editor yal

Download Editor Yal

Post on 03-Jan-2016

60 views

Category:

Documents

10 download

Embed Size (px)

DESCRIPTION

document

TRANSCRIPT

EDITORYAL -Sana ngay wala nang plastic bag

SA una lang mahirap, pero kapag tumagal na masasanay din hanggang sa makalimutan na. Ganyan ang mangyayari kapag ibinawal nang tuluyan ang paggamit ng plastic bag sa buong bansa.Marami nang bayan at siyudad ang nagbabawal sa paggamit ng plastic bag. Napatunayan na ang mga plastic bag at supot ang nagbabara sa mga daanan ng tubig na nagdudulot ng baha. At kung magkakaroon ng kaganapan ang ipinapanukala ni Cavite Rep. Lani Mercado na ipagbawal sa buong bansa ang paggamit ng plastic bag, maaaring hindi na maranasan ang pagbaha. Mababawasan na ang mga basurang nakalutang sa dagat, ilog, estero at mga kanal. Napakasarap pagmasdan kung walang basurang plastic na nakalutang. Sa pag-aaral, napatunayan na ang mga plastic bag at supot ay hindi natutunaw sa napakahabang panahon. Nananatili ang mga itong matibay lumubog man sa estero o ilog kaya malaki ang perwisyong idinudulot sa kapaligiran.Walang ibang pinupuntahan ang mga basura kundi ang karagatan. Kapag bumagyo at lumaki ang mga alon, ang mga basurang plastic ay isusuka ng dagat sa dalampasigan. Lahat nang basurang tinapon ng mga walang disiplinang mamamayan ay ibabalik din ng dagat.Halimbawa na lamang ay ang nangyayari sa kahabaan ng Roxas Blvd. sa tuwing magkakaroon ng bagyo. Isinusuka ng Manila Bay ang maraming basu-rang plastic. Ikinakalat sa Roxas Blvd. ang mga basu-rang plastic na umaabot sa mahigit 20 dump trucks.Marami nang lungsod sa Metro Manila ang nagbawal ng plastic bag. Nangunguna ang Muntinlupa City sa nagbawal sa paggamit ng plastic. Sumunod ang Las Pinas, Marikina City, San Juan, Quezon City at ang Makati City na kailan lang nagbawal sa paggamit ng plastic. Ang Maynila ay hindi pa nagbabawal sa paggamit ng plastic bag. Maraming estero sa Maynila ang namumutiktik sa basurang plastic.Kung maipatutupad ang pagbabawal sa paggamit ng plastic sa buong bansa, maaaring wala nang malalaking pagbaha na mangyayari lalo na sa Metro Manila. Kailangan din naman ang pakikiisa ng mamamayan para huwag nang magtapon ng basura kung saan-saan lang. Magkaroon na ng disiplina ang bawat isa para mailigtas ang kapaligiran. Sana ngay wala nang plastic bag sa hinaharap.

EDITORYAL - Pakawalan na sana ang nagbibitiw

MAHILIG manermon si President Noynoy Aquino. Style niya, kapag inimbitahan para maging panauhing pandangal at tagapagsalita, doon niya isisingit ang paninermon. At epektibo ang kanyang estilo. Lahat nang sinermunan niyang public official nag-alsa balutan.Halimbawa, sinermunan niya ang administrator ng National Irrigation Administration na si Antonio Nangel dahil sa mabagal na pagtapos ng mga proyektong patubig. Itinaon ang sermon sa anibersaryo ng NIA. Walang pangimi si Aquino nang harap-harapang sermunan si Nangel. Makalipas ang ilang araw, nag-resign si Nangel.Sinermunan din niya si Immigration Commissioner Ricardo David dahil sa pagtakas ng Korean fugitives at mga suspect sa pagpatay kay Doc Gerry Ortega. Paano nakalabas ng bansa ang mga suspect. Nagbitiw si David sa puwesto.Lahat nang mga nagbitiw ay agad tinanggap ng Presidente. Wala nang tanung-tanong pa. Para sa kanya, hindi kailangan sa Gabinete ang walang naitutulong sa pag-unlad ng bansa. Hindi rin kailangan ang mga taong ayaw tumino.Pero nakapagtataka rin naman na mayroon siyang pinipigilan na mag-resign. Kahit nag-ooffer nang magbitiw, ayaw pa ring tanggapin ang resignation. Iyon ay sa kabila na walang naitutulong sa pag-unlad ng bansa.Halimbawa rito ay si Customs Commisssioner Ruffy Biazon. Lantarang sinabi ni Aquino ang mga hindi magagandang nangyayari sa Customs. Lumalatay ang kanyang pananalita. At sinumang tao na may hiya ay hindi na hihintaying matapos ang pananalita ng Presidente at agad magbibitiw. Sabi ni Aquino sa kanyang SONA noong Lunes ukol sa Customs, Para namang nakikipagtagisan sa kapalpakan itong Bureau of Customs. Imbes na maningil ng tamang buwis at pigilan ang kontrabando, parang walang pakundangan ang pagpapalusot nila ng kalakal, pati na ng ilegal na droga, armas, at iba pa sa ating teritoryo. Tinataya nga po ng Department of Finance na mahigit 200 billion pesos ang kita na dumudulas lang at hindi napupunta sa kaban ng bayan. Saan po kaya kumukuha ng kapal ng mukha ang mga kawani sa ahensyang ito?

HEADLINES-Probe body handa na sa pork scamHOT issue pa rin ang umanoy pagwaldas ng ilang mam babatas sa kanilang P10 milyong pork barrel na ipinamahagi sa mga pekeng non-government organizations (NGO).Buti na lang at mayroon nang independent body na magsisiyasat dito. Bumuo na ang Office of the Ombudsman ng probe body na bubusisi sa kontrobersyang nagbigay ng batik sa ating Senado at Mababang Kapulungan. Ayon kay Ombudsman Conchita Carpio Morales ito ay kabibilangan ng anim na graft investigators na magsasagawa ng parallel investigation katuwang ang National Bureau of Investigation (NBI).Magugunita na kamakailan lang, ibinunyag ng whistleblower na si Benhur Luy ang ilegal na gawain ni Janet Lim-Napoles na nagtatag daw ng mga imbentong NGOs at pinapondohan ng mga isinasangkot na mambabatas sa pamamagitan ng kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF).Kaya umiinit na naman ang debate kung dapat bang tanggalin ang pork barrel na sa loob nang napakara-ming siglo ay sinasabing pinagmumulan ng katiwalian. Balita ko, may ilang mambabatas na pabor dito.Ayon kay Senator Vicente Tito Sotto III, makatutulong pa aniya sa kanya ang paglansag sa pork na nagpapasakit lang sa kanyang ulo dahil napakaraming request ang kanyang natatanggap mula sa 1,600 siyudad. Lahat ay humihingi ng pondo para sa kanilang proyekto.

HEADLINES-Oil factory ipapasara ng Manila city hall

MANILA, Philippines Iniutos na ng pamahalaang lokal ng Maynila ngayong Miyerkules ang pagpapasara ng kompanya na may kinalaman sa pagkalat ng langis sa ilog Pasig.Napag-alamanan ng mga awtoridad na walang permit ang Lorraine Marketing na mag-imbak ng gamit na langis sa Old Panaderos, Sta. Ana, Manila.Sisilipin din nila ang iba pang papeles ng Lorraine Marketing kung paano ito nakalusot at napatakbo kahit kulang samga kaukulang permit.Balak din ng lokal na pamahalaan na silipin ang records ng iba pang kompanya sa lugar upang maiwasan na maulit ang insidente.Naging sakit sa ulo ng mga residente ang mabahong amoy ng langis na kumalat sa ilog, kung saan ang iba ay dinala pa sa ospital dahil sa hirap sa paghinga.BALITANG PANDAIGDIGMigrasyon sa gitna ng krisis pandaigdig

Apektado ng krisis pang-ekonomiya ang remittances na ipinapadala ng OFWs: bumababa ang kanilang sahod at ang halaga nito (Larawan mula sa Bulatlat.com)Natatandaan ni Garry Martinez ang pagputok ng Asian Financial Crisis noong 1997 bilang isang malagim na yugto ng kanyang buhay. Dahil sa paghina ng Korean Won kontra dolyar, ang sahod niya bilangfactory workersa South Korea na dating katumbas ng 1,500 USD (US Dollar) ay naging 600 USD na lamang.Para hindi mabawasan ang pera na ipinapadala sa kanyang pamilya, sa kanyang libreng oras ay naghahanap siya ng dagdag na mapagkakakitaan. Imbes na magpahinga mula sa 12 oras na pagtatrabaho sa pabrika, nagkakargador siya sa lipat-bahay o tumutulong sa anihan ng pechay.Sakripisyo ang katumbas ng krisis. Ito ang reyalidad para sa Overseas Filipino Workers (OFWs) noon, at lalong higit pa ngayon.Pinaniniwalaang papasok o nasarecessionna ang ekonomiya ng daigdig. Isangdebt crisiso krisis sa utang ang tumampok sa Estados Unidos at mga bansang Europa. Lumobo ang utang ng mga nasabing bansa dahil sa ginastusangbailoutng malalaking korporasyon at bangko na bumagsak sa krisis pampinansiya noong 2008.Tuluy-tuloy ang pagbagsak ng pandaigdigang ekonomiya. Maisisisi ito sa tinatawag na krisis ng sobrang produksiyon at pagkamal ng supertubo sa ilalim ng monopolyo kapitalismo. Resulta ng pinakahuling krisis sa utang at pinansiya ang ibayong kawalan ng trabaho at pagtitipid (austerity measures) sa mga bansang kapitalista.Malaki ang epekto ng krisis para sa Pilipinas, na isa sa mga nangungunang bansa sa pag-e-eksport ng lakas-paggawa. Sa tuwing pagputok ng krisis, nakataya ang hanapbuhay ng milyun-milyong OFW, ang mga pamilyang umaasa sa kanila, at ang ekonomiya ng bansa na ang tanging kinakapitan ay ang ipinapadalangremittancesng mga migranteng manggagawa.

BALITANG PANDAIGDIG

-2012, taon ng pandaigdigang krisis

BRASILIA (DPA) Nangyayari ngayong 2012 ang pinakamatinding pandaigdigang krisis pang-ekonomya, ayon kay Brazilian Finance Minister Guido Mantega.

In terms of severity, what is happening in 2012 is worse than what happened in 2009, pahayag ni Mantega nitong Huwebes sa harap ng mga opisyal ng bansa, mga negosyante at mga kinatawan ng civil society, at idinagdag na hindi masolusyunan ng mayayamang bansa ang lumalalang krisis.One of the policy mistakes of advanced countries is that they are not stimulating the economy. Theyre just making cuts, paliwanag ni Mantega, na nagsabing nakaaapekto ang mga nasabing patakaran sa mga papaunlad na ekonomya, kabilang ang India at China.

BALITANG PAMPAMAYANAN-Panukala sa Work Incentive Transport Subsidy (WITS)

Panukala sa Work Incentive Transport Subsidy (WITS) ay nabago mula noong buwan Enero 2013. Ang mga detalye ay ang mga sumusunod:(1)Mas mataas na limitasyon sa kinikita at ari-arian (para sa mga detalye mangyaring sumangguni sa buong bersyon ng panukala)(2) Mga pagpipilian na aplikasyon: alinman sa aplikasyon batay sa indibidwal o batay sa sambahayan Ang mga aplikante sa iisang sambahayan ay maaaring pumili upang:(a) bawat aplikante ay indibidwal na tatasahin; o(b) lahat ng mga aplikante ay sabay sa tatasahin bilang isang sambahayan. Ang mga aplikanteng nakakatugon sa limitasyon ng personal na kita at ari-arian para sa iisang-sambahayan at pati na rin ang sa iba pang naaangkop na pamantayan ay maaaring mag-aplay para sa WITS sa indibidwal na batayan. Ang mga batay sa indibidwal na aplikante aypinakamaagang maaaring mag-aplay sa Hulyo 2013 para sa tulong n