ikapitong bf

40
Nagkita ang magkababatang sina Cindy at Elma sa isang Shopping Mall sa Quiapo. Ilang taon din silang hindi nakapagkamustuhan after ng kanilang college graduation at makapagtrabaho. “Cindy!!!!!” “Elma!!!!!” sabay na sigaw ng dalawa sa pangalan ng isa’t-isa. Napatingin tuloy sa kanila ang lahat ng mga tao sa paligid. Nagyakap sila ng mahigpit sa sobrang pagka-miss sa isa’t- isa. “Kamusta ka na? Ano beh, sumeseksi ka, ah!” bungad ni Cindy “Hay heto, laman ng Fitness Gold.” tugon ni Elma. “Kaya naman pala hulmadong-hulmado ang figure natin ngayon. Bakit naman?” “Heto.” Kinuha ni Elma ang wallet at ipinakita ang picture ng isang lalake sa kaibigan. “Oh my god!” tanging nasabi ni Cindy habang tinititigan ang larawang iyon ng lalaki na tila isang modelo sa kakisigan at ganda ng katawan. “Iyan ang dahilan. Mahirap na, noh. Baka iwanan pa ko nyan. Kailangang makipagsabayan ako, davah!?” “Pinatulan ka nito? Bilib naman ako sa sex appeal mo, sis. Saan mo naman ‘to nakilala?” tanong ni Cindy na manghang mangha pa rin sa nakikita. “Sa Fitness Gold din. Gym Instructor ko sya noon.”, natatawang tugon ng kaibigan. “Ikaw, Cindy? Kamusta ka na?” pagpapatuloy nito. “Heto, teller na sa IBPI.”, pagmamalaki nito sabay sauli ng picture kay Elma. “Wow, ibang level ka na ha. Mabuti ka pa, may career na..” “Asus, may trabaho nga, wala naming lovelife. Zero ako, Sis. I mean negative 25.” Natawa si Elma sa kanya. “Negative 25, ‘coz im already 25 years old but still… negative ang lovelife.” Pagpapatuloy ni Cindy. “Hay naku, marami dyan. ‘Wag ka mainip. Halika, kain muna tayo.”,pagbabago ni Elma ng usapan. Nananghalian muna ang dalawa at matapos ay nag-ikut-ikot na sa mga Mall doon. Dumaan din sila sa mga tiangge at namili ng mga mura ngunit magagandang damit. Nagsimba din sila sa Quiapo Church. Paglabas ay napansin ni Elma ang mga manghuhula sa gilid ng simbahan. Niyaya niya ang kaibigan na subukang magpahula dito. “Ay, ayoko.”pagtanggi ni Cindy. “Bakit naman?”, nakangusong tanong ni Elma “Ayoko. Baka bad future ang marinig ko. Madi-discourage lang akong mabuhay.” pag-iinarte nito. “Ang arte mo, ha. May mga ganyan-ganyan ka nang pag-e-emote ngayon ha.” Sabay tapik ni Elma sa balikat ni Cindy habang natatawa. “Siyempre, ibang level na nga diba?” “Sige na, try mo lang.” pagpipilit ni Elma. Napilit na rin ni Elma ang kaibigan. Sabagay ay curious din si Cindy na malaman ang magiging takbo ng tagtuyot na kalagayan ng buhay-pag-ibig niya ngayon. Ang matandang babae na kahawig ni Madam Auring ang napili nila. Maitim ang kulay ng balat nito at maiisip mong may lahing Afrikano. Magarbo at mahaba ang kasuotan nito na naghahalo ang matingkad na kulay rosas at dilaw. Marami rin itong suot na bilugang hikaw na sinlalaki ng platito. Ang hitsura ang pananamit na iyon ang dahilan kung bakit napansin agad ng dalawa ang manghuhulang iyon. Si Cindy ang unang naupo sa harapan at nagpahula. Pinaglaruan ng matanda ang mga baraha sa harapan niya. Ordinaryong baraha lamang ang gamit nito at hindi Tarot Cards. Kapagkuway pinapa-cut sa kanya at muling babalasahin. Bumubulong-bulong din ito ng lengguwaheng hindi maintindihan ng magkaibigan. Pinapili siya ng limang baraha. Inilapag ito sa harap niya. Unti-unti ay binuksan iyon isa-isa ng matanda mula sa pagkakataob. Binasa nito ang hula sa lovelife ng dalaga. “Seven.”, sambit ng manghuhula na napadilat mula sa ilang segundong pagpikit. “Seven?” sabay na tanong ng magkaibigan. “Seven, iha. Pito. Ikapito.” Sunod na impormasyong sinabi ng matanda.

Upload: deliane

Post on 18-Jan-2015

5.897 views

Category:

Entertainment & Humor


0 download

DESCRIPTION

 

TRANSCRIPT

Page 1: Ikapitong bf

Nagkita ang magkababatang sina Cindy at Elma sa isang Shopping Mall sa Quiapo. Ilang taon din silang hindi nakapagkamustuhan after ng kanilang college graduation at makapagtrabaho.  

“Cindy!!!!!”“Elma!!!!!” sabay na sigaw ng dalawa sa pangalan ng isa’t-isa. Napatingin tuloy sa kanila ang lahat ng mga tao sa paligid. Nagyakap sila ng mahigpit sa sobrang pagka-miss sa isa’t-isa.“Kamusta ka na? Ano beh, sumeseksi ka, ah!” bungad ni Cindy“Hay heto, laman ng Fitness Gold.” tugon ni Elma.“Kaya naman pala hulmadong-hulmado ang figure natin ngayon. Bakit naman?”“Heto.” Kinuha ni Elma ang wallet at ipinakita ang  picture ng isang lalake sa kaibigan.“Oh my god!” tanging nasabi ni Cindy habang tinititigan ang larawang iyon ng lalaki na tila isang modelo  sa kakisigan at ganda ng katawan.“Iyan ang dahilan. Mahirap na, noh. Baka iwanan pa ko nyan. Kailangang makipagsabayan ako, davah!?”“Pinatulan ka nito? Bilib naman ako sa sex appeal mo, sis. Saan mo naman ‘to nakilala?” tanong ni Cindy na manghang mangha pa rin sa nakikita.“Sa Fitness Gold  din. Gym Instructor ko sya noon.”, natatawang tugon ng kaibigan.“Ikaw, Cindy? Kamusta ka na?” pagpapatuloy nito.“Heto, teller na sa IBPI.”, pagmamalaki nito sabay sauli ng picture kay Elma.“Wow, ibang level ka na ha. Mabuti ka pa, may career na..”“Asus, may trabaho nga, wala naming lovelife. Zero ako, Sis.  I mean negative 25.” Natawa si Elma sa kanya.“Negative 25, ‘coz im already 25 years old but still… negative ang lovelife.” Pagpapatuloy ni Cindy.“Hay naku, marami dyan. ‘Wag ka mainip. Halika, kain muna tayo.”,pagbabago ni Elma ng usapan.

            Nananghalian muna ang dalawa at matapos ay nag-ikut-ikot na sa mga Mall doon. Dumaan din sila sa mga tiangge at namili ng mga mura ngunit magagandang damit. Nagsimba din sila sa Quiapo Church.

Paglabas ay napansin ni Elma ang mga manghuhula sa gilid ng simbahan. Niyaya niya ang kaibigan na subukang magpahula dito.

“Ay, ayoko.”pagtanggi ni Cindy.“Bakit naman?”, nakangusong tanong ni Elma“Ayoko. Baka bad future ang marinig ko. Madi-discourage lang akong mabuhay.” pag-iinarte nito.“Ang arte mo, ha. May mga ganyan-ganyan ka nang  pag-e-emote ngayon ha.” Sabay tapik ni Elma sa balikat ni Cindy habang natatawa.“Siyempre, ibang level na nga diba?”  “Sige na, try mo lang.” pagpipilit ni Elma.

Napilit na rin ni Elma ang kaibigan. Sabagay ay curious din si Cindy na  malaman ang magiging takbo ng tagtuyot na kalagayan ng buhay-pag-ibig niya ngayon.

Ang matandang babae na kahawig ni Madam Auring ang napili nila. Maitim ang kulay ng balat nito at maiisip mong may lahing Afrikano. Magarbo at mahaba ang kasuotan nito na naghahalo ang matingkad na kulay rosas at dilaw. Marami rin itong suot na bilugang hikaw na sinlalaki ng platito. Ang hitsura ang pananamit na iyon ang dahilan kung bakit napansin agad ng dalawa ang manghuhulang iyon.

Si Cindy ang unang naupo sa harapan at nagpahula. Pinaglaruan ng matanda ang mga baraha sa harapan niya. Ordinaryong baraha lamang ang gamit nito at hindi  Tarot Cards. Kapagkuway pinapa-cut sa kanya at muling babalasahin. Bumubulong-bulong din ito ng lengguwaheng hindi maintindihan ng magkaibigan.

Pinapili siya ng limang baraha. Inilapag ito sa harap niya. Unti-unti ay binuksan iyon isa-isa ng matanda mula sa pagkakataob. Binasa nito ang hula sa lovelife ng dalaga.

“Seven.”, sambit ng manghuhula na napadilat mula sa ilang segundong pagpikit.

“Seven?” sabay na tanong ng magkaibigan.“Seven, iha. Pito. Ikapito.” Sunod na impormasyong sinabi ng matanda.“Ano pong ibig nyong sabihin?” tanong ni Elma. “Ang ikapito, iha. Ang ikapito mong magiging kasintahan ang magiging kasama mo habambuhay. Siya ang mapapangasawa mo.”

Nagkatinginan ang magkaibigan.

“Ganun?” tanging sambit ni Cindy.

Matapos magpahula ay nag-foodtrip naman ang magkaibigan. Nakituhog sila ng fishballs at tukneneng sa maraming tao sa gilid ng isang mall doon. Pinag-uusapan nila ang hula kay Cindy. Nawala na rin sa isip ng dalaga na hindi na rin pala nagpahula ang kaibigang si Elma matapos siyang mahulaan ng matandang babae.

“Ikapito, sister. Wait for ikapito.” pag-eencourage ni Elma sa kaibigan habang nagsasawsaw ng mga tinuhog na fishball sa sweet and chili sauce sa gilid ng karitelang iyon.“Ikapito!? Eh, nakakailan nab a ako? Wa pa! As in Wa. Tulad ng sinabi ni Maja Salvador sa MMK…. I am N.B.S.B., No boyfriend since birth.” napangiwi si Cindy sabay amoy sa tukneneng na kinuha niya.“Haller. Bata ka pa, noh. Mabilis lang ‘yan.”“At hanggang kailan naman ako magwe-wait, aber?”“Hanggang kaya mo, sis. Hanggang hindi pa nagsasapot ang bataan.” Sabay tawa ni Elma. “Kung gusto mo, i-fast forward mo na lang.” suwestiyon nito.“Eh, ano? Mamadaliin ko para ikapito agad? I’m not a bitch, excuse me.”pagtanggi ni Cindy.“Pwede rin.” Pero natigilan si Elma sa pagnguya at nagtanong. “Teka, gusto mo na bang mag-asawa? Lokaloka, bata ka pa. I-enjoy mo muna ang pagkadalaga mo. Have fun, girl.”“Okey ka lang? I over-enjoyed na  ang pagiging  single ko , noh. Feeling ko nga ay marami ng sapot ang flower ko, eh”

Page 2: Ikapitong bf

“So, gusto mo na nga.”“Hindi, ah. I just wanna meet my soulmate, that’s all.”“And then?”“Then, hold muna. He can waitnaman siguro. I can wait too Career muna bago ko siya ka-career-in. We should invest muna for our future.”“Hindi ba nakakasakit ng puson yun?”“Gaga. I mean, waiting-waiting muna. No marriage. Tutal, he’s the one na eh. Wala ng makakapigil ‘nun di’ba? ‘Coz we are meant to be. Kakakilig, di’ba?”, sabay tipid na tawa nito.“Ewan ko sa’yo, girl.”nagpatuloy si Elma sa pagkain.“Tama ka, sis.  I think,  I should  press fast forward na. I wanna meet him na. Sisiguraduhin kong kamukha iyon ni Brat Pitt.”, taas noong sambit nito.“Angelina Jolie, ikaw ba ‘yan?” singit ni Elma.“O kaya ni Zac Efron!!” napatili si Cindy sa kakiligan.“Ate, bayad n’yo?” hingi ng tindero ng fishball at tukneneng na pumutol sa pag-uusap ng magkaibigan.  Dahilan para mainterrupt si Cindy sa kakiligan. Nakangiwi niyang binalingan ang tindero.“Atat ka? Pauwi  ka na ba?”, pagtataray ng dalaga. “Wala pa nga akong natitikman dito sa mga kinuha ko eh.”“Eh daldal kasi kayo ng daldal. Pano kayo makakakain?” balik ng tindero.

Nag-init lalo ang ulo n gating bida at akmang gegerahin ang tindero. Pinigilan lamang siya ng kaibigan.

Sabay na sumakay ng LRT ang magkaibigan pauwi. Sa Vito Cruz lamang bumaba si Elma. Si Cindy naman ay hanggang Edsa. Matapos ay sumakay siya ng Mrt at bumaba sa Guadalupe. Doon ay sumakay na lamang siya ng jeep papuntang Buting.

Kinagabihan ay hindi makatulog si Cindy. Kaka-goodnight lang nila ni Elma sa isa’t-isa sa pag-uusap nila sa celphone na umabot ng dalawang oras. Pudpod naman ngayon ang daliri niya sa tatlo niyang male textmates.

Napabalikwas siya ng bangon. Nakangiti. Ngiting parang may masamang binabalak. May naisip siya. Naalala niya ang kanyang binabalak na  Fast forward Plan.

“Kung ang tatlong ito ay syosyotain ko. Four to go to meet my soulmate. Weeeeeeeee!!!e.” banggit nito sa isip na may kasamang ngiti at tpid na pagtawa.“But how? Ni hindi naman nagpaparamdam ang isa man dito sa mga ugok na ito for the next level of our relationship. Desenting texting lang. Oh how how how?”, dugtong nito kasabay ng pagkabura ng mga ngiti sa kanyang mukha na napalitan ng pagsimangot at pagkunot ng noo.

Bumangon siya at humarap sa salamin.

“Ganun ba ako kapangit para walang manligaw sa’kin?”sabay nagmodel-model at nagpacute sa harap ng salamin.“Cute naman ako ah I mean, pretty.”, nakangiting sambit nito sa sarili.“Siguro medyo kagalang-galang lang ang dating ko sa kanila. Or kailangan siguro na  maging mapusok na ako. Babae na daw ang nanliligaw nowadays, eh.”pagpapalakas nito ng loob

Naupo muli sa kama at kinuha ang celphone. Tinext ang tatlo niyang textmate ng “Let’s meet tomorrow.”.

Mabilis naming nag-reply ang tatlo at lahat ay pumayag. Nakangiting humarap muli ang dalaga sa salamin at nag-brush ng buhok habang pumipinta paunti-unti ang matamis na ngiti.

“I should look sexy starting tomorrow.” Inayos-ayos pa niya ang bra at pagkakaporma ng cleavage niya.

Matapos ay dumungaw sa bintana at sinilip ang bilog na buwan.

“Tomorrow, the new Cindy will come out. Bukas, sasambahin nila akong lahat. Bukas.. luluhod ang mga tala.”

May ganung epek?

Labing-walo. Labing-siyam. Dalawampu. Halos lahat ng mga seksing damit na pang-alis ay nasukat na niya. Ngunit nahihirapan siyang makapili. Pinaghahandaan niyang mabuti ang araw na ito. Tatlo ang kanyang ka-deyt. Isa mamayang Alas dose (lunch date), isa mamayang hapon (merienda date) at isa mamayang gabi (dinner date). Ang mga iyon ay ang tatlo niyang textmate na niyaya niyang makipag-eyeball sa kanya kagabi. Pursigido siya sa Fast Forward Plan niya para makilala na ang kanyang soulmate, ang ikapito niyang magiging boyfriend.          

Matapos ang ilang minuto’y nakapili na siya ng tatlong susuotin para sa tatlong date niya.

Alas onse, kausap niya si Elma sa celphone habang siya’y nagbibihis.

“I’m praying for the best, sis.” ani Elma.“Gaga, this is not yet the seventh. Praying for the best ka dyan.”“Well, paano kung matipuhan mo siya at tumibok ang puso mo?”“Eh di gagawin ko rin siyang pampito. Common sense. Haller?”“Oh, bitchy! Sige na at  baka maleyt ka pa. Go go girl!” paalam ni Elma sa kabigan.

Pagkapanaog ay nagpaalam na siya sa ina na nanananghalian na sa kumidor.

“Hindi ka muna ba kakain?”tanong nito.“I’m on a diet, ‘Ma.”, tugon nito na tuloy-tuloy  sa paglalakad palabas ng bahay.

Sa isang mall sa Ermita siya nagtungo. Sa tapat ng isang bookstore sila magkikita. Black and white striped blouse at fitted jeans ang suot niya. Terno ang sandals sa kanyang top. Naka-ponytail na mataas ang kanyang buhok. Maria Paula ng Lazos de Amor ang dating

Page 3: Ikapitong bf

niya.

Ilang saglit lang siyang nag-intay at isang lalake na ang lumapit sa kanyang kinatatayuan.Tulad ng deskripsyon sa text, nakasuot ito ng  yellow na semi-fitting polo at straight-cut na pantaloon. Naka-rubber shoes at bagsak ang long back na buhok nito. Maskulado na parang isang bouncer sa bar. No, the worst, parang isang wrestler. Napatingala siya dahil malaking tao rin ito na nasa 6’2” ang height. Napalunok siya na akala mo’y isang bulateng dadagitin ng isang malaking ibon. Ilang pagkurap pa ng mata niya ang ‘di niya namalayang nagawa dahil sa pagkabigla sa hitsura ng nakaharap.

Sa isang fastfood sila kumain. Tinabihan siya nitosa kinauupuan niya. Habang kumakain ay palihim siyang inakbayan nito. Na-realize niyang hindi na siya nakikita ng mga taong nakapaligid sa kanila. Para siyang isang bubwit na tinakpan ng isang St. Bernard na aso. Makailang beses din siyang napapatingin sa paligid na kung titingnan ay para siyang bubwit na sumisilip mula sa maliit na lungga nito. Hindi naman niya naramdaman na mukha siyang kawawa ngunit para siyang nahihiya sa kalagayan niya ngayon. Ngunit hindi niya alam kung ang ikinahihiya niya ay ang lalaking ka-deyt niya ngayon o ang sarili niya sa pagkukumpara sa liit niya at sa laki ng kasama niya.

Kausap niyang muli sa celphone ang kaibigang si Elma nang umuwi siya sa bahay. At dahil may deyt ng alas-tres ay nagbibihis na siyang muli.

“Malay ko ba kung kakambal iyon ni Zuma o kalahi ni Kingkong.”, pagrereklamo nito.“Ayaw mo ‘nun? You’ll be well-protected.”, tugon ng kaibigan.“Letse ka, girl. I don’t need a bodyguard. Or should I say, a dozen of bodyguard na pinagsamasama sa iisang katawan.”

Natawa si Elma. “Oh, ano? Sinagot mo na?” tanong nito.

“Ofcourse. Kailangan eh.” Sagot ni Cindy.“Wow. First boyfriend. Congratulation, sis.”, sabay tawa.“Letse ka, again.”, tugon niya na sinundan ng halakhak ni Elma.“Wait, wait. May incoming call ako.” Pag-eexcuse ni Cindy.“Ok, sige.”“Hello, Babe. Nakauwi ka na ba?” Ang maskuladong ka-deyt niya kanina.“Yes, Babe. Nandito na ako. Tulog na muna ako ha. I’m really sick, eh. Pasensya na ha.”, palusot ng dalaga.“Sige, Babe. Text ka kaagad pagkagising mo ha. Tatawagan kita. Pahinga ka na. Pagaling ka ha.”“Yes, Babe. Ikaw rin, pahinga ka ma.” Sabay baba ng tawag at muling bumalik sa linya ni Elma.“Who’s that, girl?”, tanong ni Elma.“Si Godzilla.”

Muling natawa ang kaibigan.

Nagpaalam muli si Cindy sa ina na nagmemeryenda na sa Sala.

“Hindi ka man lang muna ba magmemeryenda?”, tanong nito sa anak.“I’m on a diet, Ma.”

Alas tres kinse na nakarating ang dalaga sa Mall na malapit sa Manila City Hall. Sa tapat ng isang clothing store sila magkikita ng susunod niyang ka-eyeball. Naabutan niya ang isang lalake na naghihintay doon. Tulad ng description sa text ay naka-polo shirt itong black at maong-short. Spiky ang buhok at naka-sneakers na itim.

Siya naman ay naka-polo shirt din ngunit kulay orange at kurbado na nagpapakita sa hugis ng kanyang katawan. Same jeans din na suot niya kanina dahil nalimutan na niyang magpalit sa  pagmamadali. Nakalugay ang straight at mahaba niyang buhok. Parang nagpa-hot oil.

Medyo nakilala na siya nito kaya’t hindi pa man siya nakakalapit ay sinalubong na siya. Iniabot ang kamay sa kanya. Nakangiti. Wala siyang nagawa kundi’y makipagkamay. Medyo type nya ang isang ito dahil may hitsura. Di nalalayo kay Alfred Vargas. May katangkaran din.

Matagal bago siya bumitaw sa kamayan nila. Hinihintay niya rin kasi itong magsalita. Naisip niyang baka nahihiya lamang ito kaya’t siya na ang nag-initiate ng usapan.

“Hi. Kanina ka pa ba? Pasensya na ha. Medyo traffic kasi,   eh.”, pagsisimula ni Cindy ng usapan habang siya’y nakikipagkamayan pa rin sa lalaking kaharap.

            Hindi pa rin ito nagsalita. Ngiti lang ang tugon nito sa kanya.

            “Hello?” ,sunod na sambit ng dalaga sa lalaking ayaw pa ring magsalita.

            Bigla ay nag-sign language ang kaharap. Tila gumuho ang paligid niya.

“So, how’s your number 2?, tanong ni Elma sa kanya. Nasa bahay na siya at nakaupo sa kanyang kama. May mga hair rollers sa buhok, naghahanda para sa dinner date niya mamaya.

“Hayun, super kuwento. As if naintindihan ko siya.”, salaysay ni Cindy.“You’re so mean, sis. Pero, sinagot mo na din?”“Siyempre.”“Wow, girl. You’re a  two-timer na.”“Shut up!”“I have a question, sis.”“What?”“He never texted or informed you na pipi siya?”

Page 4: Ikapitong bf

“No, never. Puro quotes lang kaya ang text niya sa’kin. Quotes lang din ang mga sagot ko sa kanya. We never had a conversation. Ni hindi ko nga siya nirereplyan noon, eh. I don’t even know where did he get my number. And I failed to  ask kanina. I was shy to ask and ask kasi baka humaba pa ang oras ng pagsasign-language nya. Dib a niya naisip na di ako marunong nun?”

            Natawa lamang ang kaibigan sa kabilang linya.

“Ano ba itong ginagawa ko, sis?”“Go lang ng go, girl. Lima na lang at mami-meet mo na ang soulmate mo.”, pagpapakapositive ni Elma.

            Isang text ang natanggap niya. “Wait, sis. I got a text message.” Hinold muna niya si Elma at binasa ang text. Si number 2 iyon at nagsend lang ng sweet quotes.

            Matapos basahin ay binalikan na niya si Elma sa linya.

“I bet. It’s him. Your silent number 2.”, bungad ni Elma sa kanya.“Yeah.”, tugon niya.“Text lang? Bakit di ka tinawagan?”, natatawang tanong ni Elma.“Nang-aasar ka ba?”

            Muli siyang nagpaalam sa ina na nagluluto na ng dinner.

“Hindi na kita tatanungin, ‘nak. You’re on a diet, diba?”,sambit ng ina pagkahalik sa kanya ni Cindy.“No, Ma. Busog pa ako.”, sagot nito sabay alis.

Five minutes to seven na nang dumating siya sa mall kung saan sila magkikita ni number 3. Sa isang malaking mall sa Pasay.

            Black velvet blouse ang suot niya na medyo revealing at ipinapakita ang kanyang cleavage. Cream pants, black venus sandals at wavy ang hairstyle. Mas maganda siya ngayon kaysa kanina sa dalawang naunang date niya. Naka-set man ang isip niya na palilipasin lang ang mga lalakeng makikilala , she need to look attractive dahil kailangang ma-fall sa kanya ang mga imi-meet nya. To be their girlfriend and count them as her boyfriend, hanggang sa umabot sa ikapito.

            Sa tapat siya ng isang clothing store tumayo at naghintay. Ilang Segundo lang at may lumapit sa kanya.

            “Hi, are you Cindy?”, bungad nito. Agad siyang nakadama ng tuwa di pa man niya nakikita ang hitsura ng ka-meet. Sigurado na siya kasi na hindi pipi ang isang iyon di tulad ng pangalawa niyang naka-meet.. Hiling niya nga lang na hindi sana ito mukhang wrestler tulad ni boyfriend #1. Nilingon na niya ito.

            Pagtingin niya’y isang tomboy ang tumambad sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya. Hindi agad nakaimik.

            Inulit ng kaharap ang tanong.

“Are you cindy?”“N-no.”, tugon niya. “I’m….. Wendy.”, dugtong niya sabay ngiti at lakad paalis.

            Tawang tawa si Elma habang kausap siya ni Cindy sa celphone. Nasa bahay na ang dalaga at nakahiga na sa kanyang kama. Latang-lata ito sa kapaguran sa tatlong deyt na sinipot niya.

 “Unfortunately, nakakadalawa pa lang ako. He’s not counted. I mean…. She.”“Well, Wendy…. I mean Cindy, at least you got two na. Madali na lang ang lima. Trust me.”“At pa’no? Parang gusto ko nang sumuko, sis”“Don’t give up yet. Gusto mo bang maging old maid? Bibigyan kita. I know some single guys.”“Okey.”, nanghihinang sambit nito.“Anyway, you’re still a two-timer now. I’m proud of you.”“Excuse me, I just broke up with the first one.”, pagtanggi nito.“The giant number one? Ambilis naman? Anong oras?”“A minute bago kita tinawagan.”“Anong reason mo?”“Nothing. Kailangan ko pa bang magpaliwanag sa kanya?”“Bitchy. That’s my sister.” Pagpupuri sa kaibigan na medyo sarkastik ang dating sabay tawa.Eh, pa’no si number two?”, sunod na tanong ni Elma.

“After nating mag-usap or early morning pagkagising ko. Basta, I’ll gonna get rid of him too, syempre.”“Antaray. Magiging single ka na uli. So fast.”“Korek.”“Don’t worry. Bukas ng umaga. You’ll have your official number 3.”

             Nakatulog na si Cindy.

“Hello? Hello, sis?”

            Ang malakas na tunog ng kanyang alarm clock ang gumising sa kanya kinabukasan. Medyo masakit pa ang katawan nito sa stressful day niya kahapon. Halos tamad na tamad pa itong bumangon.

            Nagring ang kanyang telepono. Agad na kinuha at sinagot ang tawag.

            “Magbihis ka na, sis. May morning date ka ngayon.”, bungad ng kaibigang si Elma.

            Napatingin si Cindy sa orasan. Alas syete pa lang.

Page 5: Ikapitong bf

 “Super aga naman. Hindi naman ako uhaw sa lalake, ate.”“Ang arte, ha. Baka nakakalimutan mo ang iyong Fast Forward Plan. Bangon na dyan.”“Puwede ba’ng sub- ka muna sa’kin?”, hiling ni Cindy na tinatamad pa ring kumilos.“Gaga, friend ko ‘yon.”

“Why not? I-deyt mo friend mo for me.”“Letse. Bangon na and meet your boyfriend #3.”“Oo na po.”

Sa isang coffee shop along Taft Avenue nagkita ang magkaibigan. Panay pa ang hikab ni Cindy na hindi masyadong nakapag-ayos dahil sa pagmamadali sa kanya ni Elma. Pero maganda pa rin ang dating ng dalaga sa white sleeveless blouse na medyo revealing pa rin,  black  jeans at flat na cream sandals. Hindi na siya nakapag-blower ng buhok, mabuti na lamang at maganda ang bagsak nito.

“Ano ba, girl. Stop being hippopotamus. Hikab ka ng hikab. Kulang ka ba sa tulog?”“Sorry, sis. Medyo nanlalata pa rin ako.. and still sleepy pa talaga.”Hay naku, gising. Pa’no uunlad ang lovelife mo nyan?”, pang-aasar ng kaibigan.

            Nagpatuloy na lamang sa pag-inom ng kape ang dalaga. Habang umiinom ay may napansin siyang dumaan. Isang lalake. Kilala niya ito.

            Napatayo siya at hinabol ang lalakeng naglalakad.

            “Sis. Where are you going?”

            Ngunit di niya ito pinansin.

  “Robert!”, tawag niya sa binatang nakita. Napatigil iyon sa paglalakad at nilingon ang pinagmulan ng boses. Ang lalaking iyon ay semi-kalbo, maputi at may katangkaran. Parang whiter version ni Derek Ramsey.

“Cindy?”, nakilala siya ng kababata kahit higit sampung taon na silang di nakikita.“Ikaw na ‘yan? Kamusta ka na?”“Heto, cute pa rin.”, sabay tawa ng dalaga.

            Naabutan ni Elma ang tagpong iyon dahil kanyang hinabol ang kaibigan. Napangiti na lamang siya at bumalik sa coffee shop.

            Si Robert ang childhood crush ni Cindy. Actually “first love” niya.

Ilang saglit pa’y nakangiting nagbalik si Cindy sa table nila ni Elna. Tila sabog ito sa droga.

“Do I smell love?”, bungad na tanong nito kay Cindy. “Sa nakikita ko sa mukha mo, parang ‘yung lalakeng iyon ang gusto mong maging si number seven.”

“Yes, you do. And yes, I do.”, nakangiti nitong sambit.“Well. Atleast alam mo na kung sino ang ipupuwesto mo bilang ikapito.”

Bigla ay may dumating na guwapong lalake. Simple lang ang suot nito pero kitang-kita pa rin ang natural na kakisigan. Hawig ito ni Gerald Anderson.

Natigilan si Cindy sa pagpapantasya at napatingin sa bagong dating.

“Cindy, this is Geoff. And Geoff, siya si Cindy, ang bestfriend ko.”

Iniabot ng binata ang kamay kay Cindy. Nakangiti ito.

Nagmamadali naming nakipagkamay ang dalaga. Muli ay para na naman siyang sabog sa droga na napapangiti at natutulala sa kaharap.

“So… maiwan ko na kayo ha.”,pagpapaalam ni Elma. Kinuha ang bag, nakipagbeso-beso kay Cindy at kinawayan ang binata.

Naiwan ang dalawa at tuluyang nag-deyt  sa coffeeshop na iyon.“Pasado ba, sis?”, kausap na ni Elma si Cindy sa telepono. Nasa taxi na ito pauwi ng bahay.

“Yes, sis. Ang yummy- yummy niya!”,kilig na tugon nito.

Napapatingin tuloy sa kanya sa salamin ang taxi driver.

“Super kilig ka, ah. Paano na ‘yung kababata mo na nakausap mo kanina?”,tanong ni Elma.“I got his number. Don’t worry, I’ll try my best na siya ang maging number seven ko.”“Eh parang type mo rin si Geoff. So boyfriend #3 mo na lang ba siya?”“Ba’t sa tono ng pagsasalita mo e parang nirereto mo siya sa akin na maging boyfriend #7 ko siya?”“No naman. Nafi-feel ko lang kasi nma type na type mo rin siya. I saw ur reaction when u met him kanina. The same facial reaction after kausapin mo ang kababata mo.”“His name is Robert. Pareho ko silang gusto.”“Ay, ang harot.”“I’m so confused na. Help me naman, friend.”“Ikaw lang ang makakapagdesisyon niyan. Friend mo yung Robert and you know him. Friend ko naman si Geoff and I’m telling you, he’s  a very nice guy.”,ani Elma at biglang napabuntung-hininga..

Page 6: Ikapitong bf

“Bakit naman ang lalim ‘nun?”, tanong ni Cindy.“Wala lang. I just feel guilty. Ambait kasi ni Geoff tapos ginaganito natin. He don’t deserve this. And I’m actually worried now.”“Bakit naman?”“Dahil kilala ko ‘yun, eh. Kung magmahal ‘yun totoo. Faithful. Matagalan. Caring. Lahat ng past relationship niya more than three years ang tinagal.”, kuwento ni Elma tungkol kay Geoff.“Lahat? Parang ang dami, ah. Ilan ba?”“Dalawa pa lang naman. Pangatlo ka na. Worried ako dahil definitely sasaktan mo siya.”“Ngayon kokonsensyahin mo ‘ko. Haller, wala pa akong ginagawang bad.   At kung natatakot ka na ma-fall ako, don’t worry. Who knows? Siya ang gawin kong seventh. Don’t forget, I can manipulate my lovelife now.”,pagmamalaki ni Cindy.“Impossible, sis.”“And why naman?”“His past relationships, ‘nung natapos ay period na talaga. Kahit ilang beses nang nagtry  ‘yung  mga  girl  na makipagbalikan,  inayawan niya.  Hindi  niya  daw  ugali  na nakikipagbalikan. Pag tapos na ay tapos na.”“Ouch!”, tanging sambit ni Cindy.“At dahil siya na si boyfriend #3, there will be no chance na para maging boyfriend #7 mo siya. So beware to fall for him at pareho lang kayong masasaktan.”, advise ni Elma.

Hindi naman nakaimik si Cindy. Napaisip din siya. Paano kung magustuhan nga naman niya talaga ang binata. Hindi na niya magagawang ipuwesto ito sa ikapito kung nagkataon. Pati siya ay masasaktan.

Kinagabihan ay muli silang lumabas ni Boyfriend #3. Sa isang pizza fastfood sila kumain.

Titig na titig sa kanya ang binata. Kinikilig naman si Cindy.

“Bakit naman ganyan ka makatingin? Para kang bibingka, kay lagit.”, sabay tawang pacute.“Para ka kasing magnet eh. At mga mata ko’y metal.”, nakangiting tugon ni Geoff sabay sipsip sa iniinom na iced tea ngunit hindi umaalis ang paningin sa dalaga. Kilig na kilig naman si Cindy. Sabihin mang korni pero kung ganito kakisig ang magsasabi ng ganitong litanya sa isang babae ay manhid itong hindi tatablan. Maliban na lamang kung tomboy.“May nakapagsabi na ba sa’yong hindi ka maganda?”, tanong ni Geoff sa kanya. Natigilan siya sa pagkagat sana sa isang slice ng pizza na hawak niya.

“Ano?”, nakakunot-noong tanong nito.“Dahil hindi sapat ang salitang maganda para ilarawan ka. Dahil isa kang dyosa ng kagandahan.”, romantiko nitong sagot na nakatutok pa rin sa dalaga ang tingin.

Lalong kinilig si Cindy kahit na nagtatanong sa isip. Ganun ba siya kaganda? Binobola ba siya ng kaharap? O baka sobrang ganda lang talaga niya sa paningin ni Geoff. Pero sa deskripsiyon ng kaibigang si Elma tungkol sa binata, mukhang hindi naman nito gawain ang mang-isa ng babae. Para tuloy gusto niyang maniwalang Dyosa nga siya ng kagandahan.

“Bolero ka ha.”, at mahinhing natawa sabay kagat sa pizza na kanina pa niya hawak.“Hindi kita binobola. You’re the prettiest girl I ever met.”,dugtong ng binata.

Lalong kinilig ang lola mo na natabig pa ang baso ng iced tea niya sa kakiligan. Nabasa tuloy ang binata. Napatayo ito. Nagulat din si Cindy at nagpanik. Dali-daling kinuha ang panyo mula sa bag at pilit na pinunasan ang basang polo ni Geoff, na nagbigay ng daan upang bumakat ang magandang dibdib nito.

Panay ang sorry ni Cindy. Natigilan siya ng mapansing halos hinahaplos na niya ang matipunong dibdib ng binata. Natigilan siya at napalunok. Tila gusto niyang damhin at hagkan ang bahaging iyon na nakikita niya. Dahan-dahan siyang napatingala at tumingin sa mukha ng binata. Nakatingin ito sa kanya. Lalo siyang natunaw. Napaatras siya at naupong muli.

“Sorry talaga ha. Ikaw kasi,eh. Panay ang bola mo kasi, eh. Kinikilig tuloy ako.”, prangkang bulalas nito.“Ganun ba?”,natawang tanong ng binata. “Hindi naman talaga kita binobola, eh. Promise. Tsaka don’t worry about my polo. Bibili na lang ako ng damit na pamalit after nating kumain.”“Ako na ang bibili. Samahan kita. Pumili ka at ako magbabayad. It’s my fault. I should buy you one.”“No, ako na.” Nakangiti ito sa kanya.

Dahan-dahan si Cindy na  napanganga sa nasisilayang kakisigan ng kaharap.

“Hail mary full of grace. Parang gusto ko nang magpakasal.”, sambit nito sa isip.

            Matapos kumain ay namili na sila ng pamalit na damit ni Geoff. Binilhan din siya nito ng isang cute at malaking stuff toy na elephant, bukod pa sa chocolate at roses na binigay nito kanina.

“Mal ang tawagan ninyo? Ano ‘yun?”, tanong ni Elma. Kausap na niya si Cindy na kakauwi pa lang ng bahay. Hindi pa nakapagbihis dahil excited magkuwento sa kaibigan.“We shorten the word “Mahal”, kaya Mal.”, tugon nito.“Wow sweet naman.”“Suggestion niya ‘yon. Alam mo, sobrang cute ng friend mo. Mabuti na lang naging friend kita.”, natawang sambit ni Cindy.“Tsaka ang romantic niya, panay ang pambobola sa’kin kanina. Para akong cheese, nakaka-melt siya kausap.”, dugtong nito na sinundan agad ng isang tanong.“Sis, tingin mo ba mukha akong uhaw sa lalaki sa paningin niya? Kasi sinagot ko na siya agad,eh.”“At bakit ka naman nag-aalala ngayon?”,tanong ni Elma. “Hayan na. Na-inlove ka na.”,dugtong nito.“Yes, girl. Parang this is it na.”“O.M.G., girl. Hayan na ang kinatatakutan ko.”“Eh, anong magagawa ko? Nakakalaglag talaga siya, sis.”“Pa’no na si Robert?”

Napabuntung-hininga si Cindy.

Page 7: Ikapitong bf

“I don’t know pa. Parang nawala siya sa isip ko. Basta alam ko, mahal ko na si Mal.”“O.M.G. again, sis. I think I should do my plan na before it’s too late.”

“What plan? Gaya-gaya ka, ha. Ako may Fast Forwars Plan. Eh, ano sa’yo? Rewind Plan?”,natawa nitong tanong.“No. It’s a Love Demolition Plan, sis.”“What!?”, gulat na tanong ni Cindy.“Aaminin ko na kay Geoff ang lahat. Huwag na nating patagalin ‘to. Tulad ng sinabi ko, masasaktan lang kayo pareho. Hindi mo pwedeng seryosohin si Geoff.”

Napabuntung-hininga si Elma.

“It’s all my fault. Masyado akong nadala ng lovelife mo. Kahit alam kong ganun si Geoff, nireto ko pa rin siya sa’yo. Or ganun yata talaga ako ka-loyal sa’yo, friend. Dahil parang ginive-up ko ang friendship namin ni Geoff para sa’yo.  Pero sis, huwag mong kalilimutang hindi siya ang soulmate mo dahil hindi siya si boyfriend #7 at imposibleng maging boyfriend mo siya uli.”

May point naman ang kaibigan kaya’t hindi na nagpilit pa si Cindy.

“Ok. Ako na ang magsasabi bukas. Susunduin niya ako mamaya after work. Magdedeyt kasi uli kami.”, malungkot na sabi nito.“Aba, napapadalas ang paglabas n’yo ah. Siguraduhin  mo lang na sasabihin mo na ha. Or else, ako ang magtatapat.”

Iyon lang at naputol na ang kanilang pag-uusap. Problemadong naghanap ng antok ang dalaga. Mahal na niya si Geoff kaya parang ayaw na niyang makipagkalas dito. Pero sa tuwing sumasagi sa isip niya ang hula ay nawawalan ito ng pag-asa na maging sila.

Binatukan nito ang sarili.

“Gaga ka talaga, Cinderella Munoz. Ang hina mo. Masyado kang mapusok. Ganyan ka ba kauhaw sa lalake? Hindi ka dapat naiinlove agad. Biruin mo, isang araw pa lang kayong magkakilala ay mahal mo na agad siya? Sinagot ko lang naman siya just for the sake of my Fast Forward Plan. Malay ko bang matatamaan ako ng arrow ni Cupid. Ang harut-harot mo kasi mo, Cindy. May Robert ka pa niyan ha.  Sino ba talaga? Ano ba talaga?”, kausap nito ang sarili habang nakaharap sa salamin.“Ang hirap naming magka-HEART. Tinotorture niya ang BRAIN. So unfair.”, dugtong nito.Kinabukasan, panay ang sulyap niya sa orasan habang nag-aassist ng mga nagwiwithdraw at nagdedeposit ng pera. Three minutes to three na. Malapit nang magsara ang bangkong iyon. Malapit na rin silang mag-deyt muli ni Geoff. Malapit na ang DOOMS DAY. Dahil sa katunayan ay hindi niya alam kung paano magtatapat sa binata. Hindi niya alam kung paano magpapaalam. At higit sa lahat ay hindi niya alam paano pipigilan ang dadamin sa binata at magmatigas upang magawa niya ang sa tingin nilang magkaibigan ay nararapat. DOOMS Day niyang maituturing ang araw na iyon dahil pakiramdam niya ay katapusan na ng kanyang nararamdamang kaligayahan.

Alas kuatro na ng hapon ng makalabas siya ng bangko. Nasa labas na at naghihintay ang binata. Cute na cute ito sa long sleeve polo at slacks, with necktie at shiny black leather shoes. Sa isang Real Estate nagtatrabaho ang binata kaya hawak ang oras.

“Shit! Pa’no ko ba naman ibi-break ang ganito kasarap na nilalang? Ako na ang magiging pinakatangang babae sa balat ng lupa pag pinakawalan ko pa ‘to.”, sambit nito sa isip.“Mal?”, tanong ng binata sa kanya dahil napansin siya nitong nakatulala sa kanya.

Biglang natauhan ang dalaga. “Ha?”

“Ikaw ha. Guwapung-guwapo ka siguro sa’kin, noh? Tinutunaw mo ko ng tingin, eh.Don’t worry. Gandang ganda din naman ako sa’yo, eh”,nakangiting biro ng binata sa kanya.

Natawa lang siya ….. na may kilig sa loob. Parang gusto niyang maihi… o manginig at magtitili man lang sa kakiligan.

“So.. sa’n tayo, Mal?”, tanong niya sa binata upang maiba ang usapan.“Dadalhin kita sa isang lugar na tahimik. At magiging memorable sa’yo ang gagawin natin’dun.”

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Napalunok siya. Parang nai-imagine na niya kung ano ang ibig sabihin ng nobyo. Ayaw man niyang magpakamalisyosa ay hindi niya maiwasan. Naeexcite tuloy siyang natatakot na ewan.

Biglang sumagi sa isip niya ang pangako niya kay Elma na umamin na sa binata at makipag-break dito. Tinibag nito na parang hollow blocks ang kanyang excitement, imagination at kakiligan.

Ngayon ay bigla siyang nalito.

“Aamin na ba ako? Pag umamin ako, hindi na niya ako madadala sa lugar na kung saan niya ako balak dalhin ngayon. Nakakapanghinayang naman. Pero pag umamin naman ako mamaya after ‘nun,  mas masakit. Parang nagpadevirginize lang ako. At mas masakit pag nagdalantao ako. Magiging bastardo ang anak ko. Magiging single mother ako. Ang saklap naman.”, sambit nito sa isip na pasulyapsulyap sa nobyo habang  sila ay naglalakad na hawak-kamay.“Mal?”“Yes, Mal?”“May sasabihin kasi ako sa’yo, eh. Huwag kang    mag-i-emo pag sinabi ko, ha.”, ani Cindy sa nobyo.“Ano ‘yun?, tanong ng binata.

Mahigpit na hawak ni Geoff ang kanyang kanang kamay. Nakahinto sila’t nakatayo sa kahabaan ng Ayala Avenue. Nakatingin sa kanya ang binata. Kita ni Cindy sa mukha ng binata ang pagmamahal na inuukol nito sa kanya. Hinihintay ni Geoff ang sasabihin niya. Ngunit hindi pa siya makapagsalita. Tila umurong ang kanyang dila at nawalan ng kakayang magsalita. Tinitigan niya ang mukha ng binata. Ang mata nito, ang noo, ang ilong, ang labi, ang buhok, ang bawat sulok ng mukha nito. Namalayan na lamang niyang hinahaplos na niya ang pisngi nito. Malungkot siya dahil magpapaalam na siya sa binata. Dahil aaminin na niya ang totoo. Sinasamantala na niya ang mga saglit na iyon. Sobra ang kabog ng kanyang dibdib habang nakikipagtitigan sa binata. Pakiramdam na

Page 8: Ikapitong bf

ngayon lang niya naranasan sa buong buhay niya. Pag-ibig.

“Mal…”, una niyang sambit.

Hindi umaalis sa kanya ang paningin ng binata. Bigla ay umihip ang hangin. Bahagyang nagulo ang maganda niyang buhok. Kumilos ang kamay ng binata at inayos iyon. Hindi natinag si Geoff ng hanging nagdaan. Nakatitig pa rin ito sa dalaga. Tinging punumpuno ng pagmamahal.

Parang ang hirap tuloy para sa kanya na umamin. Nalilito siya. Hindi niya alam kung paano magtatapat. Parang ayaw na niya. Ayaw niyang maputol ang kaligayahang naidudulot ng nararamdaman niya para sa binata at ng pagmamahal na ipinapadama sa kanya nito.

“I love you, Mal.”, nasambit niya. Taliwas sa balak niyang sabihin. Hindi ang kanyang isip ang nag-utos na sambitin iyon kundi’y ang kanyang puso.

Bahagyang napangiti si Geoff sa narinig at mabilis siyang hinagkan nito. Buong pusong hinalikan ang kanyang labi. Iyon ang pinaka-unang beses na ang kanilang mga labi ay naglapat. Iyon din ang unang halik ng dalaga. Kapwa napapikit ang kanilang mga mata. Tila tumigil ang oras para sa kanilang dalawa. Ang lahat ng tao sa paligid ay napatingin na sa kanila. Ang iba ay natatawa, ang iba ay natulala, ang iba’y nagbubulungan, may mga naiinis ngunit karamihan ay kinikilig. Napapahiyaw pa ang iba na tila naiinggit.

Ang halik na iyon ay tumagal ng halos isang minuto. Tila hindi nila naririnig ang paghiyaw sa kanila ng mga tao. Mga mata ng bawat isa ang una nilang sinilayan sa pagmulat ng kanilang mga mata kasabay ng paghihiwalay ng kanilang mga labi.

“I love you too, Mal.”, malambing na sambit ni Geoff sa kanya. Sabay niyakap siya nito. Nakangiti ang dalaga na tinanggap ang yakap na iyon. Unang beses din niyang naramdaman ang matipunong  bisig at dibdib ng nobyo. Siyempre, first time niya rin iyon na mayakap ng isang lalake.

“Ang bangu-bango niya. Ansarap sarap sarap to the 7th power. Parang gusto kong mahimatay.”, kinikilig na sambit nito sa sarili. Habang inaamoy ang binata at sarap na sarap sa pagyakap nito sa kanya.

“Seventh?”, sunod na sambit sa sarili. Bigla niyang naalala ang salitang kanyang nasambit. Naalala tuloy niya ang hula. Seventh. Ikapitong boyfriend. Iyon ang kanyang soulmate. At hindi si Geoff. Nalungkot siyang bigla.

Napansin ng dalawa na pinapanood na sila ng mga tao. Kapwa sila napangiti. Hinawakang muli ni Geoff ang kamay ng nobya at inaya itong ipagpatuloy ang paglalakad.

Sa harap ng Glorietta sila nagtungo. Doon nila hihintayin ang pagdating ng driver ng pamilya ni Geoff, dala ang kanyang kotse na pina-carwash niya kanina. Ilang saglit lang silang naghintay doon at dumating na ito agad.

“Sir. Heto nap o ang tsedeng n’yo. Parang bagong bili di’ba? Magaling maglinis ang carwasher na friend ko, sabi ko sa inyo, eh.”, pagmamalaki ng payatot at kalbong driver ng binata.

“Salamat, Gordon. Maaasahan ka talaga.”

Napansin ng driver ang babaeng kasama ng amo.

“Sir?”“Bakit?”, tanong ni Geoff.

Tinuro ni Gordon si Cindy sa pamamagitan ng nguso.

“Hi.”, nakangiting bati ni Cindy sa driver.“Hello. Kayo po pala ang bagong nobya ni sir.”

Napangiti lang si Geoff at pinagbuksan na niya ng pinto ng kotse ang nobya.

“Sige na, Gordon. Balik ka na sa bahay. Gagabihin ako ng uwi.”, sambit ng binata bago ito pumasok ng kotse.

Bumiyahe na ang magkasintahan. Hawak-hawak ni Geoff ang kamay niya habang nagmamaneho ito. Kinikilig naman si Cindy na nakatitig sa binata. Actually, kanina pa siya kinikilig at hindi na yata nahinto. Na[pansin ni Geoff na tinititigan siya ng nobya.

“Alam mo, Mal. Para kang sunlight.”“Bakit naman?”, nakangusong tanong ni Cindy.“Because I’m a block of ice at unti-unti mo akong tinutunaw.”, nakangiting tugon nito.

Pabirong pinalo ng dalaga ang braso ng nobyo habang natatawa.

“Ikaw talaga. Hindi lang kasi ako makapaniwala na may isang napakakisig na lalaki ang mai-inlove sa akin.”

Tingin na may matamis na ngiti ang tugon ng binata sa kanya.

“Alam mo, Mal. You are so SUGAR.”, dugtong ni Cindy.

Napasulyap ang binata sa kanya, nagtatanong ang ekspresyon ng mukha nito. Nakangiting salubong ang kilay.

“Kasi ang sweet-sweet mo.”, nakangiting tugon ni Cindy.

Natawa ang binata. “Gumaganti ang mahal ko, ah.”

Page 9: Ikapitong bf

“Ayokong bumitaw. Mami-miss ko ‘tong gagong ito. Mahal ko na talaga siya.”,sambit ng dalaga sa sarili.“Mal?”“Yes, Mal?”“Saan mo ba ako dadalhin?”“Secret.”, sabay ngiting abot-tainga ang binata. “Excited?”, nakangiting tanong  nito.

Tawa  lang  ang  tugon  ni  Cindy.  Kinakabahan   siya. Kung magiging totoo ang iniisip  niya sa pagdadalhan sa kanya ng binata, handa na ba siyang ibigay ang sarili dito. Dapat ba siyang makipagtalik gayung hanggang ngayon ay nalilito pa rin siya sa kung ano ang magiging desisyon niya. Tuluyan na ba niyang kalilimutan ang tungkol sa hula at Fast Forward Plan at magpapakalunod sa pag-iibigan nila ni Geoff?

Bigla ay nag-ring ang kanyang celphone. Kanya itong tiningnan. Si Elma ang tumatawag. Kinabahan siya. Alam niya kung ano ang pakay ng kaibigan sa pagtawag nito. Sigurado siyang kakamustahin nito ang pakikipag-break niya kay Geoff.

Pinatay ni Cindy ang kanyang celphone.

“Sino ‘yung tumatawag ,Mal? Ba’t di mo sinagot?”, tanong ng nobyo sa kanya.“Si… si Mama. Kaso biglang nawala, eh. Missed call lang siguro.”, pagsisinungaling nito.“Text mo na gagabihin ka para di mag-alala. Hahatid naman kita mamaya, eh.”, suwestiyon ng binata.

Kunwaring nagtext na lamang ang dalaga. Hindi niya ipinakita sa nobyo at ipinaalam na pinatay niya ang celphone.Sa tagaytay nagtungo ang dalawa. Inabot na sila ng paglubog ng araw. Ipinarada ni Geoff ang kotse sa isang parking lot doon na may overlooking view.

“Dito pala.”, sambit ni Cindy sa sarili sabay ngiti. “Dapat ba akong madisappoint? Sabagay, hindi pa ako handa.”

Lumabas na si Geoff sa kotse. Tumungo sa gawi kung saan nakaupo si Cindy at pinagbuksan niya rin ito. Inaya niya ang dalaga na mahiga sila sa itaas ng kotse. Pumayag naman si Cindy at binuhat niya ito’t inupo sa itaas. Nahiga silang magkatabi at sabay nilang pinagmasdan ang mga tala. Walang ulap ng mga oras na iyon kaya’t nasisilayan nila ang nagniningning na mga bituin sa kalangitan.

Pasaglit-saglit ay sinusulyapan ni Cindy ang nobyo. Nakangiti itong tinitingnan ang mga bituin.

“Ano kaya ang sinsabi ng mga bituin?”, tanong ng binata.“Sabi ng isang bituin. Masuwerte daw ako dahil ang cute cute ng boyfriend ko.”, nakangiting sambit ng dalaga.“Mal, siguro lalake ka noong past-life mo.”“Bakit naman?”, nakangusong tanong ni Cindy.“Kasi bolera ka, eh.”, sabay tawa ng binata.

Tinapik siya  ni Cindy.

“Ikaw talaga.”

Napatingin sila sa isa’t-isa. Ang tawanan ay unti-unting humupa. Uminit ang titigan. Kapwa nila pinagmamasdan ngayon ang bawat sulok ng mukha ng isa’t-isa.

“Mal?”“Yes, Mal?”, tanong ng binata.“Hindi ba’t sinasabi ng mga bituin ang kapalaran natin? Paano kung ang sinasabi ng  bituin ay  hindi tayo ang para sa isa’t-isa?”, malungkot na tanong ni Cindy sa nobyo.

Nagsalubong ang kilay ng binata. Muling tumingin sa mga bituin.

“Hindi bituin ang isang iyon na magsasabi ng ganung kapalaran para sa ating dalawa, Mal. Baka ilaw lang iyon ng eroplano.”, natatawang sagot nito.

Medyo natawa rin si Cindy na muli ring tumingin sa mga tala. Napansin niya ang pagkontra nito sa sinabi niya. Pagkontrang nakapaloob sa tugon nito sa kanya. Kasama na rin ang reaksyon ng mukha nito bago pa matawa.

Tiningnan naman siyang muli ng nobyo.

“Seriously , I don’t believe in fortune telling. Mapa-tarot man ‘yan o astrology. Para kasi sa’kin, tayo ang gumagawa ng kapalaran natin.”, sabay haplos nito sa mukha ng dalaga.“At lalo ko silang hindi paniniwalaan  kung ganyan ang kapalarang sasabihin nila – na hindi tayo ang meant to be. Because I feel it, Mal. I know you’re the one.”“Oh god. Ang sweet talaga ng ugok na ito. Panginoon ko. Ayoko nang maniwala sa hula.”, sambit ni Cindy sa isip habang tinititigan siya ng binata.“Bakit, Mal? Nagpahula ka ba? Iyon ba ang hula para sa ating dalawa?”, tanong ng binata.“H-ha?..”,utal na sambit ni Cindy. Napalunok siya. Nabigla sa tanong ng binata. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Aamin ba siya?

Bigla ay nag-ring ang celphone ni Geoff.

“Wait lang, Mal. Sagutin ko lang ‘yung tawag.”, bumaba ito mula sa itaas ng kotse at kinuha ang celphone mula sa loob.“Tatanga-tanga ka kasi, Cindy. Pabanggit-banggit ka pa kasi ng tungkol sa hula. Lokaret ka talaga.”, sambit nito sa isip sabay kinutusan ang sarili.“Hello? Elma? O, musta? Ba’t napatawag ka?

Page 10: Ikapitong bf

Nanlaki ang mga mata ni Cindy sa narinig. Ang kaibigang si Elma ang kausap ngayon ni Geoff sa celphone. Baka aminin na nito sa binata ang lahat tulad ng binabalak nito. Sumilip siya mula sa bubong ng kotse. Tiningnan ang nobyong kausap ang kaibigan nilang si Elma sa celphone. Kinakabahan siya at baka gawin na ng kaibigan  ang Love Demolition Plan nito to support her Fast Forward Plan.

“Si Cindy?”, tanong ng binatang muli ng binata dahil hindi ito ni Elma sa kanya.“Wala. Hindi ko siya kasama.”, sabay tingin at kindat sa nobya habang nakangiting nagsisinungaling kay Elma. Medyo napanatag ang loob ng dalaga.“Oo, magkasama kami kanina pero maaga ko siyang hinatid sa kanila. Masakit daw ang ulo, eh.”

Matapos ang usapan ay muling nagbalik sa pagkakahiga sa taas ng kotse si Cindy. Nakangiti itong tumingin muli  sa mga bituin. Umakyat na rin doon ang binata. Humigang muli sa tabi ng nobya.

“Ba’t ka nagsinungaling kay Elma?, bungad na tanong ni Cindy kay Geoff.

Ngiti muna ang sagot ni Geoff.

“Ayokong may interruption sa mga sandaling kasama kita. Gusto ko, lahat ng segundo ay para sa’yo. Not being bad…In-love lang ako.”

Ngiti ang tugon ni Cindy sa kanyang sinabi. Ang kamay ng binata ay kumilos at malamyos na hinawakan ang pisngi ng nobya. Unti-unti ay lumapit ang mukha nito.

“Wow, kiss again. Oh my immaculate blessed virgin mary.”, sambit ng dalaga habang papalapit ang labi ni Geoff sa kanyang labi.

Muli ay naglapat ang mga iyon. Naging saksi ang mga bituin sa mainit na tagpo. Ang pangalawa nilang halik ay tumagal ng halos limang minuto. Tila ayaw humiwalay sa mga labi ng isa-t-isa.

“Mal?”, sambit ni Cindy matapos ang kanilang halikan.“Why, mal?”“Ano ang tingin mo sa’kin?”“What do you mean?”“Kasi di’ba, unang araw pa lang ng pagkikita natin ay sinagot na kita?”“Yeah… so?”“Hindi ba ako nagmukhang cheap sa’yo or something sa paningin mo?”“No. Bakit naman?” Alam mo, Mal… naiintindihan kita. I know you can’t resist my charm. Sa guwapo kong ito, alam kong hindi mo mapipigilan ang damdamin mo.”, nangingiting tugon ng binata.

Tinapik siyang muli ni Cindy na natatawa rin sa sagot niya.

“Loko-loko ka talaga.”“Yes, Mal. Lokoloko ako. Naloloko akong umiibig sa’yo.” Kinurot  tuloy ng dalaga ang pisngi niya.“Talaga? Hindi ka nag-isip na easy-to-get ako?”, pagbabalik muli ni Cindy sa tanong niya kanina kay Geoff.“Hindi nga, Mal. Honestly, alam kong una pa lang nating pagkikita ay meant to be na tayo. Hindi ko ito naramdaman sa mga ex- ko. Hindi pambobola, ha. Na-love at first sight ako sa’yo, eh.”

Umiba ng puwesto ang dalaga at humiga sa braso ni Geoff. Sabay silang muli na pinanod ang mga bituing nagniningning sa kalangitan.

“Sana hindi na matapos ‘to. Lord, puwede bang paki-pindot ng PAUSE. Nanamnamin ko lang po ang mga sandaling ito. Natatakot kasi ako sa maaaring mangyari bukas o sa mga susunod pang mga araw, eh. Baka mawala na siya sa akin katulad ng sinasabi sa kapalaran ko.”, sambit nito sa isip.

Kinuha ni Geoff ang kanyang kamay at hinawakan iyon. Holding hands silang nakatingin sa mga tala.

Nagdinner muna sila sa malapit na restaurant doon bago umuwi. Hinatid siya ni Geoff sa bahay nila.

“Tuloy ka muna, iho. Gusto mo ba ng maiinom?”, tanong ng ina ni Cindy na sinalubong sila sa gate.“Hindi na po, ‘Nay. Pauwi na rin po ako. Maaga pa po ang pasok ko bukas, eh. Next time na lang po, salamat.”“Sige, sige. Ingat sa pag-uwi, ha. Salamat sa paghatid mo sa anak ko.”

Bumaling ito sa anak.

“Oh, ano? Hindi ka ba mag-gu-goodnight kiss sa boyfriend mo?”

Pinanlakihan siya ng mata ni Cindy.

“Mama, ano beh?!!”“Sige na. Nahihiya ka pa sa’kin. Batukan kita dyan, eh.”,natatawang sambit ng ina habang papasok na ito sa bahay.

Nang maiwan na ang dalawa ay saka humirit si Geoff.

“Goodnight kiss ko daw po?”“Opo.”, nakangiting tugon ni Cindy.

Pagkaakyat sa kuarto niya ay agad niyang tinawagan si Elma.

“Impaktita ka, ba’t mo ‘ko binabaan ng phone kanina?”“Low bat ako, sis.”

Page 11: Ikapitong bf

“Low bat ka dyan. Kayong dalawa ha, pinagkakaisahan n’yo ko.”“Bakit naman?”“Tinawagan ko si Geoff kanina, hinanap kita. Sabi niya maaga ka daw umuwi. Tumawag ako diyan sa inyo, sabi ni Tita ay wala ka pa. Why are you lieing, sis? Villian ba ako dito? Nakaka-hurt ka ng feelings, ha!”

Napaupo si Cindy sa gilid ng kama.

“Sis, sorry ha. Pero hindi ko na yata kayang iwanan si Geoff. Mahal ko na talaga siya.”“Alam mo ba’ng sinasabi mo?”“Hay ewan ko sa’yo, girl. Bahala na nga kayo. Pag nangyari ang hula sa’yo at nagkahiwalay kayo, huwag na huwag kang iiyak sa akin ha kundi’y sasabunutan kita ng bonggang-bongga talaga.”“You’re so violent naman, sis.”“Concern lang talaga ako, girl.”“I think, peke ang manghuhulang iyon. Hindi totoo ang ikapitong bf na ‘yan. Nararamdaman ko, friend.”“Nararamdaman ka dyan. Ano ka? Manghuhula ka na rin? Vibration-vibration?”“Wala lang…”, malungkot na tugon ni Cindy.“Ganito na lang, sis. Balik tayo sa Quiapo bukas”, suwestiyon ni Elma.“And why? Magdadasal tayo sa itim na Nazareno na i-break ang hula sa kapalaran ko?”“Gaga. Mag-iimbestiga tayo.”“Ng?”“Tulad ng pinagpipilitan mong vibration. Alamin natin kung totoong nakakahula ‘yung matandang nanghula sa’tin. Alamin lang natin kung nagkakatotoo talaga ang mga sinasabi niya.”“Ikaw talaga… papahula ka tapos magdududa ka. Ikaw itong nagpumilit na i-try yun, eh.”“Eh nagdududa ka rin kasi dyan.”“Well, naka-leave naman ako bukas. At gabi pa ang deyt naming ni Geoff. Sige ba at makapag-bonding uli tayo”“Good. Tapos magpahula pa uli tayo sa iba. Kumbaga sa sakit, second opinion ng doktor. Para maka-sure tayo.”

Napaisip si Cindy. May point naman kasi ang kaibigan. Maganda na rin ito para matigil na siya sa pag-aalala at makapagdesisyon na rin siya tungkol sa relasyon nila ngayon ni Geoff, ang kanyang boyfriend #3. Ngunit hindi maalis sa kanya ang dalangin na sana ay mali ang hula. Nais na niyang magtuluy-tuloy ang kung anong meron sila ni Geoff ngayon. Tunay na niyang iniibig ang binata.Kinabukasan ay nagtungo na nga ang magkaibigan sa Quiapo. Hindi na muna nag-shopping o namasyal ang dalawa. Diretso agad sila sa gilid ng simbahan at agad na hinanap ang matandang babae na nanghula sa kanila noong isang linggo. Ngunit wala ito sa mga manghuhula na nakahay doon.

“Naku, sis. Wala si Madam.”“Oo nga eh.”“Baka naman peke talaga ang manghuhulang iyon?”, sambit ni Cindy.

Isang matandang babae ang nakarinig sa kanyang sinabi at sumabat sa usapan nilang dalawa. Isa iyon sa mga manghuhula roon.

“Sinong pekeng manghuhula ang sinasabi n’yo?”, tanong nito.

Napalingon ang magkaibigan sa matanda. Nakaupo ito sa isang maliit na bangkito at may bilog na lamesa sa harapan. Ibang-iba sa puwesto ng unang nanghula sa kanila. Hindi rin ito maburloloy tulad ng una.

“Palagay ko kilala ko na kung sino ang tinutukoy n’yo.”, sabay tingin sa mga kapwa manghuhula roon.

“Hindi po namin  nakuha ‘yung pangalan niya. Pero malaking babae po siya na maitim. Parang taga-Africa.”, deskripsyon ni Cindy.

“At marami po siyang hikaw na malalaki. Maraming Bling-bling sa katawan. Parang lumalakad na Fiesta Carnaval.”, dugtong ni Elma.“Isa lang naman ang kulang sa’min ngayon. Si Madam Gumela. At tama ang deskripsyon nyo. Pero hindi siya peke, mga ineng.”“Pasensya napo kung nasabi naming peke siya. Paumanhin po.”, ani Elma.“Manang, gusto lang po naming siyang makausap uli. Nasa’n po kaya siya?”, tanong ni Cindy.“Ang alam ko’y nagkasakit. Nasa bahay at nagpapagaling. Bakit, mga ineng? Ano ba ang dahilan at gusto n’yo siyang makausap? Tungkol ba sa hula niya sa inyo?”

Nagkatinginan muli ang magkaibigan at tumatangu-tangong tumingin muli sa matanda.

“Hindi n’yo siya dapat pagdudahan. Isa siya sa pinakamagaling na manghuhula sa amin dito. Wala pa siyang sumasablay na prediksyon. Sa katunayan ay nahulaan niya ako noon na magiging manghuhula ako dito kasama nila.”, natatawang kuwento nito.

Hindi naman nakaimik ang dalawa.

“Ang mabuti pa’y hulaan ko kayo. Saka ko sasabihin kung saan siya nakatira. Alam kong hindi kayo mapapanatag pag ‘di n’yo siya nakausap. Bente lang para sa inyo.”, nakangiti nitong alok.“Great idea, manang. Actually, magpapahula talaga uli ang kaibigan ko.”, ani Elma.

Ordinaryong baraha din ang ginamit ng matandang iyon sa panghuhula kay Cindy. Ilang balasa at pag-cut at pinapili na siya ng ilang baraha. Kinakabahan ang dalaga sa magiging resulta nito. Pinapanalangin niyang maiba ang hula kaysa sa hula sa kanila ni Madam Gumela.

Paisa-isang binuksan ng matanda ang mga nakataob na barahang napili ni Cindy. Muli ay lumabas ang Seven of Hearts. Napanganga ang magkaibigan at nagkatinginan.

“Seven of hearts, ineng. Ang haba ng buhok mo ha. Daming lalaki. Sabagay ay maganda ka, di nakakapagtaka.”, sambit ng manghuhula.“Ikapito?”, sabay na tanong ng dalawa.

Page 12: Ikapitong bf

“Bakit? Pareho ba ng hula ni Madam Gumela?”, tanong ng matanda.“Opo, eh.”“Bueno. Bente lang, mga ineng. At ituturo ko sa inyo kung saan nakatira ang pakay n’yo.”

Sa isang fastfood tumuloy ang magkaibigan. Hawak-hawak ni Cindy ang papel kung saan isinulat ng matanda ang address ni Madam Gumela habang nakapila sila sa counter upang umorder  ng kakainin.

“Pupuntahan pa ba natin ‘to, sis?”, nakangusong tanong ni Cindy sa kaibigan.“It’s up to you, girl. Ang haba ng nguso mo, ha. Baka matuhog mo’ko niyan.”

Napabuntung-hininga muna si Cindy bago nagsalitang muli.

“Pareho lang kasi sila ng hula ni Manang Abar, eh. Hindi na natin siguro kailangang makausap si Madam Gumela.”“So kumbinsido ka na?”, tanong ni Elma.

Napangusong muli si Cindy at hindi nakaimik.

“Tigilan mo nga ako ng panguso-nguso mong ‘yan. Nagmumukha kang Ant-eater, eh.”, natatawang sambit ni Elma.“Kung ako sa’yo, makipag-break ka na kay Geoff. Huwag mo nang patagalin pa.”“Ikaw kasi, eh.”“O, bakit ako?”“Its all your fault. Hindi na lang sana ako nagpahula. Nakaka-stress.”

Tawa lang ang tugon ng kaibigan.

Bigla ay tumunog ang kanyang celphone. Dali-dali niya itong dinukot mula sa bulsa ng pantalon niya.

Si Geoff iyon.

Napatingin muna siya sa kaibigan bago sinagot ang tawag.

“Hello, Mal?”, bungad sa kanya ng nobyo.“Naglunch ka na ba, Mal?”, tanong ni Cindy sa nobyo na kausap niya sa celphone.“Yes, Mal. Kakatapos lang. Ikaw?”“Actually, nandito na kami sa Jolli-Do. Oorder na.”“Ah, Ok. Eat well, Mal. Mamaya ha, kita tayo.”

Napatingin muna si Cindy sa kaibigang si Elma bago sumagot.

“Yes, Mal…. mamaya.”“3pm., ha.”“Yes, Mal.. 3pm.”“Kasama mo ba si Elma ngayon?”“Oo, nandito siya sa tabi ko ngayon.”“Tell her to take care of you for me.”

Napangiti si Cindy.

“Yes, Mal. I will.”“I love you, Mal.”“I….. I love you too.”

Napapailing si Elma na nakatingin sa kanya.

Habang naglalunch ay iyon pa rin ang topic ng kanilang usapan.

“Maaga pala ang deyt n’yo mamaya ni Geoff.”“Oo, eh. Kinakabahan na nga ako, sis. Hindi ko talaga alam kung paano ko sasabihin sa kanya.”“Sabihin mo lang kung kailangan mo ng help ko, ha.”“No no, ako na, sis. Please lang. lalo mo akong pinapakaba.”

Huminga ng malalim si Cindy.

“Kailangan ko lang ng lakas ng loob.”“Alam mo sis, marami pang dadating na lalaki. Hindi ka dapat malungkot pag nawala si Geoff.  Bata ka pa naman. Ang daming lalaki sa earth, noh. Darating pa si boyfriend #4, #5, #6 at higit sa lahat, si boyfriend #7.”

Napabuntung-hininga lang si Cindy.

Kinuha naman ni Elma ang celphone niya sa bag at may tinawagan. Patuloy sa paglipad ang isip ni Cindy na namomroblema pa rin.

“Hello, Geoff.”

Napatingin si Cindy sa kaibigan.

“Kasama mo ba si Cindy? Ha?  Hindi? What? No, hindi ko siya kasama, ha.”

Nanlaki ang mga mata ni Cindy sa mga sinabing iyon ng kaibigan sa nobyo. Tahimik itong sumesenyas sa kaibigan na tigilan ang

Page 13: Ikapitong bf

ginagawa. Halos masabunutan niya ang sarili.

“Saan daw siya? Quiapo? Im actually here at namimili. Sige, I’ll call you again pag nakita ko siya. Ingat. Don’t worry. Bye.”

Pagkababa ni Elma ng phone niya ay saka nagsalita si Cindy.

“Sis!!??!! Anong ginawa mo??!!, medyo mataas na ang boses nito na tila gustong sumabog pero nagpipigil lang dahil maraming tao.

“Calm down, sis. I just helped you. Trust me, mapapadali na ang lahat sa iyo.”“Oh my gosh ka talaga…”, sabay napakulumbaba si Cindy.“You know, parang gusto kitang iluto ng buhay sa malaking kaserola ngayon.”, dugtong nito.“Just add some spices para masarap, ha.”, nakangiting tugon nito na tila nang-aasar.

Patuloy na  napasimangot si Cindy. Nag-aalala na siya ngayon at baka kung ano na ang iniisip ni Geoff dahil sa sinabing iyon ni Elma sa nobyo. Nag-aalala siya na baka isipin ni Geoff na isa siyang sinungaling na babae.

Sa totoo lang ay hindi niya talaga kayang umamin. Tinatalo siya ng labis na pagmamahal niya sa binata. At sa ginagawa ni Elma, parang nasasaktan na agad siya kahit paano. What more kung ipagtapat pa ang lahat? Natatakot siya sa maaaring mangyari. Natatakot siyang magalit si Geoff at mawala ang pagmamahal nito sa kanya.

Pagkalabas nila ng fastfood na iyon ay muling tinawagan ni Elma si Geoff.

“Hello, Geoff.”

Aagawin sana ni Cindy ang phone ng kaibigan upang mapigilan ito ngunit nakailag siya. Nang magpatuloy ang pag-uusap ng dalawa ay hindi na niya ito pinigi;an.

“Sorry, Geoff. But I saw him with another guy.”

Nabigla si Cindy sa sinabing iyon ng kaibigan sa nobyo.

“I can’t… I’m shy to interfere…”, dugtong ni Elma. Pagkatingin nito sa kaibigang si Cindy ay lumuluha ito. Natahimik siya.

Gamit ang sariling mga kamay ay pinunasan ni Cindy ang kanyang mga luha. Matapos ay  tumakbo ito palayo na ikinabigla lalo ni Elma.

“Elma? Elma, nandyan ka pa ba?”“Y-yes, Geoff….”, utal na nagbalik sa linya habang sinusundan ng tingin ang nag-walk-out na kaibigan.

Hindi niya akalaing ganoon ang magiging reaksyon ng kaibigang si Cindy sa gagawin niya. Bigla siyang na-guilty at nakadama ng awa sa kaibigan. Dahan-dahang ibinulsa ang celphone.“Bakit ako umiiyak?”, pigil ang pagluha niyang sambit sa sarli habang naglalakad palayo.“Ba’t ako nasaktan sa ginawa ni Elma? Dahil ba natakot akong malaman ni Geoff na niloloko ko sya? O dahil takot akong mawala siya sa buhay ko?”

Patuloy siya sa paglalakad. Naguguluhan. Nalulungkot. Lumuluha.

“Wala na akong mukhang maihaharap sa kanya.”

Tumatawag sa kanya si Elma pero hindi niya ito sinasagot. Tumatawag din si Geoff sa kanya. Palitan lang ang dalawa sa pagta-try na makausap ang dalaga sa celphone.

Dinala siya ng kanyang mga paa sa Quiapo Church. Pagkapasok ay napatingin siya sa malaki at magarbo nitong altar. Napatitigg sa imahe ni Hesukristo na nakapoko sa krus.

“Help me. God.”, sambit niya sa isip.

Naghanap siya ng puwesto at lumuhod. Nagdasal.

“Noong una, mega wish ako sa inyo for a lovelife. Ngayon ay nasasaktan ako. Hindi ko naman po pinagsisisihan ‘yung hiniling ko sa inyo…. pero ganito pala pag nagmamahal. Lord? May kakambal pala talagang sakit.”

Napapikit siya’t napaluha.

“Hindi ko po talaga kayang mawala si Geoff sa buhay ko, eh. Pero kung ang tadhanang ibibigay n’yo ay ang hindi kami magkatuluyan, tatanggapin ko po. At mas mabuting ngayon pa lang ay putulin ko na. Ayokong mas masaktan sa bandang huli, Lord. Ang sakit po kasi, eh. Patnubayan n’yo po ako sa gagawin ko. Sana’y ito ang tama.”

Matapos magdasal ay lumabas na siya ng simbahan. Nakita niya doon si Elma na palinga-linga. Siguradong hinahanap siya nito. Agad siyang tumakbo palayo. Ayaw pa niyang harapin ang kaibigan. Hindi pa siya handa. Hindi pa niya alam kung anong emosyon ang dapat niyang iharap dito.

Sa kanyang pagtakbo, nasa ilalim na siya ng LRT Station, ay muntik na siyang mabundol ng isang magarang kotse. Pamilyar ang sasakyang iyon sa kanya. Mabuti na lamang at mabilis na nakapagpreno ang lulan nito. Lumabas ito ng sasakyan. Si Geoff iyon.

“Mal..”, tawag nito sa dalaga na medyo na-shock sa muntik nang pagkakasagasa sa kanya.

Natigilan si Cindy. Hindi niya akalaing magkikita sila ng nobyo doon. Tatkbo pa sana siya palayo upang takasan ang nobyo dahil

Page 14: Ikapitong bf

hindi rin niya ito kayang harapin ay pinigilan siya ng binata. Hawak nito ang kanayang kamay. Napansin nito ang mga mata niya.

“Mal, ano’ng nangyari? Ba’t ka umiiyak?”, tanong ng binata.

Hindi nakasagot si Cindy. Hindi niya alam ang isasagot. Pilit na inalis ang mga luha sa mukha.

“Mal?”, muling tanong  ni Geoff.

Huminga ng malalim at nag-ipon ng lakas ng loob. Naisip niyang oras na para putulin ang kanilang relasyon. Hindi na dapat patagalin pa.

“Geoff, I’m sorry.”“What do you mean?”“Kailangan na nating maghiwalay.”

Ikinabigla ni Geoff ang sinabing iyon ng nobya.

“Ha?! Pero…”“I’m seeing someone else. Because I realized…. na hindi pala kita mahal.”, pagsisinungaling ni Cindy.

Hindi nakaimik si Geoff. Tila gumuho ang mundo niya sa narinig. Hindi niya ito mapaniwalaan. Katunayan ay hindi niya pinaniwalaan si Elma sa sinabi nito kanina kaya’t nagmadali siyang nagtungo doon upang patunayan ito. Hindi na niya binanggit ang bagay na iyon kay Cindy pero mismong sa bibig na ng nobya niya narinig na nakipagkita siya sa iba. Kasinungalingang hinabi ni Elma na sinakyan na rin ni Cindy.

Narealize na rin ng dalaga na malaki na rin ang naitulong ni Elma para mapadali ang pakikipag-break niya kay Geoff. Ngayon ay sumasang-ayon na ang utak niya sa ginawang kasinungalingan nila ng kaibigan, pero nagdurugo ang puso niya. Ikalawang kasinungalingan na iyon na ginawa nilang dalawa kay Geoff. Alam ni Cindy na hindi magiging madali ang makipag-break kay Geoff kung ang tungkol sa hula ang sasabihin niyang rason sa pakikipagkalas sa binata. Ang paninindigan ng binata at hindi paniniwala sa mga hula. Kaya naman sinakyan niya na rin ang inimbento ni Elma.

Lumuluha siyang nakatitig kay Geoff. Nagtutubig na rin ang mata ng binata.

“I’m sorry, Geoff.”

Akmang aalis na siya’y muli siyang pinigilan ng binata. Niyakap siya nito habang siya’y nakatalikod.

“Sabihin mong nagsisinungaling ka lang, Mal. Sabihin mong nagbibiro ka lang.”, lumuluhang  bulong ni Geoff sa kanya. Walang tugon si Cindy na pigil sa pag-iyak.“Hindi ko kayang mawala ka, Mal.”, dugtong ng binata.

Lalo siyang naiyak sa sinabing iyon ni Geoff. Kaya bago pa man siya mapahagulgol at dahil napansin niyang maraming tao na ang nanonood sa tagpo nilang iyon, pinilit na niyang makawala sa pagkakayakap ng binata. At mabilis na tumakbo.

Muling sumakay si Geoff sa kanyang kotse at sinundan si Cindy.

Alam na ni Cindy na susundan pa rin siya ni Geoff kaya naman naisip niyang taguan ito. Pumasok siya sa isang mall doon. Ipinarada naman ng binata ang kanyang sasakyan malapit sa mall na iyon at nagmadaling sinundan si Cindy sa loob. Inakyat ni Cindy ang lahat ng palapag ng mall na iyon at dumaan pababa sa ibang escalator upang mailigaw si Geoff. Nagawa niyang takasan ang binata. Nang masiguro niyang hindi na siya nasundan nito ay agad siyang sumakay sa LRT pauwi sa kanila.

Mangiyak-ngiyak siyang naupo. Nakatingin sa kawalan. Nagtakip ng panyo sa mukha upang itago sa mga tao roon ang kanyang walang tigil na pagluha. Ganoon na niya kamahal ang binata. Hindi niya alam kung masyado lang siyang naging mapusok dahil unang beses iyon na nagkaroon siya ng seryosong karelasyon o talagang mahal  niya lang ang binata. Unang beses siyang nagmahal nang hindi sinasadya. Akala niya’y magiging madali lang palipasin ang mga lalaking daraan sa buhay niya para sa kanyang Fast Forward Plan. Pero katuld ng inaasahan nilang dalawa ng kaibigang si Elma, umibig siya sa hindi ikapitong kasintahan. Labis din siyang nasasaktan ngayon dahil alam niyang wala nang pag-asang magkabalikan pa sila, dahil ayon kay Elma, hindi gawain ni Geoff ang pakikipagbalikan sa relasyong natapos na. Pero habang umiiyak, kapiraso ng kanyang pagkatao ay umaasa na sana balang araw ay magawa ng binata na magmahal muli ng babaeng nawala na sa kanya, salungat sa mga nangyari noon. Umaasa siyang sana’y maging silang muli ni Geoff. Pero sa paraan ng kanilang paghihiwalay at sa mga kasinungaling kanyang nagawa sa binata, naisip niyang malabo na itong mangyari.

Natigil na sa pagluha ang kanyang mga mata. Tinanggal na niya ang panyong nagtatakip sa kanyang mukha. Ang bahagyang namumugto niyang mga mata ay iniligid ng paningin ang paligid. Wala naman doon ang binata at ‘di na talaga siya nasundan. Maraming missed call na sa kanyang celphone nang tingnan niya ito. Marami na ring mensahe. Kay Geoff at kay Elma. Hindi niya ito binasa bagkus ay pinatay niya ang celphone niyang iyon. Desidido na siyang kalimutan ang binata. At tungkol kay Elma, hindi pa siya handang harapin ito. Isa ang kaibigan sa sinisisi niya ngayon kung bakit siya nasasaktan. Alam niyang nakatulong ito upang maputol na ang kanyang pangamba na napalitan naman ng dalamhati. Alam niya ring ginawa lang ng kaibigan ang alam nitong paraan upang makatulong. Alam niyang concern lang si Elma sa kanya. Pero masakit pa para sa kanya ang mga nangyari. Gusto muna niyang huminga. Kaya’t simula sa mga oras na iyon, ititigil muna niya ang Fast Forward Plan at hayaang dumating ang mga lalaking magiging bahagi ng plano niyang iyon. Hahayaan muna niyang tadhana ang gumuhit ng kanyang kapalaran. Saka na siya uli kikilos pagkatapos ng ika-anim. Saka na uli siya magmamanipula ng buhay pag-ibig niya. Ayaw niya na uling masaktan tulad ngayon.

Nagpalit siya ng numero ng celphone. Binilinan niya rin ang ina na huwag ipaalam sa kaibigang si Elma at sa binata na nasa bahay siya. Sa mga dumaan pang mga araw ay nakikita niya si Geoff na nag-aabang sa labas ng bangkong kanyang pinagtatrabahuhan. Pero iniiwasan niya ito at sa likod ng bangko dumadaan palabas. Nakikita niya rin ito na nag-aabang sa labas ng kanilang bahay. Palihim niya itong dinudungaw mula sa bintana ng kanyang kuarto. Ilang oras itong nananatili roon at uuwi pagsapit ng hatinggabi. Pakiramdam niya’y ‘di na naghahapunan ang binata. Malaking tanong sa isip niya kung bakit ginagawa iyon ni Geoff. Handa ba itong

Page 15: Ikapitong bf

makipagbalikan sa kanya?

Namimiss na niya ang binata, lalo kapag nakikita niya ito. Mainit pa rin ang nadarama niyang pagmamahal para sa binata. Pero pinipigilan niya ang kanyang damdamin. Kahit gusto na niyang lumabas ng bahay o ng bangko at yakapin ang binata ay tinitiis niya ang kanyang nararamdaman.

Patuloy din niyang iniwasan si Elma. Hindi rin siya bumaba upang harapin ito nang minsan itong dumalaw sa bahay nila upang kausapin siya.

Pero sa pagdaan pa ng ilang linggo ay natigil na rin ang pagpipilit ng dalawa na makita at makausap siya.  Hindi na nag-aabang si Geoff sa tapat ng kanilang bahay. Wala na ring paramdam sa kanya ang kaibigang si Elma. Ipinagtaka niya ang pagtigil ng binata sa ginagawa. Pakiramdam niya ay sumuko na ito at naka-move on na. Pero siya?….. hindi pa. Si Geoff pa rin ang laging nasa isip niya.

Minsan ay naiinis siya sa sarili. Naiisip na katangahan ba ang kanyang ginawa. Naging praktikal siya pagdating sa pag-ibig. Alam niyang masasaktan din siya bandang huli kaya’t inunahan na niya. Pero naiisip niya rin minsan, tama ba ang kanyang ginawa? Tama ba na ipinaubaya niya sa HULA ang buhay pag-ibig niya. Hindi sa ayaw niyang maniwala dito ngunit natakot lamang siya. Kalahati ng katawan niya’y panatag na dahil alam niyang hindi na siya masasaktan pa. Ngunit kalahati ay nagsisisi dahil patuloy niyang minamahal ang binata. Ang kalahating iyon ay patuloy pang nasasaktan.

Lumipas ang ang ilang linggo, naging busy na siya sa kanyang trabaho. Promoted na rin siya as Assistant Branch Manager. Halos hindi na sumasagi sa isip niya ang nakaraang iyon. Hindi rin talaga nagpakita si Geoff. Wala na rin siyang balita kay Elma.

“Ma’am. May nagpapabigay po.”,  Tatlong pulang rosas at tsokolate ang iniabot ng guard sa kanya. Natigilan siya sa ginagawa sa kanayng mesa.“Kanino galing?”, tanong niya.“Hindi po nagpakilala, eh. Pero lalaki po na matangkad tsaka guwapo.”, deskripsyon ng medyo may pagka-baklang guwardiya.

Napangiti siya’t muling pinabalik ang guard sa puwesto nito. Binasa niya ang nakasulat sa maliit na card na nakadikit sa Heart-shaped box ng tsokolate.

“You are like a butterfly and I’m a little bud. You made my heart bloom.”

Iyun ang nakasulat sa card. Naalala niya si Geoff. Madalas siya nitong sabihan ng mga sweet idiomatic quotes katulad ng nakasulat. Napatayo siya at agad na lumabas ng bangkong iyon. Tinanong ang guard kung nasa’n ang lalaking nagbigay ng mga bulaklak at tsokolate.

“Hayun po, Ma’am.”

Isang lalake ang nakatalikod sa di kalayuan. Naka-business attire ito. Ka-height ni Geoff. Pareho ding braod shoulders.

“Geoff.”, sambit niya sa sarili. Agad siyang lumakad palapit sa lalaking iyon.

Ngnit ‘di pa siya gaanong nakakalapit ay humarap na ito. Hindi iyon si Geoff.“Hi.”, bati ng lalake.

Iniabot nito ang kamay sa kanya. Dismayado man ay nakipagkamay na rin siya. Napilitan din siyang ngitian ang binata. Pero hindi siya nagpahalata sa tunay na naramdaman.

“I’m Melvin.”

Isang Web Developer si Melvin sa Ortigas. Nakita raw niya ang dalaga kaninang umaga  sa bangkong iyon nang siya ay nagdeposit ng pera. Na-love-at-first-sight umano siya kay Cindy at tinanong sa guard kung may nobyo na ito. Nang malamang single ay hindi na niya pinalagpas ang pagkakataon.

Isang linggong niligawan ni Melvin ang dalaga. Isang linggong “getting to know each other stage” sila. Sa loob ng isang linggong iyon ay nagmuni-muni ang dalaga. Tinanong niya ang sarili kung handa na ba siyang umibig muli. Umibig o magpatuloy sa kanyang Fast Forward Plan? Pero handa na siyang sumabay sa agos. Nasaktan na siya noon kaya’t handa na siyang masaktan muli. Sinabi niya sa sarili na i-eenjoy niya ang pagiging “single” niya at may apat pa siyang tyansa na mag-boyfriend bago lalagay sa tahimik. Si Boyfriend #4, #5, #6 at si #7. Kay #7 na siya magpapakasal. Mamanipulahin man niya o hindi ang pagpili sa ikapitong bf ay hindi muna niya iniisip. Tila nadala na siya sa nangyari noon. Naging mature na siya bigla sa pag-ibig   matapos  magmahal  at  masaktan.  Ayaw  na  niyang mag-expect.  Ayaw na niyang maglaro. Takot na siyang laruin ang kanyang tadhana.

At matapos ang isang linggong panliligaw ay sinagot na niya si Melvin. Her official boyfriend #4. Melvin is a nice guy. Hindi kaguwapuhan pero maganda ang built ng katawan. Mabait ito at napaka-gentleman. Ni hindi siya nito niyayang gawin ang bagay na ginagawa ng dalawang taong may relasyon. Iniisip tuloy ni Cindy na walang pagnanasa ang binata sa kanya. Hindi rin naman iyon gustong mangyari ng dalaga ngunit may mga oras lamang na sumasagi ang bagay na iyon sa isip niya. Kung magkagunman ay hindi niya rin alam kung maibibigay niya ang sarili sa nobyo. Hindi pa talaga siya handa.

Araw-araw din siyang hatid-sundo nito sa trabaho. Naging maganda ang kanilang relasyon. Nahulog na rin ang loob niya sa binata. Tuluyan na ring tinabunan ni Melvin ang tungkol kay Geoff sa isipan ni Cindy.

Ngunit isang araw ay bigla na lang nawala si Melvin. Hindi na rin niya ito makontak. Nag-resign na rin daw ito sa pinagtatrabahuhan niya sa Ortigas. Lumipat na rin daw ito ng tirahan. Lumipas pa ang isang linggo at wala na siyang balita sa nobyo. Hiwaga para sa kanya ang pagkawala ng binata. Inisip niya tuloy na nawala na ang pagmamahal sa kanya nito, o baka napahamak, nasalvage. Kung anu-ano ang naiisip niya. Inisip niya ring baka karma na ito sa panloloko niya noon kay Geoff. Kung kailan mahal na niya si Melvin ay saka ito naglaho.

Muli ay naging Zero ang lovelife niya. Muli siyang nagpaka-busy sa trabaho. Pinilit kalimutan si Melvin.

Page 16: Ikapitong bf

Naging dahilan din iyon upang muling sumagi sa isip niya si Geoff. Nagkaroon tuloy ng pagkukumpara sa kanyang damdamin. Sa pagkawala ni Melvin, bakit parang mas nami-miss niya si Geoff?

Isang araw habang siya ay mag-isang naggo-grocery, napansin niya ang isang bagger doon habang siya ay nakapila na sa cashier. Kahawig ito ni Melvin. Curious na lumipat siya ng cashier sa mismong pila kung nasaan ang bagger na iyon. Tinititigan niya ito ng mabuti. Kamukhang-kamukha ito ni Melvin. Iniwan niya saglit ang cart ng mga  pinamili at lumapit sa binata.

“Melvin?”, bungad niyang sambit dito.

Napatingin sa kanya ang binata. Nagulat pa ito ng makita si Cindy.

“Melvin, kamusta na? Halos isang buwan kang nawala, ano’ng nangyar sa’yo? Bakit hindi ka nagpaparamdam”, dire-diretso niyang tanong.

Hindi nagsalita ang binata. Hindi mapakaling pinagpapatuloy ang ginagawa sa mga grocery items ng kasalukuyang nagbabayad sa cashier.

“Melvin?”, muling sambit ni Cindy.“Hindi po ako si Melvin. Miss, di ko kayo kilala. Baka nagkakamali kayo.”, tugon nito.

Nagtaka si Cindy sa isinagot ng binata. Pero hindi siya maaaring magkamali. Si Melvin talaga iyon. Mukha, tindig, kulay, lahat-lahat. Sa ilang linggong pagsasama nila ay imposibleng hindi niya makilala ang katangian nito.

Natapos na nitong ibalot ang pinamili ng kasalukuyang nagbabayad sa cashier, nag-excuse ito upang mag-CR. Humabol si Cindy.

“Melvin, saglit!”

Mabilis na nagtungo ang binata sa C.R. Pero sumunod pa rin si Cindy. Nagulat ang mga lalaking naroon sa pagpasok ng dalaga. May akala mo’y babaeng birhen nagtakip ng maselang parte ng katawan , may napapangiti ay meron ding napapahiyaw.

“Alam kong ikaw ‘yan, Melvin.” Huwag mo ‘kong lokohin!”, sigaw ni Cindy sa binata.

Tumigil lang ito sa pagtakbo. Hindi nito hinaharap ang dalaga.

“Bakit mo ‘ko tinaguan? Ano ba’ng nagawa ko sa’yo?”, dugtong ni Cindy.

Kinakantyawan na sila ng ibang kalalakihan doon. “L.Q.!! L.Q.!!”, sabay tawanan.

“Tsaka bakit ganyan ka na? Bakit bagger ka na rito? Hindi ba web developer ka? Bakit dito ka na lang nagtatrabaho?”“Wow, pare!! Web Developer ka na pala? Kailan pa?”, pangangantyaw ng isang kasamahan ng binata.“Web Developer daw, oh!”, panggagatong pa ng isa. At muli ay nagtawanan ng malakas.

Napansin ni Cindy ang sinasabing iyon ng ibang mga lalaki. Tinitingnan niya ang mga ito. Nagtataka siyang muling binalingan ang binata. Pero hindi pa rin ito nagsasalita. Humarap na ito sa kanya. Tinititigan lang siya nito.

“Melvin, ano ba?”, muli niyang sambit.“Basta tandaan mo, Cindy. Hindi ka mahirap mahalin kaya’t minahal din kita,. sambit ni Melvin sabay haplos sa pisngi ng dalaga.

Lalong hiyawaan ang mga lalaki sa loob ng banyong iyon..

“Sorry pero hanggang dito na lang talaga tayo. Hindi na kita maaaring ibigin pa. Sorry talaga.”, dugtong ng binata sabay takbo palabas ng C.R.

Bahagya siyang tulala na naiwan doon kasama ng ibang mga kalalakihan. Hindi na niya halos naririnig ang mga sinasabi at pangangantyaw ng mga ito.  Tila tinakpan ng pagtataka at pagkagulo ng isip ang kanyang tenga. Hindi na rin niya napansin na dinala na siya ng mga paa sa labas ng supermarket na iyon. Hindi na rin niya hinanap at sinundan si Melvin. Para sa kanya ay iyon na ang tuldok. Pormal na silang “break” ng binata. Tinanggap na niya ang nangyari pero labis siyang naguguluhan. Malaking tanong kug bakit nakipagkalas si Melvin sakanya at kung bakit tinaguan siya nito ng isang buwan. Dahilang hindi sinagot ng binata sa kanilang paghaharap. Magulo rin para sa kanya ang mga sinabi nito. Hindi malinaw ngunit may laman.

Umuwi siyang wala sa sarili. Hindi na nag-dinner at tumuloy na sa kanyang kuarto. Nang silipin siya ng una ay nakita siya nitong nakahiga sa kama na nakatulala. Nakaramdam ng awa ang ina sa kalagayan ng anak. Pero hindi nito inistorbo ang dalaga. Hinayaan niya itong makapag-isip. Hindi siya nanghimasok sa suliraning dinadala nito ngayon. Gustuhin man niya ay tila may pumipigil sa kanya.

Dalawang linggo ang matuling nagdaan. Nagawa niyang kalimutan ang kabanatang iyon ng buhay niya. Trabaho ang kanyang pinagtutuunan ng pansin. Tulad ng ipinangako sa sarili, hindi siya magmamadali na magkaroon ng lovelife muli. Hihintayin niya ang pagdating ni Boyfriend #5 at #6. Hahayaan niyang kapalaran ang magpakilala sa kanya sa dalawang iyon.

Sadyang mapaglaro ang tadhana. Kung kailan ka naghahanap ay hindi ka makatagpo. Kung kailan ka naman hindi naghihintay ay saka may dumarating. Nakilala niya si Raffy. Hindi sinasadyang nagkabungguan sila sa isang mall. Natapon ang dala niyang pizza at tinulungan siya nito. Ibinili pa siya nito ng bago. Hindi naman siya nagpakasuplada at pinaunlakan niya ang pag-anyaya ng bintana. Sa isang dinner date nauwi ang tagpong iyon.

May kaliitan si Raffy. Kaunti lang ang taas sa kanya nito. Pero kung face value naman ang pag-uusapan ay wala kang masasabi. Pinaghalong Aga Muhlach at Gabby Concepcion sa kabataan ng mga ito ang  hitsura ni Raffy. Kaya sino ba namang babae ang tatanggi na makipag-deyt dito. Ika nga nila, dimple pa lang ay ulam na. Pang-seventh boyfriend material.

Page 17: Ikapitong bf

Tatlong araw lang ay sinagot na niya ang binata. Nagkaroon na naman siya ng lovelife. Ikalima na si Raffy. Isa na lang at magsisimula na siyang muli sa pagma-manipulate ng kanyang buhay pag-ibig niya upang mapili ang mapapangasawa. Deactivation of the Fast Forward Plan at pagsisimula naman ng Choosing the Soulmate Plan.

Pero sa tuwing magkasama sila ni Raffy ay nakakalimutan niya ang tungkol sa hula at ang mga planong pagmamanipula sa buhay-pag-ibig niya.  Pakiramdam niya’y nasa ikapitong bf na siya. Enjoy kasama si Raffy. No dull moments. May sense of humor. Hindi nawawalan ng kuwento at joke na imposibleng hindi ka matawa. Hindi rin nakakairita kahit may kadaldalan. Nagiging listener na lang tuloy siya madalas pero nag-eenjoy siya. Kaya naman nawiwili rin siya ng husto sa bawat pagkikita nila.

At tulad din ni Melvin, ni isang beses ay hindi siya nito inayang makipagtalik sa kanya. Very gentleman din ito kaya naman nahulog din ang loob niya dito. Muli na naman niyang nakalimutan si Geoff.

Ngunit isang araw, habang namamasyal sila sa isang mall ay nagkita sila ni Elma. Lumapit ito sa kanilang dalawa. Halata sa mukha nito ang pagkabigla sa nakita.

“Raffy?”, bungad nito.“Elma, kilala mo siya?”, tanong ni Cindy sa kanya.

Mabigat na tingin ang tanging tugon sa kanya ng kaibigang iniwasan niya noon at mahibit isang dalawang buwang hindi nakita. Muli itong bumaling kay Raffy. Nagtataka si Cindy sa ikinikilos ni Elma. Bakit kilala niya si Raffy? Bakit tila galit ito sa kanya? Dahil ba iniwasan niya ito noon at sumama na rin ang loob nito?

Isang sampal ang natanggap ng binatang walang-imik mula kay Elma. Ikinabigla iyon ni Cindy.

“Elma, bakit?!”, tanong nito na napahawak sa braso ng binata.“Ganyan ka na ba kadesperado na makilala ang soulmate mo?”, galit na tanong ni Elma sa kanya.

Hindi siya nakaimik. Napakunot-noo siya. Patuloy na naguguluhan. Nakadama rin ng pagkainis sa sinabing iyon ng kaibigan.

“Boyfriend ko siya, Cindy.”,dugtong nito sabay lakad palayo. Sinundan siya ni Raffy.“Baby, wait! Magpapaliwanag ako.”

Tulalang naiwan doon si Cindy. Ni hindi na niya nakuhang sundan ang binata kahit ng kanyang paningin. Wala na siyang karapatang habulin ito. Napagtanto niyang hindi  iyon kanya.

Muli na naman siyang pinaglaruan ng kapalaran. Pero malaking tanong kung bakit sa dinami-rami ng lalaki ay ang nobyo pa ng kaibigan ang makikilala. Nagkataon nga ba o sadyang itinadhana. Muli ay naranasan niya ang karma sa kasalanang ginawa niya noon sa lalaking labis niyang minahal. Napaluha na lamang siyang naglakad palayo sa lugar na iyon.Wala sa sarili si Cindy habang nakasakay sa taxi pauwi. Tulala siyang iniisip ang mga nangyari. Naisip niyang sadyang napakaliit ng mundo. Sino ba naman ang mag-aakalang nobyo ng kaibigan niyang si Elma ang isa sa magiging nobyo niya? Kasalanan ba niya o kasalanan ni Elma? Hindi nito ipinakilala noon si Raffy sa kanya. Kahit larawan man lang nito ay hindi naipakita. Ngunit maaari ring naging sila ng binata noong mga panahong wala silang komunikasyon ng kaibigan.

Masakit ang mga salitang binitiwan kanina ni Elma sa kanya. Mga salitang hanggang ngayon ay tila naririnig pa rin niya sa kanyang isipan, paulit-ulit. Desperada nga ba siyang matupad ang nais niya? Ang kaibigang dating nagtutulak sa kanya upang madaliin ang lahat, ngayon ay naging biktima rin ng kanilang sinimulan. Sadyang mapaglaro ang kapalaran. Naisip rin niya, kung hindi sila nagkalayo at patuloy sa komunikasyon ay hindi hahantong sa ganito. Makikilala niya sana si Raffy noon pa bilang kasintahan ng kaibigan.

Ano pa man ang mga nangyari, isang konklusyon lang ang naiisip niya. Ang lahat ng ito’y bahagi pa rin ng karma dahil sa mga ginawa niya noon. Kay boyfriend #1 – ang mukhang bouncer, kay boyfriend #2 – ang pipi  at kay boyfriend #3 – si Geoff na tunay na nagpatibok ng puso niya. Ito pa rin ang balik ng kasalanang kanyang nagawa. Napagsisihan na niya iyon noon pa ngunit patuloy pa rin siyang kinakarma. Natatakot na tuloy siyang harapin ngayon ang pagdating ni boyfriend #6, at lalo na sa binabalak na pagmamanipulang muli upang mapili ang ikapitong bf.

Dumaan muna siya sa isang simbahan. Naluluhang nagdasal. Humingi ng tawad sa diyos sa mga nagawang kasalanan at nanghingi ng patnubay at liwanag sa suliraning kinakaharap ngayon.

“Ganito yata talaga pag nagmahal ka, Lord.  Masasaktan ka ng labis. Mabuti pa siguro’y isara ko muna ang puso ko.”, sambit niya sa isip.

Kasunod ay nakaisip siya ng isang plano.  Nais na niyang tapusin ang lahat. At upang makarating na sa ikapito at malagay na sa tahimik, Fast Forward Plan ang tanging paraan. Ngunit sa pagkakataong ito’y hindi niya mamahalin. Tulad ng una niyang ginawa. Kay boyfriend #1 at #2. Alam niyang kakarmahin siya sa gagawin katulad ng mga nagyari na pero ito lang ang naisip niyang paraan upang matapos na ang paghihirap. Baligtad na. Mamanipulahin ang ika-anim at hahayaan ang kapalaran na ibigay sa kanya ang ikapito.

“Lord, last na ‘to, promise. Sana huwag mo na akong parusahan. After nito, kayo na bahala.”

Pagkauwi sa bahay ay parang walang nangyaring hindi maganda. Nagbihis at humarap sa kanyang laptop. Nakipag-chat. Ito ang paraan niya upang makahanap ng magiging boyfriend #6.

Sa kalagitnaan ng pakikipag-chat ay nag-ring ang kanyang celphone. Si raffy iyon. Ngunit hindi niya sinagot. Pinatay niya ang celphone. Alam niyang magpapaliwanag ito ngunit hindi na niya kailangan. Para sa kanya’y tapos na ang lahat. Hindi na dapat palalain pa. Ang muling pakikipag-usap kay Raffy ay isang patuloy na pagtraydor sa kanyang kaibigan. Ayaw niyang lumala pa ang samaan ng loob nila ni Elma.

Page 18: Ikapitong bf

Nagpatuloy siya sa ginagawa. Marami siyang nakausap. Mga estudyante pa, mga matatanda, mga may-asawa, may trabaho’t wala, mga pinoy na wala sa bansa, mga foreigner na nasa pinas, mga nerd, maangas at maging mga sex maniac na nagpapakita pa sa kanya ng maselang parte ng katawan. Lahat na yata ng iba’t-ibang klase ng lalaki ay nakachat niya. May mga tomboy din. Inabot siya ng alas dos ng madaling araw sa ginagawa. Wala kasi siyang pasok sa trabaho kinabukasan dahil linggo. At sa lahat ng naka-chat niya, isang lalaki ang kanyang napili. Alam niyang hindi dapat upang hindi siya mahulog pero naisip niyang matinong tao ang kailangan niyang makaharap upang hindi mapahamak. Kaya kahit papaano ay nagkaroon siya ng qualification para sa ikaanim na bf. Siya si Nick, isang pre-school teacher. Napag-usapan na rin nilang magkita bukas ng gabi.

Sumaglit sa banyo si Cindy na tapos nang makipag-chat kay Nick. Palihim na pumasok ang ina na lingid sa kanya’y kanina pa pasilip-silip sa kanyang kuarto. Nakalimutang i-close ng dalaga ang chat window ng conversation nila ni Nick.  Binasa nito ang ilan sa pinag-usapan ng anak at ni Nick sa chat. Matapos ay nagmamadaling lumabas upang hindi mahuli ng dalaga. Pagkalabas ng kuarto ay may tinawagan siya sa landline.

Magtatanghali na nagising si Cindy dahil sa pagpupuyat kagabi. Dinalhan siya ng ina ng pagkain sa kanyang kuarto.

“Good morning, anak. Magandang tanghali na rin dahil mag-aalas-dose na. Heto dinalhan kita ng brunch. At huwag mo kong sasabihan na diet ka, dadagukan kita.”

Ngiti ang tungon ng anak.

Inilapag na ng ina ang tray ng pagkain sa ibabaw ng side table na katabi ng kama ng dalaga.

“Napuyat ka yata kagabi.”“Medyo po.”, sabay higop sa mainit na kape.“Kamusta ka na, anak? Musta ang trabaho?”“Okey naman po, ‘Ma. Medyo pressured lang ngayon kasi naka-leave ‘yung branch manager namin. Ako lahat gumagawa. Pero yakang-yaka po.”, nakangiti nitong tugon.“Mabuti naman. Eh, ang lovelife mo, kamusta?”“May mga ganung tanong, ‘Ma?” tanong nito na nakataas ang isang kilay at ngiting pangiwi na nais matawa.“Wala lang. Curious lang ang nanay mo. Gusto ko na kasing magka-apo.”

Natawa si Cindy sa sinabi ng ina.

“Bente sais ka na. Mag-asawa ka na. Mahihirapan kang magkaanak pagtuntong mo ng trenta.” Teka, sino na ba ngayon?”“Wala po, ‘Ma. Single ang anak mo ngayon.”, natatawang tugon ng dalaga.“Ay bakit? Kamusta si Geoff?”

Natigilan si Cindy. Hindi agad nakasagot. Nabura ang ngiti sa mukha niya. Nagpatuloy lang sa pagkain.

“Wala na ba kayo, ‘nak?”“Matagal na po kaming wala, ‘Ma. Mga tatlong buwan na po.”

Napabuntung-hininga ang ina.

“Matagal na rin tayong hindi nakakapag-usap ng ganito. Busy ka na kasi sa trabaho, eh. Hindi tulad noong teller ka pa lang. Siyangapala, may lakad ka ba mamaya?”, tanong ng ina kahit alam niyang may lakad ito.“Magsisimba kasi ako, alam mo na, linggo.”“May lakad ako ‘Ma, eh.”“Ah, ganun ba? ano’ng oras?”“Mamaya pa mga alas-singko.”“Sige, ingat anak ha. I hope lalaki ‘yan para makapag-asawa ka na.”“Si Mama, parang ano…”, nakangusong sambit ni Cindy.“Parang ano? Tumatanda ka na, mag-asawa ka na.”, natatawang pang-aasar nito habang naglalakad palabas ng kuarto ng anak.“Opo. Next week, ikakasal na ako.”, sigaw ni Cindy na pabirong sagot sa ina.“Siya nawa.”, tugon ng ina na nasa labas na ng kuarto.

Napangiti na lang si Cindy at napapailing na nagpatuloy sa pagkain. Natatawa sa ina dahil pinagmamadali na siya nitong mag-asawa. Kung siya ang tatanungin ay gusto niya na rin.

Sa Quezon City Circle nagtungo si Cindy. Doon niya imi-meet si Nick. Naupo sa isang bench doon malapit sa lagoon. Kinuha ang face powder na may salamin mula sa bag at nag-retouch ng kaunti habang iniisip kung ano ang hitsura at ugali ng makakaharap. Wala kasi itong web cam nang sila ay mag-chat kagabi. Katulad ba ito ni boyfriend #1 at #2 na masasabing hindi perpekto? Katulad din ba ito ni boyfriend #4 at #5 na pasado na pero may kulang kaya’t hindi niya ganun minahal? O katulad ni boyfriend #3 na si Geoff na talagang pinatibok ang puso niya? Anu’t ano paman ay natatakot siya. Natatakot na baka mahulog  ang damdamin niya dito. Natatakot rin na baka malayo ito sa hitsurang kanyang inaasahan.

Hindi naman siya pinaghintay nito ng matagal at ilang saglit pa’y dumating na. Isang lalaki ang lumapit. Naka-black fitting shirt ito, semi-fitting na jeans at naka-brush up ang buhok. Katulad ng deskripsyong ibinigay nito kagabi sa kanya sa chat. Mala-Robin Padilla ang dating pero hindi naman mukhang sanggano.

“Cindy?”, bungad na tanong nito sa kanya.“Nick?”, sabay tayo ng dalaga.“Kanina ka pa ba?”, tanong ng binata.“Hindi naman. Halos kararating ko lang din.”

Nagkamayan ang dalawa at nagngitian. Matapos ay sabay na naglakad paalis.

Ilang saglit lang ay may dumating na lalaki sa lugar na iyon. Parehong-pareho ng suot ni Nick. Naka-black fitting shirt, semi fitting

Page 19: Ikapitong bf

jeans at brush up na buhok. Hindi nga lang ganun ka-guwapo di tulad ng nauna.

Luminga-linga ito na tila may hinahanap. Naupo siya sa bench na iyon at patuloy sa pag-iikot ng paningin sa paligid. Tila mag hinihintay na darating.Sa isang seafood restaurant along Philcoa sila nagdinner. Getting to know each other while eating.  Naging komportable naman agad si Cindy kay Nick dahil masarap itong kausap. Hindi mayabang, hindi boring, hindi rin naman OA. May kadaldalan pero tama lang. At higit sa lahat, may hitsura.  Naisip ni Cindy na hindi ito ang qualification na hinahanap niya. Iba rin ito sa deskripsiyon ng binata sa kanilang pagcha-chat kagabi. Hangga’t maaari ay iiwasan niya ang may hitsura lalo na ang guwapo dahil baka mahulog siya dito. Pero naisip niya ring magpatuloy na lang. Ayaw na rin niyang maghanap pa. At sa oras na tuluyan siyang ligawan ng binata ay sasagutin na rin niya agad ito. Iiwasan na nga lang niyang mapamahal.

“Bakit nga pala nagpalit ka ng number?”, usisa ni Cindy habang kumakain.“Naholdap ako kaninang umaga, eh. Nakuha ‘yung celphone ko.”“Ay talaga?! Naku, sorry. Mabuti at ‘di ka napahamak.”“Binigay ko na lang ‘yung kailangan nila. Mas mahalaga ang buhay ko.”“Tama ka diyan.”, pag-sang-ayon ng dalaga.“Pero nakakatakot naman.”, sabay inom ng fruitshake.“Alam mo ba’ng nag-alangan pa ako kanina sa’yo? Kasi nga iba ang numero. Baka kriminal or something. Pero alam mo naman ang mga napag-usapan natin kagabi eh, kaya ‘nawala na rin ang alinlangan ko.”, pagpapatuloy ng dalaga.

Napangiti naman ang binata.

“Mabuti na lang at hindi ako mukhang sanggano kundi’y ‘di ka nagpakita sa akin.”

Isang text message naman ang natanggap ng dalaga. Galing iyon sa numerong unang ginamit ni Nick.

“Nasa’n ka na? Nandito na ako. Pasensya na, late ako. Umuwi ka na ba?”

Nagtaka si Cindy. Ipinakita niya iyon kay Nick.

“Naku, nagtext ‘yung holdaper. Mukhang pati ikaw ay balak biktimahin. Nabasa niya siguro ang mga text messages natin.”

“Grabe… buti na lang pala dumating ka kaagad.”“Mabuti pa’y magpalit ka na ng numero. Delikado. Baka ‘di ka nila tigilan.”“Mabuti pa nga siguro.”

Araw-araw ay hatid sundo siya ni Nick gamit ang metalic blue RAV4 nito. Negosyante si Nick. May isang internet cafe sa Sampaloc at isang Laundry Shop sa University Belt. Malaki ang kita lalo pag hindi bakasyon dahil sa dami ng estudyante. Hawak din niya ang oras kaya malaya siyang punta-puntahan ang dalaga sa bangkong pinagtatrabahuhan sa Makati. Sa katunayan ay sabay sila laging nagla-lunch.

After one week ay sinagot na ni Cindy ang binata. Naging maayos ang kanilang relasyon. Damang-dama niya ang pagmamahal ni Nick sa kanya. Dahilan kaya’t parang naiinlove na rin siya sa binata. Heto na naman siya at nagiging marupok. Sobrang bait kasi ni Nick kaya’t hindi niya mapigilan ang sarili na mahalin ito. Kaya naman nagdesisyon na siya. Nakahiga siya ng mga oras na iyon at nanghuhuli ng antok. Bukas ay binabalak na niyang makipag-break sa binata bago pa niya ito tuluyang ibigin ng buong-buo.

Pabagsak na ang mata niya nang bigla siyang makatanggap ng text message. Galing iyun kay Nick.

“I realized something. Hindi yata ikaw ang babaeng para sa akin. It’s better to end this elationship. I’m really sorry.”

Nawala ang antok ng dalaga. Nagtatakang bumangon at naupo sa may gilid ng kanyang higaan. Napakamot bahagya ng ulo. Tanong na naman sa isip niya ang dahilan ng pakikipagkalas ni Nick sa kanya. Parang kay Melvin na walang ibinigay na malinaw na dahila. Isa pa ay naunahan siya nito na makipag-break. Sabagay ay sanay na siya na lalaki ang nang-iiwan. Simula kay Melvin at kay Raffy. Ngayon ay si Nick naman. Heto at single na naman siyang muli. May kaunting saya siyang naramdaman dahil nalagpasan na niya sa wakas ang anim na kasintahan. Magsisimula na siyang maghintay sa pagdating ng Ikapito niyang BF, ang kanyang soulmate. Ang lalaking makakasama niya habambuhay. Pero may kaunti rin siyang lungkot na nadama. Dahil sa dalawang linggong pagiging sila, kahit paano ay minahal na rin niya si Nick.

Kinabukasan, parang wlang nangyaring hindi magada. Masaya siyang bumangon, naligo at bumaba upang mag-almusal. Siguro nga’y sanay na siya.

Napansin ng ina na tila maganda ang gising ng anak.

“Masarap po kasi ang tulog ko, kagabi.”“Kamusta naman ang trabaho,’nak?”“Mabuti naman po. Siyangapala, Ma. Sa Boracay ang company outing namin next week.”“Aba. Sarap naman.”“Isasama ko kayo siyempre.”“Naku ansaya-saya naman. Sige sige, anak. Exciting ‘yan.”, nakangiting sambit ng ina.“Eh, ang lovelife, kamusta?”, dugtong na tanong nito sa anak.“Heto na naman si Mama. Nangungulit na naman ng manugang.”“Apo ang hangad ko. Hindi manugang. Pero alam mo,’nak. Nararamdaman ko na.”“Nararamdaman ang ano?”“Malapit ka na ikasal.”

Natawa naman si Cindy sa sinabi ng ina. Halos mabulunan ito sa kinakaing pandesal.

Pangiti-ngiti naman ang ina na parang may itinatago.

Page 20: Ikapitong bf

Tulad ng datiu, nag-taxi na lamang si Cindy papunta sa trabaho. Wala nang Nick na maghahatid-sundo sa kanya ngayon. Iniisip na rin niyang kumuha ng Car Loan upang makabili na ng sariling sasakyan.

Habang nasa biyahe, isang tawag ang kanyang natanggap. Isang hindi niya kilalang numero dahil bago lang ang simcard niya.

“Hello?”“Hello, Cindy? Si Elma ito. Kailangan nating magkita. Mayroon kang dapat malaman.”

Ikinabigla at ikinataka iyo ni Cindy. Paanong nalaman ni Elma ang bago niyang numero? Si Nick pa lamang at ang kanyang ina ang nakakaalam nito. Nagtaka rin siya sa pagtawag ng kaibigan. Ano ang dahilan at tumawag si Elma sa kanya. At bakit sa isang ospital siya pinapapunta ng kaibigan. Nakadama tuloy siya ng kaunting takot at pangamba.

Tinext na rin niya ang kanyang boss na magha-halfay siya ngayon dahil may emergency.

Sa Makati Med tumuloy si Cindy. Sa frontdesk pa lang ay sinalubong na siya ng kaibigan.

“Elma…”, bahagyang nahihiyang bungad ni Cindy sa kaibigan na naglalakad na palapit sa kanya.

Niyakap siya ng kaibigan. Nabigla siya sa ginawa nito. Ang alam niya kasi ay galit ito sa kanya. Pero unti-unti, ang pagtataka at pagkahiya ay napalitan ng tuwa. Bumakas sa mukha niya ang ngiti. Ang kaninang mga kamay na hindi nakagalaw upang gumanti ng yakap sa kaibigan ay yumakap na rin.

“Sorry, sis. Sorry talaga.”, bulong ni Elma sa kanya.“Ako ang dapat mag-sorry, sis.”, tugon niya.“No, sis. Ako ang dapat mag-sorry. Dahil alam ko na ang lahat.”, ani Elma.“Lahat?”, nagtatakang tanong ni Cindy.

Kapwa sila bumitaw sa pagkakayakap sa isa’t-isa.

“Ano’ng ibig mong sabihin?”, dugtong na tanong ni Cindy sa kaibigan.“Wala kang kasalanan, sis. At patawarin mo ako sa nasabi ko sa’yo. Nabigla lang talaga ako. Ngayon ay nauunawaan ko na ang lahat.”, ani Elma.“Sis, naloloka na ‘ko. Huwag mo na akong bitinin. Ano ba’ng sinasabi mo?”, nanlalaki ang matang sambit ni Cindy.“Hindi seryoso si Raffy sa pakikipag-relasyon sa’yo, sis.”“Hindi seryoso? You mean, pinagtripan niya lang ako?”“Something like that. Pero pinagawa lang sa kanya.”“Pinagawa? Nino? Mo?”“No, not me. Ano beh? Pagti-tripan ba naman kita.”“Sino nga, sis?”, pagpipilit ni Cindy.

Hindi agad nakapagsalita si Elma. Nakatingin lang siya sa kaibigan.

“Hello? Natulala ka na diyan.”“Hindi ko kasi alam kung dapat kong sabihin sa’yo to ‘eh. Pero kaibigan kita at concern ako sa’yo.”

Tumalikod si Elma at marahang naglakad palayo. Sumunod si Cindy na patuloy na nagtataka.

“Mabuti pa siguro ay huwag na. Ang mahalaga ay alam ko na na wala kang kasalanan. Wala ka talaga naman kasing alam, eh. Hindi ko rin nasabi sa’yo na break na kami ni Sid, remember? ‘yung ipinakita ko sa’yo sa picture. At si Raffy na ang boyfriend ko ngayon. Kung alam mo lang siguro, alam kong ‘di mo siya ibibilang as BF sa Fast Forward Plan mo.”

Tumigil si Elma sa paglalakad. Huminto na rin si Cindy sa pagsunod. Tiningnan muli ni Elma ang kaibigan.

“Alam mo, sis. Malapit na kitang sabunutan. Kanina mo pa ako binibitin, eh.”“Hindi ko kasi alam kung ako dapat ang magtapat sa’yo o ang mismong taong may gawa nito.”

Tahimik na naghihintay si Cindy ng mga susunod pang sasabihin ng kaibigan.

“Mabuti pa siguro kung sa kanya mo na lang malaman.”, ani Elma.

Hinila ni Cindy ang mahabang patilya ng kaibigan.

“Aray! Masakit ‘yun ha!”, ani Elma na napahawak sa anit.“Kanina ka pa, eh. Andami mong sinasabi. Hindi mo pa ‘ko diretsahin. Isa pang monolog mo, gegerahin na talaga kita ng bonggang-bongga.”

Bahagyang napangiti si Elma.

“Hindi ka parin nagbabago, sis.”“Ano na nga? At sino?”, muling tanong ni Cindy.

Tumalikod si Elma.

“Magmomonolog na naman siya. Sige, subukan mo.“Oo na. Aamin na.”, nakangiti na bahagyang nakangiwing muling humarap si Elma. “Planado ang lahat, sis.”, dugtong nito.“Planado? Sinon’ng nagplano? Paanong plano?”, natatakang tanong ni Cindy. Ang nakangiting mukha ay naging seryosong muli.“Halika, sis.”, sambit ni Elma sabay hila sa kaibigan. Sumakay sila sa elevator ng ospital na iyon at nagtungo sa ikapitong palapag.

Page 21: Ikapitong bf

“Saan mo ba talaga ako dadalhin? Tsaka bakit ba tayo nandito sa ospital?”“Basta. May ipapakita ako sa’yo.”

Sa Room 411 sila nagtungo. Si Elma ang unang pumasok. Wala namang nagawa si Cindy kundi’y sumunod. Curious din kasi siya kung ano ang ipapakita ng kaibigan sa kanya na may kinalaman sa gusto niyang ipagtapat. Naging curious din siya sa kung sino ang nasa loob ng kuartong iyon.

Isang lalaki ang nadatnan nila roon na nakahiga sa may kama. Nakasemento ang kanan nitong paa, may benda sa ulo at himbing sa pagtulog. Bahagya pa siyang lumapit dahil namumukhaan niya ang taong iyon. Hanggang sa mapagtanto niyang tama ang kanyang hinala.

“Nick?”, bigla niyang sambit. “Ano’ng nangyari sa kanya, sis?”, dugtong niya sabay upo sa silyang malapit sa kamang kinahihigaan ng walang malay na binata. Nag-aalalang nakatingin dito.“Hindi siya si Nick, sis.”, ani Elma.“Hindi, sis. Siya si Nick. Siya si boyfriend #6.”“Hindi Nick ang tunay niyang pangalan.”, rebelasyon ni Elma.

Napatingin naman sa kanya si Cindy na nabigla sa narinig.

“Ano?”“Siya si Renz. Kaibigan ko siya. Kaibigan namin ni Raffy. College friend namin ni Geoff.”

Nakakunot-noo si Cindy habang nakatingin sa kaibigan. Napatayo siya nang marinig ang pagbanggit ni Elma sa pangalan ni Geoff.

“Planado ang lahat, sis. Planado lahat ni Geoff.”,pag-amin ni Elma na ikinabigla niya.“Anong ibig mong sabihing planado ‘tong lahat ni Geoff?”, naguguluhang tanong ni Cindy sa kaibigan.“Si Melvin, sis. Natatandaan mo pa ba?”“Melvin Gatchalian? Siya si boyfriend #4, sis.”“Pinsan ni Gordon si Melvin.”“Si Gordon? ‘Yung driver nila Geoff?”“Oo. At binayaran lamang siya ni Geoff para ligawan ka. Same with Raffy. Pinakiusapan niya si Raffy, lingid sa kaalaman ko, na ligawan ka at hayaang maging kasintahan mo nang ilang linggo. Ang kapalit, ang hinihiram niyang malaking kapital para maisalba ang restaurant ng kanilang pamilya. Ganundin kay Renz. Matagal na niyang pangarap na magkaroon ng sariling internet cafe. Ibinigay ni Geoff ang isang branch ng internet cafe na pag-aari niya kapalit ang ligawan ka’t maging nobyo mo kahit saglit lang. Ipinahiram pa niya kay Renz ang isa sa luma niyang kotse upang maging epektibo ang kanyang plano.”, mahabang pagsalaysay ni Elma ng nalalaman.

Napahawak sa ulo si Cindy. Hindi makapaniwala sa mga naririnig. Napatingin si Elma kay Renz at nagpatuloy sa pagkukuwento.

“Pero nitong huli, ibinabalik na ni Renz ang cafe kay Geoff. At ang dahilan? Mahal ka na niya. Mahal ka na ni Renz at nais niyang ituloy sa kasalan ang relasyon sa iyo.”

Napatingin na rin si Cindy sa nahihimbing na binata.

“Hindi pumayag si Geoff. Nauwi iyon sa kanilang pag-aaway sa isang restaurant. Aksidenteng naitulak siya ni Geoff sa hagdanan kaya ganyan ang sinapit niya.”, dugtong ni Elma.

Muli itong bumaling sa kaibigan.

“He manipulate your lovelife, Sis. Siya ang lumikha kay boyfriend #4, #5 at #6.”“Pero bakit? Bakit niya ginawa iyon?”

Hindi nakaimik si Elma. Hindi niya rin alam ang kasagutan. Hindi nasabi ni Geoff ang totoo nitong dahilan sa mga ginawa nito kay Cindy.

Naupong muli si Cindy sa silyang iyon na katabi ng kamang kinahihigaan ni Renz. Nanlulumo itong muling nagsalita.

“Kaya pala bigla na lang akong tinaguan ni Melvin noon, dahil tapos na ang papel niya. Kaya pala niligawan ako ng nobyo mo kahit alam niyang magkaibigan tayo. Kaya pala biglang nakipagbreak kagabi itong si Nick… I mean Renz. Karma ang lahat ng ito, Sis. Ginagantihan ako ni Geoff.”“Hindi ako ang nakipag-break sa’yo, Cindy.”, sambit ni Renz na gising na pala at narinig ang ilang bahagi ng kanilang pag-uusap.

Napatayo si Cindy, nilapitan ang binata at hinaplos ito sa may ulo.

“Nick… Renz pala…”“Sorry, ha. Nagsinungaling ako sa’yo. Hindi talaga ako si Nick na ka-meet mo nang araw na iyon. Sumalisi lang ako, Cindy. ”“What do you mean?”“Alam ni Geoff ang ilan sa mga napag-usapan n’yo ng totoong Nick. Gumawa kami ng paraan para maunahan siyang i-meet ka. Hindi rin totoong naholdap ako.”“Pero paano n’yo nalaman ang tungkol kay Nick.”“Ang Mama mo. Kakutsaba siya ni Geoff. Nabasa niya ang pag-uusap n’yo ng totoong Nick kaya nalaman ni Geoff ang ilang mga detalye pati na ang tungkol sa pagtatagpo n’yo.”

Natigilan si Cindy sa nalaman. Hindi niya akalaing pati ang ina ay may kinalaman sa mga nangyayari.

“Sorry talaga, Cindy.”“No, don’t worry. Wala kang kasalanan, Renz.”“At isa pa, hindi ako ang nakipag-break sa’yo. Kinuha ni Geoff ang cel ko. Siya ang nagtext sa’yp kagabi. Hindi ko magagawa ‘yon.

Page 22: Ikapitong bf

Hindi ko kayang iwanan ka dahil mahal na mahal na kita. Dahil kahit utos lang ang lahat, hindi ka mahirap mahalin, Cindy.”

Ngiti lang ang tugon ng dalaga. Hindi niya masagot ang sinabing iyon ni Renz dahil hindi niya alam kung mahal pa rin niya ito. Naguguluhan pa rin siya sa ngayon, lalo sa mga nalaman, at sa pagkaka-involve ni Geoff sa lahat ng iyon. Niyakap na lamang niya ang binata.

Inaya siya ni Elma na lumabas upang bilhan ng pagkain si Renz. Naglalakad siyang wala sa sarili. Iniisip ang lahat ng mga nangyari. Muling bumalik sa kanya ang lahat. Ngayon ay napagtagni-tagni na niya ang mga sagot sa marami niyang tanong noon. Halos hindi na niya naririnig ang mga sinasabi ng kaibigan na patuloy sa pagdaldal mula sa paglabas nila sa kuarto ni Renz hanggang sa pagsakay sa elevator. Napansin naman iyon ni Elma.

“Ay, ‘di pala nakikinig ang kausap ko.”“Pasensya na, Sis. Medyo na-shock lang talaga ako. ‘Di ko akalaing si Geoff ang nasa likod ng lahat ng ito. Pinaglaruan niya ang lovelife ko, katulad ng panloloko ko sa kanya noon. Hindi ko siya masisisi pero… masakit.”

Pagbukas ng elevator ay bumungad sa kanila ang lalaking pinag-uusapan. Si Geoff. Paakyat sana ito upang dalawin ang nakabugbugang kaibigang si Renz. Para na rin humingi ng kapatawaran.

“Cindy?”, bungad na sambit ng binata sa kanya.

Lumakad bahagya palabas ng elevator ang magkaibigan. Matagal na nagtitigan sina Geoff at Cindy. Nag-excuse muna si Elma upang bigyan ng espasyo ang dalawa at makapag-usap.

Nang mga oras na iyon ay magkahalong emosyon ang nadarama ni Cindy. Ang alab ng pagmamahal para sa binata. Ang pangungulila niya dito at pagnanais na hagkan at yakapin ito ngayon. Pero tinatalo ng galit na nadarama niya dahil sa ginawa nitong pag-manipulate sa buhay-pag-ibig niya.

Sinampal niya ng malakas ang binata. Matapos ay lumakad na siya paalis. Ngunit sinundan siya ni Geoff.

“Sandali, Hon.”, sabay hawak nito sa braso ng dalaga.“Huwag mo ‘kong tawaging Hon!”, pagpiglas ni Cindy.“Hayaan mo muna akong makapagpaliwanag.”“Para ano pa? Nagawa mo na ang gusto mo. Nakaganti ka na sa panloloko ko sa’yo noon. Masaya ka na ba?”“Ginawa ko ‘yon dahil mahal kita.”“Mahal?! Naririnig mo ba ‘yang sinasabi mo? Kung mahal mo ‘ko hindi mo ko sasaktan ng ganito.”“Kaya mo ba nagawa sa akin ‘yun noon dahil hindi mo ‘ko mahal? Dahil sinaktan mo rin ako.”

Hindi nakasagot si Cindy.

“Ginawa ko ‘to dahil gusto ko, ako ang maging IKAPITONG BOYFRIEND mo. Para ako ang maging soulmate mo.”

Nabigla siya lalo sa sinabing iyon ng binata. Lalong hindi siya nakapagsalita.

Hindi alam ni Cindy kung matutuwa siya sa sinabing iyon ni Geoff. Sa katunayan ay iyon din ang nais niya, ang maging ikapitong bf niya ang binata, dahil ito ang gusto niyang makasama habambuhay. Iba pa rin ang nadarama niyang pagmamahal para dito kumpara kina Melvin, Raffy at Renz. Pero sa mga sandaling iyon ay may galit siyang nadarama para sa binata. Galit sa paglalaro nito sa puso niya. Galit na tumatalo sa pagmamahal niya kay Geoff sa mga sandaling iyon.

Hindi niya nakuhang tumugon sa mga salitang sinambit ni Geoff. Tinalikuran niya ang binata at tumakbo palayo. Sumunod ito sa kanya.  Malungkot namang sinundan ni Elma ng tingin ang dalawa. Nalulungkot ito para kina Cindy at Geoff na pareho niyang kaibigan.

Dali-daling sumakay ng taxi si Cindy. Pangalawang beses na ito na pagtakas niya sa binata. Pagtakas habang lumuluha. Pagtakas sa masakit na kaganapan. Kung noong una ay kasalanan niya, ngayon naman ay kasalanan ng binata.

Nang mabigo si Geoff na mahabol si Cindy na agad nakasakay sa isang taxi, dali-dali siyang sumakay sa nakaparada niyang kotse doon at sinundan ito.

Umiiyak si Cindy na nakaupo sa loob ng taxi na iyon. Hindi niya rin sinasagot na pagtawag ni Geoff sa kanya sa celphone.

Magkahalong galit, kalungkutan at pagsisisi ang kasalukuyan niyang nadarama. Nauunawaan niya rin kasi ang binata sa nagawa nito. Kaya naman kahit papaano ay nagsisisi siya sa desisyong kanyang pinili. Kung gugustuhin niya ay puwedeng-puwede niyang patawarin ang binata sa kasalanan nito at tanggaping muli ang pagmamahal nito ng buong-buo. Bagay na hindi niya nagawa. Nangibabaw ang galit sa kanyang puso. Dahil hindi lang isa kundi’y tatlong beses niyang pinaglaruan ang puso ng dalaga.

Hindi rin siya kumbinsido sa sinabi nito kanina na pagnanais nito na maging ikapitong bf niya. Dahil sa pagkakaalam niya, hindi nito gawain ang makipagbalikan. Pakiramdam niya’y bahagi ito ng paghihiganti ng binata sa kanya. Bahagi ng paglalaro sa puso niya. Kaya hindi niya nagawang paniwalaan ito kanina.

Napayakap siya sa ina na sinalubong siya sa kanyang pag-uwi. Walang salita ang lumabas sa bibig ng ina. Nauunawaan niya ang anak sa dinaranas nito. Dahil alam niya rin ang lahat ng mga nangyayari. Mahigpit na yakap ng pagdamay at pagmamahal ng ina ang naging tugon niya sa pagdurusang kasalukuyang nadarama ng anak.

Lingid sa dalaga ay sinundan pa rin siya ni Geoff. Ngunit ipinarada lamang ng binata ang kotse di kalayuan sa bahay nila Cindy. Hindi rin ito lumabas ng sasakyan. Mula roon ay tinanaw lamang niya ang dalaga. Malungkot ang mga mukha nitong pinapanood ang yakapan ng mag-ina.

Ipinagtimpla niya ito ng tsaa. Nasa sala na silang pareho. Tigil na sa pagluha ang anak. Pero namumugto ang mga mata nito na tila

Page 23: Ikapitong bf

magpapatuloy sa pagluha anumang oras. Malalim ang iniisip.

“Inom ka muna.”

Kinuha ang tasa ng tsaa na inabot ng ina at dahan-dahang humigop.

“Patawarin mo ako,’nak. Naging bahagi ako ng pagdurusa mo ngayon.”

Napatingin lamang sa kanya ang dalaga.

“Pero ako na ang nagsasabi sa’yo. Seryoso si Geoff sa kanyang ginagawa. Hindi siya naghihiganti sa’yo. Totoong nais niyang maging ikapitong bf mo. Alam niyang patuloy kang maniniwala sa hulang iyon sa buhay-pag-ibig mo. Lumangoy lamang siya sa alon, anak. Upang makuha ka niyang muli.”, pag-amin ng ina habang hinahaplos nito ang balikat ng dalaga.

Nagsimulang muli ang pagluha ni Cindy.

“Mali ang nararamdaman mo ngayon,‘nak. Una, hindi mo dapat isinaalang-alang ang buhay mo sa isang hula. Ang hula ay gabay lamang sa ating buhay. Pero hawak pa rin natin ang ating kapalaran. Hindi ko sinasabing huwag kang maniwala sa hula o mali ang hulang iyon sa’yo. Pero.. tingnan mo, ‘nak. Ano ang naidulot sa’yo ng hulang iyan?”

“Nasasaktan ako ngayon, Ma.”“Ikaw ang gumawa ng dahilan para masaktan ka, ‘nak. Hindi ang hula. At hindi si Geoff.”

Pinunasan nito ang mga luha sa mukha ng anak.

“Alam mo bang nahulaan din ako noon. Na ang magiging asawa ko ay isang matandang mayaman.” Humigop ng tsaa at nagpatuloy sa pagkukuwento. Napatingin naman si Cindy sa ina na nagkaroon ng interes sa isinasalaysay nito.“Oo at nakakilala ako ng isang matandang mayaman. Pero hindi ko siya mahal. Kaya’t hindi ko siya tinanggap sa buhay ko. At limang taon ang lumipas, nalaman ko na lamang na lumubog ang kanyang yate sa gitna ng karagatan. Kasama ang naging asawa nito.”

Natigilan si Cindy sa narinig.

“Isipin mo, ‘nak. Kung isinuot ko ang mga paa ko sa hula sa akin noon, siguradong wala na ako ngayon. Siguradong hindi kita naisilang sa mundong ito.”

Muli nitong hinaplos ang pisngi ng anak.

“Anak, hindi ka dapat magpadala sa hula. Kung magkakatotoo man ang hula, kusa itong mangyayari. Hindi natin ito dapat isagawa.”

Tila natauhan si Cindy sa mga pangaral ng ina.

“Sorry, Ma.”

“Sorry? Hindi ka dapat mag-sorry sa akin. Kundi’y sa sarili mo. Dahil ikaw ang nagdusa sa iyong ginawa.”

Bahagyang ngiti at pagtangu-tango ang naging tugon ni Cindy sa ina.

“At tungkol kay Geoff… masuwerte ka anak. Dahil tunay ka niyang minamahal.”“Pero, Ma… Hindi pa po yata ako handang harapin siya.”“Naiintindihan ko. At alam kong maiintindihan din niya.”

Matapos ay niyakap niya ang anak.

“Sinundan niya ako kanina sa pag-uwi ko dito, Ma. Baka nasa labas lang ‘yun ngayon at nahihiyang pumasok dito.”“Sakaling naisin niyang kausapin ka ay ako na ang bahala sa kanya. Huwag kang mag-alala.”

Umakyat na ang dalaga sa kuarto sa pagtawag ni Geoff sa telepono. Ang ina ang naka-usap nito.

Tuluyan nang hindi pumasok si Cindy. Nagpaalam naman siya sa kanyang boss. Nagkulong siya sa kuarto at nagpahinga. Buong araw na hinanap ang sarili sa pamamagitan ng pakikinig sa musika. Patay ang kanayng celphone upang walang maging istorbo sa kanyang pag-iisa. Nakahiga sa kama. Nagmumuni-muni. Binabalikan ang lahat ng mga nangyari. Mula sa hula hanggang sa mga lalaking kanyang naging nobyo. Higit sa lahat, ang pangaral ng ina at ang pagmamahal kay Geoff.

Kinabukasan, isang harana ang gumising sa kanya. Sa kanyang naririnig, maraming boses ang umaawit. Boses ng higit sa tatlong lalaki.

Harana sa pagsikat ng araw. Maituturing na kakaiba kaya naman napabalikwas siya ng bangon at napadungaw sa kanyang bintana.

Nabigla siya sa kanyang nasaksihan. Limang lalaki ang umaawit sa tapat ng kanyang dungawan. Lahat ay kilala niya.

Naroon si Maskuladong Boyfriend #1, umaawit kahit masagwa tingnan. Naroon din ang piping si Boyfriend #2 na siyempre, hindi umaawit, nag-gigitara lang. Si Melvin, ang boyfriend #4, na guwapung-guwapo sa suot na  barong. Naroon din si Renz, boyfriend #6, na nakaupo sa wheel chair at umaawit habang hawak ang isang boquet ng rosas. At naroon din ang tomboy na muntik nang maging si Boyfriend #3. Naroon din si Raffy na ewan kung bakit sumama sa paghaharanang iyon. Alam kaya ni Elma ang ginagawa nito.

Pero may hinanap ang mga mata niya. May kulang sa kanila. Si Geoff.

“May nakapagsabi na ba sa’yo na maganda ka kahit bagong gising?”

Page 24: Ikapitong bf

Natigilan si Cindy sa narinig. Napalingon sa pinagmulan ng boses…. sa kanyang likuran.Pitong pulang rosas ang bumungad sa kanya. At hawak iyon ng lalaking hinahanap niya kanina. Si Geoff. Nakangiti ito sa kanya. Ngunit bakas sa mga mata nito ang pagkahiya at pagsusumamo ng pagpapatawad.

“Ikaw ang pinakamagandang hamog sa umaga,… Hon.”

Bahagyang natawa si Cindy sa linyang iyon ng binata. Ito ang isa sa mga na-miss niya dito. Ang pambobola at mga sweet idiomatic quotes.

“Dumating na pala ang araw… at nasinagan ang hamog.”, tugon ni Cindy.“At sabi ng araw, maaari ko bang yakapin ng liwanag ko ang hamog na iyon?”

Hindi agad nakaimik si Cindy. Nakatitig siya sa mukha ng binata. Tila nabura na ang galit niya rito. Binura ng pangaral ng ina at ng matinding pagmamahal niya sa binata.

At dahil hindi sumasagot si Cindy ay nagsimulang magpaliwanag ang binata.

“Hon, sorry talaga. Nalaman ko kay Elma ang hula. Ayokong mawala ka kaya ko ginawa ito. Pero…”

Hindi pa tapos magsalita ang binata ay tinakpan na ni Cindy ng dalawa niyang daliri ang labi nito.

“Sabi ng hamog sa araw, malaya kang yakapin ako ng iyong liwanag.”

Napangiti si Geoff at agad na niyakap ang dalaga. Mahigpit na yakap na punumpuno ng pagmamahal.

Natigilan naman ang mga naghaharana sa labas dahil sa nakita. Sumigaw ang mga ito.

“Akala ko ba sabay-sabay tayong manliligaw?”“Hoy! Bumaba ka diyan. Huwag kang madaya!”

Bahagyang nagbitaw sa yakapan ang dalawa at napapangiting sinilip ang anim sa labas ng bintana.

“Cindy, sa ilang linggo nating pagsasama ay minahal na kita. Sana’y ako ang piliin mo na maging ikapito mong nobyo.”, sigaw ni Melvin.“Anong ikaw? Wala ka namang maayos na trabaho, anong papakain mo sa kanya?”, pagkontra ni Raffy.“Cindy, ako ang piliin mo. Hindi ka magugutom.”, dugtong nito.“Eh kung isumbong ka namin kay Elma. Wala kang pag-asa kay Cindy dahil nobyo ka ng bestfriend niya.”, pagkontra ni Renz na nakaupo sa wheel chair.“Renz, bakit lumabas ka kaagad sa ospital? Ayos ka na ba?”, tanong ni Cindy sa binatang nakasemento ang paa. Bahagya pang dumungaw ang dalaga.“Ang pagmamahal ko sa’yo ang nagpapalakas sa akin, Cindy. Don’t worry.”, tugon ng binata.“Talagang may ganun?”, napapangiting sambit ni Cindy.“Babes!! Ako ang piliin mo. Poprotektahan kita. Look!”, sigaw ng maskuladong si boyfriend #1 na ipinakita pa ang malaki nitong braso at dibdib.“Bigyan mo ako ng pagkakataon, Cindy. Sasaktan ka lang ng mga lalaki.”, sigaw ng tomboy na muntik nang maging si boyfriend #3.

Sumisigaw din at sumesenyas ang pipi na si boyfriend #2.

“Salamat sa pagpunta n’yo rito. Salamat sa pagmamahal ninyo. Pero…. nakapili na ako ng magiging Ikapitong Nobyo ko.”, sigaw ni Cindy.

Nilingon niya si Geoff sa kanyang tabi. Ngunit wala na ito.

“Geoff?”

Nagtataka siyang hinanap ang binata sa kabuuan ng bahay nila.

“Geoff?!”

Pero bigo siyang makita ito. Napasigaw siya.

“Geoff!!!!”

Yugyog ng ina ang gumising sa kanya. Napabalikwas siya ng bangon.

“Nananaginip ka.’nak.”

Nakangiting mukha ng ina ang bumungad sa kanya.

“Ba’t po kayo ganyan makangiti?”“Dahil pangalan ni Geoff ang sinasambit mo. Natutuwa lang ako dahil ang puso mo na ang nagbibigay sa’yo ng sagot.”

Hindi nakaimik si Cindy. Bahagya siyang natulala at inisip ang napanaginipan.

“Bueno. Bumaba ka na at maghahanda na ako ng almusal.”

Naisip niyang napaka-imposibleng mangyari sa realidad ang kanyang napanaginipan. Ang magsama-sama ang lahat ng kanyang mga

Page 25: Ikapitong bf

naging nobyo at ligawan siyang muli upang maging ikapito niya. Pero higit sa lahat, ang kaligayahang nadama niya sa paghaharap nila ni Geoff sa panaginip. Lalo na ang mainit na yakap nito. Hindi man totoo ay damang-dama iyon ng puso niya.

Naupo na siya sa hapag-kainan. Nilagyan ng ina ng maraming sinangag at pitong hotdog ang kanyang pinggan.

“Ma?”“Bakit?”“Para naman po akong bibitayin nito.”“Hindi ka na nakapagdinner kagabi kaya alam kong gutom na gutom ka na. Kumain ka ng marami, ‘nak.”

Wala nang nagawa si Cindy kundi’y lumamon. Totoo namang gutom na gutom na siya. Hindi rin kasi siya nakapaglunch kahapon dahil sa nangyari.

Bihis na ang dalaga at handa nang pumasok sa trabaho. Humalik sa ina at nagpaalam.

“Ingat,’nak. Enjoy.”“Po?”, pagtataka ng dalaga sa sinabing iyon ng ina.

Pero hindi na siya pinansin nito. Pangiti-ngiting nagpatuloy sa paghuhugas ng pinggan.

Pasakay na siya ng taxi nang mga oras na iyon nang isang itim na van ang tumigil sa kanyang harapan. Tatlong nakamaskarang lalaki ang lumabas dito at sapilitan siyang isinakay. Nagpupumiglas siya at nagsisisigaw. Pero sa lakas ng tatlong lalake’y wala siyang nagawa. Nilagyan siya ng mga ito ng piring sa mata at tinakpan ang kanyang bibig. Itinali rin ang kanyang mga kamay. Panay ang dasal niya sa sobrang takot at kaba.

“Lord, bakit naman ako? Hindi naman po ako mayaman. Wala kaming pang-ransom. At ‘di pa po ako handang mamatay. Hindi pa po ako nakakatikim ng luto ng diyos. Ni hindi ko pa po nami-meet ang ikapitong nobyo ko, ang soulmate ko. Diyos ko, maawa po kayo.”, sambit niya sa sarili.

Tahimik lamang ang mga lalaking dumukot sa kanya. Ni hindi niya naringgan ang mga ito ng kahit isang salita. Lalo tuloy siyang kinakabahan.

Makalipas ang mahigit isang oras ay naramdaman niyang huminto ang sasakyan at namatay ang makina nito. Tinanggal ng isang lalake ang tali sa kanyang mga kamay.

Matapos ay narinig niyang bumukas at sumara ang pintuan ng sasakyan. Nakiramdam siya. Pinakiramdaman niya kung may kasama pa siya sa loob ng sasakyang iyon. Nang wala nang marinig na ingay ay dahan-dahan niyang tinanggal ang piring sa kanyang mga matya at takip sa kanyang bibig. Wala na siyang kasama sa loob ng sasakyang iyon. Nagtataka siyang binuksan ang pintuan upang makalabas.

Ikinabigla niya ang bumungad sa kanya sa labas. Napakaraming talulot ng pulang rosas ang nakakalat sa lupa. Nakaayos ito na parang red carpet. May patutunguhan.

Mula sa di-kalayuan ay nakita niya ang isang lamesa na may pulang table cloth.

Nagsimula siyang maglakad. Marahan sa bawat pag-apak sa mga talulot na humahalimuyak sa buong kapaligiran. Matingkad ang pagkapula ng mga ito – ang paborito niyang kulay.

Ang kaninang takot at pangamba ay unti-unti nang nabura at napalitan ng pagtataka, dahil sa misteryosong pagdukot sa kanya ng mga maskaradong lalaki kanina at pagkawala ng mga ito.

Sa bawat paghakbang ay unti-unti niyang nakikilala ang lugar na iyon. Alam niyang narating na niya ito noon. Pamilyar sa kanya ang ilang bahagi.

Natatanaw na rin niya ang mga bagay na nasa ibabaw ng mesang iyon. Isang tray ng pagkain na kalimitan lamang na makikita sa mga sosyal na restaurant at maharlikang piging. May takip itong pabilog, lika sa metal, sa katunayan ay kulay ginto. May katabi itong isang plorera na lika sa salamin. May isang pulang rosas ang naroon.

Sa kanyang paglapit ay kinuha niya ang bulaklak at inamoy. Napangiti siya. Naalala na niya ang lugar na iyon. Doon siya dinala minsan ni Geoff. Ang isang over-looking parking lot sa Tagaytay. Doon sila tumambay ng binata at pinagmasdan ang mga bituin sa langit habang nag-uusap tungkol sa kanilang buhay, pangarap at pag-ibig.

Napapangiti siya dahil sa nakikitang ayos ng paligid. Naiisip niyang may maganda at romantikong mangyayari na gagawin ng lalaking kanyang pinakamamahal. Hihingi ng tawad, makikipagbati, manliligaw at ang pinakamasaya – magpopropose ng kasal. Very predictable. Happy ending agad ang kanyang naiisip.

Nakangiti siyang hinanap ng tingin ang binata habang hawak pa rin ang pulang rosas.

“Geoff?”

Pero walang Geoff na nagpapakita. Lumakad pa siya ng kaunti at muling tinawag ang pangalan ng binata. Ngunit walang lumalabas.

Nagtataka siyang nagbalik sa mesa. Bahagyang kinakabahan dahil baka mali ang kanayang ine-expect. Nakangiwi siyang napatingin sa gintong tray sa gitna ng mesa. Naalala niya, hindi pa niya ito binubuksan upang tingnan kung ano ang nasa loob. Naging curious, unti-unti niyang iniangat ang takip.

Laking gulat niya dahil tumambad sa kanya ang ulo ni Geoff. Nakapikit. Napasigaw siya ng malakas sa pag-aakalang pugot na ulo iyon ng binata.

Page 26: Ikapitong bf

Natigilan lamang siya nang makitang nakadilat na ito at nakangiti. Nagsalubong ang mga kilay ng dalaga.

Lumabas naman mula sa ilalim ng lamesa si Geoff at naglakad palapit kay Cindy. Ang nakangiti nitong mukha ay hindi natinang ng isang malakas na sampal na ibinungad sa kanya ng dalaga sa kanyang paglapit.

“Aba’t nakangiti ka pa rin diyan. Tuwang-tuwa ka pa sa ginawa mong kalokohan? Biruin mo, ipinadukot mo ako kanina para lang dalhin dito. Halos mamatay ako sa takot kanina. Tapos ngayon, nagkunwari kang patay diyan at putol ang ulo mo. Ano ba’ng gusto mong palabasin, Geoff Hinares?”, galit na ratrat ni Cindy sa nakangiti pa rin sa kanyang binata.

Hindi ito umimik. Tinititigan nito ang bawat sulok ng mukha ni Cindy.

“Na-miss kita….. sobra…”, malambing na sambit nito.

Ang galit na mukha ni Cindy ay unti-unting humupa dahil sa mga salitang iyon ng binata. Napalunok at bahagyang nahiya.

“Namiss ko ang mga mata mo, ang ilong mo, ang pisngi mo, ang tenga mo, ang buhok mo,…. ang mga ngiti mo… ang boses mo… ang kabuuan mo.”, dugtong ng binata.

Akmang tatalikod siya at hahakbang palayo ay agad siyang hinawakan ni Geoff sa braso at pinigilan sa gagawing pag-alis.

“Magwo-walk-out ka na naman ba? Pahahabulin mo na naman ba ako?”

Ngiti ang unang sagot ni Cindy.

“Practice lang, Hon.”

Napangiti rin si Geoff.

“Hon? Tama ba ang narinig ko?”, nakangiting tanong ni Geoff.“Bakit? Ayaw mo ba?”, may iba na bang tumatawag sa’yo ng Hon?”, nakataas ang kilay na tanong ni Cindy.“Ay hindi po, hindi po.”, sabay lakad palapit sa dalaga.“Na-miss mo ba si Geoff?”, malambing na tanong ng binata.“Bakit? Na-miss mo ba si Cindy?”, tugon na tanong ng dalaga.“Kakasabi ko lang kanina, di’ba? Na-miss kita, sobra.”“Teka… teka… Andami mong eklabu, eh. Manliligaw ka ba o hindi?”, diretsahang tanong ni Cindy.“Hindi ba obvious?”“Hindi ko pa po maramdaman.”, nakangiting tugon ni Cindy na papikit-pikit pa at tila nang-aasar at naghahamon.“Open na ba ang puso mo para kay IKAPITONG BF?”, tanong ng binata.

Nakangiting tumangu-tango si Cindy habang nakatitig kay Geoff.

“Nagpahula ako kahapon. Sabi sa akin, ang makakatuluyan ko daw ay ang ikaapat na nobya ko. Are you applying for the slot?”

Tinapik ni Cindy si Geoff sa balikat. “Loko ka talaga.”

Bahagyang napangisi ang binata. Halatang binibiro lamang ang kausap.

Dumukot siya sa bulsa at ipinakita ang isang singsing.

“Will you marry me?”, tanong nito sa dalaga.

Abot-tainga ang ngiti ni Cindy nang makita ang singsing. Halos gusto na niyang sumagot ng “YES” ng pasigaw dahil sa sobra rin niyang pagnanais na mapakasalan ng alaking kaharap ngayon. Pero bigla ay may naalala siya at tinakpan ang kamay ng binata kung saan naroon ang singsing.

“Wait, hindi pala puwede.”“Bakit?”, nagtatakang tanong ni Geoff.“Di’ba nga, ikapitong boyfriend ko ang makakatuluyan ko. Ligawan mo muna ako. Maging magkasintahan muna tayo kahit one minute lang bago ka magpopropose sa akin ng kasal diyan.”, paalala ng dalaga.“Okey.”, napapangiting tugon ni Geoff.

Hinawakan nito ang pisngi ni Cindy at dahan-dahang hinagkan ang mga labi nito. Tinugon din naman iyon ng dalaga ng mainit na halik. Saglit na naghiwalay ang kanilang mga labi ngunit magkalapit pa rin.

“Akala ko ba’y hindi mo gawain ang nakikipagbalikan?”, tanong ni Cindy sa binata.”Hindi ko iyon kayang gawin sa’yo. Oo, ganun ang ginagawa ko noon. Siguro’y nagagawa ko lamang iyon noon dahil sa nawawala rin talaga ang pagmamahal ko sa babae sa oras na maputol na ang relasyon namin. Pero iba sa’yo, eh. Hindi ‘yun nawala. Bagkus ay tumindi pa. Sobrang mahal na mahal na mahal kita.”

Natamemeng muli ang dalaga sa litanyang iyon ni geoff. Halos gusto niyang matunaw sa sobrang kakiligan.

“I love you, Hon.”, mahinang sambit nito sa kanya.“Should I sayI love you too?”, nakangiting tanong ni Cindy.“Ofcourse. Or else, I will die.”“Okey.”

Nanahimik si Geoff at nakangiting inabangan ang pagsagot ng dalaga.

Page 27: Ikapitong bf

“I love you too, Hon.”, marahan, malambing at mahinang sambit ni Cindy.

Tumamis ang ngiti ng binata at inakap si Cindy sa baywang. At muli ay naglapat ang kanilang mga labi. Ang hindi alam ng dalaga ay nag bibilang si geoff habang sila ay naghahalikan. At matapos ang isang minuto….

“Oh hayan! Tayo na. Ako na ang ikapito mong nobyo.”, biglang bitaw ng binata sa kanilang halikan.

Nagtatatalon din ito na ikinagulat ni Cindy. Bahagya siyang natatawa dahil halos napapasayaw pa si geoff sa labis na tuwa.

Saglit lamang iyon at biglang lumuhod ito sa harapan ni Cindy. Muling ipinakita ang singsing.

“Walang ano mang hula ang makakapigil sa pag-ibig ko sa’yo. Ikaw ang dahilan kung bakit ako nabubuhay ngayon. Higit ka pa sa dugong dumadaloy sa aking mga ugat. Higit ka pa sa hanging aking nilalanghap. Hon…. I wanna spend every second of my life with you. Will you marry me?”, romantikong proposal ni Geoff.

Nagtutubig naman ang mga mata ng dalaga na halos hindi makapagsalita sa mga nagaganap. Abot-langit ang kaligayahang kanyang nadarama.

“Yes!”, nakangiti nitong sagot.

Agad na tumayo si geoff at niyakap si Cindy. At muli ay naglapat ang kanilang mga labi. Naging mas mainit iyon.

Pagkauwi ay agad na ipinaalam ng dalawa ang kanilang naging desisyon sa ina ni Cindy. Tuwang tuwa naman ito sa nalaman.

Nagtungo rin sila sa bahay nila Geoff at hinarap ang pamilya nito. Wala rin namang naging problema sa kanila at agad na ibinigay sa dalawa ang basbas ng pamilya.

Nang gabi ring iyon ay nagplano ang dalawa. Sa terrace ng bahay nila Cindy sila nag-uusap na may kasamang papel, panulat at pangarap.  Tatlong linggo mula ngayon ay binabalak nilang idaos ang kanilang kasal. Mula sa theme ng kasal hanggang sa bilang ng mga bisita at kung sino ang magiging bahagi ng entourage. Hindi na rin nila namalayan ang oras. Naaliw sila masyado sa kanilang pagpaplano. Maghahating-gabi na nnag mapansin nila ang oras. Walang nadaramang pagod ay nahiga sila sa inilatag na mattress sa terrace na iyon. At tulad nang ginawa nila noon, nakatanaw silang sabay sa kalangitan. Pinagmamasdan ang mga bituin na mas maningning sa mga oras na iyon. Tila nagiging masaya rin sa kinahinatnan ng pagmamahalan nilang dalawa.

Sumagi sa isip nila ang lahat ng mga nangyari.

“Nagpapasalamat ako kay Elma at ipinakilala ka niya sa akin. Biruin mo, kaibigan lang pala ng kaibigan ko ang makakatuluyan ko.”, sambit ni Geoff.

Ngiti ang unang sagot ni Cindy na nakahiga ang ulo sa dibdib ng nobyo.

“Sadyang nakatadhana lang siguro tayo para sa isa’t-isa.”“Tingin mo?”“Oo naman. Bakit? Ayaw mo?”

Yakap at pagtawa ang sagot ni Geoff sa kanya.

Kinabukasan ay nagpasama si Cindy sa nobyo na dalawin si Renz sa ospital.

“Sa tingin mo ba’y kailangan pa natin siyang kausapin tungkol dito?”, tanong ni Geoff na nag-aalangan sa gagawing pagdalaw sa binata.“Malaki ang kasalanan natin sa kanya, Hon. Hindi lang ang tungkol sa kasal natin ang pakay natin sa kanya.”“Kasalanan ko lang, Hon. Wala kang kasalanan sa mga nangyari. Biktima ka rin.”“Hindi, Hon. Biktima lang tayong lahat. Kasama na si Melvin, si Raffy at maging si Elma. Biktima lang tayo ng mga puso natin. Umiibig lang tayo, Hon. At isa pa’y kasalanan ko kung bakit umibig si Renz sa akin. Hinayaan ko siyang ibigin niya ako. Alam kong masasaktan siya sa malalaman niya dahil alam nating dalawa na minahal niya rin ako, na naging dahilan ng pagtatalo n’yo. Kaya kailangan din nating manghingi ng tawad sa kanya. Tayong dalawa. Remember, hindi natuloy ang pagdalaw mo sa kanya nung isang araw upang humingi ng tawad  dahil sa pagkikita natin sa ibaba ng ospital. Ito na ang tamang oras para harapin siya, Hon.”, ani Cindy sabay kapit sa braso ng nobyo na kasalukuyang nagmamaneho. Papunta na sila sa ospital kung saan naroon si Renz.

Nang makarating sa ospital ay napag-alaman ng dalawa na nakalabas na ang binata. Agad naman nilang pinuntahan si Renz sa bahay nito sa Paco. Ang ina nito ang nagpapasok sa kanila. Naabutan nila itong nanonood ng telebisyon. Nakasemento pa rin ang mga paa nito.

“Alam ko namang diyan din matutuloy ang pagmamahalan n’yong dalawa, eh. Masaya ako para sa inyo.”, anito nang ipaalam ng dalawa ang balak na pagpapakasal.“Renz, nandito rin kami para humingi ng kapatawaran sa nagawa namin sa’yo.”, ani Geoff.“Wala ‘yun, pare. Okey na ‘yun. Kasalana ko rin naman, eh. Hindi ako tumupad sa usapan natin. Samantalang ikaw ay tumupad. Ako ang may kasalanan kung bakit ganito ang kondisyon ko ngayon.”“Hayaan mo, pare. Ako na ang bahala sa mga kakailanganin mo pang gamot. Babayarin ko na rin ang mga nagastos mo sa ospital.”“Hindi na, pare. Ipinambayad ko ‘yung kita sa negosyong ibinigay mo sa kin. At huwag kang mag-alala. Isasauli ko talaga iyun sa’yo. I dont deserve it.”“No. Sa iyo na iyon. Danyos sa pang-iistorbo ko sa buhay mo. Hindi lang kasi pisikal mo ang nasaktan ko. Alam kong pati ang dadamin mo.”

Natigilan si Renz sa sinabing iyon ni Geoff at napatingin kay Cindy.

“Cindy.”, unang sambit ni Renz sa dalaga.

Page 28: Ikapitong bf

“Sorry ha. Pinaglaruan ko ang puso mo.”, dugtong nito.“Sorry din.. dahil ganun din ang nagawa ko sa’yo. Pero alam kong hindi mo kasalanan. Wala kang dapat ihingi ng tawad sa akin.”

Makalipas ang tatlong linggo ay agad na nagpakasal ang dalawa. Ang lahat ng mga kaibigan at kaanak ay dumalo. Sa katunayan ay naging abay pa sina Melvin, Raffy at Renz. Nakadalo rin ang maskuladong si boyfriend #1 at ang pipi na si boyfriend #2 dahil nabalitaan nila ang anunsyo ng kasal na iyon sa pahayagan. At siyempre, maid of honor si Elma.

Sa Europa nag-honeymoon ang dalawa. Nanatili sila roon ng isang buong buwan at nilibot ang Italya at Pransya.

Pagbalik ay pinatigil na siya ni Geoff sa pagtatrabaho. Nakabili na rin sila ng sariling bahay sa Tagaytay, malapit lamang sa lugar kung saan nagpropose si Geoff sa kanya. Naging maayos at masaya ang kanilang pagsasama. Sa katunayan ay nagdadalantao na siya ngayon.

“Wow, talaga? Congratulation, sis!”, tuwang-tuwang bati ni Elma sa kanya sa pagkikita nila sa Quiapo. Nayakap siya ng kaibigan.“Ikaw, sis? Kamusta na? Kamusta na kayo ni Raffy?”“Hay naku, sis. Wala na kami last month pa.”

“Really?”“May bago na ako, no worries.”“Ambilis naman yata?”“Ako pa.”, nakangiting pagmamalaki ni Elma.

Ipinakita rin nito ang picture ng bagong nobyo kay Cindy. Nagulat ito sa nakita.

“Si Robert iyan, ah?!”“Yah, ‘yung kababata mo.”“Opo, ‘yung muntik ko nang gawing Ikapitong Boyfriend.”

Natawa si Elma at nahihiyang nanghingi ng paumanhin sa kaibigan.

“Sorry sis, ha.”“Sorry ka diyan. Oks lang ‘yun, ano beh. Mahal na mahal ko si Geoff kaya walang kaso yan.Nagulat lang ako. Biruin mo, ‘yung lalaking binabalak ko noon na gawing ikapitong boyfriend ko ay magiging nobyo mo pala.”, natatawang sambit ni Cindy.“Parang quits-quits na rin tayo, sis.Dahil sa pakikipag-boyfriend mo kay Raffy ko.”, tugon ni Elma na tumatawa na rin.

At dahil nandoon na rin lang sila sa Quiapo ay dumaan na rin sila sa simbahan at matapos ay kay Madam Gumela na nagkataong naroon din. Ikinuwento ni Cindy ang lahat ng naganap sa buhay niya na may kinalaman sa dating hula nito sa kanya.

“Natutuwa ako para sa’yo. Pero gusto kong malaman mo…. na hindi talaga ikapitong nobyo mo ang tunay mong soulmate.”, rebelasyon ng manghuhula.“Po!!??”, gulat na reaksyon ng magkaibigan. Biglang nag-alala si Cindy.“Anong ibig nyo pong sabihin?”“Ang tunay mong soulmate ay ang ikatlo nong nobyo.”, dugtong ni madam Gumela.

Nagkatinginan ang magkaibigan. Bahagyang nagbilang. Si Geoff din naman ang boyfriend #3 kaya’t nabura na ang pag-aalala. Muli silang bumaling sa manghuhula.

“Pero bakit po sinabi nyong ikapito?”, tanong ni Cindy.“Lumabas din ang Three Of Hearts, kung natatandaan mo. Iyun ang nagsabi na ang ikatlo mong nobyo any ang iyong makakatuluyan.”“Pero bakit n’yo po sinabing ikapito?”“Dahil alam kong hindi mo pa nararanasan ang magkanobyo bago kita hinulaan. Gusto ko lamang na maramdaman mo ang magmahal at masaktan. Gusto kong matutunan mo ang pag-ibig bago ka malagay sa tahimik. Sa anoong paraan ay magiging panatag ang iyong buhay-may-asawa.”, paliwanag ni Madam Gumela.

Nayakap bigla ni Cindy ang manghuhula.

“Maraming maraming salamat po. Nakatulong po talaga ang ginawa ninyo.”“Close na kayo ni Madam, ah.”, sambit ni Elma sa likuran.

Sa pagbibitaw nila ng yakapan, binalingan ni Madam Gumela si Elma.

“Ikaw?”, sabay turo sa dalaga.“Po?!”, gulat na reaksyon ni Elma.“Kumuha ka ng baraha.”, utos nito.

Sumunod na lamang si Elma at dumukot ng tatlo sa mga barahang hawak ng manghuhula. Binasa ito sa kanyang harapan.

“Tama ang pakiramdam ko tungkol sa’yo.”“Ano po iyon?”, sabay na tanong ng magkaibigan.“Paumanhin, pero…”“Pero ano po?”“Hindi guwapo ang makakatuluyan mo.”“Hindi po guwapo?! Naku, wala namang ganyanan, madam.”“Hindi ako nagbibiro. Isang pangit na binata ang iyong soulmate.”“Whhaaaattttt!!!!”, pasigaw na reaksyon nito.“NNNOOOOOOOOOOOOOO!!!!”, sigaw ni Elma na umalingawngaw sa buong Quiapo.