first - aid

19
FIRST - AID RLE GROUP 2

Upload: paulo-delos-angeles

Post on 28-Nov-2014

354 views

Category:

Documents


7 download

TRANSCRIPT

Page 1: FIRST - AID

FIRST - AIDRLE GROUP 2

Page 2: FIRST - AID

FOOD POISONING

Lason - iba’t ibang substansya: solid, liquid, gas na maaaring makaapekto sa kalusugan o di kaya ay maging sanhi ng kamatayan kapag ipinakilala sa katawan.

Sanhi:* Karaniwan sa mga nagtatangkang magpakamatay. * Aksidenteng pagkalason.

Page 3: FIRST - AID

INGESTED POISON

Isa sa mga karaniwang sanhi ng pagkalason. Paraan ng pagkalason sa pamamagitan ng

pagsubo ng mga kontaminadong pagkain.

Asahan ang pagkalason kung:1. Kapag ang biktima ay nakakain ng pagkaing

may hindi kaaya-ayang lasa, kontaminado, pagkaing mali ang pagkahanda, o di kaya’y pagkain na labis ang halaga ng kemikal.

2. Kapag ang mga taong kumain ay sabay-sabay na nagkasakit

Page 4: FIRST - AID

Pagbabago sa pag-iisip Lapnos sa paligid ng bibig Mabahong hininga Pagkahilo at pagsuka Pagsakit ng tiyan Diarrhea

Page 5: FIRST - AID

Mga pagkakataon na hindi dapat sapilitan ang PAGSUSUKA:

Kapag walang malay Kapag hindi makahinga Kapag nakalunok ng acid, corrosive

lye, o mga produktong petrolyo tukad ng gasolina o furniture polish.

Heart attack, seizure and pregnancy

Page 6: FIRST - AID

Tamang pag-aalaga 1. Kilalanin ang uri ng lason2. Ipwesto ang biktima sa kanyang kaliwang bahagi.3. Itago ang mga natirang pagkain na may lason para

sa analisis o pag-aaral 4. Huwag kumain ng matitigas na pagkain kapag

nahihilo o nasusuka sa halip ay uminom ng maraming tubig

5. Iwasan ang pag-iinom ng alak, kape at matatamis na inumin.

6. Pagkatapos uminom ng sapat na halaga ng tubig, unti-unting simulan kumain ng malalambot at madaling kainin na pagkain ( kanin, patatas, wheats, cereals ) lalo na kung hindi na nahihilo at nasusuka.

Page 7: FIRST - AID

Pag-iiwas sa Food Poisoning * Lubusang maghugas ng kamay bago humawak

ng pagkain.• Maghugas ng kamay pagkatapos gumamit ng

palikuran, pagpapalit ng diapers , paninigarilyo, pag-ubo, o pag-bahing.

• Huwag gumamit ng kahoy sa pagpuputol at paghanda ng mga isda at karne.

• Linisin ng mabuti ang mga kagamitang ginamit sa pagluluto.

• Siguraduhin na malinis at hindi kontaminado ang bawat pagkain na ipapasok sa bibig.

Page 8: FIRST - AID

PASO AT LAPNOS o Paso, pagkakasunog ng balat o anumang bahagi ng katawan sanhi ng dry heat na dulot ng apoy, kuryente, o kemikal.

o Lapnos, pagkakasunog ng balat o anumang bahagi ng katawan sanhi ng moist heat na dulot ng kumukulong likido o steam.

Page 9: FIRST - AID

Paunang – lunas (First-Aid) Dagling ibabad

ang napasong bahagi sa

malamig na tubig sa loob ng

10 minuto upang maibsan

ang sakit.

Page 10: FIRST - AID

Huwag na huwag puputukin o pisain ang paltos (Blister) dahil maaari itong maging sanhi ngimpkeksyon.

Page 11: FIRST - AID

Huwag hayaang maalikabukan, madumihan o kaya ay dapuan ng langaw. Takpan ang may pinsalang bahagi ng malinis na tela o lumang damit.

Page 12: FIRST - AID

Pag-iwasIwasang ilagay ang mga bagay na maaaring magsimula ng apoy na naaabot ng mga bata

Huwag iwanang mag-isa ang mga bata lalo na kung may mga kagamitan na maaaring magsimula ng sunoghal. Kandila, gasera

Mag-imbak ng tubig sa bahay upang mayroong pang-apula sa maaaring sunog

Page 13: FIRST - AID

1. KALIGTASAN MUNA!

Lumayo sa ahas at huwag magpanik

dahil kakalat ang Venom sa katawan.

2. Panatilihing nasa ibaba ng antas

ng puso ang kagat ng ahas.

3. Alisin ang mahihigpit na damit

at alahas dahil pwede itong

maging sanhi ng tissue death kapag

sugat ay mamaga.

4. Hugasan ng mabuti ang sugat

gamit ang maligamgam na tubig

at sabon.

KAGAT NG AHAS

Page 14: FIRST - AID

* HUWAG SIPSIPIN AT HIWAIN ANG

SUGAT! Ito ay maaaring

maging sanhi ng impeksyon.

Page 15: FIRST - AID

•Ugaliing magsuot ng mahahabang pantalon.

•Iwasang pumunta sa madaming damo at matatangkad na halaman.

•Gumawa ng ingay habang naglalakad

• Huwag lapitan ang ahas… iwasan!

Page 16: FIRST - AID

Kagat na nagmula sa aso na nagiging sanhi ng pagkakasira ng integridad ng balat na maaaring maging dahilan ng impeksyon. Maaari rin ito magdulot ng panganib ng rabis.

KAGAT NG ASO

Page 17: FIRST - AID

• Kapag ang kagat ng aso ay nagdulot ng bahagyang pagkasugat lamang, ito ay maituturing na minor wound.• Hugasan lamang ito ng mabuti gamit ang malinis na tubig at sabon. • Lagyan ng antibiotic cream at takpan ng isterilisadong bendahe.

Page 18: FIRST - AID

• Kapag ang kagat ng aso ay nagdulot ng malalim na sugat,

lapatan ng presyur upang huminto ang pagdudugo.. Kaagad na

magtungo sa doktor.

Page 19: FIRST - AID

• Huwag na huwag gagambalain ang mga aso habang kumakain o natutulog ang aso.

• Huwag iwanan ang mga batang mag-isa malapit sa lugar na madami ang aso.

• Panatilihin ang tamang pag-aalaga ng aso.

• Ang bakuna ay dapat sa tamang oras.