akirareezwatty.yolasite.comakirareezwatty.yolasite.com/resources/miss hopeless... · web viewoy!...

54
Copyright 2014 by Rizza Merl N. Siaboc a.k.a. iammeakira20 All Rights reserved. ® I made a softcopy of this story NOT to give way to those people who is into PlAGIARISM. If you’re one of them. PLEASE! Spare this copy. Kahit ka’ewanan ko lang ito, akin pa rin po ito. Pag’aari ko pa rin ito at pwedeng pwede kong kasuhan ang lalabag sa rules ko. And my only rule is NO PLAGIARISM ALLOWED. Saka kung may manghihingi ng softcopies sa kung sino man ang may kopya nito please tell them to approach me. Hindi po ako nangangain ng manghihingi ng sc’s ^___^. Any type of actions that lead to plagiarism is prohibited. Salamat sa mga nakakaintindi ^_^ ~BossingAuthor Miss Hopeless Romantic and Her Seven Signs A story by iammeakira20 PROLOGUE ~~~~ Kung kailan ako tumigil sa paniniwala sa destiny, saka naman siya kumilos. Aasa lang ba talaga ako sa seven signs na kinalokohan ko noong high school pa lang ako?

Upload: phamtram

Post on 03-Jul-2019

219 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Copyright 2014 by Rizza Merl N. Siaboc a.k.a. iammeakira20

All Rights reserved. ®

I made a softcopy of this story NOT to give way to those people who is into PlAGIARISM. If you’re one of them. PLEASE! Spare this copy. Kahit ka’ewanan ko lang ito, akin pa rin po ito. Pag’aari ko pa rin ito at pwedeng pwede kong kasuhan ang lalabag sa rules ko. And my only rule is NO PLAGIARISM ALLOWED. Saka kung may manghihingi ng softcopies sa kung sino man ang may kopya nito please tell them to approach me. Hindi po ako nangangain ng manghihingi ng sc’s ^___^. Any type of actions that lead to plagiarism is prohibited. Salamat sa mga nakakaintindi ^_^

~BossingAuthor

Miss Hopeless Romantic and Her Seven Signs

A story by iammeakira20

PROLOGUE

~~~~

Kung kailan ako tumigil sa paniniwala sa destiny, saka naman siya kumilos.

Aasa lang ba talaga ako sa seven signs na kinalokohan ko noong high school pa lang ako?

Sabi nga nila, "Becareful what you wish for 'coz you just might get it.."

Hay. Nakakaistress naman to!

~~~~

Her POV

(Donna Belle Magoncia)

Kinawayan ko ang best friend ko na si Jeerian nang umalis na siya. Nagkita kasi kami ulit two years after graduation and we decided to cope up sa nangyayari sa mga buhay namin. Akalain mo?! Yung may sala sa pagkakatama niya sa ulo niya ay makakatuluyan niya pala! Hay, pero sabi daw nung guy.. Uhh, Rico ata? Sinadya niya daw yun kasi hindi daw tumitingin si Jeerian sa kanya gusto niya sanang magpasikat kay best friend eh wala namang sporty bones sa katawan yun. HAHA!

Hello! Ako nga pala si Donna Belle Magoncia. 2nd year College na taking up Psychology, na hindi mo aakalain na kukunin ng isang katulad ko. HAHA!

Ano pa ba ang masasabi ko tungkol sa inyo? Hmm.. Ah! Noong high school ako ay soooobra ang pagiging hopeless romantic ko. Siguro, hanggang ngayon ganyan pa rin ako. Hehe :) Pero hindi na ganun kalala. Para ngang tama si best friend eh. Na hindi totoo ang Destiny. Wala namang nangyayari sa aking buhay pag-ibig! Oh wow. Lalim tol.

Ilang beses na akong nagtry ng mga sinasabi nilang signs para daw makita mo ang the one na para sa iyo. Pero it just turns out na

kay Salvador na dati kong classmate noong high school tinuturo lahat nga signs =_____= I mean, Srsly?! Yung manyak na yun? Tapos palaging natutulog! Puro football ang nasa isip! Hindi nga lang siya playboy pero.. KAHIT NA! How dare Mr. Destiny do it to me! Siguro nga wala talagang destiny at pinagtitripan lang ako ng balugang yun! Hindi kaya totoo na siya yun! No! Hindi na lang ako maniniwala sa destiny kung ganun naman pala ang papopoint out! Wooo. Mas gusto ko pa ang team mates niya. Gentleman pa! *O* di tulad ng Salvador na yun! Walang modo! At hindi alam ang katagang 'Ladies first'! Hmp.

"EX!"

"Uy! James! Hanggang ngayon ex pa rin tawag mo sa akin?! Ang tagal na nun ah.." sabi ko saka nagpout. Oy! Don't get me wrong ha? Hindi ko ex-boyfriend si James. Ew lang, 50-50 yan eh.. hihihi! Shhh..

"Ano ka ba! Hanggang facebook RhoDONNA Ex pa rin naman tawag namin sa iyo ah? Bakit?! Gusto mo Domo ulit itawag ko sayo? Hahahaha!"

Hinampas ko na lang siya sa braso. Tama ba namang ipagsigawan dito sa harap ng coffee shop ang tungkol dun?! >////<

"Jhems naman eeee! Oh sige na! Ex na lang ulit tawag mo sa akin." Nakasimangot kong sabi. Ginulo naman niya ang buhok ko.

"Kamusta ka naman?"

"Eto. Stuck sa mamatay matay na sign na hiningi ko two years ago =___=" aish! Naalala ko na naman nung.. Ah! Forget it.

"Huh? Diba gustong gusto mo na makasama sa iisang apartment yung nakalaan para kay destiny sa'yo? Anyare? Kwento ka na daliii!" Matawa tawang sabi niya.

"Urgh! *sigh* Okay.. Where would I start? Sige.."

First Sign :

? I would unexpectedly stay on the same apartment with him.

"Welcome new hooommmeeee! ?(^O^)?" excited na excited kong sabi nang nakaalis na sina mommy pagkatapos nila akong ihatid sa magiging kwarto ko dito sa apartment na titirhan ko starting today. Ayaw sana nina mommy na mag'aapartment ako dahil wala dawng privacy pero yun talaga ang gusto ko. Saka, this is my first sign para malaman ko kung sino ba talaga ang makakapartner ko sa lovelife ko ^O^ desperate much? Di rin.. Kanya kanyang trip lang yan. Mas mabuti na yan kesa sa mga babaeng pumupunta ng bar para makahanap lang ng kalandian. Eww. XP

Miss Hopeless Romantic and Her Seven Signs :

1. I would unexpectedly stay on the same apartment with him.

Eiiii! ^////^

Excited na kinikilig ako habang binabasa ang maliit na notebook na hawak ko. Yung ginagamit na panglalagay ng utang? Ganun. Dito ko kasi sinulat yung 7 signs ko. Bakit 7? Kasi sabi sa horoscope ko, swerteng number ko daw the whole year is seven. Kaya Seven signs ang hiningi ko.

Umupo ako sa kama sa tabi ng bintana. Dalawa kasi ang kama dito. Yung isa may nakapatong lang na kasi na bag kaya dito na lang ako pumuwesto.

Hmm? Sino kaya yung roomate ko? Well, wala naman akong sinabing magiging roomate ko ang destiny ko! Ang nilagay ko lang naman is mamakasama ko siya sa iisang apartment. Pero pano yun? Marami naman atang lalaki sa apartment na 'to?

Bumaba na lang ako at naghanap hanap ng makakausap. Pansin ko namang walang masyadong tao. DUH! 6am pa lang kaya! Excited ka kasi pumunta dito. =___=

Luuh! Nabubuwang na ako! Kinakausap ko na ang sarili ko. Huhuhu! Mahirap rin palang mag'isa ka lang! Wala kang makakausap dito. Bakit ba kasi nag'University of the Visayas etong si Jeerian!? Palibhasa kasi dun din mag'aaral yung crush niya daw. Kwento pa nga niya yung crush niya daw ay yung nagkasala sa kanya sa pagkakatama ng bola sa ulo niya. Haaay! It's Destiny's Game!

Sila kaya magkakatuluyan?

"Hey!"

Haay. Sana ganun din ako. Yung tipong hindi nga bola ang tatama sa akin, kahit libro lang.. Okay lang kahit masakit basta makilala ko lang siya. Hahahaha!

*Bogsh*

"Ay, pucha naman oh! ANO BA?!" galit na sabi ko nang may tumama sa ulo ko. Yumuko ako para makita yun and to my surprise, it was.. A BOOK.

"Tinatawag kaya kita hindi mo ko nililingon!"

Nagpanting naman ang tenga ko nang marinig ko ang boses na iyon. Noooo.. Hindi pwede! Aaaaah! Hindi maaari! A-akala ko.. Akala ko, never ko nang poproblemahin ang pagmumukha ng lalaking yon?!

"HUY!"

Hindi ko pa rin siya nilingon at pinatong ko ang baba ko sa kamao ko habang parang nakahalukipkip. Iniisip ko talaga kung pano--

"Aray!"

Pano ba naman kasi? Binatukan niya ako sa kalagitnaan ng pag'iisip ko.

"Anong ginagawa mo dito?/What are you doing here?" sabay naming tanong.

"Dito ako mag'aaral.. Obvious ba?" nakapokerface na sabi ko sa kanya.

"Varsity scholarship sa La Salle.." walang ganang sagot niya sa akin, saka humikab. Tingnan mo!? Bastos talaga tong lalaking to oh!

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Oh yeah =____= I almost forgot. HOW DARE I FORGET NA SA LA SALLE PALA AKO MAG-AARAL?! >.<

"S-so.. Dito ka magsstay?" tanong ko. Te-teka? Bakit ako nagsstutter sa kanya? Luuuh!

"Obvious ba? Sige, hindi ko pahahalatain." Naka pokerface niyang sagot.

"Ah, okay." tamad na tamad na sabi ko saka bumalik na sa taas.

Hahakbang na sana ako sa hagdan nang may bigla akong narealize..

Miss Hopeless Romantic and Her Seven Signs :

1. I would unexpectedly stay on the same apartment with him.

"AAAAAAAHHHHH!!!!!!"

Narinig ko namang napatakbo palapit sa kinatatayuan ko ang land lady ng apartment dahil sa pagsigaw ko.

"Anong problema?!" gulat na tanong niya.

A-anong sasabihin ko? Na makakasama ko sa iisang bubong ang pinakakinaiinisang lalaki sa buong buhay ko at dahil posibleng counted siya sa pu-pupwede sa First Sign ko?! NO WAAAY!

"S-sorry po.. T-t-takot po kasi ako sa.. sa.. sa Daga po! Dumaan po kasi sa paa ko mismo! Kaya na-natakot po ako."

"Ganun ba?! Nakoo! Pasensya ka na, ipapacheck ko na lang mamaya kapag may available na tauhan. Tulog pa kasi sila eh." sabi niya. Akala niyo magagalit siya no? Hah! Subukan lang niya akong apihin katulad ng mga nababasa namin ni best friend sa Wattpad isusumbong ko talaga siya nina mommy! At hindi pa natatapos ang araw ay sarado na ang apartment na 'to.

Pagkatapos naming mag'usap konti tungkol sa daga *pokerface* ay umakyat na ako sa kwarto ko para magpahinga. Hindi. Hindi ko dapat problemahin ang pagsstay ng bwisit na Salvador na yun! Kailangan ko pang mapampered para sa magical moment na pagkikita namin ng magiging soulmate ko ^O^

Sumalampak agad ako sa kama nang makapasok ako. Napatingin naman ako sa bag na nakapatong sa kabilang kama. Sure na sure akong babae ang makakasama ko. Pink ang bag saka may guitar, crab at starfish key chains na nakakabit sa mag hilahan ng zipper nito. May trademark pa na Fiona, isang sikat na fashion company dito. Pero, bakit naman wala siya? Haaay, might as well wag ko munang alalahanin rin iyon. Sana lang mabait siya. Dahil kung hindi..

.

.

.

.

.

.

.

.

.Isusumbong ko siya kay mommy! >O<

Second Sign :

? He would share his meal with me.

Seven o'clock na nang nagising ako. Wala naman akong gagawin kaya maglilibot na lang ako sa buong lugar.

Tiningnan ko naman ang katabi kong kama bago umalis. Nakatulog at nakaligo na ako't lahat lahat hindi pa rin siya dumadating? Luuh. Musta naman yun diba? Di ko pa siya nakikita eh. Sana maging close kami.

Bago ako umalis ay tinanong ako ng land lady kung saan ako pupunta at kung nakakain na ba ako. Hmm? Sina mommy na naman ang may utos sa kanya na bantayan ako -__-

Naghahanap pa ako ng masasakyan nang may maskuladong balikat na bumangga sa akin.

"Aray! Thank you ah?!" sabi ko habang bahagyang hinihilot ang balikat ko. Ang sakit nun ah?

"Nako Miss. Pasensya na. Nagmamadali kasi ako eh."

Titingnan ko sana siya para sabihing okay lang ngunit ako'y natulala sa kanyang kagwapuhan at dahil doon ako'y napanganga. Luuh! Nagiging makata na yata ako.

"Miss? Okay ka lang?" he snaped out na nagpabalik naman sa akin sa mundo.

"O-okay lang.."

"Sorry talaga ah?"

Nginitian ko siya at nagthumbs up para ipakitang okay lang ako. May huminto na namang jeep sa harap kaya sumakay na agad ako. Ayokong habambuhay akong magtatatayo dun no! Sayang lang ang ganda ko kung ipapangdisplay lang. Ang dapat nito ay ibalandra sa MALL!! (^O^)

"Excuse me.."

"Daan lang." tinatamad na sabi ko.

"Ah.. eh.. Tatabi ako. Wala nang upuan eh."

Saka ko lang narealize na siya pala yung nakabangga sa akin! Agad naman akong tumabi. Natamaan ko pa ng yung katabi kong manang na parang pinaglihi ata sa sama ng loob kaya ako'y kanyang pinagalitan! Hahaha.

"Saan ka pupunta Miss?" tanong nitong si Kuya Pogi habang nakatingin sa mga nagdadaanang sasakyan.

"Mall lang. Ikaw?"

"Ah! Sa terminal ako. Ihahatid ko lang ang kapatid ko. Nandun na siya. Bumalik lang ako kasi naiwan niya yung bag niya."

"Ah, kaya ka pala nagmamadali kanina? San pala pupunta ang kapatid mo?"

"Lilipat siya ng apartment na mas malapit sa school na papasukan niya."

Aaah, kaya pala nabangga niya ako kanina sa pagmamadali. Napatingin naman ako sa hawak niyang bag. Pink ang kulay nito saka may mga keychains na gitara, starfish at crab. May nakatatak din na Fiona sa bag na hawak hawak niya.

"Sigurado ka bang sa kanya ang bag na yan?" tanong ko sa kanya.

"Aaaah.. Oo?" nagtataka namang sagot niya. "Bakit?"

Umiling na lang ako. "Yung kapatid mo siguro sana ang naging roomate ko."

"Ah! Ikaw pala yun? May umokupa na pala sa kamang pinag'iwanan ng kapatid ko, kanina lang. Nakita kong nag'usap sila ni Manang Conchi kanina."

Aah, buti naman may makakausap na ako.

"Nasa iisang apartment lang pala tayo. Haha! I'm Lance Dean Soels."

Napangiti naman ako ng naaaaapakalawak sa sinabi niya. "Talaga?" tumango naman siya. "Donna, Donna Belle Magoncia." sabi ko at nagkamayan na kaming dalawa.. Yiiiie~ Pwede siyang isa sa mga magiging soulmate ko ^.^

Maya maya ay bumaba na ako dahil mas unang mararating ang Mall kesa Terminal. Nagpaalamanan na lang kami at sinabi niyang mag'uusap ulit kami sa apartment. Siya pa nga nagbayad sa pamasahe ko eh. Yiiieee~ kinikilig talaga akoooo! ^///^

Pumasok na ako sa mall at nagtitingin tingin. Bumili na rin ako ng mga gagamitin ko for school para hindi na hassle at craming pagdating ng pasukan. Saka, hindi pa masyadong matao kaya sinamantala ko na. ^___^

Habang naglalakad ako ay may nakita akong isang pamilyar na tao. At sa sobrang pamilyar niya ay kumukulo na ang dugo ko, nakikita ko palang siya. Ewan ko ba bakit kumukulo ang dugo ko sa kanya! Ah basta!

Naglakad pa rin ako at nilampasan ko siya. Narinig kong tinawag niya ako pero hindi ko siya nilingon.

"DONNA! LILINGON KA O BABATUHIN ULIT KITA?! And this time sapatos ko na ang ibabato ko sayo!" Nanlaki naman ang mata ko kasi ang boses niya is full of authoritation. Nakakatakot >.<

Dali dali ko siyang nilingon at nakita ko ang ngiting tagumpay niya bago siya tumakbo papunta sa kinatatayuan ko.

"Bingi ka ba talaga?"

"Hindi ako bingi. Sadyang ayaw ko lang makita ang pagmumukha mo o marinig man lang ang boses mo."

Hinawakan naman niya ang dibdib niya sa may part kung nasaan ang puso saka madramang yumuko, "Ouch. Sinaktan mo ang puso kong.. puso kong.. laging tapat sa'yo." kinanta pa niya yung huli niyang sinabi katulad sa tono ng Aegis na kantang 'Sinta'.

"Che! Tantanan mo nga ako Salvador!" sabi ko sa kanya sabay alis.

"Teka! Wait! Sandali!"

Bad trip na bad trip ko siyang nilingon. With matching death glare pa yan ah?

"Anoooo!?" sabi ko sabay dabog palapit sa kanya. Ginagamit na naman niya kasi ang puppy dog effin' face niya. Spell Eeew!

Teka. Bat nga ba ako lumapit nang nag puppy dog face siya? Ah. Eh. Kasi.. Kasi.. Kasi para hindi na siya magpuppy dog face ulit! DUH! Nakakasuka kayang tingnan. Hmp.

"Sama ako. Wala akong alam sa lugar na 'to. Tutal, iisa lang naman apartment natin! Pleeaase?" sabi niya ng naka pout. Aarrgh!! Bakit ba siya nagpapacute?! Ano bang problema nito at nagpapacute 'to? At bakit ba ako nagpapaapekto sa lalaking 'to? Argh! Kahit kailan ang landi niya talaga! >.<

Sa huli ay pumayag naman ako. Ipagsigawan ba naman sa lahat ng tao sa loob ng mall na masama akong tao? Na wala daw akong konsensya kasi iiwan ko daw siya kahit wala siyang alam sa pasikot sikot dito. Aargh! The nerve!

"Jan ka lang. Mag'c-CR lang ako. Pag ikaw nawala hindi na kita hahanapin pa at uuwi ako." pagbabanta ko sa kanya.

"Tss. Hindi ako aso." sabi niya tapos inirapan ako. Napataas naman ang isang kilay ko sa kanya. Bakla ba 'to?

Ginantihan ko na lang siya ng irap at pumasok sa CR. Nang makatapos ako ay nag'ayos muna ako. May bumangga naman sa akin na babaeng umiiyak. Tinanong ko siya kung okay lang siya. Tumango naman ito. Ang weird lang kasi may isang babae rin na kasama namin na nagbigay sa kanya ng panyo. Kitang kita sa mukha nito ang pandidiri sa babae. Nginitian naman siya nito. Ang weird. @.@

Nang lumabas ako ay nakita ko pa rin si Salvador na bagot na bagot na nakasandal sa gilid lang ng CR ng boys na katabi lang ng sa girls. HAHA! Hindi daw siya aso pero sunod siya ng sunod sa akin.

Nagdesisyon kaming kumain muna bago umalis. Lunch time na rin kasi. Habang naglalakad ay kinuha ko mula sa bag ko ang coin purse ko. Ito lang ang dala ko kasi hindi ko dinadala lahat ng pera ko. Yung estimated lang na pera na gagamitin ko ang nilalagay ko dito. Nako! Mahirap na kayang manakawan--

O___O

Dali dali akong tumakbo pabalik ng CR at hinanap ang mga babaeng kasama ko kanina pero wala.Next is hinanap ko sa mga walang lamang mga cubicle ang nawawala kong coin purse. Yes! Wala na sa bag ko ang coin purse pero the last time I checked bago kami nagkita ni Salvador nandun pa yun! Paglabas ko ay nakita ko si Salvador na hinihingal kakatakbo ata. Hindi ko na lang siya pinansin at pumunta agad sa pinakamalapit na guard station na nakita ko. Kinuwento ko kaagad sa kanila ang nangyari kanina sa CR.

"Ma'am mukhang nabiktima po kayo ng salisi gang. Ganun po kasi ang modus nila."

Nanlumo naman ako sa narinig ko. Pano na yan?! Wala na akong pera. Waaaah! Mommy! Daddy! Heellppp!

Nakita ko naman ang mga litrato ng Wanted at nakita ko ang mukha ng umiiyak na babae at yung nagbigay sa kanya ng panyo. Magkasabwat pala sila >.< Argh!

Tinuro ko sa mga guard ang mga babaeng yon at sinabi nilang sila na lang ang magrereport nun at tatawagan na lang nila ako kapag may balita na.

~~~~~

Kasalukuyang kumakain ngayon si Salvador. Hindi na lang ako nag'order at sinabi kong wala na akong gana kumain kahit gutom na ako. Di bale sa apartment na lang ako kakain kapag nakauwi na ako. The problem is.. HOW? Wala na akong pera pamasahe. Malayu layo pa naman ang byahe pauwi sa apartment.

Nakayuko lang ako nang may narinig akong ingay sa table namin. Pag'angat ko ng tingin ay nakita ko ang pagkain ni Salvador na hindi pa masyadong kinainan. Wait. Ano to?

Tatanungin ko sana siya nang bigla siyang nagsalita at inunahan ako.

"Kakain ka o iiwan kita dito? Tandaan mo, wala ka nang pera at ako lang ang pag'asa mo para makauwi ka. Kaya kumain ka kung ayaw mong iwan kita ditong gutom, mag'isa at walang pera.." he said with full authority. Tumahimik na lang ako at tinanggap ang kutsarang binigay niya. Siya naman, tinidor ang ginamit.

"S-salamat.." halos pabulong ko nang sabi at hindi ko alam kung maririnig niya ba iyon o hindi.

Saka ko lang naisip..

Miss Hopeless Romantic and Her Seven Signs

1. I would unexpectedly stay on the same apartment with him.

2. He would share his meal with me.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.ANO IBIG SABIHIN NITO?! O____O

Third sign :

? He would do anything that would stop me from doing something.

<(_ _*)>

"So pagkatapos nun, tumakbo ako! At dahil football player ako mabilis akong tumakbo! Ayun! Takbo. Takbo. Takbo." sabi niya habang gumagalaw na parang tumatakbo.

Hay. Kanina pa ako nandito sa living room ng apartment. Ewan ko ba kung bakit ako nandito! Three weeks after nung nanakawan ako, nahuli na rin ang may sala. Hindi na nila nasauli sa akin ang 5thou na perang nakuha nila. Hindi na rin ako nag'abala pang bawiin iyon. Makukulong na nga sila, kukuhanan ko pa ng pera ang pamilya nila? Alam ko namang ginawa lang nila iyon para may maipakain sila para sa pamilya nila. Kaya hindi na rin ako nag'abala. Hindi ko din pinaalam nina mommy ang nangyari. Dahil for sure, palalakihin niya lang ang kaso. OA yang mommy ko eh.

At sa loob ng tatlong linggong iyon, naging close ko na rin si Lance. Yung kapatid ng naging roomate ko sana na lumipat ng ibang apartment? Yes. Naging close na kami. Palagi pa nga kaming nagsheshare ng pagkain kasi tinatamad akong magluto, o kahit bumili lang sa labas. Ang sweet nga namin eh ^O^ Baka si Lance na ang nilaan ni Destiny para sa akin! Kasi diba? Mabait siya. Tapos yung Signs 1&2 tinuturo siya. Yiiieee.. Sana siya nga! Crush na crush ko na nga siya ee (*^0^*)

Well, on the other hand.. Eto namang si Salvador palagi akong kinukulit. By the FREAKING way, siya na ang umuukupa ng bakanteng lugar sa kwarto ko. I mean, WHAT THE HELL IS THAT diba? Ngayon naman, binablack mail pa niya ako kasi daw nilibre niya ako nung nanakawan ako. Kapag tinatanong ko naman sa kanya kung magkano ang utang ko hindi naman siya sumasagot. Instead, ito ang sinabi niya :

"Kailangan ko lang ang oras mo. Na kapag kailangan kita, iiwan mo ang lahat ng ginagawa mo, samahan mo lang ako."

Tapos ngayon, ito lang ang ginagawa niya, kinukwento lang niya yung kung paano niya tinakbuhan ang isang guard sa maliit na mall kasi natamaan niya ng bola ang ulo ni kuya guard. =____=

"Hoy! Nakikinig ka ba?!" inis na sabi niya sa akin.

"OPO MASTER! Mabilis kang tumakbo tapos sa bilis mo ay nadapa si manong guard kakahabol sa'yo. I get it! Ang hindi ko lang magets ay kung bakit ko iniwanan ang pagrereview para sa entrance exams para lang makinig sa kwento mo. Can you please explain?" kasi naman gusto kong makapasa no! Pumunta pa talaga ako dito after graduation para lang makasali sa mga review sessions sa degree program na kukunin ko tapos hindi ako makasali ngayon kasi gusto niyang samahan ko siya?! Argh! Hindi ko na talaga alam ano ang gagawin ko sa kanya >O<

Napakamot naman siya ng ulo niya, "Eh ayoko namang magsalita ako dito mag'isa! Saka, hindi mo naman kasi kailangang magreview kasi alam kong makakapasa ka na. Ang talino mo kaya!" sabi niya saka umiwas ng tingin.

O///O

*DugDugDug*

Luuuuh! T-tama ba yung naramdaman ko? Lumakas ang tibok ng puso ko? Bakit?! Oh bakit?! Dahil ba unang beses niya akong pinuri ng ganoon? B-baka nga. Oo, first time niya lang sabihin iyon sa akin kaya ganun na lang ang reaksyon ko.

"Oh ano? Pwede ko na bang ituloy ang kwento ko?"

Tumango na lang ako at nagsimula na naman siyang magkwento ng tungkol sa alaga niyang si Porky na isang Hamster. Hamster nga yung pet niya tapos Porky ang itatawag?! Nang'iinsulto ba siya?

Habang patuloy siya sa pagkukwento ng talambuhay ng kanyang alaga ay biglang dumating si Lance.

^/////^

Yiiieee!

Ang hot niya pala kapag wetlook. Kahit na pawis na pawis siya at basang basa ang kanyang sando sa pawis nito ay ang pogi pa rin niyang tingnan. Lumingon naman siya sa akin at kinindatan ako.

*heart palpitation alert!! heart palpitation alert!!heart palpitation alert!!*

Nginitian ko na lang siya para hindi obvious na kinikilig ako (*^?^*) Dumako naman ang mga mata niya sa katabi kong panay pa rin ang kwento. Hindi na niya napapansin na hindi na ako nakikinig sa kanya. HAHA! Hindi ko naman relate ang sinasabi niya kasi hindi ako mahilig sa pets. Binalik ko ang tingin ko kay Lance na nakasimangot. Ayy! Ang cute niyaaaaa *0*

"Huy! Tulala ka jan? Sinong tinitingnan mo?" sabi niya nang mapansin niya SA WAKAS na hindi ako nakikinig sa kanya. Paglingon naman niya sa kinatatayuan ni Lance ay nawala na ito. Baka naligo na.

"Hay nako! Kwento ka na dalii! Para maubusan ka na ng maikukwento sa akin at tatantanan mo na ako!" sabi ko sa kanya.

Sumimangot naman siya tapos may binulong,

"hindikohahayaangmangyariyundahilwalanaakongmairarasonparamakasamakita"

"Ha?"

Umiling naman siya, "Wala. Sabi ko, magkukwento na ako. Alam mo, Yung pusa naming si Bogart palaging inaaway si Porky! Gusto niya atang kainin eh.." nag'pout siya tapos kumunot ang noo niya nang inaalala niya iyon. Pusa tapos Bogart ang pangalan? Luuuh. Hindi ba pang'aso yun?

Kinamot ko na lang ang pisngi ko dahil sa frustration. Maya maya may biglang humila sa braso ko tapos itinakbo ako palabas ng apartment at palayo kay Salvador na nagsisisigaw na doon.

Tiningnan ko naman ang kamay niyang nakahawak sa braso ko at nakita ko ang tribal tattoo na nakaguhit sa paligid ng pulso niya. Dun pa lang ay alam ko na kung sino ito kaya napangiti ako ng malawak at sumabay sa kanya sa pagtakbo.

Hingal na hingal kami nang nakalayo na kami sa apartment. Tawa naman siya ng tawa habang ako ay naghahabol pa rin ng hininga ko.

"Grabe! If you could just see the look in his face! Belle it was priceless!" tumatawa pa ring sabi niya saka umupo sa gutter ng isang tindahan na hinintuan namin.

"HAHAHA! Oo nga! Grabe, bagot na bagot na nga ako dun habang siya enjoy na enjoy sa pagkukwento niya dun sa hamster niyang si Porky at ng pusa niyang si Bogart! Buti na lang hinila mo ako Lance!"

Ginulo naman niya ang buhok ko, "Ano ka ba! I'll do everything to stop you from doing something... BORING"

Napaisip naman ako sa sinabi niya.

Miss Hopeless Romantic and Her Seven Signs :

1. I would unexpectedly stay on the same apartment with him.

2. He would share his meal with me.

3. He would do anything that would stop me from doing something.

.

.

.

.

.

.

.

.OH MY GOSH! FOUR MORE TO GO si Lance na talaga ang magiging soulmate ko at ang nilaan ni Mr. Destiny para sa akin!

Fourth Sign :

? He would sing my favorite song infront of me.

"Lumipas na ang isang taon.. Yes, isang taon bago nangyari ang fourth sign.." pagkukwento ko sa kaibigan kong si Divine. Kanina pa kami natapos mag'usap ni James at nakita ko naman si Divine dito sa pier. Sasakay kasi ako ng barko pabalik sa lugar na tinitirhan ko habang nagsschool pa ako. Bukas na kasi ang pasukan para sa second sem kaya ngayon na ako uuwi. Sasakay din pala si Divine kasi may pupuntahan siya doon kaya nagkwentuhan kami.

"So, ano na ang nangyari?" tanong niya na may halong kuryosidad.

Bumuntong huminga ako at dinugtungan ang kwento ko.

Malapit na ang finals ko at kailangan ko nang mag'aral ng mabuti para makakuha ako ng mataas na score. I never settle for 'okay' instead, I want everything to be 'better' especially in Acads kaya nag'aaral ako ng mabuti ngayon dito sa kwarto. Si Salvador naman nasa baba nakikipag'asaran at kantahan sa iba pa naming kasama sa apartment. Kasama kaya dun si Lance?

"Hindi kami friends, hindi din kami enemies" yan ang palaging sinasabi sa akin ni Salvador. Ewan ko ba kung bakit ang init init ng dugo niya kay Lance. Mabait naman siya sa lahat. Saka, crush ko siya!

Oo! Bias na kung bias basta crush ko siyaaaaa! *O*

*Bogsh*

Hindi na ako lumingon sa pinto. Alam ko naman kung sino yun eh. Siya lang ang nangahas na reypin ang doorknob ng pinto nung hindi niya mabuksan kasi nilock ko kaya ngayon, kapag papasok siya at alam niyang nasa loob ako ay binabalibag niya ang pinto. tss. paranoid =____= Namemorize ko na ang galaw na yan, tapos sisigaw siya, 'Hoy Donna! Kailangan ko ang oras mo! Iwan--'

"Hoy Donna! Kailangan ko ang oras mo! Iwan mo yan kundi.."

=_____= sabi na nga ba.

"Hindi mo na ako matatakot sa mga ganyan mo Salvador!" sabi ko sa kanya.

Napakamot naman siya ng ulo niya, tapos bumuntong hinga siya tapos sumimangot sabay sabi, "Nasa baba si Soels, ayaw mo ba siyang makita?" feeling ko labag sa loob ang pagkakasabi niya nun eh. FEELING ko lang ah!

Narinig ko naman ang pangalan niya kumaripas na ako ng takbo pababa sa sala na kinikilig. Yiiieee Lance! Hohohoho *O*

?? Coz I love her with all that I am. And my voice shakes along with my hands.. ??

Napatigil naman ako sa narinig ko. Out Of My League. My favorite song. Bumaba na ako ng hagdan at nakita kong nagtatry mag'gitara si Lance habang kumakanta ng Out of my League. Napatingin naman siya sa dako ko at napangiti habang patuloy na kumakanta pero nakahawak na lang siya sa gitara.

?? Coz she's all that I see and she's all that I need and I'm out of my league once again..??

Miss Hopeless Romantic and Her Seven Signs :

1. I would unexpectedly stay on the same apartment with him.

2. He would share his meal with me.

3. He would do anything that would stop me from doing something.

4. He would sing my favorite song infront of me.

Lumapit ako sa kanya at ngumiti habang kumakanta pa rin siya. Three signs na lang.. Konting hintay na lang Donna, makukuha mo na ang happy ending na inaasam mo. Konti na lang,

"Sus. Di ka naman marunong mag'gitara eh! Ang weak mo naman Soels! Akin na nga yan!" pagputol naman ni Salvador sa kanta saka kinuha ang gitara. Pinatong niya ang kanang paa niya sa mesa saka don pinatong ang gitara. Magkaharap kami ngayon. Nagstart na siyang mag'strum at tumingin sa mga mata ko.

?? It's her hair and her eyes today. That just simply take me away. And the feeling that I'm falling further in love makes me shiver but in a good way.

All the times I have sat and stared. As she thoughtfully thumbs through her hair.

And she purses her lips, bats her eyes and she plays, with me sitting there slack-jawed and nothing to say..??

Nakatingin lang siya sa akin. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Ewan, kaba ba talaga 'to? S-siguro kaba lang. Kasi may *dugdugdugdug* na naman kasi akong nararamdaman sa dibdib ko eh. Kinakabahan lang ako! He-he-he.

?? Coz I love her with all that I am. And my voice shakes along with my hands. Coz she's all that I see and she's all that I need and I'm out of my league once again..??

Tapos tumingin siya sa gitara. Hindi ko alam pero isang matamis na ngiti ang kumawala sa labi ko. Napalingon naman ako sa mga nagkakantyawan sa paligid. Huh? May kasama pala kami? Akala ko kami lang. *kamot ulo*

Nilingon ko din si Lance na nakakunot ang noo. Napataas naman ang kilay ko. Anong problema niya?

?? It's a masterful melody. When she calls out my name to me. As the world spins around her she laughs. Rolls her eyes and I feel like I'm falling but it's no surprise..??

Siguro sa lahat ng ginawa ni Salvador. 99 percent ang nakakainis at 1 percent lang ang nakakatuwa. At isa na 'to sa 1 percent na sinasabi ko.

?? Coz I love her with all that I am. And my voice shakes along with my hands. Coz she's all that I see and she's all that I need and I'm out of my league once again..??

Habang nagsstrum siya nakatingin lang siya sa akin. Medyo naiilang ako pero.. Parang hindi ko magawang umiwas sa kanya. Para bang kapag iiwas ako, pagsisisihan ko 'to sa buong buhay ko.

"Wow! Ang galing mo pare! Ako naman." sabi naman ni Lance nang matapos ni Salvador ang kanta. May halo namang something na hindi ko matukoy ang pagkakasabi niya non. Ngumiti lang si Salvador sa akin at binigay kay Lance ang gitara. Bumalik uli sa dati ang lahat.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.Na parang hindi huminto ang mundo ko nang kantahan NIYA ako.

Fifth Sign :

?He will make me fall in love with him.

Andito ako ngayon sa beach. May outing kasi ang Class namin. Actually hindi siya outing. May outdoor activity kami. Kailangan lang naming obserbahan ang mga tao sa paligid. Kung ano sila the way they walk, their simple gestures, and stuff like that. Bonus na lang ang beach outing. Dito ako naka'asign sa seaside na may maraming nakatambay sa kani-kanilang cottages o di kaya'y nagsusunbathing. Ako nakaupo lang sa buhanginan sa ilalim ng coconut tree. Naka'two piece din ako katulad ng karamihan pero nilagyan ko ng see-through na dress para naman hindi showy. Nakakabagot nga kasi wala akong kaclose sa mga kasama kong na'asign dito.

Dalawa o tatlong linggo na ata ang nakalipas nung nagkaroon ng kantahan session sa apartment at mas naging makulit sa akin si Salvador. Kaso soooobra pa rin niyang conceited. Kesyo ang gwapo gwapo niya daw, kesyo ang bilis niyang tumakbo kasi football player daw siya. Mga ganun! Hindi naman nakakainis pakinggan, actually natutuwa nga ako sa kanya. May ganun pala siyang side. Madaldal at makulit. Kasi noon, ang manyak manyak niya eh. Nangkikiss ng girls bigla! Buti hindi ako nabiktima nun, kasi kapag lalapit siya sa akin aalis agad ako at lumalapit kay Jeerian o di kaya'y kay Lhennie. Hahaha! Ngayon naman, mas gumaan ang loob ko sa kanya. Mas naging sweet din siya sa akin pero minsan nanghihingi siya ng kapalit =___= Pero okay lang, nakakatuwa naman siya eh.

"Donna! May naghahanap sa 'yong pogi!" narinig kong sumigaw ang isa kong kaklase na si Almira.

Tumayo naman ako at pinagpag ang mga dumikit na buhangin sa binti at hita ko. Tinanong ko kung sino yun pero ayaw sabihin. Secret daw muna. Luuuh? Pano na lang kung masamang tao yun diba? Isusumbong ko talaga si Almira kay mommy kasi hinayaan niya ako sa isang stranger!

Magsasalita pa sana ako para sabihing wag niya akong iwan pero napatigil ako nang may nakita akong isang pamilyar na bulto ng katawan. Nakatalikod siya at may kausap na receptionist. May nakita naman akong bulaklak at kung anong bagay na nasa paper bag. Napangiti naman ako sa nakita ko. Talagang ginagawa niya ang lahat para mapaibig niya ako.

Yan ang sinabi niya sa akin kinagabihan nung nagkaroon ng kantahan. Pinayagan ko naman siya kasi wala namang masama saka gusto ko na ring sanang subukan ang sinasabi nilang 'Love' tandang tanda ko pa ang sabi niya nung gabing iyon :

"Donna Belle Magoncia, I really like you, and I'll do everything and anything for you to like me, too. I'll make sure of that.."

Lumingon siya sa akin at tinanggal ang suot suot niyang shades. Bagay na bagay sa kanya ang polo shirt saka white denim shorts. May itim na relo naman sa kaliwang kamay niya na natatakpan ang tattoo sa pulso niya. Kumaway naman ako sa kanya,

"Lance!"

"Shet Donna! Ang pogi ng manliligaw mo! Sagutin mo na yan! Sige ka, baka masulot ko yan sa 'yo. Kung ang mag-asawa nga may KABIT, ang mag'boyfriend may OTHER GIRL ang nagliligawan naman ay may ALMIRANG-MANG'AAGAW-KAPAG-HINDI-SINAGOT-NI-DONNA-SI-POGI."

Napailing naman ako sa sinabi niya habang tumatawa. Ibang klase talaga 'tong babaeng 'to. Masyadong mahilig sa BOYS! Lumapit naman ako sa kanya. Kiniss niya ako sa cheeks na kinakilig ko naman. Hihihi!

"Ano yan?" sabi ko saka tinuro ang kulay white paperbag na may design na pink hearts.

"Chocolate. Binili ko para sa 'yo. Alam ko kasing mahilig ka sa ganyan kaya nung dumaan kami ng mga kaibigan ko sa mini stop habang bumabiyahe kami papunta dito, binilhan na kita."

Napangiti naman ako sa kanya. Ay! Oo nga pala. Nagshift siya ng Psychology kasi hindi niya kinaya ang Med Tech. Mas gugustuhin niya daw mag'aanalyze ng mga damdamin at isip ng tao kesa sarili niyang isip ang babasagin sa kakagawa ng projects sa Med Tech. Loko talaga yun!

Buong araw palagi lang kaming magkasama ni Lance. And yes, almost three weeks na akong nililigawan ni Lance. Kinilig nga ako ng sobra ee :">

"Kamusta naman sa apartment? Hindi ba ginugulo ni Salvador ang mga gamit ko?" tanong ko sa kanya.

Kasi nag'overnight kami dito ng mga kaklase kong babae para makapag'enjoy kami sa beach kasi alam naman naming hindi namin ma'eenjoy ang beach ngayon.

"Okay lang. Ewan ko ba sa taong yun. Ang init init ng dugo sa akin! Hahaha. Saka, alam mo ba? Nagdala siya ng babae kanina."

"WHAT?!" What the- gago ba siya?!

"Oy chill. Normal lang sa mga lalaki ang magdala ng babae sa bahay nila. Hmm? Girlfriend niya kaya yun? Ang sweet nga niya sa babae eh."

Kumunot naman ang noo ko. Sweet? Ganun ba siya sa lahat ng babae? Sweet?! Pati sa akin?! Ganun ba ang trato niya sa lahat ng babae? Gago ata sya eh! Baka.. baka.. May,

O_______O

"W-wala naman siguro silang ginawang kababalaghan s-sa kwarto namin diba?" huh? parang ang weird ng pagkakasabi ko dun. O_o

Nagkibit balikat lang siya, "Ewan. Alam mo naman kaming mga boys.. Hindi makakapagpigil." sabi niya saka ngumiti ng nakakaloko. Kumunot naman ang ulo ko sa sinabi niya. Subukan lang gawin ng Salvador na yun! Hinding hindi talaga siya makakapasok sa kwarto! Sa sala talaga siya matutulog! Bahala siya!

Huh? Parang ang weird ng sinabi ko. Napapansin niyo ba? Aish! Forget it. Ang iisipin ko muna ngayon is yung panglalandi ng gagong Salvador na yun!

Iniwan ko muna si Lance tapos bumalik ako sa hotel room ko. Tatawagan ko si Salvador para masigurong hindi nila babahiran ng kung anong kalandian ang kwarto ko! Please! Kung gagawin nila yan, kahit.. kahit saan wag lang sa kwarto namin! Aish!

Napalunok naman ako sa naisip ko. Kinuha ko ang phone ko at hinanap ang number ni Salvador.

Ren Bryan Salvador

+639123456789

Call - Send SMS - Edit Contact - Exit

Ano ba 'tong ginagawa ko? Eh ano naman sa akin kung magss.x sila sa kwarto ko? Eh kwarto niya rin naman yun. He can freely do whatever he wants in our room. Besides, hati kami sa kwartong yun. Wala akong karapatang magalit... diba?

Binalik ko na lang ang cellphone ko sa bag ko at nagsimulang maglakad palabas ng hotel room ko.

Bumukas na ang elevator at nakita kong walang tao. Parang nagdadalawang isip akong pumasok ng elevator. Nakatayo lang ako sa harap doon hanggang sa may mag'boyfriend na foreigner na pumasok doon. Tiningnan nila ako at tinanong ako nung babaeng blonde ang buhok.

"Miss are you taking the lift?"

Sasakay ba ako, o.. Hindi?

"Miss? Are.. you okay?"

Tiningnan ko siya at tumango..

"Will you take the elevator?"

Ngumiti naman ako sa kanya. "No, sorry for waiting."

Ngumiti naman silang dalawa at may pinindot naman ang kasama niyang lalaki saka nagsarado ang ang pintuan ng elevator.

Tumakbo naman ako pabalik ng hotel room ko at kinuha ang phone ko para tawagan si Salvador.

Calling Ren Bryan Salvador...

Matagal bago nasagot ang tawag.

*click!*

"Hoy Salvado--"

(Hey, Aimee. Chill ka lang..)

(Oh c'mon Bryan. I know you want this. That's why I'm seducing you. Don't you get it?)

(Aimee, listen. May maha--)

(hmmm...)

Nanigas ako sa sa kinatatayuan ko. I hear moans sa kabilang linya. Pinatay ko kaagad ang tawag. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Galit? Hiya? Sakit? Lungkot? Hindi ko alam! Naguguluhan na ako sa sarili ko! Hindi. Hindi ko dapat maramdaman 'to. A-ayoko. Ayoko sa nararamdaman ko ngayon.

Napaupo ako sa sahig dahil hindi ko na nakayanan ang lambot ng paa ko. Tinakpan ko ng dalawang kamay ko ang mukha ko.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.At umiyak.

Sixth Sign :

?He will be my knight in shining armor.

Napatingin ako sa dagat. Pagkatapos kong maikwento kay Divine ang tungkol sa Fifth sign, tinawag siya ng kasama niya kaya umalis na siya kahit gustong gusto niya pang makinig sa sixth at seven signs.

Buti na rin at hindi ko na kailangan pang ikwento yung nangyari seven days before..

Kakatapos ko lang gumawa ng project ko sa isang subject namin. 2nd Year College na pala ako. So far hindi naman mahirap ang mga subjects ngayong Second year.

Sa loob ng isang taon, maraming nagbago. Tulad ng pagtrato ni mommy sa akin na parang bata. Minsan nagsusumbong pa rin ako sa kanya pero kadalasan hinahayaan niya lang ako na ang maghanap ng solusyon sa problema ko. May mga umalis na rin sa apartment, at may bago naman. Ina'ate na nga ako dito eh. *pout* Pero okay lang, atleast may mga bago akong friends.

May mga hindi naman nagbago, tulad ng panliligaw sa akin ni Lance. Hindi ko pa rin siya sinasagot. Hindi ko rin alam kung bakit. Crush ko naman siya pero hindi ko talaga feel na sagutin siya. Sabi naman niya maghihintay pa rin daw siya.

Then there's my roomate Ren Bryan. Yup! Hindi ko na siya natatawag na Salvador. Wala lang! Para maiba naman. Okay naman kami. Friends pa rin. Pero hindi ko inoopen up sa kanya yung narinig ko sa phone a year ago. Para kasing.. bumabalik ang sakit na naramdaman ko nung narinig ko iyon. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon apektadong apektado pa rin ako kapag nakikita ko siyang may kasamang babae. Hindi kaya..

Gusto ko na siya?

Si-siguro.. Hindi naman imposibleng mangyari yun diba? Kasi, hindi ako magrereact ng ganun kung wala akong feelings sa kanya. At hindi pa sana maghihintay hanggang ngayon si Lance. Naaawa nga ako sa kanya eh. Nararamdaman niya ata na iba na ang pagtingin ko kay Ren Bryan. Hay. Siguro nga. Gusto ko na siya. Sana man lang may mapapala ako dito.

Naalala ko naman ang sinulat kong signs sa maliit na notebook ko.

Miss Hopeless Romantic and Her Seven Signs :

1. I would unexpectedly stay on the same apartment with him.

2. He would share his meal with me.

3. He would do anything that would stop me from doing something.

4. He would sing my favorite song infront of me.

5.He will make me fall in love with him

6. ---

Teka.. Ano nga ba ulit yung number six? Matagal na rin mula nung huli kong tiningnan ang notebook. Never ko nang nakita yun mula nang nakauwi kami ni Ren Bryan galing mall nung nanakawan ako. Bigla bigla na lang siyang pumasok sa isip ko kapag nangyayari ang sign. Baka kung saan saan ko na lang yun nilagay! Naku! Baka may nakakita nun!

Halaaaaa! Baka.. Baka si.. Ren ang nakakita nun! Nakooooo! Wag naman sana! Siguradong aasarin ako ng aasarin nun! Patay talaga akoooo!

Dahan dahan akong naglakad papunta sa kama ni Salvador. Oo Salvador ulit ang tawag ko sa kanya kapag naiinis ako, or naaasar. At ngayon pinaghalong asar at inis ang nararamdaman ko ngayon. Hindi sa kanya kundi sa sarili ko! Waaah! Pano kapag nasa kanya nga?

Umupo ako sa kama niya ay chineck kung nasa ilalim ba ng mg unan niya. Hmmmm... Ang bango ng bedsheets. Amoy.. Amoy Salvador ^O^ hihihi!

Tiningnan ko naman sa mga drawers sa side table niya. Kumunot naman ang noo ko nang may nakita ako sa pinakaibabang drawer. Picture. Of me.. and Him.

Eto yung time na pinilit nila akong makipagblind date nung Valentines and to my surprise sa kanya ako binlind date. Pinicturan pa nga kaming dalawa after almost thirty minutes na pagkakakulong sa amin. At eto yung picture na yun.. Binigyan kami ng tig'iisang copy pero pinunit ko yung akin. Nakasmile kaming dalawa pero yung smile ko, tipid. Siya naman abot tenga ang ngiti. Naka peace sign pa nga siya eh. Tapos ako nakahalukipkip lang at ang isa niyang kamay ay nakaakbay sa akin. Tinago pala niya ito?

Tiningnan ko naman ang likod kung may nakasulat bang caption pero wala. Date lang saka smiley face na parang gulat yung ganto >> O__O Loko talaga yung lalaking yung ah! Masapak ko nga yun pagdating niya.

"ehem"

Nagulat naman ako nang may biglang tumikhim sa likod ko. Paglingon ko, nakita ko si Lance na nakasandal sa nakasaradong pinto. Parang wala siya sa sarili niya at ang pula pa ng mga mata niya. Narinig kong may nag'click at narealize kong lock pala yun ng pinto. Kumunot naman ang noo ko nang narinig ko iyon. Bakit niya niLock ang pinto?

"L-lance.."

Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako nang papalapit siya sa akin. Hindi siya nakatingin sa mata ko pero nakatingin siya sa litratong hawak hawak ko. Nakaupo kasi ako sa kama at siya nakatayo na sa harapan ko.

"Siya ba?"

"ha?"

"Siya ba ang dahilan kung bakit hindi mo ako masagot sagot? HA?!" napapikit ako nang sumigaw siya. Hindi siya ang Lance na kilala ko. Ang Lance na kaibigan ko.

"Tell me Belle, si Bryan ba ang dahilan kung bakit isang taon mo na akong hindi sinasagot?!"

Hinawakan niya ang magkabilang braso ko nga mahigpit na mahigpit.

"L-lance.. Nasasaktan ako.."

"Ikaw?! Nasasaktan?! MAS NASASAKTAN NGA AKO SA'YO EH! Pinagmukha mo akong tanga Belle! Alam mo ba kung gaano kasakit iyon?!"

Naaamoy ko naman ang alak mula sa bibig niya. Kaya pala wala siya sa tamang hwisyo. Lasing pala siya.

"I-i'm sorry, pero lasing ka na. Bu-bukas na lang tayo mag'usap Lance.."

tumawa naman siya ng mapait, "Hah! Bukas? Bakit hindi ngayon Belle! I want it NOW!" napaigsi ako nang sinigawan niya ako. Natatakot na ako. Mas lumalakas na ang pintig ng puso ko nang nag'iba ang tingin niya sa akin. Nakakakilabot.

Yumuko naman siya, "S-sorry.. Hindi ko sinasadyang takutin ka. I'm sorry, I'm sorry.. Promise, kakalimutan ko ang lahat, sabihin mo lang na ako ang mahal mo at hindi yung Bryan Salvador na yun! Please, be my girlfriend and I'll forget everything you did to hurt me."

Naiiyak na umiling ako, "Gustuhin ko mang mangyari yun pero ayokong maging unfair Lance. Si-si Ren Bryan ang gusto ko. At siya ang mahal ko, mahal rin naman kita pero bilang kaibigan lang. Hindi ko naman magawang sabihin sa iyo yun kasi palagi mong pinuputol iyon kapag nagtatangka ako, I'm sorry pero hindi ko magagawa ang hinihingi mo.."

Napa'aray naman ako nang mas hinigpitan niya ang hawak niya sa braso ko.

"F*ck!" sigaw niya tapos tinulak ako pahiga sa kama. Nakita ko naman ang grabeng pamumula ng braso ko sa ginawa niya.

"Lance.. Please, kung ano man ang iniisip mo, wag mong ituloy! Maawa ka,"

Hindi niya ako pinakinggan sa halip ay may dinukot siya mula sa likurang bulsa niya. Nanlaki naman ang mata ko nang makita ko iyon..

Ang Notebook ko..

"F*ck! Sinunod sunod ko pa naman halos lahat ng nakasulat sa pesteng notebook na 'to tapos gagantuhin mo lang ako?! The hell Belle! Unang kita ko palang sa 'yo nung bagong dating ka pa lang sa apartment gusto na kitang makilala pa. Kaya nung kinuha ko yung bag ng kapatid ko sa kwarto niyo, nakita kong may notebook sa sahig sa gitna ng mga kama niyo. Akala ko kay Lydle yun pero nakita ko ang pangalan mo. Sinunod ko halos lahat ng nakasulat jan pero anong napala ko? WALA! F*ck lang! F*ck lang Belle!"

Nagsimula na akong umiyak. Kaya pala, sa kanya tinuturo ang mga signs kasi simula pa lang alam na niya ang tungkol dito. Pero mali. Hindi niya dapat malaman yun dahil hindi mangyayari ang inaasahan ko kahit pa magawa niya lahat ng signs. Yun yung nakasaad sa huling part ng notebook ko.

"Kung noon sinunod ko ang nasa notebook mo, ngayon susundin ko na ang kung ano ang nasa isip ko!"

Pumaibabaw siya sa akin at nagsimulang halikan ang leeg ko. Pinipigilan niya ang mga kamay kong nagpapapalag. Nililikot ko ang ulo ko pati katawan ko pero hindi ko siya kaya, masyado siyang mabigat.

Lumuwag ang pagkakahawak niya kaya nagkaroon ako ng chansang itulak siya. Nang naitulak ko siya ay tumakbo ako papunta sa pinto. Napihit ko pa nga ang door knob pero nahila na niya ako bago ko pa mabuksan iyon. Tinulak niya ulit ako sa kama and this time inipit na niya ang dalawang binti niya sa hita ko para hindi ako makatakas.

"Lance.. Please.. Maawa ka sa akin Lance! Kaibigan mo ko.." nagawa ko pang sabihin yon sa kabila ng malakas na paghikbi ko.

"Maawa?! Bakit? Hindi ka ba naawa sa akin Belle? Saka, hindi kita kaibigan. Dahil AKIN KA LANG! Tandaan mo Belle, AKIN KA LANG!"

Napaiyak na ako nang sinabi niya iyon. Mariing hinalikan niya ako hanggang sa may nalasahan na akong dugo. Hindi na talaga siya ang mabait na Lance na crush ko dati. Hindi na siya ang masayahing Lance na nakikipagtakbuhan sa akin kapag tumatakas ako kay Ren Bryan. Hindi na siya ang Lance na nakilala kong may respeto sa mga babae. Hindi na siya si Lance na kaibigan ko.

Unti unti nang sumusuko ang katawan ko dahil sa pagod. Pero pilit ko parin siyang nilalabanan hanggang sa hindi na kinaya ng katawan ko. Iyak na lang ako ng iyak nang lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin. Patuloy pa rin ang paghalik niya sa mukha at leeg ko habang unti unti niyang tinatanggal ang butones ng suot kong blouse. Naiiyak na pinikit ko na lang ang mga mata ko dahil pagod na ang katawan kong lumaban. Sana lang marealize ni Lance ang mali ang ginagawa niya sa akin..

*Bogsh!*

"DONNA!"

Bigla na lang nawala sa ibabaw ko si Lance at naramdaman kong may nagtakip ng katawan ko. Minulat ko ang mata ko at nakita ko ang nag'aalala at galit na mukha ng taong mahal ko.

"R-ren Bry..an"

Mahigpit na niyakap ko siya at umiyak sa balikat niya. May humawak naman kay Lance at nakita ko ang gulat na hitsura niya at kitang kita sa mga mata niya ang pagsisisi.

"Kailangan ko ang oras mo kaya itigil mo ang ginagawa mong pag'iyak kundi.. Iiwan kita dito.."

Mas napalakas pa ang pag'iyak ako nang sinabi niya iyon. Hinahagod hagod niya ang likod ko at nilingon si Lance na umiiyak na rin..

"Belle, B-belle, I'm sorry.. H-hindi.. Hindi ko--"

*bogsh* *bogsh*

Hindi na niya tinuloy ang sinabi niya nang bigla siyang sinuntok ni Ren Bryan ng dalawang beses. Tapos biglang nagsalita si Ren Bryan.

"Hindi ko alam kung anong nakain ko nang pinaubaya ko siya sa iyo."

Hindi na niya pinagsalita pa si Lance at umalis na siya, kasama ako.

"Okay ka lang? Hindi ka ba niya nagalaw?" sabi niya habang tinitingnan ang braso, balikat at mukha ko. Nakita naman niyang dumudugo ang labi ko. Napangiwi naman siya habang pinupunasan iyon. Tinitingnan naman niya ako sa mata pababa, hanggang sa--

"Wow! Nice boobs!"

O_______O

"Waaaah! Manyak!" sabi ko saka pinapalo siya. Tumatawa naman siya habang sinasangga ang mga palo ko.

Sa halip na magalit o mainis ay natawa na lang ako. Atleast ay nakalimutan ko ang masakit na nangyari kanina.

Miss Hopeless Romantic and Her Seven Signs :

1. I would unexpectedly stay on the same apartment with him.

2. He would share his meal with me.

3. He would do anything that would stop me from doing something.

4. He would sing my favorite song infront of me.

5.He will make me fall in love with him.

6. He will be my knight in shining armor.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

He is indeed my Knight in Shining Armor.

Seventh Sign :

?Seven days after, he would confess his feelings for me.

Pagod na pagod ako nang makarating ako sa apartment. After kasi ng nangyari seven days ago, bumalik muna ako sa hometown ko, para magpalamig. Gusto sana akong samahan ni Ren Bryan pero hindi ko siya pinayagan. Gusto ko munang mapag'isa. At ngayon, umuwi na ako dahil nalilinawan na ako.

Kaya siguro ako nagkagusto non kay Lance kasi Belle ang tawag niya sa akin. Yan kasi ang tawag sa akin ng Daddy at kuya kong.. Namatay na dahil sa aksidente. Sila lang kasi ang tanging nagpoproktekta sa akin kapag may umaaway sa akin. Kaya nung unang beses niya akong tinawag ng Belle, naramdaman ko ulit ang pagiging safe. Na kapag madadapa ako ay nandyan siya para iligtas ako. Pero, mukhang siya pa ang naging dahilan ng pagkakadapa ko sa buhay. Muntik na akong ma'rape at alam nina mommy iyon dahil tumawag si Nay Conchi, ang land lady ng apartment. Isa rin yun sa dahilan kung bakit ako umuwi. Gusto sanang sampahan ni Dad ng kaso si Lance pero ako na mismo ang pumigil sa kanya. Sa kabila naman kasi ng ginawa niya ay nangingibabaw pa rin ang pagiging kaibigan ko sa kanya at alam kong nagsisisi na siya sa ginawa niya.

At ngayon, sa pagbabalik ko sa apartment ay isang sign na lang ang hinihintay ko-- ang pag'amin ni Ren Bryan ng nararamdaman niya para sa akin. Pero, ang tanong.. May nararamdaman nga ba siya sa akin? O baka, bilang kaibigan lang rin ba ang pagtingin niya? Hay. Ngayong araw ko na malalaman ang totoo.

Napansin ko namang ang tahimik sa apartment. Asan ang mga tao dito? Kumunot naman ang noo ko at tumigil sa may hagdan. Bago ko ituloy ang pag'akyat sa hagdan ay tumingin akong muli sa sala. Still mo sign of them. Ano na naman kayang trip 'to? Mag'aalas tres na ng hapon pero walang tao sa apartment?

Napakamot na lang ako ng ulo ko at umakyat na sa kwartong inuupahan ko.

Napatigil uli ako nang nakitang kong bahagyang bukas ang pinto. Napataas naman ang kanan kong kilay nang may narinig pa akong bulungan na nanggaling sa loob.

Napangisi naman ako. Buking na sila sa surprise nila! Hahaha!

I pretended I didn't see or hear anything from inside at pumasok.

"Ang dilim naman ata dito?" sabi ko nang mabuksan ko ang pinto. Hindi ko naman mapigilan tumawa ng mahina habang kinakapa ang switch. Tapos kinalma ko ang sarili ko tapos binigyan sila ng...

*click*

"SURPRIIISEEEEEE ?(^?^)?"

-________- <<< Ako yan

(^O^) <<< Sila yan

Narinig ko namang bumulong ang isa kong kaibigan na si Kadang, "Sabi ko sa inyo hindi siya masusurpresa eh!"

Sinagot naman siya ni Melan, "Eh si Kuya Bryan kaya ang may pakana nito!"

Binatukan naman ni Leonelyn at ni Kim si Melan, "Ang ingay mo butil!" saway naman ni Preky sa kanya.

Nakapokerface pa rin ako habang nililibot ang buong kwarto. May mga designs, na parang pangchildren's party. Luuuh. Ano ba 'to?

Nabigla naman ako nang inakbayan akong isa ko pang kaibigan, si Nicole, "Pawelcome back namin sa 'yo to Donna! Smile ka na daliiiii!!!"

Ngunit hindi ko pa rin sila nginingitian. Mukhang andito almost lahat ng mga kaibigan ko sa apartment at classmates ko sa Psych.

Nicole, Melan, Kim, Kadang, Almira, Jill, Preky, Cheska, Hilda, tapos ang boys ng apartment na sina Neil, Reeboy, Christian, John Paul, Lennon, Jaybert, Sean, Lemuel, at Jasper. Biruin mo? Nagkasya kami dito? Hahaha,

Nakita ko namang nalungkot na ang mukha nila kaya binigyan sila ng napakatamis na ngiti. Tapos sumigaw ako ng..

"JOOOOOKKKKEEEE!!!!" sabi ko at nagpeace sign..

"Happpyyyyyy...." ganti rin naman nila,

Napakamot na lang ako ng ulo nang gumulo na ulit ang lugar.

Bigla naman silang tumigil at tumingin sa likuran ko. Ang iba ngumiti ang iba naman walang reaksyon.

Nilingon ko iyon at nakita ko si..

"Lance.."

Ngumiti siya pero yumuko naman agad.

"I-i'm sorry, hindi ko nag'isip nung time na--"

hindi ko na siya pinatapos at niyakap ko siya. Naramdaman ko namang niyakap niya ako pabalik.

"Ano ka ba! Okay lang yun! Basta ba, hindi mo na uulitin yun ah?"

Tumango naman siya.

"HOY MA-LANCE-SANG KALULUWA! Bakit mo ba ako dinala dito?! Gusto ko lang namang palitan mo yung gitara—D-Donna?"

Nanlaki naman ang mata ko nang nakita ko si..

"LHENNIIEEEEEE!!!" sabi ko at nagyakapan kaming dalawa.

"Anong ginagawa mo dito?" sabay naming tanong.

"Dito ako nakatira." sabi ko,

"Ah! Nagtransfer ako sa La Salle.. Fashion pa rin,"

"Wow! So, magkakilala kayo?" patuksong tanong ko sa kanilang dalawa.

"I.. just broke her guitar." sabi naman ni Lance.

"Just?! Just?! Eh kung hampasin kaya kita ng hawak hawak kong Dressmaking kit?!"

Tinakpan naman ni Lance ang tenga niya, "Aish. So noisy, hindi ko aakalaing maingay ka pala."

Inirapan niya lang si Lance at bumalik na sa labas. Nginitian ko na lang si Lance ng nakakaloko. Mukhang may kapartner na si Lance Dean Soels.

~~~~~

Buong maghapon kong siyang hinintay dito sa kwarto pero hindi ko pa rin nakikita si Ren Bryan. Asan naman kaya siya? Malapit nang mag'alas dose, hindi ko pa rin siya nakikita. Pano na ang seventh sign?

Tiningnan ko ang relo ko,

11:59

Bumuntong hininga na lang ako. Siguro naman.. Gusto pa rin niya ako kahit hindi mangyari ang seventh sign diba? O baka.. Wala lang talaga siyang gusto sa akin?

Isa pang buntong hininga. Tiningnan ko ulit ang relo ko at nag'countdown.

"Seven..

Six..

Five..

Four..

Three..

Two..

O--"

"One.."nagulat naman ako nang may pamilyar na boses na dumugtong sa huling bilang..

Napaiyak ako nang nilingon ko ang nag'mamay-ari ng boses.

"S-salvador.."

Ngumiti naman siya ng napakalawak.

"Welcome back.." he said and spreaded both of his arms like welcoming me for a hug. And as a quick response, niyakap ko naman siya.

Umiyak naman ako nang niyakap ko siya. Pinalo palo ko pa siya habang humihikbi.

"*sob* Ang daya daya mo! *sniff* Hindi ka tuloy umabot sa seventh sign! Ang pangit *sob* pangit mo Salvador!"

Natatawang hinigpitan niya ang yakap niya.

"Hindi naman kailangang matupad ang lahat ng signs para lang makatuluyan mo ang taong mahal mo.."

Kumunot naman ang noo ko.. So, alam niya rin?

Pinakita naman niya ang notebook ko na hawak hawak niya..

"I saw this nung gabing pinagtangkaan ka ni Lance. Binasa ko yun, at akalain mo? Nasakto sa akin lahat ng nakasulat? Grabe. Ginayuma mo ba ako?"

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.. S-so.. Totoo nga ang DESTINY?

Umiyak na ako ng umiyak nang nalaman kong nagkatotoo ang mga nakasulat sa notebook ko. Waaaaah!!! I-i can't believe it! Nagkatotoo siya. Pero..

"Hindi natupad ang seventh sign.." nakayukong sabi ko sa kanya. Inangat naman niya ang mukha ko at pinunasan ang mga luha ko gamit ang mga daliri niya.

"Alam mo ba, kanina pa sana ako magtatapat sa iyo, nung.. Nagsurprise sina Nicole? Kaso nga nabasa ko ang nasa notebook mo kaya sinadya kong hintayin ang pagtapos ng ikapitong araw mula nung araw na iyon. Gusto ko lang sabihin sa iyo na hindi lahat ng panahon, nagkakatotoo ang mga sinasabi mong signs. Minsan maniwala ka rin sa sarili mo, at sa mga taong nasa paligid mo, hindi mo naman dapat paniwalaan ang lahat ng iyon 'coz it would just end up disappointing you. Oh diba? Nadisappoint ka nung hindi ako nagpakita sa iyo mula nang dumating ka?"

Tumango naman ako sa sinabi niya.

"Kaya.. Donna Belle Magoncia, Kahit after seven days.. or seven weeks, or seven months, o kahit seven years pa. Wag na wag kang susuko sa taong mahal mo hangga't hindi ka pa napapagod. Yan ang natutunan ko. Nung nakita kitang masaya kasama ni Lance ay pinaubaya kita sa kanya. Sinubukan kong maghanap ng ibang babae and even made out with one, pero hindi ko masikmurang gawin iyon dahil ikaw ang palaging nasa isip ko. Dahil IKAW ANG MAHAL KO,"

Ano ba yan! Ganto ba yung feeling kapag nagtatapat na sa iyo ang taong mahal mo? Ganto ba kasarap yun?

"Mahal na mahal rin kita.. Ren Bryan Salvador.."

Binigyan naman niya ako ng isang napakagandang ngiting nakita ko sa buong buhay ko.

"So.. Pano ba yan? Tayo na?"

Nginitian ko siya ng nakakaloko, "Diba sinabi mo.. Kahit seven weeks, or seven months. or even seven ye---"

Hindi ko na natapos ang sinabi ko kasi

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.Hinalikan niya ako..

"Tss.. Ayoko nang maghintay, I want to be your boyfriend, right here.. right now! Gusto ko munang magpakaselfish."

"Oh.. Edi selfish na kung selfish!" natatawang sabi ko.

Nanlaki naman ang mata niya, "t-talaga?"

Tumango naman ako sa kanya..

Bigla naman siyang nagtatatalon at nagsisisigaw.

"Wohooooo!!! YEEEEEESSSS!!! SA WAKAS!! THANK YOU LOORDDD!!"

Sinaway ko naman siya kasi hatinggabi na tapos nagsisisigaw siya. Baka mabulabog namin ang mga taong natutulog. Tumawa lang siya at mabilis na hinalikan ako..

"I love you Salvador.."

"I love you too, My Miss Hopeless Romantic, RhoDonna Ex.."

O_______O

"Reeeeennn! Pati ba naman ikaw tinatawag pa rin akong Rhodonna ex?!"

"Oh, gusto mo Domo na lang yawag ko sa 'yo? Domo-Donna!! Hahaha!"

"Eeeehhh... naman eeh.!" sabi ko saka nagpout..

"Oh sige na nga.. Iba na lang tawag ko sa iyo.. How about.. MAHAL?"

"Hmm.. That's more like it.."

EPILOGUE :

? And we would live happily ever after ^_^

Seven Years After..

"Baby boy.." nakangiting sabi ko sa best friend kong si Jeerian. Tinanong niya kasi kung anong gender ng anak ko..

"Ohh.. Anong pinangalan mo sa kanya?" Tanong niya ulit.

"Rhyan Dale Salvador.." napangiti ako ng mabanggit ko ang pangalan niya. Pinag'awayan pa kasi naman yan ni Ren Bryan yun eh. Kasi mas gusto niya yung Junior. Ew kaya!

"Aaayy bongga! May makakalove team na pala ang baby Jezreal ko." dreamy pa siya nang sinabi niya yan.. She's talking about her 11 month old daughter nila ni Rico.

Tiningnan naman namin ang kanina pa walang imik at kain lang ng kain na si Lhennie. Nahinto naman siya sa pagkain at tinaasan kami ng kilay.

"What? Para naman kayong hindi dumaan sa pagbubuntis. tss." sabi niya saka inirapan kami. Alam nyo, kanina pa kami sinusungitan ng babaeng 'to eh. Siguro pinaglilihian kami ni Jeerian ng anak ni Lhennie. Nakooo. Kambal pa naman ang 7 month old baby niya sa tiyan. Haha! Gosh, ang lakas ni Lance! Hahaha.

*bogsh!*

Nagulat naman kami nang may padabog na nagsara ng pinto at nakita namin si Divine na konting inis na lang ay magkakadugtong na ang kilay niya.

"Alam mo Donna! Yung nurse na nag'aattend ng babies mo? Ang sungit sungit! Nabangga ko lang siya ng konti tinawag na akong 'stupid', 'tanga' at 'bulag'?! Kamusta naman yun diba?!"

Kumunot naman ang noo ko,

"Nurse? Nurse Bryle? Yung poging nurse na palaging pinagseselosan ng asawa ko? Mabait naman yun ah?" mabait naman talaga yun, tipid nga lang makangiti kala mo yayaman siya kakatipid ng ngiti niya, pero okay lang naman siya.

Nakita ko namang nagkatinginan sina Lhennie at Jeerian ay sabay na tiningnan ako. Naintindihan ko kaagad sila saka sabay kaming lumingon kay Divine na may ngiting nakakaloko.

"Diyan kami nagsimula ni Lance, Divine.." sabi ni Lhennie.

"Naasar kaya ako kay Mahal ko noon," dugtong ko naman.

Nag'shrug naman si Jeerian, "Ako wala akong ganyan sa asawa ko, hindi naman kasi siya masungit eh. Siya pa nga palaging nakukunsumi sa akin eh! HAHAHA!"

Napailing na lang kami ni Lhennie sa kabaliwan ni Jeerian. Nanatili namang nakakunot ang noo ni Divine. Saka niya narealize..

"WHAT?! No. No. No. No."

Looks like may mabubuong love team na naman bukod sa mga anak namin ni Jeerian! Yey! Mabuhay! ?(^?^)?

~~~~~

Habang nasa kalagitnaan ako ng pahinga ko ay bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang mag'ama ko. Aww :"> ang cute nilang tingnan. NAg'iingat talaga si Mahal sa pagbuhat ng baby Rhyan namin. Ang liit liit kasi niya eh ^___^

"Hey baby booooy.." sabi ko nang pinasa sa akin ni Ren Bryan ang anak namin.

Narinig ko namang tumikhim si Ren Bryan kaya nilingon ko siya,

"Mahal ko, it's been two years since we got married and seven years since we started out as lovers, talagang sinadya kong magkapareho ang date ng kasal at anniversary natin para maalala pa rin natin ang lahat ng pinagdaanan natin. At ngayon naman, feeling ko, three-in-one na ang icecelebrate natin every anniversary.." sabi sa akin ni Mahal..

"Yes.. It would be Rhyan's birthday.. And our anniversary.."

He then gave me a quick kiss.

"Happy anniversary Mahal ko, at sorry kung wala akong dalang gitara, kaya magtiis ka muna sa acapella. Mamaya pa dadating ang pagkain natin. Dinner date tayo."

tumawa naman ako saka siya nagsimulang kumanta.

?? Saw you walk into the room. Thought I'd try to talk to you. Babe am I ever glad you wanted me to..

It's been two years to the day. Half the time I've been away. I know I'm not there enough but that's gonna change. 'cause I'm coming back. To show you that I'm keeping the promise I made..

When I'm with you I'll make every second count 'cause I miss you. Whenever you're not around. When I kiss you. I'll still get butterflies years from now. I'll make every second count when I'm with you.. ??

Niyakap niya ako, pati na si baby Rhyan habang tinutuloy ang kanta niya.

?? Yeah we've had our ups and down but we've always worked them out. Babe am I ever glad we've got this far now. Still I'm lying here tonight. Wishing I was by your side 'cause when I'm not there enough. Nothing feels right

So I'm coming back to show you that I'll love you the rest of my life

When I'm with you I'll make every second count 'cause I miss you. Whenever you're not around. When I kiss you. I'll still get butterflies years from now. I'll make every second count when I'm with you..

When I'm with you I'll make every second count 'cause I miss you. Whenever you're not around. When I kiss you. I'll still get butterflies years from now. I'll make every second count when I'm with you..

When I'm with you.. When I'm with you.. When I'm with you.. Yeah..??

"I love you mahal ko, Destiny man kita o hindi." sabi ko sa kanya nang matapos na siyang kumanta.

"I love you too, mahal ko. My Hopeless Romantic wife.." he then said and kissed me.. Passionately.

Hindi naman masamang maniwala sa mga signs signs na sinasabi nila sa atin. Wala namang mawawala kung paniniwalaan natin iyon. Basta lang, hindi tayo mabubuhay sa puro signs na lang. Kailangan ring paniwalaan natin ang mga sarili natin na kaya natin iyon kahit walang tulong kay Destiny or kay Luck.

Iyan ang natutunan ko nang mahalin ko, at mahalin ako ng isang Ren Bryan Salvador. At nagpapasalamat ako nang binigay niya sa akin si Ren Bryan Salvador at ngayon, ang unang anak naming si Rhyan Dale Salvador. And I am not talking about Destiny, but I am talking about God.

This is your Miss-- ay Mrs. na pala ako! Ah.. Ulit ulit..

This is your Hopeless Romantic, Donna Belle Magoncia-Salvador.. Signing out *wink*

- END

~~~~

Mensahe ni Bossing!

Lhennie and Lance’s story is still ongoing on Wattpad. You might want to view it there. Just go to my profile >> iammeakira20 then find ‘So Damn Gorgeous’ on my works section!

Sana sa may mga softcopies nito WAG PONG IPAGKAKALAT NANG HINDI KO NALALAMAN. Maraming Salamat! Sana suportahan niyo pa rin po ang mga ongoing at finished kong stories. View niyo po sa profile ko ^__^

~~~~

© Rizza Merl N. Siaboc a.k.a Iammeakira20

ALL RIGHTS RESERVED ™

March 30, 2014