huling paalam (ultimo adios) ni rizal

5
HULING PAALAM ni Dr. Jose Rizal (Tagalog Version) Pinipintuho kong Bayan ay paalam, Lupang iniirog ng sikat ng araw, mutyang mahalaga sa dagat Silangan, kaluwalhatiang sa ami'y pumanaw. Masayang sa iyo'y aking idudulot ang lanta kong buhay na lubhang malungkot; maging maringal man at labis ang alindog sa kagalingan mo ay akin ding handog. Sa pakikidigma at pamimiyapis ang alay ng iba'y ang buhay na kipkip, walang agam-agam, maluwag sa dibdib, matamis sa puso at di ikahahapis. Saan man mautas ay di kailangan, cipres o laurel, lirio ma'y patungan pakikipaghamok, at ang bibitayan, yaon ay gayon din kung hiling ng Bayan. Ako'y mamamatay, ngayong namamalas na sa Silanganan ay namamanaag yaong maligayang araw na sisikat sa likod ng luksang nagtabing na ulap. Ang kulay na pula kung kinakailangan na maitina sa iyong liwayway,

Upload: seo-dae-eun

Post on 20-Nov-2014

8.658 views

Category:

Entertainment & Humor


5 download

DESCRIPTION

 

TRANSCRIPT

Page 1: Huling Paalam (Ultimo Adios) ni Rizal

HULING PAALAMni Dr. Jose Rizal

(Tagalog Version)

Pinipintuho kong Bayan ay paalam,Lupang iniirog ng sikat ng araw,

mutyang mahalaga sa dagat Silangan,kaluwalhatiang sa ami'y pumanaw.

Masayang sa iyo'y aking idudulotang lanta kong buhay na lubhang malungkot;

maging maringal man at labis ang alindogsa kagalingan mo ay akin ding handog.

Sa pakikidigma at pamimiyapisang alay ng iba'y ang buhay na kipkip,

walang agam-agam, maluwag sa dibdib,matamis sa puso at di ikahahapis.

Saan man mautas ay di kailangan,cipres o laurel, lirio ma'y patunganpakikipaghamok, at ang bibitayan,

yaon ay gayon din kung hiling ng Bayan.

Ako'y mamamatay, ngayong namamalasna sa Silanganan ay namamanaagyaong maligayang araw na sisikat

sa likod ng luksang nagtabing na ulap.

Ang kulay na pula kung kinakailanganna maitina sa iyong liwayway,

dugo ko'y isaboy at siyang ikikinangng kislap ng iyong maningning na ilaw.

Ang aking adhika sapul magkaisipnoong kasalukuyang bata pang maliit,

ay ang tanghaling ka at minsang masilip

Page 2: Huling Paalam (Ultimo Adios) ni Rizal

sa dagat Silangan hiyas na marikit.

Natuyo ang luhang sa mata'y nunukal,taas na ang noo't walang kapootan,walang bakas kunot ng kapighatian

gabahid man dungis niyong kahihiyan.

Sa kabuhayan ko ang laging gunitamaningas na aking ninanasa-nasa

ay guminhawa ka ang hiyas ng diwapaghingang papanaw ngayong biglang-bigla.

Ikaw'y guminhawa laking kagandahangakoy malugmok, at ikaw ay matanghal,hininga'y malagot, mabuhay ka lamang

bangkay ko'y maisilong sa iyong Kalangitan.

Kung sa libingan ko'y tumubong mamalassa malagong damo mahinhing bulaklak,sa mga labi mo'y mangyayaring ilapat,

sa kaluluwa ko halik ay igawad.

At sa aking noo nawa'y iparamdam,sa lamig ng lupa ng aking libingan,

ang init ng iyong paghingang dalisayat simoy ng iyong paggiliw na tunay.

Bayaang ang buwan sa aki'y ititigang liwanag niyang lamlam at tahimik,

liwayway bayaang sa aki'y ihatidmagalaw na sinag at hanging hagibis.

Kung sakasakaling bumabang humantongsa krus ko'y dumapo kahit isang ibon,

doon ay bayaan humuning hinahonat dalitin niya payapang panahon.

Page 3: Huling Paalam (Ultimo Adios) ni Rizal

Bayaan ang ningas ng sikat ng arawula'y pasingawin noong kainitan,

magbalik sa langit ng buong dalisaykalakip ng aking pagdaing na hiyaw.

Bayaang sino man sa katotong giliwtangisang maagang sa buhay pagkitil;

kung tungkol sa akin ay may manalanginidalangin, Bayan, yaring pagkahimbing.

Idalanging lahat yaong nangamatay,Nangag-tiis hirap na walang kapantay;

mga ina naming walang kapalaranna inihihibik ay kapighatian.

Ang mga balo't pinapangulila,ang mga bilanggong nagsisipagdusa;dalanginin namang kanilang makitaang kalayaan mong ikagiginhawa.

At kung ang madilim na gabing mapanglaway lumaganap na doon sa libinga't

tanging mga patay ang nangaglalamay,huwag bagabagin ang katahimikan.

Ang kanyang hiwaga’y huwag gambalain;kaipala'y marinig doon ang taginting,tunog ng gitara't salterio'y magsaliw,

ako, Bayan yao't kita'y aawitan.

Kung ang libingan ko'y limot na ng lahatat wala ng kurus at batong mabakas,bayaang linangin ng taong masipag,lupa'y asarolin at kahuya’y ikalat.

Page 4: Huling Paalam (Ultimo Adios) ni Rizal

Ang mga buto ko ay bago matunaw,mauwi sa wala at kusang maparam,alabok na iyong latag ay bayaang

siya ang babalang doo'y makipisan.

Kung magkagayon ma'y, alintanahinna ako sa limot iyong ihabilin,

pagka't himpapawid at ang panganorin,mga lansangan mo'y aking lilibutin.

Matining na tunog ako sa dinig mo,ilaw, mga kulay, masamyong pabango,ang ugong at awit, paghibik ko sa iyo,

pag-asang dalisay ng pananalig ko.

Bayang iniirog, sakit niyaring hirap,Katagalugan kong pinakaliliyag,

dinggin mo ang aking pagpapahimakas;diya'y iiwan ko sa iyo ang lahat.

Ako'y patutungo sa walang busabos,walang umiinis at berdugong hayop;

pananalig doo'y di nakasasalot,si Bathala lamang doo’y haring lubos.

Paalam, magulang at mga kapatidkapilas ng aking kaluluwa't dibdib

mga kaibigan, bata pang maliit,sa aking tahanan di na masisilip.

Pag-papasalamat at napahinga rin,paalam estranherang kasuyo ko't aliw,

paalam sa inyo, mga ginigiliw;mamatay ay siyang pagkakagupiling!