love enemy
DESCRIPTION
uuuTRANSCRIPT
LOVE ENEMYLove Enemy: Teaser
“I hate you so much, kinamumuhian kita. I don’t need your love and get out of my life!”
“Don’t do this to me, please. I love you so much”
Si Arabella at Rowan any nagkilala sa Sagada. They fell in love with each other dahil na
rin sa tuksuhan ng mga kaibigan but something happened that Rowan hated him so
much.
May posibilidad pa kayang mahalin ni Rowan si Arabella kung ito mismo ang naging
dahilan ng pagkasira ng pamilya nito?
Chapter 1 “Love Enemy”Chapter 1
“Arabella, ano pinayagan ka na ba ng daddy mong sumama sa amin?” tanong ni Dalia.
“Kinukulit ko pa.. ilang araw nang bad mood si daddy tapos hindi pa nawawalan ng tao
sa bahay.” Paano ka naman makaka-pagpaalam ng ganun?” <sigh>
“Sayang kung hindi ka makakasama sa amin sa Sagada. Makakapag-relax tayo dun bago
mag start ang school year natin. “
“Oo nga Arabella, sumama ka na? Sayang din ito ngayon lang ulit tayo makakapag-
bakasyon ng matagal-tagal.” Dugtong ni Mona.
Last year na namin ito sa kursong Chemical Engineering. Chemical
Engineering basically is applied chemistry. It is the branch of engineering concerned with
the design, construction, and operation of machines and plants that perform chemical
reactions to solve practical problems or make useful products. Hindi ako o kaming
magkakaibigan ay matatalino pero hindi rin naman kami mga bobo o walang laman ang
utak, sabihin na natin na nasa average lang kami.
Ito ang aking mga kaibigan. Sina Mona, Dalia at Adela. Nabuo ang pagkakaibigan dahil
iisa ang mga gusto namin, ibig sabihin iisa ang mga tinatakbo ng isip. Gaya nga nitong
kursong kinuha namin, weird para sa iba dahil mga babae kami, pake namin eh eto ang
trip namin. We love searching, solving facts dahil curious kami sa lahat ng bagay.
Napag-usapan naming magkakabigan na magbakasyon bago sumabak sa eskuwelahan.
Kung noon medyo petiks petiks pa kahit marami projects pero this time we need to be
serious.
Kailangan ko talagang makausap ang daddy para payagan akong magbakasyon. Ewan
ko ba sa aking ama malaki na ako pero baby parin ako kung ituring.
“Dapat nakapag-paalam ka na dahil next week na ang punta natin doon. “ excited na
wika ni Dalia.
“Oo, basta wait lang! Hanap ako ng tiyempo para makausap si daddy.”
“If you need help, call or text mo lang kami. Hindi kami tutuloy kapag hindi ka kasama,
kailangan kumpleto tayo.”
“Thank you mga friends. Kaya labs na labs ko kayo eh..”
“Aba pag-hindi tayo natuloy sa buong bakasyon na iyon ikaw ang taya sa lahat ng lakad
natin.. hahahaha. “ Nang-aasar na Mona.
“Graveh ka naman Mona… iba nalang basta huwag yun?” Palambing kong sagot sa
kanila.
“Hahahahaha… ikaw naman hindi na mabiro. “
“Ang balita ko marami raw wafu dun sa Sagada?” Kinikilig na Adela.
“Sobra ka naman maka-kilig Adela, maghunus dili ka baka may makakita sayo at
mapagkamalan kang baliw.”
“Ito namang si Mona hayaan mo na ako, wala naman nakakakita eh! tsaka ikaw kinikilig
ka rin naman pag-nakikita mo si Jerome ah!.”
Biglang nag-blush si Mona”bakit halata ba ako? “Pa-inosenteng tanong ni Mona.
“As in, sobrang halata na nag-bublush ka.” Nyahahaha.
Kasalukuyan silang nasa Gym ng school, last day na ng Semester nila at doon nila pinag-
usapan ang planong pag-babakasyon sa Sagada.
***
“Ano bro. tuloy na tuloy na tayo ha! at huwag ka nang tumangi. Kung ako kailangan ng
bakasyon lalo na ikaw ngayon ka palang magbabakasyon simula nang itake-over ang
company.”
“Oo na, sasama na ako, so sobrang kulit mo halos araw-arawin mo ako.”
“Hahaha.. wala ka na talaga magagawa bro. kasi kahit tumangi ka pa ikakaladkad kita
para lang makasama ka.”
“Ikaw Dave kahit kailan basta sa babae gagawin mo lahat mapa-ibig mo lang.
“Ganyan talaga.. eh sa mahal ko kaya nga kahit sa kasuluksulukan ng mundo susundan
ko siya ganun ko siya kamahal.”
“Baduy mo talaga…”
“Ingit ka lang kasi torpe ka. Marunog ka bang manligaw?”
“Batukan kaya kita, ayoko lang ng padalos-dalos. “
Dalawang lang kaming magkapatid ni Dave, siya ang bunso. Ulila na kami ni Dave.
Naalala ko pa noong bata ako, nakita ko kung paano pinatay ang aking ama pero hinding
hindi ko makakalimutan kung sino ang pumatay dito. Nang tanungin ako ng mga pulis
kung sino hindi ako nagsalita dahil sumumpa ako sa sarili ko na ako mismo ang papatay
sa kanya. Ang aking ina naman ay inatake sa puso nang makitang nakahandusay ang
aking ama.
Lumaki kami sa pangangalaga ni Yaya Mila matagal nang naninilbihan sa amin, siya ang
itinuring naming pangalawang ina.
***
Pag-uwi ko sa bahay. “Hi Daddy,” bungad ko pag-pasok ng bahay. Kasalukuyang may
ginagawa ito sala. Sana naman po nasa mood si daddy para payagan ako magpunta sa
Sagada.” Nandito ka na pala?” ” Kararating ko lang po daddy.”
“Pumasok ka na sa loob at maka-kain ka na ng hapunan.” Nakayuko pa din ito at abala
sa pag-babasa ng papeles.
“Kayo po daddy hindi niyo po ba ako sasabayan sa hapunan?”
“Mauna ka na at susunod na ako. Tapusin ko lang ito.”
“Ok dad” at tumungo na ako sa kwarto para maka-bihis.
“Daddy, ah.. ah.. pwede po bang mag-paalam sa inyo? Tutal naman po bakasyon namin
ngayon, may balak po kaming mag-kakaibigan na sa Sagada mag-bakasyon.”
“Sagada? Ang layo nun? Ilang weeks ba ang bakasyon niyo at bakit dun niyo pa napiling
magpunta?
“Dad may 1 and half month lang kaming bakasyon. 3 weeks lang po kami mag-stay dun
balik na kami dito para ayusin ang schedules namin para sa darating na enrollment.
Maganda naman dun dad, mare-refresh kami dun.
Close kami ni daddy lahat sinasabi ko sa kanya, wala na si mommy, she died after she
gave birth to me kaya protective masyado.
“Ok papayagan kita dahil may tiwala ako sa’yo but anything problems tawagan mo ako
at susunduin kita doon.”
“Talaga daddy?”.. tumayo ako at niyakap ko siya ng mahigpit. “I love you daddy. Thank
you, thank you so much.” Mwahhh
Pagkatapos ng hapunan umakyat na kaagad ako sa kwarto ko at tinawagan sila Mona
para ibalita na pinayagan na ako.
“Oh! Arabella napatawag ka? Don’t tell me kailangan naming sumugod diyan para ipag-
paalam ka?”
Sinuspense ko muna siya para hindi ako mahalata na pinayagan na ko. Bibiruin ko muna
siya.. hahahaha
“Hay, nagsabi ako kanina pero hindi ako pinayagan. ”
“Gusto mo pumunta kami diyan? Hindi na Mona baka masigawan pa kayo.”
“Ok lang friend pewde rin naman matuloy ito pagka-graduate natin. Hehehehe”
“Ano ka ba Mona next year pa iyon kung sakaling maka-graduate nga tayo.”
“Don’t say bad words.. kaya natin ito noh! At makaka-graduate tayo basta magtulungan
tayong apat. “
“Hahahahahaha.. nakaka-tawa ka talaga Mona.” Hahahaha..
“Aber ano ang nakakatawa sa sinabi ko ha! “
“Kasi sarap mong asarin.. hahahaha. Akala mo hindi ako pinayagan noh!” We’ll saktong
good mood si daddy kaya pinayagan ako.”
“Talaga! Ikaw kung nandiyan lang ako sa tabi mo binatukan na kita. Arrggg”
“Hahahaha.. Ang dami kayang tanong ni daddy bago ako pinayagan.” Buti nalang may
tiwala si daddy sa akin.”
“So kailan tayo aalis?
“Sa lunes pa po, kaya may two days pa para makapag-ready ka.”
“Ah ok, inform mo nalang ako kung saan tayo magkikita-kita ha!.”
“Ok friend.. call you later. Mwahh. Gudnite. Sweetdreams”
Si Mona ang pinaka-close friend ko sa kanilang tatlo. Nagsasabi ako ng secrets kay Dalia
at Adela pero si Mona ang nakaka-alam lahat talaga ng scerets ko.
Sa kasarapan ng pagtulog ko… blag! blag! blag. Ano ba yun ang ingay naman.
Kakaasar lagi nalang ganito,kahit hating-gabi may dumadating na bisita. Minsan
nakakapag duda narin ang work ni daddy. Puro mga mukhang sanggano ang madalas
pumupunta sa kahit gabi.
Chapter 2 “Love Enemy” “Welcome to Sagada”. Ito ang nakasulat sa mala-arkong konkreto habang nasa daan
kami.
“This is it friends.. nandito na rin tayo sa Sagada.”
“Wow.. ganda naman dito. Nakaka-relaks ang tanawin.”
“Saan nga ba tayo tutuloy dito? Tanong ko sa kanila. “Sa pinsan ko Arabella.” Si Dalia.
Taga-rito kasi ang napangasawa niya, ayaw na rin umalis dito nung asawa niya kaya dito
na sila tumira.”
“Kung ako ang tatanungin niyo, mas gusto ko dito tumira. Parang ang simple lang ng
buhay, malayo sa gulo, sa sibilisasyon.”
“Naku Arabella, senti ka naman diyan.” Dalia tanungin mo pinsan mo kung maraming
wafu boys dito ha!. Ayehihihi.” “Ayan kana naman Adela. Lumalabas na naman yang
pagka-baliw mo.”
“Titigil na po.. nagtatanong lang naman eh!”
***
“Lena, nandito na pinsan mo at mga kaibigan niya.”
Nagbabaan na sila sa sasakyan sakto namang palabas ng bahay ang pinsan ni Dalia.
“Pinsan, kamusta na? ilang taon na ba tayong hindi nagkita? Ang ganda mo naman, pati
na rin itong mga kaibigan mo.?”
“Naku pinsan, sobra namang papuri yan, d naman masyado kagandahan.” “Siya nga
pala ito ang mga kaibigan ko, Si Arabella, Adela at Mona. Silang mga kaibigan kong
lukaret. Hehehe.” “ At ito naman ang pinsan ko si Lena at ang asawa niya si Rommel.”
“Ok na sana na pinakilala mo kami kaso may kasunod pa!” wika ni Mona.
“Lena isa ring lukaret yan.. hahahaha.” Biro lang.
“Pag-pasensiyahan mo na Lena, ganyan talaga itong mga ito.”
“Wala yun, ay bakit ba tayo dito nagkukuwentuhan. Pumasok na tayo sa loob para
makapag-pahinga na kayo at makakain narin, alam kong gutom na kayo sa haba ng
biyahe.”
Kumain na muna sila bago nag-pahinga. Oo nakaka-pagod ang biyahe. Halinhinan kami
sa pagmamaneho, mas ok sabi nila kung ganun.
“Hay.. sarap humiga, bukas nalang tayo maglibot. Matulog muna tayo, d na kaya ng
powers ko mag-lakad.” Wika ni Adela
“Akala ko ang sasabihin mo gusto mo nang malibot eh! “
“Gusto ko naman pong magpahinga noh! Ako kaya ang huling nagdrive.”
“Sige bukas nalang tayo maglibot para marami tayong powers na baon-baon.” Si Dalia.
Nahiga na kaming lahat, naiayos na rin namin ang mga gamit sa aparador . Pero hindi pa
rin ako makatulog dahil hindi pa din ako mapalagay sa huli naming pag-uusap ni daddy
bago ako umalis ng bahay.
“Daddy ano po ang problema? Napapansin ko po nitong huling mga linggo ang daming
mga taong pumupunta dito kahit na madaling araw na?”
“Wala ito anak, huwag mo nang pansinin. “
“Talaga dad, gusto niyo po bang d nalang ako sumama sa kanila. Paiwan nalang po
ako?”
“Huwag na anak, kailangan mo ng bakasyon. Huwag mo nang intindihin ito mas
magandang tumuloy ka sa bakasyon, mag-enjoy ka kasama nila.”
“Promise me to take care always and be a good girl”
“Dad naman eh! I’m a big girl now, 24 na ko.”
“You’re still my little girl”. Tandaan mo lagi na mahal na mahal ka ng daddy ha! If
anything happen to me. Doon ka muna mag-stay sa mga kaibigan mo.
“Dad why are you talking like that? Is there anything will happen to you?”
“Hay naku.. huwag mo nalang pansinin ang daddy mo, tumatanda na kaya ganito.”
“Umalis ka na at kanina ka pa hinihintay ng mga kaibigan mo. Ingat ka lagi.”
“Ok dad and I love you too.”
Sa pag-iisip ko namalayan ko nalang na bumibigat na ang mata ko.
***
“Kayong dalawa, mag-iingat kayo doon ha! “
“Si yaya talaga! Ang laki-laki na namin eh!” wika ni Dave
“Ayoko lang na may mangyari sa inyo doon. Aba! Malayo yung pupuntahan niyo.”
“Don’t worry yaya will be fine.. eto lang kasing si Dave ang makulit pumunta doon.”
“Kung magkaron man kayo ng problema tumawag kaagad kayo?”
“Opo yaya.. “sabay kaming sumagot ni Dave at napangiti.
Nitong mga nakaraang mga buwan tuwing aalis kami ng bahay ni Dave walang humpay
ang pag-sabi ni yaya na, ingat kayo lagi, kapag may problema tumawag kayo kaagad. D
ko naman masisisi si yaya dahil siya na nga ang nag-alaga sa amin pero d ko parin
maiwasan ang mag-isip.
Chapter 3 “Love Enemy” “Wow, ang ganda talaga dito, ang linis linis ng lugar, parang nakaka-hiyang mag-tapos
ng dumi sa daan.” Si Mona
“Makakapag-relaks nga tayo dito, at daming pwedeng puntahan na tourist spots, pati
mga souvenirs items ang daming shop na pwedeng pagbilhan.” Wika ni Adela
“Halika na kayo at umpisahan na natin ang pag-lilibot at nang makarami tayo. “ ang sabi
ko sa kanila.
***
“Bro. dito na tayo, at last nakarating na rin sa Sagada. Hmmm sarap ng hangin”
“Saan ba tayo tutuloy dito? Tanong ko kay Dave.
“Sa kabarkada ko, may rest house sila dito, tamang-tama lang na nandito rin siya para
mag-bakasyon.”
“Ah ganun ba! Nagsabi ka ba kung kailan tayo pupunta dito baka mabigla yun?”
“Oo alam niya ngayon ang punta natin dito.”
“Eh! alam rin kaya niya na bakit pupunta dito dahil meron kang kinalolokohang babae?”
“Huwag ka na mag-alala bro. alam na niya lahat yan.” Naka-ngiting si Dave.
“Pare kamusta na? musta ang biyahe natin? Napagod ba kayo?”
“Jerome isa-isang tanong lang, kararating lang namin.”
“Siya naga pala Jerome, siya nga pala ang nakakatandang kapatid ko si kuya Rowan
pero d ko tinatawag na kuya 2 taon lang agwat namin.”
“Bro. si Jerome kabarkada at classmate ko.”
“Kamusta Jerome?”
“Mabuti naman ako, halika na kayo sa loob at doon na tayo magkuwentuhan at para
makaka-kain narin kayo at makapag-pahinga.”
Kinabukasan, nag-aya nang maglibot si Dave at Jerome. Pinuntahan namin ang mga
tourist spot pati na rin ang mag shops na pwede bilhan ng mga souvenirs.
Tama nga si Dave nakaka-relax nga dito sa Sagada. Maganda ang tanawin, sariwa ang
hangin at ang linis-linis pa hindi kagaya sa Manila.
Isang linggo na kami dito pero parang hindi yata pinupuntahan ni Dave ang babaeng
kinalolokohan niya. Isang araw hindi ako nakatiis na magtanong…
“Dave akala ko ba eh kaya tayo nagpunta dito para sundan ang babaeng gusto mo?
“Ah yun na bro. nakita na namin sila nung minsang nagpunta tayo sa Bar nung isang
araw kaya lang d kami makatiyempo sa kanila eh.. “
“Aba ikaw yata ang natotorpe ngayon, asan na yung sinasabi no sa akin dati ha!”
“May ilang linggo pa naman tayo sa Sagada, makakahanap din ako ng tiyempo.”
***
Napagod kaming apat sa maghapong kalilibot kaya sina Adela ay Dalia ay mahimbing
nang natutulog.
“Mona gising ka pa ba?” “Hindi pa. Bakit?”
“Hindi kasi ako makatulog eh. kwentuhan muna tayo.”
“Sige, ano ba gusto mong pag-kwentuhan natin, ang kabaliwan ni Adela!”
Napabungis-ngis kami ni Mona. Simula kasi nung maglibot kami walang humpay na
pagpapa-cute ni Adela sa mga boys dito sa Sagada.
“Shhh.. baka magising at masigawan tayo.. ayehihihihihi.” “Ano ba gusto talaga kasi
pag-kwentuhan Arabella?”
“Natandaan mo nung isang araw nag-bar tayo? Hulaan mo kung sino ang nakita ko
dun?”
“Gawin ba akong mang-huhula? Aber sino ba yang nakita mo? Lalake ba yan?”
“Aba siyempre, wafu ito noh!” si Dave, yung may gusto kay Adela at si Jerome ang luhim
mong boyfriend.”
“What…?”
“Shhh.. ang ingay nito”
“Sorry.. talaga nakita mo si Jerome ko? Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?”
“Sensiya na nakalimutan ko. Hindi kasi mawala sa isip ko yung mukha nung kasama
nila.”
“Oi, sino yun? Ikaw ha naglilihim ka na sa akin? Bespren mo ko d ba?”
“Ikaw naman Mona, siyempre ikaw ang brespen ko kaya nga sinasabi ko ito sa’yo
ngayon eh!”
“Magkuwento ka nalang. Nung nakita mo si Dave at Jerome nakita ka ba nila?”
“Hindi ko alam kung nakita nila ako, kung nakita man nila tayo eh bakit hindi nila tayo
nilapitan?”
“Baka naman natorpe at nahiyang lumapit?”
“Siguro nga. <Sigh> sana makita ulit natin sila at makilala ko yung kasama nila.”
“Gwapo ba? “Oo naman, as in super gwapo.”
“Aba ngayon ka lang kitang nakitang kinilig ng ganyan ha?”
“Eh ngayon lang naman ako humanga sa isang lalake noh!”
“Sana nga makita natin sila ulit, para na rin makita ko na rin si Jerome ko.”
Sabay kaming napa-kilig.. .
***
Kinabukasan, nag-presinta kaming apat na kami na ang mamalengke at magluto.
Nahihiya na rin kami sa mag-asawa na lagi nalang sila ang nag-aasikaso.
“Ano! Ok na ba itong mga pinamili natin? “Tanong ko sa kanila.
“Siguro ok na ito, madami-dami narin itong mga binili natin. “ wika ni Mona
Naglalakad na kami papunta sa pinag-paradahan ng sasakayan nang biglang..
Chapter 4 “Love Enemy”Blag! “Aray!” bigla akong napa-upo dahil meron bumanga sa akin.
“Miss, tingnan mo naman yang dinaraanan mo! Pag-naglalakad dapat hindi naka-yuko
ayan tuloy nangyari sa’yo.”
Tumayo ako mula sa pag-kakaupo at..
“Hoy mister, akala mo ikaw ang may-ari nitong daan ha! “Pinapag-pag ko pa din ang
puwitan ko dahil sa pagkaka-upo. Pero ako ay napatulala nang makita ko kung sino ang
nabangga ko..
“Arabella ok lang ba? “Tanong sa akin ng mga kasama ko.
“Hoy Arabella, gumising ka? Yug-yog sa akin ni Mona
“Miss pagsabihan mo naman yang kasama mo, hahara hara sa daan eh.”
Hindi pa din ako matinag sa kinatatayuan ko… siya kasi ang kasama nila Dave at Jerome
sa bar. Sa wakas nag-kita na rin kami.
“Bro. may problema ba? Biglang dumating sina Dave at Jerome.
Sa pagkarinig ko sa boses nila .. “Ok ka na ba Arabella?” tanong ulit ni Mona
“Oo, ok na ako.”
Biglang napatingin sa akin si Dave. “Ikaw pala iyan Arabella? Anong ginagawa niyo dito
sa Sagada?”
“Dave, nag-babakasyon kami dito. Siya nga pala kasama ko sina Mona, Dalia at Adela.”
Binati ni Dave sina Mona at Dalia at huli si Adela na halos ayaw nang hiwalayan ng
tingin.
“Ahem..ahem.. “si Rowan. “Baka gusto mo naman kaming ipakilala Dave?”
“Oo nga pala Arabella si Jerome classmate ko at ang kapatid ko si Rowan.”
“Hi, nice to meet you Jerome and Rowan.”
Matagal na kaming mag-kakilala ni Dave. Siya ang una kong naging kakilala nang una
ankong pumasok sa Unibersidad. Naging mag-kaibigan kami pero habang sa magka-iba
ng kurso bihira narin kami magkita o mag-kausap man.
Nakipag-kamay sa amin sina Rowan at Jerome, gaya nang nauna nang sina Mona at
Jerome ay parang walang tao sa paligid nang magtapo ang kanilang mga mata halos
ayaw ang bitawan ang mga kamay.
Naging crush ni Mona si Jerome nang minsang nagkasalubong kami ni Dave sa school,
yun ang una nilang pagkikita at simula noon nagkaron na ang lihim na pagtingin si Mona.
Napansin na din ito nina Dalia at Adela dahil, na rin sa nabasa nito ang ginawang sulat ni
Mona para kay Jerome..
“Saan ang punta niyo ngayon yan Arabella?” tanong sa akin ni Dave.
“Pauwi na kami, kami kasi ang nagprisintang mamalengke.”
“Ganun ba! Pwede ba namin kayong maihatid? “
“Huwag na Dave may dala naman kaming sasakyan.”
“Kung ganun pwede ba ko bang malaman kung saan kayo tumutuloy para naman
madalaw namin kayo.?”
Binigay ni Dalia ang address ng pinsan niya pati na rin ang telepono sa bahay.
“Tatawaga ko para madalaw namin kayo at para narin maaya namin kayong mamasyal
dito sa Sagada.”
“Sige, hintayin namin ang tawag niyo.” Tugon ko kay Dave.
Sa pag-uusap na iyon parang kami lang ni Dave ang nag-kikibuan. Busy kasi si Mona at
Jerome sa pagtitigan at si Adela ganun pa din nagpapa-cute kay Dave at si Rowan hindi
ko alam kung kanino nakatingin kung sa akin ba o kay Dalia.
***
Naka-uwi na rin sila Dave ngunit parang malayo pa din ang isip ni Rowan.
Parang pamilyar ang mukha niya sa akin.. parang may kamukha siya .. d ko lang maisip
kung sino? Kanina pa ang-iisip si Rowan kung sino ang kamukha ni Arabella? Hindi
nakakasawang titigan ang mukha niya, bakit nga pala d ako naka-pagsalita kanina?
Tama yata si Dave na torpe ako. Sana magkita ulit kami? Sabihin ko kay kay Dave na
yayain silang lumabas? Huwag na, nakaka-hiya pagkatapos kong sungitan kanina pero
eto na ang yung chance para makapag-sorry ako. Bahala na.
Sina Jerome at Dave naman masaya dahil nakita nila ng tinitibok ng puso nila. Si Jerome
para kay Mona at si Dave para naman kay Adela.
“Jerome kailan natin sila dadalawin? gusto ko nang makita ulit si Adela.”
“Bukas Dave, bukas natin sila dadalawin.”
Walang humpay ang ngiti nina Dave at Jerome.
***
“<Sigh> nakangiting si Adela, ang gwapo ni Dave.” Kailan kaya siya tatawag?
“… si Adela nababaliw na naman.. hahahaha.” Si Dalia
“Ikaw Dalia, hindi ako baliw ha… humahanga lang ako noh!”
“Humahanga? Lahat naman naman ng makita mong gwapo eh ganyan ka?” lalo pang
inaasar ni Dalia si Adela.
“Hay naku tigilan mo nga ako Dalia.. pabayaan mo na nga ako..”
Sa aming apat si Adela ang pinaka-kikay sa akin, basta may nagwapuhan hindi pwedeng
hindi mo mahalata. Si Mona tahimik pero alam kong happy siya dahil nakita niya na rin si
Jerome.
“Bago kayo mag-kapikunan diyan, mag-ayos na tayo ng mga pinamili natin at makapag-
luto narin at darating anyung mag-asawa, paniguradong gutom na yun sa maghapong
pagtatrabaho. “ wika ko sa kanila
Pagkasabi ko nun, nag-sitayo na sila at kumilos sa mga gagawin.
***
Kinagabihan.. nag-hahanda na kaming matulog nang marinig namin na..
“Kring..kring..kring… Dalia may tumatawag baka kung sino na iyon?” sabi ni Mona sa
kanya.
“Hello, pwede ko bang maka-usap si Arabella? “
“Ah..sino sila?
“Paki-sabi si Dave, yung kaibigan niya.”
“Dave, si Dalia ito. saglit lang at tatawagin ko si Arabella.”
“Salamat Dalia”. Pumanhik ulit sa kwarto si Dalia at tinawag ako.
“Arabella para sa’yo ang tawag.” Sa akin? At sino naman yan?”
“Si Dave, bumaba ka na para maka-usap mo siya”. Sabay na nagulat si Mona at Adela.
“Hello Dave, si Arabella ito. Bakit napatawag ka?
“Pasensiya na Arabella kung naka-istorbo ako. Natutulog ka na ba?”
“Hindi pa naman, nagreready palang kaming matulog. Napatawag ka yata?”
“Wala naman, sinubukan ko lang itong number na binigay iyo sa akin. Arabella free ba
kayo bukas?”
“Bakit mo naman naitanong?”
“Ah..gusto sana naming ayain kayong lumabas bukas, kayong apat? Ok lang ba? Wala ba
kayong lakad?”
“Kung papayag kami, saan naman niyo balak kami ipasyal?”balik kong tanong kay Dave.
“Kahit saan niyo gusto pumunta..yung hindi niyo pa nalilibot.”
“Sige, wag mo ibababa ang phone ask ko sila kung papayag.”
“Ok, I’ll wait”
Ini-hang ko ang phone at dali-daling umakyat sa kwarto.
“Si Dave ang tumawag, nag-aaya bukas na maglibot. Ano ok ba sa inyo?”
Wala akong narinig na salita pero based on their face expression alam ko na ang sagot.
“Hello Dave, andiyan ka pa ba?”
“Nandito pa ako Arabella. Ano payag na kayo?”
“Oo, pumayag na sila.”
“Talaga, eh d bukas sunduin namin kayo? Huwag na kayo magdala ang sasakyan, mas
maganda kung isang sasakyan lang gagamitin natin.”
“Sige, kayo ang bahala, wala problema sa amin.” “What time niyo kami susunduin?”
“Mga 9 am. So I’see you girls tomorrow.”
“Sure, thanks for inviting us Dave.”
“Your Welcome. Gudnite.”
“Gudnite too.”
***
“Ano Dave, pumayag ba sila? “ Tanong ni Jerome.
“Oo,pumayag, sabi ko 9 am natin sila susunduin. Makikita ko na rin si Adela.”
“Buti naman at pumayag?”
Biglang pumasok sa kwarto si Rowan nag-tataka sa dalawa.
“Bro. may lakad tayo bukas, alis tayo dito mga 8:30am.”
“Ang aga naman, may date ba kayo bukas?
“Meron.. apat na girls. Susunduin natin sila bukas.”
“Dave, isa ba dun sa apat yung gusto mong babae?”
“Isa nga dun, kaya nga nung nabalitaan kong dito sila magbabakasyon kinausap ko na
itong si Jerome dahil alam kong meron silang bahay dito sa Sagada. Hindi lang naman
ako ang may popormahan dito?” sabay kindat kay Jerome.
“Pati ikaw Jerome? Pwde bang pass muna ako sa lakad niyo?”
“Hindi pwede bro. dapat kasama ka namin. Kaya nga kita isinama dito para ma-relax
ka.”
Bakit ba ako nag-karoon ng makulit na kapatid. <Sigh>.
“Siya sige, sige, wala rin akong panalo sa kakulitan mo.”
“Tska bro. irereto ko sa’yo si Arabella. Bagay kayo nun. Para naman mag-karon ng love
life yang buhay, hindi yung puro trabaho. Aba simula nung ikaw na ang naghandle ng
kumpanay natin eh wala ka anang gianwa kundi trabaho. Wala akong nababalitaan na
may dine-date kang babae. Paminsan-minsana naman eh lumbas ka naman kasama ng
girl para hindi kita inaasar na torpe. Hahahaha”
“Huwag mo akong isasali diyan sa kalokohan mo ha! sumama ako sa’yo para makapag-
bakasyon hindi para mag-hanap ng babae.”
“Kung hindi ka torpe Rowan, si Jerome, bakit hindi mo diskartehan si Arabella? Sa pag-
kakaobserve ko sa’yo nung nagkabung-guan kayo at ipinakilala tayo ni Dave sa kanila,
meron ka ring pagtingin na tinatago? Sabihin na nating na love at first sight ka na sa
kanya? “
“Pati ba naman ikaw Jerome ay pumapatol, na rin sa kalokohan nitong kapatid ko. Wala
akong gusto sa kanya at hindi siya ang tipo kong babae. “ Pero sa isip ni Rowan simula
nga nung nakilala niya si Arabella hindi na ito nawala sa sip niya.
“Ows talaga bro. wala kang pagtingin sa kanya. Sinabi mo yan ha! tulak ng bibig kabig
ng dibdib” tawa ng tawa sina Dave at Jerome.
Hindi ako nag-pahalata sa kanila na totoo nga na nabighani ako kay Arabella. Pero labis
akong natuwa sa sinabi ni Dave. Sa wakas makikita ko narin siya.
Chapter 5 “Love Enemy”POSTED BY CLAYOF ⋅ AGOSTO 31, 2010 ⋅ MGA PUNA
Chapter 5
Kina-umagahan nga maagang nagising ang apat, kaagad silang kumain ng almusal at
nag-handa para sa paanyaya nila Dave kaya bago palang ang tinakdang oras ay naka-
handa na silang apat.
“Maganda na ba ako Dalia, tanong ni Adela. “Oo maganda ka na miss baliw. Hahahaha”.
“Ang sama naman nito, nag-tatanong lang ako eh! .” Adela kahit hindi ka mag-tanong sa
amin, maganda ka. “ Talaga! Binobola mo lang eh? “ Hay ewan ko sa’yo, nag-sasabi na
nga ng totoo ayaw pa maniwala. Diyan ka na nga .” Lumabas na kwarto si Dalia.
Pasimple kong siniko si Mona. “ ano sis. ready ka na bang makita si Jerome? “ “Oo
naman, hindi ko akalain na tatawagan nila tayo. Eh ikaw makikita mo na rin si ulit si
Rowan, excited ka na ba?” “ahmm.. oo naman noh! ako pa.”
“Halika ka na baba na tayo para pag-dumating sila ready na tayo.” Aya sa akin ni Mona.
Kaya sabay na kaming pumanaog ni Mona at ilang saglit lang ay dumating narin sila.
“Good Morning Girls..” bati sa amin ni Dave at Jerome. Si Rowan ay hindi na bumaba ng
sasakyan siya kasi ang drive ng van.
“Good Morning sa inyo Dave and Jerome. “ bati naming apat.
“So shall we go now, para marami tayong mapuntahan.” “ Arabella, baling sa akin ni
Dave, doon ka na sa harapan umupo, sabay kindat sa niya sa akin.”
Napangiti ako kay Dave… parang sesense ko na may balak itong si Dave ah! Buti nalang
dito ako sa harap pina-upo para nga naman makatabi ko si Rowan. Pag-sakay ko “ Hi
kuya, good morning “bati ko sa kanya. Kuya muna ang itawag, nakakahiya naman first
name basis kaagad eh mas matanda siya sa amin.
“Good Morning din sa’yo, bakit naman may kuya pa, ok lang sa akin na Rowan nalang.
Ayoko rin kasing nag-papatawag ng kuya, feeling ko lalo akong tumatanda.”
“Ok kung yan ang sabi mo ku—Rowan.” “ That’s better, wala nang kuya.”
***
Masaya ang maghapon naming kasama ang mga boys, medyo nag-paparamdam na si
Jerome kay Mona at si Dave kay Adela. Masaya ko para sa kanila dahil mag-kakaruon na
sila lovelife.
Kung saan saan kami nag-punta, naka-bili narin kami ng mga pasalubong.
Sa bawat nag-daang mga araw, halos kasama namin sila Rowan. Walang tigil din ang
tuksuhan isama pa kami ni Rowan. Oo aaminin ko unang kita ko pa lang sa kanya
nabihag na niya ang puso ko. Sa palagay niyo kaya may pagtingin rin siya sa akin? Kahit
hindi niya pinapansin? kakausapin lang niya ako pag may sasabihin lang siya.
Hay ang buhay pag-ibig nga naman! Pero hindi ko rin inaasahan na isang gabi habang
nag-kukuwentuhan sa veranda ng bahay…
“Wala na tayong chips? Wika ni Dave
“Punta kami sa tindahan ni Arabella para bumili.” Nagulat ako sa pero hindi nag-
pahalata. “sasamahan ko lang si Rowan bumili.” sabay tayo at lumakad na kami ni
Rowan.
“Nagulat naman ako sa’yo kanina! Bakit ako pa ang isinama mo? Baka lalo nila tayong
tuksuhin?”
“Hayaan mo sila, gusto ko rin naman na magkasarilinan tayo kaya kita isinama.”
“Ha! ako gusto mong masolo? Bakit?”
Tumigil siya sa paglakad at humarap sa akin, hinawakan ang aking mga kamay at…
“Arabella.. I like you.. I mean mahal na yata kita..
What? Ano ito?isang biro? Totoo ba ang sinasabi niya? Ano ang sasabihin ko? Magtatapat
din ba ako na gusto ko rin siya?
“I.. I don’t know what to say. Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo? Huwag kang magpa-
apekto sa mga tukso nila?
“Arabella, I’m serious.” Diretso ang tingin sa mga mata niya na sabi nito. “I love you.
Kahit magalit ka sa akin, pero iyan ang totoo. When I saw you that day on that day , I fell
in love with you already,” sinserong sabi nito.
Hidi ito kumukurap habang nagsasalita.
Naumid ang dila niya. Nakatingin lang siya sa mga mata nito na parang inaarok doon
ang katotohanan ng ipinagtapat nito sa kanya.
“Hindi kita minamadali. I just want you to know that I love you. It may sound corny but
that is true. Pagtawanan mo na ako kung gusto mo, pero wala nang bawian ang sinabi
ko. Mahal kita. Na-hook na ako ng charm mo.
“Rowan, I love you too.”
“Pasensiya na.. nahihirapan na kasi akong itago ang nararamdaman ko sa’yo.. Ano sabi
mo? U-ulitin mo nga?”
“Ang sabi ko, I love you too. Mahal din kita.”
“Talaga..mahal mo din ako?” Nagtatalon sa tuwa. “Eh d tayo na?”
“Naintindihan mo naman siguro yung sagot ko dba?”
Napakamot ng batok. “Sabi ko nga tayo na”
“Pero Rowan may favor sana ako sa’yo, gusto ko sana na tayo lang muna ang maka-
aalam nito. Don’t worry ako ang magsasabi sa kanila.”
“Ok, kung iyan ang gusto mo, pero gusto ko lagi tayong magkita?”
“Thank you, oo lagi tayong mag-kikita.” Tumuloy na kami sa tindahan at hindi na rin
niya binitawan ang kamay ko. Binitawan nalang niya nang makarating kami sa bahay.Chapter 6 “Love Enemy”Ang bilis ng araw, isang linggo nalang at uuwi na kami. Kamusta na kaya si daddy? I
hope ok siya, hindi ko kasi makontak ang cellphone laging out of coverage, pag
tumatawag naman ako sa bahay, laging sinasabi ng maid na wala si daddy. <sigh>
Bago kami umalis ng Sagada, napag-usapan namin na mag-overnite sa Beach kasama
siyempre ang mga boys.
“Mag-ingat kayo sa daan pa-uwi”, bilin sa amin ni Lena. “At saka pwedeng lalake ang
mag-drive sa sasakyan niyo Dalia?
“Huwag kang mag-aalala pinsan, Si Rowan ang mag-mamaneho ng sasakyang dala
namin at mag-iingat kami. “ Maraming salamat nga pala pinsan sa pag-tangap mo sa
amin dito.”
“Naku wala yun, masaya ako na meron bumibisita dito sa amin at salamat din dahil
nagustuhan niyo ang lugar namin dito sana ay nag-enjoy kayo sa pamamasyal.”
“Enjoy na enjoy kami dito Lena, tugon ko, napaka-ganda ng inyong lugar.”
“O siya sige humayo na kayo at baka gabihin kayo sa daan niyan. Sana makadalaw ulit
kayo rito.”
“Hayaan mo mo Lena dadalaw ulit kami dito.”
***
Sa Dave ang nag-maneho ng sasakyan nila kasama niya dun siyempre si Adela, Si
Jeremy at Mona. Sa amin namin ang nag-maneho ay si Rowan, ako at Dalia.
Habang nasa daan, panay ang sulyap ni Rowan sa front Mirror kung saan nakikita ang
tao nakasakay.
“Rowan baka mabunggo tayo, bakit ba kasi tingin ka ng tingin diyan sa likod? May
problema ba?”
“Ha! walang problema. Ano kasi.. tinitingnan ko lang si Dalia kung tulog na?”
“Eh bakit mo gustong mong malaman kung tulog na siya? “Tumingin ako sa likod, tulog
na tulog si Dalia. Sabay tingin kay Rowan.” Tulog na siya”
“Mabuti naman at tulog na.” ngingiti ngiting si Rowan. At biglang kinuha ang aking
kamay. “Ayan, pwede na akong magdrive.”
“Teka, teka ano yang ginagawa mo.” At bakit may pahawak-hawak ka ng kamay diyan?”
“Wala, gusto ko lang hawakan ang kamay mo, baka kasi d ko na mawahakan yan
mamaya eh!”
“Ikaw talaga! “ at hinayaan ko nalang siyang hawakan ang kamay ko habang ang nag-
dadrive siya.
Pagdating namin sa resort which is napili namin sa lugar ng Pangasinan.
“Hay.. ang sarap itapak ng paa sa buhangin at sarap langhapin ng simoy ng dagat, d
ba Rowan? “tingin ko sa kanya.
“Oo,”habang palapit siya sa akin. Nang makalapit, “sana masolo kita mamaya?”
“At bakit gusto mo naman akong masolo aber?” “siyempre girlfriend na kita tsaka I want
to know you more.”
Napangiti ako sa sinabi niya. “Ako rin gusto kong malaman ang tungkol lahat sa’yo.”
“I love you Arabella.” “I love you too Rowan.”
Nang makita namin sila, naghiwalay na kami at sumunod sa mga kasama.
***
Sa pag-sapit ng gabi, nag-karuon ng bonfire sa tabi ng dagat at dun napag-alaman
namin na sinagot na ni Mona at Adela sina Dave at Jeremy. Masaya ako para sa
dalawang kaibigan ko.
Nagkaruon kami ng pag-kakataon na mag solo ni Rowan, napili namin na pumunta sa
dulo ng resort.
“Buti naman at nasolo din kita, akala ko wala na tayong pagkakataon”
Umalis kami dun na hindi nila namamalayan ng dalawang pares, busy kasi sila sa pag-
lalambingan nila. Si Dalia naman ay maagang pumasok sa cottage at inaantok na raw
siya.
Mag-kahawak kamay kami ni Rowan habang naka-upo sa batuhan. Masaya siyang
kausap, kung ano ano ang pinag-uusapan namin, gaya ng favorite color, bakit yun ang
napili mong kurso at iba pa, hanggang napa-dako ang usapan sa pamilya.
“Dalawa lang ba talaga kayong mag-kapatid ni Dave? “ tanong ko sa kanya.
“Oo, dalawa lang kaming magkapatid. Ulila na kami kaya si yaya Mila na ang nagpalaki
sa amin ni Dave.
“Hindi ko alam na ulila na pala kayo. Ok lang kung itatanong kung bakit na-ulila kayo?”
Tumingin siya sa dagat at huminga ng malalim saka sumagot. “si mommy inatake sa
puso dahil nakita niyang nakahandusay si daddy. Pinatay si daddy sa mismong bahay
namin, nandun ako nang mangyari yun pero hindi ako nagpakita. Hinding hindi ko
malilimutan ang mukha ng pumatay sa kanya.” Namumula sa galit si Rowan habang
kinukwento niya yun.
“I’m sorry for what happen!” yakap ko sa kanya. “Nahuli ba kung sino ang pumatay sa
daddy mo?”
“Hindi dahil wala naman nakakita sa pagpatay kundi ako lang.”
“Eh pano nakapasok yun sa bahay niyo? Kahit katulong hindi alam na pumasok yun sa
bahay niyo?”
“wala yung mga katulong dahil day off nila kaya kami lang nila mommy ang nasa
bahay.” Paano rin siya mahuhuli kilalang tao siya, isa siya sa mayamang Business
Tycoon.”
“Kung nakita mo siya bakit hindi ka nagsalita, hindi nagsumbong sa mga awtoridad.”
“Gusto ko ako ang papatay sa kanya, nag-iipon lang ako ng ebidensiya para mahuli siya.
“
“Huwag mong ilagay sa kamay mo ang batas hayaan mo ang mga awtoridad ang
gumawa niyan. “
Alam ko nagtitimpi lang siya dahil masakit para sa kanya ang mawalan ng magulang lalo
na at nkita niya kung paano ito namatay.
“Pwede bang iba nalang ang pag-usapan natin? Ikaw naman ang mag-kwento?”
“Kagaya mo wala narin akong mommy, she died nang ipinanganak niya ako kaya si
daddy na ang nag-palaki sa kin. Close kami ni daddy kaya kahit wala na si mommy hindi
naman niya ako pinababayaan.” Sabay ngiti ko sa kanya habang nakayakap.
“Medyo lumalamig na, halika na at bumalik na tayo sa grupo baka makahalata sila na
eh! “yaya niya sa akin
Inalalayan niya akong tumayo at magkawak-kamay kaming bumalik sa grupo. Gaya ng
pag-alis namin halos ayaw nang mag-hiwalay ang dalawang lovebirds. Umupo na kami
sa dating pwesto at bigla silang tumingin sa amin ni Rowan.
“Uyy! San kayo galing dalawa? Nag-date kayo noh! “ngiting tanong sa amin ni Dave.
Sabay kaming nag-katinginan ni Rawan. “Diyan lang kami sa tabi-tabi, naglakad-lakad at
nagkwentuhan.” Sagot ni Rowan sa kanila.
“At ano naman ang pinag-kwentuhan niyo? Baka iba na yang kinuku-kwento mo bro.? O
baka naman nagtapat ka na ng iyong pag-ibig? Sinagot ka na niya ba?” makahulugang
ngiting tanong ni Dave. “Abay bilis-bilisan mo bro. kung hindi ka pa niya sinasagot, baka
naman umiral yang pagka-torpe mo”. Nagtawanan silang apat.
Hindi nalang sumagot si Rowan sa kanila. Kaya pagtingin ko kay Adela naka-ngiti siya sa
akin at ako ang tinanong. Ano ba naman ito mga ito napa-HOT SEAT tuloy kami ni
Rowan, dapat pala hindi nalang kami umalis, ayan tuloy, pero kung hindi naman kami
umalis hindi kami makapag-solo, hindi namin malalaman ang mga tungkol sa amin sarili
at pamilya.. Bahala na kung ano ang mai-sagot.
“Arabella, nag-tapat na ba ng pag-ibig itong si Rowan sa’yo? Baka naman eh kayo na at
nililihim niyo lang? patay! “paano kung malaman nila.. d muna dapat nila malaman.
“Ha! hindi na kami ni Rowan, sinabi naman niya sa inyo na nag-kwentuhan lang kami sa
buhay-buhay namin.”dipensa kong sagot.
Tumayo na ako at nag-paalam na matutulog na, baka kasi kung ano-ano pa ang
maitanong nila. Tumingin s akin si Mona na ipinahihiwatig na magtapat ng nangyari.
Bago ako tumalikod sumulyad ako sa kanya na huwag na akong ihatid.
Hindi pa rin ako makatulog, iniisip ko ang mga huling sinabi niya. Sana mahuli na ang
pumatay sa kanyang ama. Ayokong siyang mapahamak. Hanggang sa nakatulog ako.
Kinabukasan. Sa pag-uwi sa manila ganun pa din ang set-up. Lumapit sa akin si Mona at
bumulong. “Psst.. Arabella, may inililihim ka ha? san kayo nagpunta ni Rowan kagabi?
Nakikitawa lang ako kagabi?”
“Huwag ka ngang maingay, nagkuwentuhan lang kami tsaka ang hirap makisali sa
inyong mga lovebirds.. baka langgamin kami dun ni Rowan.”
“Ows! Yun lang ba talaga, baka naman kayo na hindi mo lang sinasabi. Aminin mo kasi,
ako lang naman ang makaka-alam eh!”
“Paano magiging kami, eh hindi naman niya ako nililigawan? Nagkuwentuhan lang
kami.” Pag-dedeny ko.
“Ok, sabi mo eh, pero kapag nagsinungaling ka sakin magagalit ako sa’yo.”
“Eto naman, tampororot, hayaan mo kapag nangligaw ikaw ang unang makaka-alam.”
“dapat lang noh!, ako yata ang bestfriend mo.”
“Sige na maghiwalay na tayo at hinihintay ka na ng lavidabs mo baka ako pa ang
singhalan niyan.” “Ok, magkita nalng tayo sa bahay.”Ingat kayo ha!”
“Kayo din ingat.” at nag-beso beso kami ni Mona saka sumakay sa aming mga
sasakayan.
***
Pagdating sa bahay nila Mona, nagkuwentuhan muna saglit at naipakilala na rin ni Mona
si Dave sa mga magulang nito. Hindi na rin nag-tagal ang mga ito para raw makapag-
pahinga narin raw kami. Sina Dalia at Adela ay nag-paalama narin. Ako naman tumawag
sa bahay para magpasundo sa driver.
“Mang Kanor, kamusta na po kayo?”
“Ok naman po m’am Arabella.” Kayo po kamusta ang inyong bakasyon? Nag-enjoy po ba
kayo doon?”
“Mabuti naman po ako mang kanor at tama nga kayo sobra akong nag-enjoy”, lalo na
kasama ko ang mahal ko, tuloy sabi ng isip ko.
“Ang daddy po, kamusta na? Busy po ba lagi ang daddy? Tuwinf kinokontak ko kasi ang
phone niya laging patay tapos pag-sabay naman lagi sinasabi ng maid na wala raw ang
daddy, laging nasa labas.”
“Eh! ma’am, nasira po ang cellhpone ng daddy niyo at oo po laging busy yun, laging may
ka meeting.”
“Ganun po ba, eh bakit naman po nasira ang phone ni daddy? Hindi man lang
nagtatanong sa inyo sa bahay kung tumatawa ako?”
“Alam po ni sir na tumatawag kayo, sinasabi mo ng mga katulong kaya alng po sa
sobrang busy ng daddy niyo kaya hindi kayo makuhang matawagan.”
“Kakaasar naman yang si daddy.” Mang kanor pwede po bang magtanong ulit?”
“Ano po yun ma’am.” “d po ba matagal na kayong naninilbihan sa amin? Bakit po laging
may nag-pupunta sa bahay kahit na hating –gabi tapos puro mukhang sanggano pa! ano
pa po ba ang ibang negosyo ni daddy?”
“Ah-eh.. ma’am wala po akong idea diyan, ang alam ko lang po nanghihingi sila ng
tulong.”
Hmmm..alam ko may itinatago rin itong si mang kanor, siguro kasabwat rin ni ito daddy.
Malalaman kung ano ang itinatago nila sa akin.
Chapter 7″Love Enemy”Pagdating sa bahay hinanap ko kaagad si daddy, hangang sa nakita kong naka-awang
ang pintuan ng library. Aalis na sana ako pero parang ayaw umalis ng paa ko kaya
nakinig ako sa pag-uusap nila.
“Alberto ano ang gagawin mong hakbang ngayon? Pina-buksan ulit ng anak ni James ang
kaso pagpatay sa kanyang ama? Kailangan gumawa na tayo ng paraan para dito?”
“Huwag kang mag-alala, gagawa ako ng paraan.”
“Anong paraan? Nakita ka nung bata nang patayin mo si James.” Natatakot na sabi ng
kausap ni daddy.
“Sabi ko sa’yo, gagawa ako ng paraan. Ano ba pangalan ng anak ni James?”
“Ang pag-kakaalam ko ang pangalan ay…“
“Arabella, anong ginagawa mo diyan? Kanina ka pa ba diyan? Ano oras ka dumating?”
dire-diretsong tanong sa akin habang papalapit.
“Daddy! Ano o ah…kadarating ko lang po, hinanap ko po kayo kaagad kaya po nandito
ako” Nauutal na sagot ko…
“Sige po daddy punta na po ako sa kwarto ko.” Paalam ko.
Alam kong nakatingin pa rin sa akin si daddy habang paalis ako. Nahalata kaya niya na
narinig ko ang usapan nila?
“Narinig kaya tayo ng anak mo Alberto? Hindi ito sumagot .
Pabagsak akong humiga sa kama. Ano kaya ang pinag-uusapan nila? At bakit ganun na
lang reaction ng kausap ni daddy na para bang may kinatatakutan. Hmm, sino nga kaya
ang anak ni James na yun?bakit ang sabi ay pinabuksana ang kaso? Ano ang kinalaman
ni daddy dito? Alma ko na para malaman ko ang sagot sa mga tanong ko. Mag-
iimbestiga ako.
***
Matulin na lumipas ang dalawang linggo, hindi rin nagkaruon ng pag-kakataon na
magkita kami Rowan, kaya sa text or tawag lang kami nakaka-pagusap. Busy siya sa
trabaho at ako naman sa pag-eenrol.
“Hay salamat buti at natapos na din tayo at maganda ang nakuha nating schedule
ngayon, meron pa akong time na maka-date ang honey ko..”
“Ms. Adelang baliw, aba’t simula nung naging kayo halos araw raw na kayong mag-
kasama ah! D nga kayo mapaghiwalay kahit isang araw, kung hindi pa natin dapat
ayusin itong pag-eenrol eh d ka pa sasama sa amin. “ May halong tampo ang salita ni
Dalia.
“Inggit ka lang Dalia, kasi sa’yo walang nangliligaw. Tawagin mo na kong baliw, wah ako
care..basta ako in-love. Nyahaha. “
“Bahala ka sa buhay mo! At FYI meron pong nangliligaw sa akin d mo lang kilala and no
need to know him.”
Taas ng kila. “Ows, talaga, malas naman niya at ikaw pa ang niligawan.”
Ngingit ngti nalang kami ni Mona. Pero isang banda ng utak ko..kami kaya kailan mag-
dedate? Hello paano nga kayo mag-dedate eh hindi nga kayo nag-kikita. Oo nga, kaasar.
Arggg. Sopresahin ko kaya siya! Ako nag mag-aya sa kanyang lumabas kami. Miss na
miss ko na siya eh!
Kinagabihan. “Buti naman at napatawag ka!”
“I’m sorry honey, busy lang talaga ako, alam mo naman na matagal akong nawala sa sa
opisina dahil sa bakasyon.”
“Lagi ka nalang busy, pagtumatawag ka saglit lang, tapos hindi pa tayo nagkikita.” May
pagtatampo sa boses.
“Sorry na talaga, kaya nga ako napatawag ngayon para ayain kang lumabas bukas.”
“Talaga! Inaaya mo akong lumabas bukas. Akala ko ayaw mo na akong makita eh!”
“Maluwag na shedule ko ngayon kaya pwede na tayong magkita..huwag ka na
magtampo. Saan mo gustong pumunta bukas?”
“Kahit saan basta kasama kita.” Marami pa kaming pinag-kwentuhan at natulog akong
may ngiti sa labi.
***
“Good morning daddy, “nakangiting bati ni Arabella.
“Maganda yata ang gising ng aking anak ha!” meron ba tayong special celebration or
special someone kaya ka masaya?”
“Daddy, wala pong special someone, masaya lang po ako dahil natapos na rin ang
enrollment namin, sa makalawa na po ang start ng klase, masaya lang po ako dahil
makikita ko na yung mga dati kong classmate at teachers namin. Yun lang po daddy.”
“Alam mo naman na may usapan tayo d ba Arabella?” seryosong mukha ni daddy.
“Hindi ko naman po nakakalimutan yun daddy!” Ano ba ang gagawin ko? Paano kung
malaman ni daddy na may boyfriend na ako..arrgg. I wish hindi ako mabuking ni daddy,
malakas pa naman ang pakiramdam ni daddy sa ganyan. Dapat akong mag-ingat mabuti
para hindi ako mahuli ni daddy.
“Sige po daddy, alis po muna ako, magkikita po kasi kami nila Mona sa mall.”
“Mag-ingat ka”. “Sige po daddy, alis na po ako.” At humalik ako sa pisngi.
Pagdating sa Mall, hinanap ko kaagad sila Mona, saktong una kong nakita ay si Mona
kaya kaagad ko siyang inaya sa isang resto.
“Eto naman kung makahila, ano ba ang meron at para kang hinahabol ha!”
“Walang humahabol sa akin, may gusto kasi akong sabihin sa’yo kaya kita dinala rito,
atsaka ayokong malaman nila Dalia at Adela ito?”
“Aber! Ano naman yang sasabihin mo?” titig niya sa akin.
“Ganito kasi yun, d ba nung nasa Sagada tayo nabangit ko na sa’yo na unang kita ko
palang kay Rowan ay nagkaron na ko ng gusto sa kanya, d ko alam na kapatid pala siya
ni Dave. Tapos tinutukso niyo na kami lagi kaya lalo akong na-inlove sa kanya, atsaka
sinita mo pa nga ako nung nasa beach tayo kung saan kami nagpunta ni Rowan. ”
“Oo, binanggit mo nga sa akin yun!, bakit mag-coconfess ka na ba sa akin? Kayo na ba?”
Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis at sinabing, “Oo, kami na ni Rowan.”
“Talaga, kailan pa nung gabi ba nun? Nag-tatampo na nga ako sa iyo eh, akala ko pa
naman ako ang bestfriend mo.”
“Gaga, huwag ka na nang magtampo diyan, kaya ko nga sinasabi ito sa iyo ngayon. At
ang sagot ko sa tanong mo kung kailan ko siya sinagot, nung huling gabi natin sa
Sagada. Natandaan mo ba nung pumunta kami sa tindahan, duon ko siya sinagot.
At dun naman sa beach naman tayo ay nagkuwentuhan lang kami, siyempre kailangan
din naman namin malaman ang tungkol sa isa’t isa.”
“Hmm.. ok, d na ako magtatampo, basta kuwentuhan mo tungkol sa inyo ha!”
“Oo naman, bestfriend kita eh” sabay yakap ko sa kanya. “kaya lang may problema ako?
alam mo naman na may usapan kami ni daddy kaya hindi ako pwedeng magkaruon ng
boyfriend.
“Talaga! Ilang taon na ba sinabi sa iyo iyan ng daddy mo? Matagal na d ba? Hindi pa rin
pala nakalimutan ng daddy mo iyun? Paano mo nga pala sasabihin yung tungkol sa inyo
ni Rowan? “
“Yun nga ang pinoproblema ko. Paano ko nga sasabihin?” <sigh>. “kaya nga sabi ko kay
Rowan na ilihim mo muna namin ito.” Inaya nga niya akong lumabas mamayang gabi.”
“Paano yan kung matunugan kayo ng daddy mo?”
“Kaya nga kailangan ko ng tulong mo, kung sakaling tawagan ka ng daddy sabihin mo
na kasama mo ako. Please…”
“Hay naku, kahit sabihin ko naman na ayoko, kukulitin mo pa din ako! Sige na nga payag
na ako.”
“Yehey.. bait bait talaga ng bestfriend ko. “ hindi na rin kami nagkapag-kwentuhan na
dalawa dahil nakita na namin sina Dalia at Adela.
Kinagabihan nga, nagkita kami ni Rowan. Sa bahay ako nila Mona nag-pasundo sa
kanya, sinabi ko na meron kaming tinapos na assignment kaya ako nandun.
“How is your day? “Tanong ko sa kanya.
“Ok naman, nakakapagod ang trabaho pero ok lang kasi nakita na kita.” Nakangiting
tumingin sa akin.
“Ikaw talaga, may pagka-bolera na rin ha!.”
“Nagsasabi lang ako ng totoo. Nakakawala ng pagod pag nakita mo na ang mahal mo.”
“Mag-drive ka na nga baka mabungo pa tayo sa kakatingin mo sa kin.”
“Wow, ang ganda naman dito, very romatic.”
“You like it?”
“Yes course, I really really like it.”
Ipinaghila niya ako ng upuan at tinawag na niya ang waiter para sa ming kakainin.
Marami kaming napag-kwentuhan at sobrang saya ko talaga nung gabi na yun. “Our
First Date”. At hindi lang natapos dun ang aking kasiyahan dahil naulit pa ang ilang
beses ang paglabas-labas namin. Kung hindi dinner, namamasyal din kami kung saan-
saan.
Hanggang sa.. “Arabella, ano ang ibig sabihin nito?”
“Daddy…”
Chapter 8 “Love Enemy” “Arabella, ano ang ibig sabihin nito?”
“Daddy…” bigla akong napalingon.
“What’s the meaning of this? Explain it to me?” dumagundong na boses ni daddy ang
narinig sa parking lot .
Kasalukuyan kaming pasakay ni Rowan nang biglang narinig ang boses ni daddy. Ano
ang ginagawa ni daddy dito?
“Who is he? Bakit kayo ang magkasama? I thought si Mona ang kasama mo?” hindi ko na
namalayang nakalapit na si daddy sa amin.
“Daddy, I can explain!” Siya po si – “
“Rowan Alvarez sir,” sabay lahad ng kamay ni Rowan kay daddy.
“Then who are you Mr. Rowan Alvarez? How come you know my daughter?”
“Daddy..ano kasi — ”
“Let him answer my questions.” Nakatingin parin si daddy kay Rowan.
“I’m her boyfriend sir.”
“You what?” biglang tumingin sa akin si daddy.
“Is that true Arabella? Is he your boyfriend?”
“Y-es daddy, Rowan is – my boyfriend” maluha-luha na ako na handa nang bumagsak
anumang segundo.
Bigla nalang akong hinila papalayo ni daddy. “Halika na uuwi na tayo.” At muling
tumingin kay Rowan. “ At ikaw lalaki, don’t ever see my daughter again.”
Hindi tuminag sa pagkakatayo si Rowan, wala man lang mababakas reaksiyon sa
kanyang mukha.
Hanggang sa umandar na ang sasakyan namin, muli ko siyang nilingon, nakatayo pa rin
siya pero bakit ganun? Hindi man lang siya gumawa ng paraan para makapag-explain
kay daddy? Parang ok lang sa kanya ang nangyari? Hindi ko na mapigilang bumuhos ang
aking luha.
***
Pagdating sa bahay. Dumiretso kaagad si Rowan sa Mini Bar at kumuha ng alak.
How can you do this to me Arabella. Bakit siya pa? Siya pa ang naging ama mo?
Galit na galit hindi na mapigilan ang sarili at biglang ibinato ang basong hawak.
Biglang napa-labas ng kusina si yaya mila.” Rowan ano ba ang nangyayari sa’yo? Sino ba
ang kaaway mo at ganyan ang itsura mo? Tanong ni yaya mila.
“Yaya how could her do this to me? Bakit siya pa ang naging ama niya?”
“Sino ba ang tinutukoy mo bata ka? “ tinawag ni yaya mila ang iang katulong para linisin
ang binasag na baso.
“Si Arabella yaya, siya ang nobya ko.” Kanina nakita kami ng ama niya. Yaya alam mo ba
kung sino ang ama niya?” pagka-galing sa bakasyon nila Rowan sinabi niya kay yaya
mila ang buong kwento kung papaano pinatay ang kanyang ama, kung sino ito ngayon.
Kaya sinabi niya rito ang plano niyang pabuksan ang kaso ng ama.
“Ang ama ni Arabella ay walang iba kundi ang taong responsible sa pagkamatay ni
daddy.”
Nagulat si yaya mila sa sinabi niya. “Anak, sigurado ka ba sa sinasabi mo? Baka naman
magkamukha lang sila? “
“Hindi yaya, sigurado akong siya iyon. Hinding –hindi ko talaga makakalimutan ang
mukha na yun. Yaya anong gagawin ko? Mahal na mahal ko siya pero namumuhi rin ako
dahil ama niya ang may kagagawan kung bakit kami naulila ni Dave.” Tuluyan na itong
napa-iyak
Nagdumaling hinagod ni yaya mila ang likod niya.
***
Hindi na din tumigil sa kaiiyak si Arabella. “From now on hindi ka na makiki-pagkita sa
lalakeng iyon.”
“But daddy I can’t do that .. mahal ko siya. Mahal ko si Rowan.”
“I already told you na hindi ka pwdeng magkaruon ng karelasyon dahil naipag-kasundo
na kita. Umoo ka na sa kin at kahit ano pa ang gawin mo hindi na magbabago ang pasya
ko.” “You will be get married to Daniel as soon na bumalik siya ng pilipinas.”
“Daddy no.. ayoko nang magpakasal sa kanya. How can I married to man that I barely
know.”
“Hindi ka na pwedeng lumabas ngayon ng walang bodyguard, kahit saan ka magpunta
lagi mo itong kasama. And don’t try to meet that guy malilintikan ka talaga sa akin.”
Pulang-pula na sa galit ito.
“You can’t do this to me…patakbong umaykat sa kwarto.
Tinawagan kaagad ni Arabella si Rowan ngunit hindi ito sumasagot, ilang ulit pa niya
ginawa ito pero wala pa ring Rowan na sumasagot. Bakit ayaw mong sumagot, kailangan
nating mag-usap. Muli na namang bumuhos ang luha niya hanggang sa nakatulugan na
niya ito.
Nagising ako sa tunog ng cellpone ko. Hinablot ko ito tiningnan kung sino. Si Rowan nag
text. Kaagad ko itong binasa at…
Arabella, I’m sorry for what what happen awhile ago but I’ve decided to finished our
relationship. I’m sorry.. Rowan.
Sumigaw.. No……… bakit???? Bakit mo ginawa ito Rowan… muli na naman siyang
umiyak.
Chapter 9 “Love Enemy” “Mona,umiiyak,tulungan mo ako hindi ko na kaya ang sakit.”
“Bakit, anong nangyari? Relaks lang muna, ano ba ang nangyari sa’yo?”
“Nahuli kami ni daddy tapos pinag-bawalan na akong makipag-kita sa kanya. And worst
nakipag-hiwalay na sa akin si Rowan.”
“What? Wait mo ako, pupunta ako diyan. Relaks ka lang.”
“What happen?”Pag-pasok ni Mona sa kwarto ko, inabutan niya akong iyak ng iyak.
“Tama na yang kaiiyak mo bestfriend, hindi mareresolve yang problema mo kung iyak ka
ng iyak. Tingan mo yang mata mo? Para ka nang cobra sa maga ng mata.”
“Paano ako titigil sa kaiiyak, hindi ako makaalis ng bahay ng walang kasamang
bodyguard tapos sinusubukan ko ulit tawagan si Rowan para alamin bakit siya nakipag-
hiwalay pero ano..naka-turn na ang cellphone niya.”
“Mona, daddy is so unfair. Bakit kailangan siya ang mag-decide kung sino ang dapat
kong makatuluyan. “
“Bakit kailangan akong hiwalayan ni Rowan? Ano ang dahilan niya?Bakit hindi man lang
niya ipinag-laban kay daddy? Akala ko mahal niya ako? “
“Tahan na, siguro nga may dahilan siya kung bakit niya ginawa iyun?”
“Pero ano? Anong dahilan? Gusto ko siyang maka-usap? Gusto kong marinig mula sa
kanya ang reason niya? Mona tulungan mo naman akong maka-usap siya.”
“Arabella, paano pag-nahuli tayo ng daddy mo? Baka mas lalo pang lumala kapag
ngayon natin ginawa ito?” natatakot na rin si Mona sa anumang mangyari pag
nagkaganun.
“Ayoko nang patagalin pa ito, kailangan ko na siyang makausap.”
“Arabella please, huminahon ka. Palipasin mo muna natin ng mga ilang araw saka tayo
gumawa ng plano para makapag-usap kayo.”
“Hanggang kailan Mona, sabi ni daddy anytime darating na sa bansa si Daniel at pag-
dumating na siya aayusin na kaagad ang kasal namin.
***
Naging busy si Rowan sa trabaho pati narin ang pag-aasikaso sa naturang kaso sa
pagkamatay ng kanyang ama? Si Dave ay walang kaalam-alam pa rin sa pangyayaring
ito.
Minsang umuwi ng hating-gabi . “Wala ka bang balak kausapin si Arabella? Tanong ni
yaya mila.
“Gabi na yaya bakit hindi pa kayo natutulog?” dumiretso siya sa mini bar at nagsalin ng
alak.
“Hinintay talaga kita. Ilang araw ka nang ginagabi ng uwi. Kaya naisipan kong hintayin
ka para maka-usap.”
“Sa totoo lang yaya hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Hindi ko rin alam kung
paano ko sasabihin sa kanya ang totoo.”
“Mahal mo ba siya? Anak wala siyang alam sa nangyari? Hindi niya kasalanan yun,
kagagawan ng ama niya iyun.” Kung mahal mo siya dapat mo siyang kausapin baka siya
pa ang makatulong sa’yo. “
“Magulo pa ang isip, hindi ko alam ang gagawin ko.”
“Pag-isipan mong mabuti ang mga sinabi ko.” Naglakad na at iniwan si Rowan na nag-
iisa.
***
“Rowan,wait. Pwede ba kitang maka-usap?” Gaya nga ng usapan nila ni Arabella, nagpa-
lipas muna sila ng ilang araw. Pinuntahan ni Mona si Rowan sa opisina nito.
“Mona anong ginagawa mo dito?”
“Gaya nga ng sabi ko pwede ba kitang maka-usap?”
“Ano ba ang dapat nating pag-usapan? Pina-punta ka ba niya dito?” Mona huwag ka na
sana maki-alam pa sa problema namin.”
“Hindi ako pwedeng hindi maki-alam, dahil bestfriend ko ang sinasaktan mo. Ayokong
nakikita siyang umiiyak. Gusto ko lang naman malaman bakit mo siya hiniwalaya? Bakit
hindi mo siya ipinaglaban sa daddy niya?”
“Mona hindi pa ako handang sabihin o makipag-kita sa kanya. May rason ako kung bakit
ko ito ginawa sa kanya at kung bakit ko siya hindi ipinaglaban sa daddy niya nung nahuli
kami. “
“Anong rason ba iyon Rowan? Pwede ko bang malaman, kahit sa akin mo nalang sabihin
baka sakaling matulungan kita. hindi ko ipararating sa kanya.”
“It’s too personal, huwag mo na sanang alamin pa. I got to go may meeting pa ako.”
“Ganun nalang ba iyon Rowan, sa kabila ng pagmamahal niya sa’yo, bigla mo nalng
itatapon. Tinutulungan ko siya dahil masakit sa akin na lagi siyang umiiyak at sobrang
nasasaktan.” <sigh>. “Baka gusto mo rin malaman na ikakasal na siya next month, sa
lalaking ipinag-kasundo sa kanya. Kaya hindi mo siya masisisi kung ayaw niyang ipaalam
sa iba ang relasyon ninyo. Kung talagang mahal mo siya, ipaglaban mo.” At naglakad
nang paalis ito.
Natulala. Ano ang sabi niya, ikakasal na ang Arabella ko. Napahilamos ng mukha. No!
this can’t be… Arabella
Chapter 10 “Love Enemy”Personal si yaya mila ang bumili ng groceries nila Rowan at Dave para sa kanilang
buwanang stock. Walang pasok nun si Dave at wala rin silang usapan ni Adela na
magkikita kaya nang malaman niyang mamimili si yaya mila sumama siya.
“Himala at sumama ka sa’kin? Wala ka bang lakad ngayon o date man lang?” tanong ni
yaya mila kay Dave.
“Wala po yaya, ayaw niyo nun, isang himala..hahaha”
“Ikaw talaga bata ka.”
Habang namimili sila. Napalingon sa kabilang lane si Dave. Parang si Arabella iyon ha!
teka sino ang kasama niya? Lumakad at lumapit kay Arabella.
“Arabella, lumingon ito, anong ginagawa mo dito?”
“D-ave, ikaw pala. Meron lang binibili? Ikaw ano ang ginagawa mo dito?
“Sinasamahan ko lang mag-grocery si yaya mila. Tumingin ako sa kasama niya. ‘Baka
gusto mo akong ipakilala sa kasama mo?”
“Ah—Dave siya si Daniel. Daniel si Dave, boyfriend ng kaibigan ko.”
Nag-shake hands ang dalawa. “Daniel pare, fiance ni Arabella. Invited ka pare para sa
nalalapit na kasal namin next month. Ibibigay nalang sa’yo ni Arabella ang invitation.”
Alam ko nagulat si Dave, base sa naging reaksiyon niya. Hindi ko rin inexpect na
sasabihin ni Daniel iyon.
Tumingin si Dave sa akin. “Ikakasal ka na pala? Alam na ba nila Adela ito?”
“Hindi pa Dave, kaayos lang namin kasi ng detalye kaya hindi ko pa nasasabi sa kanila.
Hayaan mo ako magsabi sa kanila.”
“We’ll congratulations to both of You. Paano mauna na ako sa inyo baka hinahanap na
ako ni yaya mila. Nice to meet you Daniel.”
Hinihintay na nga ni yaya mila si Dave sa counter na kasalukuyang nagbabayad ng
pinamili. “Saan ka ba nanggaling? Kanina pa ako hanap ng hanap sa’yo.”
“Nakita ko lang yung kaibigan ko yaya, si Arabella, barkada niya ang nobya ko.”
“Sila ba ang kasama niyo sa Sagada?”
“Opo yaya, nagulat nga ako dahil hindi man lang niya nabanggit sa amin na may
boyfriend na siya at kasama niya ngayon?”
Nagulat si yaya mila sa pagbanggit ng pangalan ni Arabella at nasabing may boyfriend
ito. “Eh sino naman itong boyfriend niya? Tanong ni yaya mila.
“Ipinakilala naman ako ni Arabella sa kanya, Daniel, tama Daniel ang pangalan. At
inimbitahan nga ako na dumalo sa kasal nila sa susunod na buwan. Nagulat nga ako sa
sinabing yun!”
Kung nagulat kanina si yaya mila, mas lalo siyang nagulat sa huling sinabi ni
Dave. Paano na sila ni Rowan? Kailangan maka-usap ko si Rowan tungkol dito.
“Sayang nga yaya kasi nung nasa Sagada kami, tinutukso namin silang dalawani Rowan,
akala nga namin magkakadevelopan sila. Sayang talaga, bagay pa naman sila.”
Simula nang magka-usap sila ni Mona kanina, hindi na siya mapakali at binagabag ang
utak niya tungkol sa sinabi niya nung huli. Halos hindi na siya makapag-concentrate sa
trabaho.
Tumayo at nagsalin ng alak . Bakit nangyayari ito? Bakit siya pa ang naging ama mo?
Mahal kita Arabella pero paano na magiging tayo muli kung ang iyong ama ang dahilan
ng pagkawasak ng pamily ko. Hindi ko alam kung mapapatawad ko ang iyong ama. Sa
pagninilay-nilay ng kanyang problema biglang may hindi inaasahang tawag.
“Attorney, kamusta na po, kamusta na ang kaso natin? May balita ba kayo sa akin?”
“Talaga Attorney, kailan? Sige Attorney makaka-asa kayong dadalo ako.” Pagkababa
niya ng telepono, inisip naman niya kasong pina-buksan.
***
Muli na namang gabi umuwi si Rowan at muli rin siyang hinintay ni yaya mila.
Pagpasok ni Rowan sa kabahayan, naka-upo si yaya mila sa sofa. “Hinintay niyo na
naman ako?”Dumiretso muli siya sa mini bar at nagsalin ng alak.
“Itigil mo nga yang kaiinom mo at walang kang solusyon diyan na makukuha.”
“Yaya sinesermunan niyo ba ako?”
“Hindi kita sinesermunan, pinapangaralan lang kita. Napag-isipan mo na ba ang sinabi
ko?”
“Hindi pa yaya, pero may balita na si Attorney sa kasong pinabuksan ko.”
“Ano ang balita sa kaso?”
“Na-ipadala na yung warrant of arrest kay Alberto. May schedule narin ng hearing next
week.”
“Ganun ba, ako rin may balita sa’yo.”
“Anong balita yaya?”
“Kanina sumamang mag-grocery sa akin si Dave at nagkita sila ni Arabella. May
kasamang lalake ito.”
Napalingon si Rowan. “Anong sabi niyo may kasamang lalake si Arabella?”
“Oo may kasama siyang lalake at ang pag-kakasabi ni Dave, Fiance ito ni Arabella at
inimbitahan itong si Dave na pumunta sa kasal nila sa susunod na buwan.”
“Kasal! Kasal ni Arabella? “ may hint na siya kung sino ang sinasabi ni yaya mila.
“Tatanungin ulit kita. Mahal mo ba talaga siya?”
Ilang segundo na hindi kumibo. “Mahal na mahal ko siya yaya pero…”
“Pero para sa iyo imposibleng magkatuluyan kayo dahil siya ang anak ng pumatay sa
ama mo.” “Anak, kilala kita, ako na ang nagpalaki sa inyo ni Dave kaya alam ko na
kapag-importante sa’yo ang isang tao lahat gagawin mo para sa kanya.” “Hahayaan mo
ba siyang makasal sa iba? Kailangan niyong mag-usap.”
Nakayuko at nakatitig lang sa basong hawak. “Siguro nga po dapat ko na siyang
kausapin.”
***
Napagod si Arabella sa pag-aasikaso sa kasal nila ni Daniel. Ilang beses pa niyang
tinawagan si Rowan ngunit hindi na ito sumasagot. Kaya nagpa-isip isip na rin niya na
itigil na tutal naman ito na rin ang nakipag-hiwalay sa kanya kahit hindi man lang sinabi
ang dahilan.
Katatapos lang maligo nang mayruong tumawag.
“Hello!” walang naka-rehistrong numero pero sinagot ko pa rin baka importante.
“Arabella, si Rowan ito.”
“Ikaw pala, meron ba akong maipaglilingkod sa’yo dahil gabi na napatawag ka pa?”
seryoso at walang kabuhay na sagot ko.
“Puwede ba tayong mag-usap?
“Mag-usap? Ano sa tingin mo hindi ba tayo nag-uusap ngayon?
“I mean is. . . personal na magkita tayo.”
Matagal na hindi ako sumagot. “Bakit ngayon lang Rowan? Bakit ngayon mo lang
naisipan na kausapin ako?”
“I’m sorry Arabella, pero mas maganda kung magkita tayo, meron ka dapat malaman?
Sunduin kita sa school niyo.”
“Nangyari na iyon Rowan. Hindi ko makaka-pangako, merong bodyguard kasi na
nagbabantay sa akin.”
“Hihintayin pa rin kita kahit ano mangyari.” At ibinaba na nito ang telepono.
Pagkatapos nilang mag-usap.. pinag-iisapan kung makikipag-kita ba siya rito.
Bakit ngayon lang, kung kailan malapit na akong ikasal.
***
Kinabukasan nga. Hindi pumasok sa trabaho so Rowan upang abangan si Arabella sa
school nito.
Sana makarating ka Arabella, we really need to talk. Ngayon ko sasabihin sa’yo kung
bakit ako nakipag-hiwalay sa iyo.
Palingon-lingon si Rowan sa paligid sakaling makita si Arabella ngunit may taong
tumapik sa kanyang likod a hindi niya namamalayan.
Paglingon. “Anong ginagawa mo dito?”
“Mona ikaw pala, pinakaba mo ako, akala ko kung sino na.”
“Ano ngang ginagawa mo dito? Wala ka bang pasok sa office?”
“Hindi muna ako pumasok, nagpag-isip isip ko na dapat ko na siyang kausapin kaya
tinawagan ko siya kagabi na aantayin ko siya dito.”
“Hindi ako sure Rowan kung makakasipot siya ngayon dahil mahigpit magbantay yung
bodyguard niya. Sinisigurado kasi ng daddy niya na hindi kayo magkikita. Tsaka bigla
nalang sumusulpot yung lalakeng ipapakasal sa kanya.”
“Mag-aantay pa din ako, hindi ako mawawalan ng pag-asa.”
<sigh> “Kung gusto mo tulungan kita na makausap siya. Meron pa kasi kaming last
subject pero hindi makakarating ang professor namin kaya pwede kayong mag-usap.
Ako bahalang gumawa ng paraan.”
“Salamat Mona.”
“Huwag ka muna magpasalamat, hindi pa kayo nag-uusap eh!, teka diyan ka lang at
hanapin ko kung nasaan siya.”
Umalis nga si Mona para hanapin si Arabella. Sana pumayag si Arabella na magka-usapa
kami.
Sakto namang nasa library si Arabella para dito na gumawa ng kanyang assignment. At
doon nga natagpuan ni Mona siya. “Arabella..mahinang tawag sa kanya.”
“Arabella pwede lumabas muna tayo ng library? May sasabihin lang ako sa’yo”
“Bakit? Anong sasabihin mo? Importante ba yan?”
“Oo, importante ito, at ikaw ang involve”
“Ano na naman ba ito Mona at tungkol saan?
“Nasa labas si Rowan, hinihinta ka.” Gusto ka raw niya makausap.”
“Sinabi ko sa kanya kagabi na malabong makarating ako sahil diyan sa bodyguard na
nagbabantay.”
“Kaya nga gagawa tayo ng paraan para magka-usap kayo. Nasaan ba yang bodyguard
mo?”
“Nasa parking lot?
“Sige sa dulo ng building kayo mag-usap. Wala masyado dun nagpupunta, ako nalang
ang magbabantay sa inyo. Pumunta ka na doon, donn ka nalang namin kitain, tatawagin
ko lang siya.”
Tinawag na nga ni Mona si Rowan at doon na sila magkikita.
“Kamusta ka na? Namamayat ka?” gustong gustong yakapin ito ni Rowan si Arabella
pagka-kita niya rito pero nag-alangan siya dahil alam niya malapit na itong ikasal.
“Mabuti naman ako, oo nga pumapayat na ako, lagi kasing ang iniisip ang problema.”
Ikaw din naman nahuhulog na ang katawan mo.”
“Wala ito, gaya mo rin iniisip ko din ang problema ko.”
“So, anong pag-uusapan natin. Ano ang dapat kong malaman?”
“Natandaan mo yung kinuwento ko sa’yo nung nasa beach tayo. Yung tungkol sa pag-
kamatay ng ama ko.”
“Oo, nabangit mo rin dun na mag-hihiganti ka. Bakit nahuli na ba yung taong pumatay
sa kanya?”
“Hindi pa nahuhuli,pero, kaya nga pinabuksan ko muli ang kaso. Na close ang case nang
hindi nila malaman kung sino ang pumatay.” Arabella, about this, huwag ka sanang
mabibigla.”
“Bakit? Ano ang tungkol dito?”
“Sinabi ko sa iyo na kilala ko kung sino ang pumatay at meron na akong ibedensiya na
magpapatunay na siya nga ang pumatay. Malalim na buntong-hininga ang ginawa.
Arabella kaya ako nakipag-hiwalay sa iyo dahil ang daddy mo ang pumatay sa aking
ama.”
“What? ..”
Chapter 11 “Love Enemy”Laking gulat ko sa sinabi ni Rowan. “Ano? Daddy ko ang pumatay? Paano ito nangyari?
Naguguluhan ang isip. “Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Huwag ka namang mag-biro ng
ganyan.”
“Totoo ang sinabi ko Arabella at hindi ako nag-bibiro.” Nang magka-isip ako lihim kong
inimbistigahan kung sino yung taong yun at nang mag-college ako nalaman ko na nga
kung sino siya.”
“Kaya mo ba ako pina-ibig para maka-ganti ka sa daddy ko at ako ang ginawa pong
paraan? How could you.”
“It’s not what you think Arabella. Wala akong kaalam-alam na siya ang ama mo at wala
rin akong intensiyong paibigin ka dahil hindi totoo yan.”
“Minahal kita dahil sa’yo tumibok ang puso ko na hanggang ngayon ikaw parin ang
tinitibok nito.” Sabay turo sa puso.
“Sinungaling. “Umiiyak na ito.
“Sana maintindihan mo ako, mahal kita pero hindi ko matangap na siya ang ama mo.”
Hindi lang ikaw ang nasasaktan, dahil ako nasasaktan din sa nangyayari lalo na ngayon
na nalaman kong ikakasal ka na sa iba.”
“Hindi ko rin intensiyon na ilihim sa ‘iyo ito. Naghahanap lang ako ng tiyempo para
sabihing matagal nang ipinag-kasundo sa akin ni daddy si Daniel para maging asawa
ko.”
“Bakit pumayag ka sa gusto ng daddy mo?”
“Pumayag ako noon dahil baka magbago ang isip ni daddy atsaka wala akong nobyo
noon time na yun, hanggang sa dumating ka nga sa buhay ko.”
“Nung naging tayo, alam kong magkakaruon ng problema dahil alam ko kung gaano
kahigpit si daddy pero mas nanaig ang pag-mamahal ko sa’yo kahit humantong pa ito sa
pagsuway ko sa kanya.”
“Nang makipag-hiwalay ka sa akin, sobra akong nasaktan, ni hindi ko alam kung anong
dahilna para gawin mo ito. Umasa pa rin ako na kakausapin ako at makikipag-balikan ka
sa akin pero nag-hintay ako sa wala. Kaya nang dumating si Daniel dito sa bansa wala na
akong choice hintayin ka kaya pumayag na akong makasal sa kanya.”
Ilang minuto rin na walang nagsalita sa kanilang dalawa hangang sa pumasok si eksena
si Mona.
“Kailangan niyo nang maghiwalay, hinahanap ka na ng bodyguard mo Arabella.”
Nagkatinginan muli kami. “Paalam, Arabella. Mahal pa rin kita.” At niyakap niya ito ng
mahigpit.
Hindi naman tumutol si Arabella. “Mahal din kita Rowan.”
At nag-layo na sila ng landas.
***
Pag-dating sa bahay ni Arabella, hinanap kaagad niya ang kanayang ama. Nakita niya
itong nasa library kausap muli ang taong nakita noon.
“Daddy, how could do this.”
“Arabella, what’s happening to you. Ano na naman yang isinisigaw mo?”
“Bakit mo pinatay ang ama ni Rowan? Kaya ba pinag-layo mo kami dahil ayaw mong
malaman ang ginawa mong pag-patay sa pamilya niya?”
“Ulitin mo yang sinabi mo? Sinong pinatay? Bakit ko papatayin ang ama niya”
“Daddy, alam kong may kinalaman kayo dito. Narinig ko ang usapan ninyo dito, sabay
tingin sa kaibigan ng ama. Umamin kayo dadddy ano ang kinalaman ninyo dito?”
“Huwag mo akong pagsasabihan ng ganyan Arabella, ama mo pa din ako.”
“Gusto mo malaman ang totoo?”
“Oo daddy gusto kong malaman.” Titig na titig sa ama at handang malaman kung ano
ang sasabihin.
“Oo ako nga ang pumatay sa ama niya. Bakit ko pinatay ang ama niya? Dahil gusto na
niyang kumawala sa grupong pinag-hirapan namin.”
“What group daddy? At bakit niya gustong umalis?“
“Oh Arabella! Don’t make this hard for me to say this it to you.”
“Why not daddy? I am your daughter and I have the right to know.”
Tahimik lang sa isang sulok nakikinig ang kaibigan ni daddy.
“Where in a group called “Belockers”, where we produce and sell of drugs in philippines.
Marami narin ang sumapi sa amin pero isa isa narin silang tumitiwalag dahil gustong
nang mag-bagong buhay kahit na sabihin nila na hindi sila mag-susuplong sa pulisya
kaya isa isa rin namin silang pinapatay, kasama na rin dun ang ama ni Rowan.”
“James wants to get out of the group, ilang beses ko narin siyang kinausap pero matigas
talaga siya. James was my bestfriend and to think that ang magiging anak namin ay
ipagkakasundo namin pero things change.”
“That night I went to their house to talk to him again but he refused me so I have no
choice but to kill him.”
“Daddy, how could you kill someone is important to you, you just kill him because of this
group. Daddy this is illegal job. Nagbebenta kayo ng bawala na gamot, hindi niyo ba
alam na marami ang nasisira ang buhay dahil diyan sa drugs na yan. Hindi lang kayo
makukulong ng ilang taon baka pang-habang buhay pa.”
“I’m sorry anak, it’s too late para pagsisihan pa.”
Matagal na walang nagsalita ni isa man sa kanila hangang sa kumatok ang katulong at
…
“Sir, may mga pulis po na naghahanap sa inyo?”
Bigla akong napatingin kay daddy. Tumingin sa akin at..
“Paki sabi na baba na ako. “
“Daddy, why the police are here?
<sigh>” Kahapon meron akong natanggap na subpina. And I think it came from him.”
Pag-kasabi nuon dumiretso na lumbas ng library si daddy at pinuntahan ang mga pulis.
Hindi ko kayang makita ang nangyayari sa labas kaya patakbo akong pumunta sa aking
kwarto. Nagkulong at umiyak ng umiyak dahil hindo ko matangap ang nabunyag na
lihim.
Mag ilang sandali may kumatok sa aking pintuan.
“Sino yan?”
“Arabella, si Daniel ito.”
“Ano ang kailangan mo? Daniel pwede bang iwan mo muna ako, gusto kong mapag-isa.”
“Kailangan nating mag-usap, it’s about your dad?”
“Why what happen to him? “Binuksan at pinapasok ko na rin siya sa loob.
“Dinala na ng mga pulis ang daddy mo. Hinuli na siya, wala na rin kami magawa dahil
meron silang warrant of arrest.”
Sa balitang iyon hindi ko na mapigilan na namang umiyak. Hinagod ni Daniel ang likod at
inaalo. “Tahan na, huwag ka na umiyak, maayos din natin ito.”
“Sana nga Danel.. sana nga”
“Halika na at magbihis, puntahan natin ang daddy mo.”
Tumayo na ako at naghandang puntahan ang daddy.
Pag-dating namin sa presinto, pinagtanong kaagad namin siya, kasama na namin nun
ang aming abogado. Kaagad naman itinuro sa amin kung nasaan ito.
“Daddy, I will do anything para mailabas ka dito.”
“What are you doing here? Sana hindi ka na nagpunta pa dito, ayokong madamay ka
pa.”
“No daddy, dito lang ako sa tabi mo. I don’t want to lose you, wala na nga si mommy
kaya dito lang ako.”
“Oh Arabella anak, in spite of hurts that I give it you. I’m sorry baby. Patawarin mo ako. “
Kahit may rehas na naka-gitna sa amin, niyakap ko pa rin siya.
“Umuwi ka na anak, magpahinga ka, bumalik ka nalang.”
“Ok daddy, I will be back, I will make sure na makakalabas ka dito. I love you daddy.” At
lumakad na ako papalabas kasama si Daniel. Ang abogado ay nag-paiwan para maayos
ang kaso ni daddy.
Sa aming pag-labas ng presinto nakasalubong namin si..
“Rowan?” tumingin siya sa akin.
“Arabella…”
Chapter 12 “Love Enemy”Pagkatapos namin mag-usap ni Arabella, nakatangap ako nang tawag mula kay Attorney
na sinabing naaresto na si Alberto at kasalukuyang naka-kulong na. Pagdating ko sa
lugar, papasok na sana ako ngunit meron tumawag sa aking pangalan. Habang
naglalakad hindi ko pinapansin ang mga nasa paligid ko dahil na rin sa huli naming pag-
uusap ni Arabella.
“Rowan?” tumingin siya sa akin.
“Arabella, what are you doing here?”
“What am I doing here? You know the reason what am I doing here?”
Napa-isip ako bigla sa sinabi niya. I’m sorry Arabella, hindi ko sinasadaya.”
Isang malakas na sampal ang binigay ko sa kanya. “Sisiguraduhin kong makakalaya ang
ama ko.” Umiiyak na sambit ni Arabella.
“Halika na Daniel, baka lalo akong hindi makapag-pigil.” Saka ako diret-diretsong
lumakad papunta sa paradan ng sasakyan.
Hindi kaagad ako nakapag-react nang bigla niya akong sinampal. Sinundan ko nalang
siyang papalayo. Alam kong masakit para sa iyo ito pero hindi lang ikaw ang nasaktan,
mahirap mawalan ng ama dahil ikaw pa mismo ang naka-saksi sa pagpatay sa kanya.
Siya siguro si Daniel, may itsura naman at sa palagay ok naman siya. Huwag lang sana
niyang sasaktan ang Arabella ko.
Pumasok na siya sa loob at inisikaso ang pagdedemanda kay Alberto.
***
Habang nagmamaneho si Daniel, wala kaming kibuan nanatili lang akong nakatingin sa
labas.
“Siya ba si Rowan? Tanong niya sa akin? Siya ba ang dati mong nobyo?”
Tumingin ako sa kanya at tumango lang sa tanong niya.
“Ang suwerte naman niya.” Tumingin muli ako sa kanya ngunit naka-tutok na siya sa
pag-mamaneho.
Habang naka-tingin sa labas, iniisip ko pa din ang mga nangyari ngayong araw na ito..
imagine that in hst one day lahat nangyari ito. Una na ang pag-uusap namin ni Rowan
tungkol kung sino ang pumatay sa ama niya, hindi ko talaga inaasahan na ang may
kagagawan nito ay ang sariling kong ama tapos eto ang pag-bunyag ng lihim na illegal
na trabaho ni daddy na ngayon ay hinuli ng mga pulis. .Paano ko ito malalagpasan..
makaka-gawa pa ba ako ng paraan para hindi makulong si daddy sa kabila ng mga
nalaman ko at kami ni Rowan meron pa bang pag-asa na magkabalikan kami.
“Arabella nandito na tayo.”
Hindi ko namalayan na nakarating na kami sa bahay.
“Ok ka lang ba Arabella?
“Ok lang ako Daniel, salamat sa pag-aalala at pag-sama sa akin sa presinto.
“Wala yun, mabuti pa kumain ka na para makapag-pahinga ka na para bukas may lakas
ka.”
“Salamat talaga, samahan mo na akong kumain para naman may kausap.”
“Sige, halika ka na.” at tumungo na nga kami sa hapag kainan.
Malalim na ang gabi at kanina pa ako nakahiga, gusto ko nang ipahinga ang katawan at
isip ko ngunit pag-pinipikit ko ang mga mata ko nagfa-flashback ang lahat ng nangyari
sa buong maghapon. Ano bang klaseng pag-subok ito.
Kung kailan bumibigat na ang mata ko bigla nalang tumunog ang aking cellphone.
Hindi ko pinapansin at ayokong sagutin ito ngunit walang humpay sa pagtunog kaya
sinagot ko nalng ito ngunit hindi ko inaasahan ang taong tumatawag.
“Hello! Arabella”
Bigla akong napabangon nang mapag-sino ang kausap ko.
“Ro-wan? Huminga muna ako ng malalim bago ak ulit sumagot. “Anong kailangan mo at
bakit napatawag ka?”
“Pwede ba ulit tayong magkita bukas?”
“Sa nangyaring ito, I don’t know? Hindi ko alam kung papaano pa ako makakaharap sa
iyo. Goodnight.” Pag-kasabi ko nun binababa ko kaagad ang telepono. Sinabi ko iyon
dahil hindi ko talaga paano pa ako haharap sa kanya, sa mga nalaman kong tungkol sa
pangyayari. Hangang sa nakatulog na rin ako.
Bakit nasabi sa akin ni Arabella iyon? Meron an ba siyang nalalaman? Gusto ko lang
naman marinig ang boses niya dahil alam kong masakit para sa kanya ang mga
nalaman, kahit anong galit meron ako sa ama niya kapag nakikita ko siya nawawala
lahat ng sakit.
***
Kinabukasan maaga akong nag-handa upang puntahan si daddy at para malaman kung
ano ang update sa kaso niya. Pagdating ko sa presinto hindi ko expect na nandun siya.
Well inaasahan naman na talagang nandun siya dahil siya ang nag-pahuli sa daddy ko.
Nagkatinginan kami pero ni isa man sa amin walang bumati. Tinanong ko ang isang pulis
kung pwede kong makita ang daddy ko, pumayag naman ito at saka ako gumawi kung
naroon si daddy.
***
May 3 araw na ganun ang eksena tuwing dinadalaw ko si daddy at tuwing na-tatagpo
ang landas namin ni Rowan, para bang hindi kami mag-kakilala na walang
pagmamahalan na nabuo. <sigh> sadya nga talagang ganito ang buhay. Bukas na naka-
schedule ang first hearing ni daddy, kaya kahit may pasok hindi ako puwedeng hindi
pumunta doon.
Nalaman narin ito ng kaibigan ko, hindi ko rin naman sila masisi kung bakit nagalit sila
sa akin. Lalo na si Dave, halos hindi na niya akong panapansin. Si Mona nalang talaga
ang nakakaintindi sa akin, sinabi ko narin dito ang lahat ng nalalaman ko.
***
Naka-upo na lahat ng tao sa loob ng korte, naka-pwesto na rin si daddy sa harap kasama
ang abogado namin. Namataan ko narin sa kabilang side si Rowan at Dave. Tulad ng
nauna naming pag-kikita walang mababakas na kahit anong emosyon sa mukha ni
Rowan. Pinag-papasalama t ko dahil hindi ako iniwan ni Daniel, lagi siyang naka-alalay sa
kin.
Nagsimula na ang mga tanong ng bawat panig, may mga testigo na rin na nagsalita.
May mga nagsasabing hindi si daddy ang pumatay meron din ding nagsabi na siya ang
pumatay, ang mga ito ay ang mga pamilyang napatay nila.
Magtatanghalian na kaya nagkaruon muna ng lunch break. Pinuntahan ko kaagad si
daddy.
“Daddy, yumakap kaagad ako sa kanya.”
“Anak sana hindi ka na nag-punta pa dito?”
“I’m here to support you, kahit anong mangyari nandito lang ako.”
Napahinga ng malalim ito at, “Anak, ano man ang mangyari tandaan mo mahal na
mahal kita. Dapat masanay ka nang wala ako sa tabi mo. “
“Daddy naman, hindi kayo makukulong.”
“Malakas ang ebidensiya nila, ayoko na rin naman na patagalin pa ito. It’s time to face
the truth.”
“No daddy, gagawa ng paraan si attorney.” Umiyak na ako sa sinabini daddy
Hindi na muli kaming nag-kausap dahil sinimulan na ulit ang paglilitis. Umiiyak pa din
ako nang mag-balik sa upuan at nang makita ko si Daniel mas lalo akong umiyak kaya
napayakap ako sa kanya.
Tumingin ako sa direksiyon nila. Dapat ako ang kayakap mo hindi si Daniel. Sana lang
hindi ang ama mo ang pumatay para hindi na tayo umabot sa ganitong sitwasyon.
Tinawag na si daddy at muling tinanong. Sa pagkakataong itong umamin narin si daddy
sa kasalanang ginawa niya. Kung papaano at ano ang dahilan ng pagpatay niya dito.
Super shocked talaga ako at muli akong umiyak. Lahat ng tao ay nagsigawan, hindi ko
na maintindihan ang mga sinasabi nila.
Sa pag-amin ng kasalanan, sa susunod na araw malalaman na ang desisyon ng judge.
Hindi na ako pinayagan na muling maka-usap si daddy, kahit anong pagpipilit ko ayaw
na nila akong payagan.
Sa paglabas namin ni Daniel ng korte, nakatingin sa amin si Rowan na nakatayo sa gilid.
Nararamdaman ko na sinusundan pa rin niya kami ng tingin habang papalabas ng
building. Panalo na sila sa kaso sa nangyari kanina alam kong galit ang nararamdaman
nilang magkapatid sa amin ni daddy, malabo na rin na maayos pa ang relasyon namin.
Kinagabihan nakahanda na akong matulog nang biglang tumunog ang aking telepono,
ayoko na sanang sagutin ngunit patuloy pa rin itong nagri-ring kay sinagot ko nalang
ngunit bigla ako napa-bangon nang makita ko sa screen kung sino ang tumatawag.
Si Rowan? Bakit siya tumatawag? Ano kailangan niya? Sasagutin ko ba ito? ang daming
tanong sa isip ko.. isang malalim na paghinga para makabuwelo.
“Hello!” may kaba sa pagsagot.
“Arabella? Pwede ba tayong mag-usap bukas? “
“Ha! Bakit?”
“I just want to talk to you at kung puwede sana ikaw lang, hindi mo siya kasama.” Ang
tinutukoy nito ay si Daniel.
“Ok, saan tayo mag-kikita? Sinabi nito ang lugar kung saan kami mag-kikita.
Maaga akong nagising, para bang excited akong makita siya. Bumaba ako at tuloy tuloy
na dumiertso sa kusina.
“Ma’am nakahain na po ang almusal niyo.” Ang sabi ng katulong.
“Salamat po.”
“Ma’am tumawag po si Sir Daniel, pinasasabi po niya na hindi raw po siya makaka-punta
dito dahil meron raw po siyang aasikasuhin. Bukas nalang raw po siya pupunta dito.”
“Ganun ba! salamat po.” Tugon ko at iniwan na ako ng katulong.
Mabait si Daniel, maasikaso at ma-aalaga. Dagdag pa ang pagiging sweet nito. Sa mga
nagdaang mga araw naging magkaibigan kami, pero hanggang duon nalang ang pwede
kong maibigay sa kanya.
Pagdating ko sa lugar na napag-usapan, luminga-linga ako sa paligid. Wala pa siya,
siguro na traffic lang. Ilang saglit lang dumating na siya.
Kay gwapo talaga niya, kay sarap makulong sa kanyang mga bisig na para bang no one
can harm you I will protect you kapag kayakap ka niya. Nakangiti ako habang papalapit
siya.
“Pasensiya na na-late ako, medyo traffic at dumaan pa ako sa opisina.”
“It’s ok. Ilang saglit na walang kumibo. “So, ano ba ang pag-uusapan natin.”
“I just want to say that….“I hate you so much, kinamumuhian kita. I don’t need your love
and get out of my life!” but ….
“Rowan .. “Don’t do this to me, please. I love you so much.”
Chapter 13 “Love Enemy” (The Finale)
“I just want to say that….“I hate you so much, kinamumuhian kita. I don’t need your
love and get out of my life!” but ….
“Rowan .. “Don’t do this to me, please. I love you so much.”
Tumingin siya sa akin … lumapit at niyakap ako.
“Alam mo bang sobra akong nagalit sa iyo, sa ama mo nang sabihin niya ang katotohan
pero kahit anong galit ko sa’yo hindi ka mawala sa puso ko dahil ikaw at ikaw parin ang
tinitibok nito…” sabay turo sa puso.
“Mahal na mahal pa rin kita sa kabila nang problemang ito. Tuwing makikita kita at
kasama mo siya, alam mo ba na nag-seselos ako, I wish that it was me comforting you…
“Oh Rowan, ganun din ang nararamdaman ko tuwing nakikita kita. Siguro nga hindi ko
magawang magalit sa iyo sa kabila nga pagpapa-kulong mo sa daddy ko, dahil ikaw ang
First Love ko, sa iyo lang tumbikok itong puso ko kahit na marami ang nang-liligaw sa
akin.”
Inilayo ako ng kaunti sa kanya at tinitigan ako. “I love you Arabella.”
“I love you too Rowan.”
Bigla akong may naalala. “Paano nga pala kaso ni daddy? Tanong ko sa kanya”
<sigh> “Arabella meron siyang kasalanan, kailangan niyang panagutan yun sa batas
hindi lang sa kasalanang pag-patay sa ama ko kundi sa mga naging biktima ng drugs.”
“Huwag kang mag-alala, alam kong pinag-isipan ng daddy mo ang ginawang desisyon
kahapon pero hindi naman mababawasan ang pag-mamahal ko sa’yo.”
Napangiti ako, tama siya kung hindi mapapanagutan ang kasalanan marami pang mga
tao ang mabibiktima.
Sa loob ng korte kinabukasan, judge nalang ang hinihintay, ngayon na kasi malalaman
ang desisyon . Kagabi ko pa inihanda ang sarili ko sa anumang maging desisyon.
Kanina pagdating namin ni Daniel, hinanap ko kaagad ng tingin si Rowan. Nang makita
ko siya tumungo lang ako na para bang sinasabi ko sa kanya na handa na ako sa
magiging desisyon.
Gusto ko muna sanang puntahan si daddy ngunit mahigpit talaga ang mga nagbabantay.
Kahit anong pilit ko ayaw talaga nila. Kaya pumuwesto na ako sa likod ni daddy para
mapuntahan ko kaagad siya pagkatapos marinig ang desisyon.
Pumunta na sa harap ang tagapag-salita upang basahin ang desisyon.
“May we request Mr. Alberto Santos to stand up.”
Tumayo nga ang aking ama.
“Sa pag-aaral ng ating hukom sa kaso at sa pag-presinta ng mga ebidensiyang
pagpapatunay sa pagpatay sa biktimang si James Zaavedra.
Napatunayan ng hukom na ito na si Albero Santos ay napatunayang nag-kasala sa
pagpatay at sa kasong murder at sa kasong pag-gawa at pag-bebenta ng illegal na
droga. Si Alberto Santos ay hinahatulan ng panghabang buhay na pagkaka-kulong.”
Sabay bagsak ng palo ng judge. “Case Closed.”
Sa pag-karinig sa desisyon, umiyak na ako at patakbong tinungo ang kinaroronan ni
daddy sabay yakap ko sa kanya, buti nalang walang humarang.
“Daddy, I’m sorry, wala akong nagawa.”
“Ssshh.. tahan na. mas mabuti na ito kesa mas marami pa ang mapinsalang tao.”
“Pero daddy, paano ako? Sino magiging kasama ko. Daddy hindi ko kayang wala kayo?”
“Hindi ka naman nag-iisa, nandiyan ang mga kaibigan mo. Si Daniel, si Rowan.”
“Huwag ka nang umiyak, anak, pwede mo naman akong dalaw-dalawin dito.”
“Daddy iba pa rin yung kasama kita?”
“Hindi naman ako mawawala, pwede mo naman akong dalawin dito. Basta kung may
problema ka puntahan mo lang ako.”
Halos ayoko nang humiwalay ng yakap pero kailangan na siyang dalhin sa muntinlupa.
Pero bago lumabas ng court room meron hindi inaasahan na mangyayari.
Bigla nalang meron taong nagpaputok ng baril, sa dami ng taong nasa loob na gustong
ma-interview si daddy at Rowan bigla nalang itong nahawi at natahimik sa dahil sa
putok ng baril. Pag-katapos marinig ang putok ng iyon ang mga awtoridad ay hinuli ang
taong gumawa nito but I did not expect it to happen it’s because the man shot was my
father.
I was so shocked, pagkakita ko kay daddy naka-handusay na ito, sobrang bilis kong
tinakbo si daddy.
“Daddy, stay with me, they already called the medic.” Umiiyak na ako. Sa pagkakataong
iyon si Rowan na ang nasa tabi ko.
Tumingin si daddy sa akin at hinaplos ang pisnig ko. “Nararamdaman kong hindi na ako
magtatagal.”
“No daddy, dadalhin ka namin sa ospital, mabubuhay ka pa.” pang palakas ng loob kahit
na alam kong hirap na si daddy.
“Arabella anak, always remember na nandiyan lang ako sa puso mo. I’m sorry sa lahat
ng naging kasalanan ko sa’yo.” Kay Rowan naman siya tumingin at hinawakan ang
kamay nito.
“Take good care of my daughter. And I’m sorry for what I have done to your family. You
father is my bestfriend, napangiti ito, alam mo bang ipinagkasundo namin kayo ni
Arabella na makasal pero nagbago iyon dahil sa kagagawan ko. Huwag mong
pababayaan ang anak ko Rowan, sa iyo ko na siya ihahabilin. Pagkakamamahalin mo
ang anak ko.”
“Makaka-asa po kayo na iingatan ko po siya at mamahalin. Patawarin niyo din po ako sa
nagawa ko sa inyo.”
“Daddy, tumingin muli siya sa akin, hang –on stay with me please.”
“Arabella anak, always remember na mahal na mahal kita.”
“I love you too Daddy.” Sa pagkasabi ni daddy nun nawalan na siya ng hininga.
“Daddy… “umiyak na ako ng umiyak.
***
Halos wala akong tulog sa mga nag-daang araw, kumain hindi ko magawa dahil gusto ko
andun lang ako sa tabi ni daddy.
Ang balita sa akin nila Daniel at Rowan, ang taong bumaril sa daddy ko ay isa sa
pamilyang nasira dahil sa droga.
Sa burol ni daddy hindi ako hinihiwalayan ni Rowan at Daniel. Nakakatuwa nga at naging
mag-kaibigan sila. Tangap na rin ni Daniel na hindi kami puwedeng magkatuluyan dahil
alam niyang si Rowan ang mahal ko at ganun din si Rowan sa akin.
Sa libing ni daddy parang wala na akong mailuha, napag-isip isip ko rin na kasi na
masakit ang mga pangyayari ngunit alam nating merong kadahilanan kung bakit ito
nangyayari sa buhay natin. Kasabihan nga “we have to move on.”
Masaya rin naman ako pagkatapos nun dahil nagpatawad si Dave at nagkabati-bati rin
kaming magkakaibigan.
***
Pagkaraan ng isang taon. Sa isang malawak na hardin sa lugar ng Sagada, merong isang
okasyon na lahat ng tao ay nakikisaya sa pag-iisang dibdib ng magkasintahan.
“Do you man, take this woman as your wife, for sickness and in health, ‘till death do us
part.”
“Yes, I do”
“Do you woman, take this man as your husband, for sickness and in health, ‘till death do
us part.”
“Yes, I do”
“May we have the ring, nagpunta sa harap ang ring bearer at inabot ang wedding ring,
May you two say your vows at isuot na rin ang singsing habang sinasabi ito.
Nagharap ang mag-kasintahan.
“Arabella, una palang kitang nakita, alam kong ikaw na, ikaw lang ang nagpatibok sa
puso ko. Sa bawat araw na nagdaan lalo kitang minamahal. Sa pagsubok na
pinagdaanan natin, kahit na anong galit nawawala ito kapag ika’y nakita ko. Pina-
pangako ko na ikaw lang ang minamahal nito at paka- mamahalin ko habang buhay.”
“Rowan, ikaw lang ang una kong inibig at huling iibigin, kahit na walang tuksuhan hindi
pa rin mapigil ang pagbugso ng aking damdamin. Minahal na kita. Kahit na anong unos
ang dumaan kahit na anong galit sa puso basta pag-ikaw ay nakita at marinig lang ang
tinig bigla itong nawawala. Pinapangako ko rin na ikaw lang ang mamahalin ko habang
buhay.
Sa pag-bigkas nila ng mga salitang ito damang-dama ng nila at nang lahat ng tao kung
gaano kamahal nila ang isa’t isa.
“Now, ladies and gentleman, I may pronounce Mr. and Mrs. Rowan Zaavedra.”
Nagpalakpakan ang ang mga tao. “May you now kiss your wife.”
“I love you Arabella”
“I love you too Rowan.” and they kissed.