kay estella zeerhandelar
DESCRIPTION
Tulong sa pagsusuri ng akdang Kay Estella Zeerhandelar - Introduksyon lamang . . . ni Gng. Christine Tiara ZamoraTRANSCRIPT
Panitikang Indonesian
Mga Liham ng Prinsesang Javanese
niRaden Adjeng Kartini
Salin niRuth Elynia S. Mabanglo
Ang Java (Ingles: Java, Indones, Habanes, at Sundanes: Jawa) ay
isang isla ng Indonesia at ang kinalalagyan ng kabisera ng bansa,
ang Jakarta. Ito ang pinakamataong isla, at isa sa mga
pinaka pinakamataong rehiyon sa mundo. Ang dating lugar ng mga
makapangyarihang kaharian ng Hindu at ang sentro ng kolonyal
na Dutch East Indies, ang Java ngayo'y may importanteng papel na
ginagagampanan sa aspetong pampolitika at ekonomiya ng Indonesia.
Tinatawag na Habanes (lalaki) at Habanesa(babae) ang mga taga-Java.
Java, Indonesia
Mga Babaeng Javanese
Ang mga babae ay nakakapag-aral lamang hanggang elementarya
Pagsapit ng 12 taong gulang, ang isang babae ay pinagbabawalang lumabas ng bahay. Hindi na ito pinapayagang makapag-aral.
Nakakalabas lamang ang babaeng Javanese sa panahon na mag-aasawa na ito at ipakikilala na
siya sa kanyang mapapangasawa.
Tradisyunal na pamamahay ng isang pamilyang maharlika sa Java
Raden Adjeng Kartini - isang feminist, isinilang siya noong 1879 at nagkaroon ng pribilehiyong makapag-aral bagaman “nakulong” ayon sa tradisyong Javanese, nang sapitin niya ang ika-12 taong gulang. Namatay siya sa gulang na 24, subalit nakapag-iwan ng isang mahabang talaan ng mga liham na may mga kaisipang magpahanggang ngayo’y nakaukit sa puso’t damdamin ng kahit karaniwang Javanese.
Stella Zeehandelar – Isang Dutch, radikal na feminist at nakilala sya ni Kartini sa pahina ng De Hollandsche Lelie.
•Ibig na ibig kong makakilala ng isang “babaeng moderno”.•Buong kasabikan kong sinasalubong ang pagdating ng bagong panahon.•Subalit nakatali ako sa lumang tradisyon hindi maaring suwayin.•Balang araw maaring lumuwag ang tali at kami’y pawalan, ngunit lubhang malayo pa ang panahong iyon.•Tuwirang sumasalungat sa kaunlarang hinahangad ko para sa aking kababayan ang lahat ng mga institusyon namin.
Mahahalagang kataga:
•May karapatan ba akong wasakin ang puso ng mga taong walang naibigay sa akin kundi pagmamahal at kabutihan, mga taong nag-alaga sa akin nang buong pagsuyo?•Kahit noong musmos pa ako’y may pang-akit na sa aking pandinig ang salitang “emansipasyon;” may isang naiibang kabuluhan ito, isang kahulugang hindi abot ng aking pang unawa.•Kinailangang “ikahon” ako.•Subalit dumating ang kaibigan ko’t tagapagligtas – ang Diwa ng Panahon; umalingawngaw sa lahat ng dako ang mga yabag niya.•Nasindak ang “mundo”; naging-usap usapan ang “krimeng” iyon na dito’y wala pang nakakagawa.
•Ang pag-aasawa para sa amin – mababaw pa ngang ekspresyon ang sabihing miserable.•Ang hindi pag-aasawa ang pinakamalaking kasalanang magagawa ng isang babaeng Muslim; ito ang pinakamalaking kahihiyang maipagkakaloob ng isang katutubong babae sa kanyang pamilya.•Tila ginawa lamang para sa lalaki ang mga batas.
Ano ang mga reaksyon mo sa mga sumusunod na kaugaliang Javanese?1. Ikinukulong ang mga babaeng Javanese
pagsapit nila sa ika – 12 taong gulang at pinakakawalan lamang sila pagsapit nila ng ika – 16 na taong gulang para makapag-asawa.
2.Mga lalaki ang binibigyan ng pagkakataong mag-aral; ang mga babae ay pinag-aaral hanggang grammar school lamang.
3.Pinag-aasawa ng sapilitan ang mga babae.
Ibigay ang inyong opinyon:1.May pantay pantay bang
karapatan at oportunidad ang mga babae at lalaki sa Pilipinas? Ipaliwanag.
2.Paano higit na mapapataas ang katayuan ng mga babae sa Pilipinas?Ipaliwanag