draft-pr -libreng gupit sa midway maritime college

2
Libreng gupit hatid ng ANGKLA sa mga mag-aaral ng Maritime Midway College LUNGSOD NG CABANATUAN--Libreng gupit ang ipagkakaloob ng ANGKLA Party-list, na kinakatawan sa Kongreso ni Cong. Jesulito A. Manalo, sa ilang estudyanteng marino dito bukas ng umaga. Isang daang estudyante ng Maritime Midway College (MMC), kabilang ang pitongpu’t dalawang scholars ng ANGKLA ang mga nakatakdang makatanggap ng nasabing libreng gupit. Dadalo din sa aktibidad na ito ang iba pang mga mag-aaral at opisyales ng MMC. Bilang bahagi ng pagtitipon, magkakaroon din ng munting programa at palaro ang ANGKLA para sa mga estudyanteng dadalo. Mithi ng ANGKLA na lalong pagtibayin ang pakikipag-ugnayan nito sa kanilang mga scholars, patunay ng kanilang suporta at upang patuloy na mabatid ang kanilang iba pang pangangailangan ukol sa kanilang pag-aaral. Higit na matutugunan ng ANGKLA ang mga suliranin na kinakaharap ng mga maritime students kung sila ay direktang nakakausap nito. Bilang natatanging boses ng maritime sector sa Kongreso, binigyang diin ni Cong. Manalo na bukod sa pag-papaunlad ng industriyang maritima, isa din sa mga pangunahing adhikain ng kanilang party list ay ang paigtingin ang kalidad ng maritime education. Nais ng ANGKLA na lalo pang lumago ang bilang ng mga mahuhusay na marinong Pilipinong kayang makipagsabayan sa ano man lahi sa kanilang pagtatrabaho at paglalayag sa barko sa kahit saang bansa sa mundo. ANGKLA PARTY-LIST Rm. 613 North Wing Bldg. House of Representatives

Upload: mvr-basmayor

Post on 09-Dec-2015

230 views

Category:

Documents


12 download

TRANSCRIPT

Page 1: Draft-PR -Libreng Gupit Sa Midway Maritime College

Libreng gupit hatid ng ANGKLA sa mga mag-aaral ng Maritime Midway CollegeLUNGSOD NG CABANATUAN--Libreng gupit ang ipagkakaloob ng ANGKLA Party-list, na kinakatawan sa Kongreso ni Cong. Jesulito A. Manalo, sa ilang estudyanteng marino dito bukas ng umaga.

Isang daang estudyante ng Maritime Midway College (MMC), kabilang ang pitongpu’t dalawang scholars ng ANGKLA ang mga nakatakdang makatanggap ng nasabing libreng gupit. Dadalo din sa aktibidad na ito ang iba pang mga mag-aaral at opisyales ng MMC. Bilang bahagi ng pagtitipon, magkakaroon din ng munting programa at palaro ang ANGKLA para sa mga estudyanteng dadalo.

Mithi ng ANGKLA na lalong pagtibayin ang pakikipag-ugnayan nito sa kanilang mga scholars, patunay ng kanilang suporta at upang patuloy na mabatid ang kanilang iba pang pangangailangan ukol sa kanilang pag-aaral. Higit na matutugunan ng ANGKLA ang mga suliranin na kinakaharap ng mga maritime students kung sila ay direktang nakakausap nito.

Bilang natatanging boses ng maritime sector sa Kongreso, binigyang diin ni Cong. Manalo na bukod sa pag-papaunlad ng industriyang maritima, isa din sa mga pangunahing adhikain ng kanilang party list ay ang paigtingin ang kalidad ng maritime education. Nais ng ANGKLA na lalo pang lumago ang bilang ng mga mahuhusay na marinong Pilipinong kayang makipagsabayan sa ano man lahi sa kanilang pagtatrabaho at paglalayag sa barko sa kahit saang bansa sa mundo.

ANGKLA PARTY-LISTRm. 613 North Wing Bldg.House of RepresentativesBatasan Complex, Quezon [email protected]/ANGKLAph