suliranin nito.

Don Santiago de los Santos o Kapitan Tiago - mangangalakal na taga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara.

Page 9: Noli Written Report

Padre Damaso - isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego; tunay na ama ni Maria Clara.

Padre Bernardo Salvi- kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria Clara.

Maria Clara - mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kanyang ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso.

Don Anastacio o Pilosopo Tasyo - maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego.

Sisa - Isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit.

Basilio at Crispin - magkapatid na anak ni Sisa; sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego.

Alperes - matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego (itinuring ni Rizal na Hari ng Italya ng San Diego habang ang kura ang Papa ng Estado Pontipikal)

Donya Victorina de Espadaña - babaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila.

Donya Consolacion - napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang bibig at pag-uugali.

Don Tiburcio de Espadaña - isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina.

Linares - malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara.

Don Filipo - tinyente mayor na mahilig magbasa na Latin

Señor Nol Juan - namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan.

Lucas - kapatid ng taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra.

Tarsilo at Bruno - magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila.

Tiya Isabel - hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.

Donya Pia Alba - masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya'y maisilang.

Inday, Sinang, Victoria, at Andeng - mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego

Kapitan-Heneral - pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-ekskomunyon si Ibarra.

Don Rafael Ibarra - ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa yaman kung kaya nataguriang erehe.

Don Saturnino - lolo ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias.

Balat - nuno ni Elias na naging isang tulisan

Don Pedro Eibarramendia - ama ni Don Saturnino; nuno ni Crisostomo

Mang Pablo - pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias.

Kapitan Basilio - ilan sa mga kapitan ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at Kapitan Valentin; ama ni Sinang

Tinyente Guevarra - isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama.

Kapitana Maria - tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama.

Padre Sibyla - paring Dominikano na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.

Albino - dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa.

Page 10: Noli Written Report

Buod

Si Crisostomo Ibarra ay isang binatang Pilipino na pinag-aral ng kanyang ama sa Europa. Pagkatapos ng pitong taong pamamalagi roon ay nagbalik ito sa Pilipinas. Dahil sa kanyang pagdating ay naghandog si Kapitan Tiyago ng isang salo-salo kung saan ito ay dinaluhan nina Padre Damaso,matabang Pransiskanong Prayleng naging kura paroko ng San Diego; Padre Sibyla, batang Dominikanong prayle ng Binondo; Tinyente Guevarra, tinyente ng mga guwardiya civiles; Don Tiburcio de Espadaña at asawang si Doña Victorina; at ilang matataas na tao sa lipunan. Sa hapunang iyon, marami ang humanga at nagpakitang-giliw kay Ibarra at bagama’t siya ay hiniya ni Padre Damaso na siya uamanong dating kaibigan ng ama, hindi na lamang niya ito pinansin at magalang na nagpaalam at nagdahilang may mahalagang lalakarin.

Habang nasa daan si Ibarra ay nasalubong niya si Tinyente Guevarra at ipinagtapat nito sa kanya ang tungkol sa pagkamatay nga kanyang amang si Don Rafael, ang mayamang asendero sa bayang yaon.

Ayon sa Tinyente, si Don Rafael ay pinaratangan ni Padre Damaso, na Erehe at Pilibustero, gawa ng di nito pagsisimba at pangungumpisal. Nadagdagan pa ng isang pangyayari ang paratang na ito. Minsan ay may isang maniningil ng buwis o artilyero na nakaaway ng isang batang mag-aaral sapagkat tinukso ng bata ang artilyero ng “ba be bi bo bu”. Dahil dito pinukol at pinagsisipa-sipa ng artilyero ang bata, nakita ito ni Don Rafael at tinulungan ang bata, nagalit ang kubrador at sila ang nagpanlaban, sa kasamaang palad ay tumama ang ulo ng artilyero sa isang bato at ito ang kanyang ikinamatay. Ibinintang ang pagkamatay na ito ng artilyero kay Don Rafael, pinag-usig siya, nagsulputan ang kanyang mga lihim na kaaway at nagharap ng iba-ibang sakdal. Siya ay nabilanggo at ng malapit nang malutas ang usapin ay nagkasakit ang matanda at namatay sa bilangguan.

Page 11: Noli Written Report

Nang sumunod na araw ay dinalaw ni Ibarra ang kasintahang si Maria Clara. Sa kanilang pag-uulayaw ay isang matamis na pagsusuyuan ang nangyari sa asotea at ditto ay hindi nila nakaligtaang gunitain ang kanilang pagmamahalan simula pa sa kanilang pagkabata. Di nakaligtaang basahing muli ni Maria Clara ang mga liham ng binata sa kanya bago pa man ito mag-aral sa Europa. Matapos ito ay nagpaalam si Ibarra upang magtungo na sa San Diego.

Dinalaw ni Ibarra and puntod ng kanyang ama. Subalit laking gulat niya na hindi pa pala nasiyahan si Padre Damaso sa pagpapakulong sa kanyang ama. Ayon sa sepulturero inutusan siya ng matabang kura na hukayin ang bangkay ni Don Rafael sa kinalilibingan nitong sementeryo para sa katoliko at ibaon sa libingan ng mga Intsik. Ngunit dahil umuulan noon at dahil na rin sa kabigatan ng bangkay ay ipinasya ng tagapaglibing na itapon na lamang ito sa lawa.

Sa galit ng binata ay napagbalingan niya ang paparating na si Padre Salvi. Ngunit matapos sabihin ni Padre Salvi na hindi siya ang nag-utos, humayo na si Ibarra.

Hindi na muli binalak ni Ibarra ang maghiganti sa ginawang kabuktutang ito ni Padre Damaso at sa halip ay nagpasya itong ipinagpatuloy ang balak ng kanyang ama na magpatayo ng paaralan.

Isang trahedya naman ang kinakaharap ng mag-anak ni Sisa. Siya ay dating mayaman na naghirap dahil sa pambubugbog at pagsusugal ng asawa. Napilitan ang dalawa niyang anak na sina Crispin at Basilio na manilbihan sa kumbento bilang mga sacristan. Ang dalawang bata ay pinahihirapan at sinasaktan sa kumbento. Pinagbintangan pa si Crispin na magnanakaw. Sinaktan siya ng Sakristan Mayor hanggang sa mamatay. Dahil sa nangyari si Sisa ay nawala sa katinuan.

Sina Kapitan Tiyago, Maria Clara at Tiya Isabel ay dumating sa San Diego . Nagdaos sila ng isang masayang piknik sa lawa. Lahat ng mga kaibigan ni Maria, mga kabinataan at mga magulang ay naroon sa handaan. Ginulo ng isang buwaya ang kasiyahan subalit nilabanan ito ni Elias, ang bangkero. Muntik ng mamatay si Elias ngunit siya ay nailigtas ni Ibarra.

Di nagtagal ay dumating ang sarhento at hinanap si Elias upang hulihin dahil ito ang sumuntok kay Padre Damaso at nagtapon sa alperes sa putikan ngunit nakatakas si Elias.

Kinabukasan ay nagtungo si Ibarra sa bahay ni Pilosopo Tasyo upang humingi ng payo hinggil sa balak nitong pagpapatayo ng paaralan. Bagama’t tutol ang matanda sa plano ng binate ay itinuloy ang pagpapagawa ng paaralan.

Araw ng pista, matapos magmisa sa simbahan ay isinagawa na ang inagurasyon ng paaralan. Ngunit batid ni Elias na may nagtatangka sa buhay ni Ibarra kaya’t binantayan niya ito. Sa harap ng maraming tao ay bumagsak ang panulukang bato at ito ay muntik ng tumama kay Ibarra mabuti na lamang at siya ay nailigtas ni Elias. Sa paglagpak ng bato habang ito'y inihuhugos ay hindi si Ibarra ang nasawi kundi ang taong binayaran ng lihim na kaaway ng binata.

Sa pananghaliang inihandog ni Ibarra pagkatapos ng pagbabasbas ay muling pinasaringan ni Padre Damaso ang binata, hindi na lamang niya sana ito papansinin subalit nang hamakin ang alaala ng kanyang ama ay hindi na siya nakapagpigil at tinangkang saksakin ang pari, salamat na lamang at napigilan ito ni Maria Clara.

Dahil sa pangyayaring ito ay itiniwalag o ineskomonyon si Ibarra ng Arsobispo ng simbahang Katoliko Romano. Sinamantala ito ni Padre Damaso upang utusan si Kapitan Tiyago na sirain ang kasunduan sa pagpapakasal nina Ibarra at Maria Clara. Nais ng pari na ang mapangasawa ng dalaga ay si Linares na isang binatang kastila na bagong dating sa Pilipinas.

Page 12: Noli Written Report

Sa kabutihang palad ay naghain ng tulong ang gobernador heneral na nagsasabing susulat siya sa Arsobispo at ipinayo niya kay Kapitan Tiyago na sundin ang kasunduan.

Dahil sa pagkasindak sa gumuhong bato noong araw ng pagdiriwang si Maria Clara'y nagkasakit at naglubha. Sinasabing ginamot siya ni Doktor de Espadaña ngunit ang totoong nagpagaling sa kanya ay ang ipinadalang gamot ni Ibarra na siya namang ipinainom ni Sinang sa dalaga.

Ipinakilala ni Donya Victorina si Alfonso Linares, isang Español, na ipinagkakasundo kay Maria Clara.

Sa tulong ng Gobernador Heneral ay napawalang-bisa ang pagkakaeskomunikado ni Ibarra at ipinasya ng arsobispo na muli siyang tanggapin sa simbahang Katoliko. Ngunit, nagkataon noong sinalakay ng mga taong pinag-uusig ang kwartel ng sibil at ang napagbintangang may kagagawan ay si Ibarra kaya siya ay dinakip at ibinilanggo. Wala talagang kinalaman dito ang binata sapagkat nang kausapin siya ni Elias upang pamunuan ang mga pinag-uusig ay tahasan siyang tumanggi at sinabing kailanman ay hindi siya maaring mamuno sa mga taong kumakatawan sa bayan.

Nagrungo si Elias sa bahay ni Ibarra at sinunog nito ang lahat ng maaaring gamiting ebidensya laban kay Ibarra.

Napawalang-bisa ang bintang kay Ibarra sapagkat sa paglilitis na ginawa ay walang sino mang makapagsabi na siya'y kasabwat sa kaguluhang naganap. Subalit ang sulat niya kay Maria Clara na napasakamay ng hukuman ang siyang ginawang sangkapan upang siya'y mapahamak.

Nagkaroon ng handaan sa bahay nina Kapitan Tiyago upang ipahayag ang kasunduan sa pagpapakasal ni Maria Clara kay Linares at samantalang nagaganap ito ay nakatakas ni Ibarra sa bilangguan sa tulong ni Elias.

Bago tuluyang tumakas ay nagkaroong ng pagkakataon si Ibarrang magkausap sila ng lihim ni Maria Clara. Anya'y ipinagkaloob na niya rito ang kalayaan at sana'y lumigaya siya at matahimik na ang kalooban. Ipinaliwanag ni Maria Clara na ang liham na kanyang iniingatan at siyang ginamit sa hukuman ay nakuha sa kanya sa pamamagitan ng pagbabanta at pananakot. Ipinalit sa mga liham na ito ang dalawang liham na isinulat ng kanyang ina bago siya ipanganak na nakuha ni Padre Salvi sa kumbento at dito nasasaad na ang tunay niyang ama ay si Padre Damaso.

Sinabi niya kay Ibarra na kaya siya pakakasal kay Linares ay upang ipagtanggol ang karangalan ng kanyang ina subalit ang pag-iibig niya sa binata ay di magbabago kailanman.

Samantala, tumakas na si Ibarra sa tulong ni Elias. Sumakay sila ng bangka, pinahiga si Ibarra at tinabunan ng damo at pagkatapos ay tinunton ang ilog Pasig hanggang makarating sa Lawa ng Laguna. Ngunit naabutan sila ng mga tumutugis sa kanila. Inisip ni Elias na iligaw ang mga ito kaya naisipan niyang lumundag sa tubig kung saan inakalang si Ibarra ang tumalon kaya hinabol at pinaputukan siya ng mga sibil hanggang mahawi ang bakas ng pagkakalangoy at magkulay-dugo ang tubig.

Nakarating sa kaalaman ni Maria Clara na si Ibarra'y napatay ng mga Sibil sa kanyang pagtakas. Ang dalaga'y nalungkot at nawalan ng pag-asa kaya't hiniling niya kay Padre Damaso na siya'y ipasok sa kumbento ng Santa Clara upang magmadre. Napilitang pumayag ang pari sapagkat tiyakang sinabi ng dalaga na siya'y magpapakamatay kapag hindi pinagmadre. Pinili niyang pumasok sa kumbento upang hindi makasal kay Linares. Sa loob ng kumbento nagwakas ang alaala ng kanyang pagkamatay.

Noche Buena nang makarating si Elias sa maalamat na gubat ng mga Ibarra, sugatan at nanghihina na doon niya nakatagpo si Basilio at ina nitong wala nang buhay. Inutusan niya si Basilio na kumuha ng kahoy at sunugin ang kanilang bangkay. Itinuro niya kung saan nakabaon ang kayamanan ni Ibarra na maaari nitong gamitin sa pag-aaral. Bago siya nalagutan ng hininga ay sinabing, namatay siyang hindi nakikita ang

Page 13: Noli Written Report

pagbubukang-liwayway ng kanyang bayan at makakikita ay huwag sanang kalilimutan ang mga nangamatay dahil sa pagtatanggol sa bayan.

Ang Noli Batay sa Katotohanan

Ang Noli Me Tangere ay hindi isang kathang-isip. Ito’y sumasalamin sa tunay na mga pangyayari sa Pilipinas. Ang mga tauhan batay sa mga tunay na katauhan ay ang mga sumusunod:

Ibarra at Elias - Jose RizalMaria Clara - Leonor RiveraPilosopo Tasyo - PacianoPadre Salvi - Padre PiernaviejaKapitan Tiago - Kapitan Hilario SunicoDoña Victorina - Doña Agustina MedelBasilio at Crispin - Magkapatid na Crisostomo ng HagonoyPadre Damaso - Mapagsamantalang PrayleSisa - Inang Bayan

Si Juan Crisostomo Ibarra ay isang binatang Pilipino na matapos mag-aral ng pitong taon sa Europa ay nagbalik sa Pilipinas. Siya ang kumakatawan kay Rizal. Sa kakaibang katauhan, siya ay si Elias, isang maabagsik, kilabot, at marahas na tao.

Page 14: Noli Written Report

Ang lagi niyang gabay at tagapayo na si Paciano ay kinakatawan ni Pilosopo Tasyo sa nobelang ito.

Si Padre Salvi ay kumakatawan kay Padre Antonio Piernavieja, ang kinapopootang paring Agustino sa Cavite na napatay ng mga rebolusyunaryo. Noong una siya ay nakadestino sa Bulacan ngunit dahil sa pagiging mapanakit siya ay inilipat sa Cavite at doon siya’y dinukot ng mga rebolusyonaryo upang gawing “Obispo” ng kanilang samahan ngunit ito’y nagtaksil at nagbigay ng mga impormasyon sa mga Español tungkol sa mga rebolusyonaryo. Dahil dito ay itinali siya ng mga rebolusyonaryo sa gitna ng bukirin at hinayaang mamatay sa gutom.

Si Kapitan Tiago ay kumakatan kat Kapitan Hilario Sunico, siya ay isang mayamang tao na nagpopondo da mga Gawain ng simbahan. Si kapitan Hilario Sunico ang nagpondo upang magawa ang kampana ng simbahan ng Talambanan na ngayon ay kilala sa ngalang Mabolo, Cebu.

Sa mga Pilipinong nais maging Español, sila ay sa katauhan nina Doña Victorina at Doña Consolacion. Si Doña Victorina ay kumakatawan kay Doña Agustina Medel isang mayamang Pilipino na nagpakasal sa kastilang si Señor Coca dahil sa kagustuhang maging isang Español. Sa kasamaang palad so Doña Agustina ay nakaranas ng pangmamaltrato mula sa kanyang asawa.

Ang kanyang kalabang prayle ay sina Padre Damaso at Padre Salvi.

Si Sisa ang sumisimbolo sa ating aping inang bayang Pilipinas