cg maikling kwento _final_ gsptagaytaycity

14
Pangkalahatang Pamantayan Para sa Ikatlong Taon: Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo at kahusayan sa pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang mga piling saling tekstong pampanitikang Asyano upang mapatatag ang pagkakakilanlang Asyano Unang Markahan ( Maikling Kuwento ) Antas 1 : Resulta/Inaasahang Bunga Antas 2 : Pagtataya Pamantayan Sa Antas ng : Nilalaman Pagganap Kakailanganing Pag- unawa Mahahalagang Tanong Produkto Pag-unawa Pagganap Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa maikling kuwento sa tulong ng angkop na gramatika at retorika A. Panitikan: 1. Kaligirang Pangkasaysayan ng Maikling Kuwento 2. Mga Elemento ng Maikling Kuwento 2.1. Uri ng Tauhan sa Maikling Kuwento Protagonista Antagonista 2.2. Ang Tagpuan sa Maikling Kuwento Lugar o Pook Panahon 2.3. Ang Banghay ng Maikling Kuwento Panimula Ang mag-aaral ay nakalilikha ng sariling story line ng maikling kuwento Ang maikling kuwento ay parang isang sulyap lamang na nagaganap sa buhay ng iisa o tanging tauhan, mabilis ang paglalahad, matipid sa paggamit ng pananalita kaya maaaring mabasa sa maikling panahon lamang. Isang kathang pampanitikan na ang karamihan sa mga pangyayari ay payak, may mga kilos na organisado, may pagtutunggali ng mga tauhan, may mga banghay at sa kalagitnaan ay may mabisang kasukdulan at may katapusan subalit mas higit ang impresyon nitong naiiwan sa diwa ng mambabasa at ang iisang kintal na ipinadarama rito ay bumubuo rin ng iisang diwang ibig iparating ng may-akda. Paano naiiba ang maikling kuwento sa iba pang panitikan na nasa anyong tuluyan ? Sariling story line ng maikling kuwento Pagpapaliwanag Patunayan na kakaiba ang maikling kuwento sa iba pang panitikan na nasa anyong tuluyan . Mga Pamantayan naglalahad ng mga patunay; batay sa pananaliksik; naglalahad ng sariling kongklusyon. Pagbuo ng sariling pananaw Ilahad ang nabuong sariling pananaw tungkol sa pagkakaiba at pagkakatulad ng paksa sa mga maikling kuwentong Asyano. Mga Pamantayan: naglalahad ng pananaw ng iba’t ibang tao; may batayan ang nabuong sariling pananaw. G-Mailahad ang buod ng kuwentong isinulat R-Manunulat A-Mga kritiko at manunulat ng maikling kuwento S-May paligsahan sa pagsulat ng maikling kuwento P-Sariling story line ng Maikling kuwento S-Pagtataya sa sariling likhang story line ng maikling kuwento batay sa mga pamantayan: A.Orihinalidad B. Taglay ang elemento ng Kurikulum ng Edukasyong Sekundarya ng 2010 Filipino III

Upload: johnkyleeyoy

Post on 26-Jul-2015

413 views

Category:

Documents


19 download

TRANSCRIPT

Page 1: Cg maikling kwento _final_ gsptagaytaycity

Pangkalahatang Pamantayan Para sa Ikatlong Taon: Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo at kahusayan sa pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang mga piling saling tekstong pampanitikang Asyano upang mapatatag ang pagkakakilanlang Asyano

Unang Markahan ( Maikling Kuwento ) Antas 1 : Resulta/Inaasahang Bunga Antas 2 : Pagtataya

Pamantayan Sa Antas ng : Nilalaman Pagganap Kakailanganing Pag-

unawa Mahahalagang Tanong

Produkto Pag-unawa Pagganap

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa maikling kuwento sa tulong ng angkop na gramatika at retorika

A. Panitikan: 1. Kaligirang

Pangkasaysayan ng Maikling Kuwento

2. Mga Elemento ng Maikling Kuwento

2.1. Uri ng Tauhan sa Maikling Kuwento

• Protagonista

• Antagonista

2.2. Ang Tagpuan sa Maikling Kuwento

• Lugar o Pook

• Panahon

2.3. Ang Banghay ng Maikling Kuwento

• Panimula

Ang mag-aaral ay nakalilikha ng sariling story line ng maikling kuwento

Ang maikling kuwento ay parang isang sulyap lamang na nagaganap sa buhay ng iisa o tanging tauhan, mabilis ang paglalahad, matipid sa paggamit ng pananalita kaya maaaring mabasa sa maikling panahon lamang. Isang kathang pampanitikan na ang karamihan sa mga pangyayari ay payak, may mga kilos na organisado, may pagtutunggali ng mga tauhan, may mga banghay at sa kalagitnaan ay may mabisang kasukdulan at may katapusan subalit mas higit ang impresyon nitong naiiwan sa diwa ng mambabasa at ang iisang kintal na ipinadarama rito ay bumubuo rin ng iisang diwang ibig iparating ng may-akda.

Paano naiiba ang maikling kuwento sa iba pang panitikan na nasa anyong tuluyan ?

Sariling story line ng maikling kuwento

Pagpapaliwanag Patunayan na kakaiba ang maikling kuwento sa iba pang panitikan na nasa anyong tuluyan . Mga Pamantayan naglalahad ng mga patunay; batay sa pananaliksik; naglalahad ng sariling kongklusyon. Pagbuo ng sariling pananaw Ilahad ang nabuong sariling pananaw tungkol sa pagkakaiba at pagkakatulad ng paksa sa mga maikling kuwentong Asyano. Mga Pamantayan: naglalahad ng pananaw ng iba’t ibang tao; may batayan ang nabuong sariling pananaw.

G-Mailahad ang buod ng kuwentong isinulat

R-Manunulat A-Mga kritiko at

manunulat ng maikling kuwento

S-May paligsahan sa pagsulat ng maikling kuwento

P-Sariling story line ng Maikling kuwento S-Pagtataya sa sariling likhang story line ng maikling

kuwento batay sa mga pamantayan:

A.Orihinalidad

B. Taglay ang elemento ng

Kurikulum ng Edukasyong Sekundarya ng 2010 Filipino III

Page 2: Cg maikling kwento _final_ gsptagaytaycity

• Saglit na Kasiglahan

• Tunggalian

• Kasukdulan

• Kakalasan

• Wakas

3. Mga Uri ng Maikling Kuwento • Kuwento ng Tauhan

• Kuwentong Makabanghay

• Kuwento ng Katutubong Kulay

• Kuwento ng Kapaligiran

B.Gramatika 1. Mga Uri ng Parirala

1.1 Pariralang Pangngalang-diwa

2. a. Pokus sa Aktor b. Kaganapang Aktor

3. a. Pokus sa Ganapan b. Kaganapang

Ganapan

4. a. Pokus sa Sanhi b. Kaganapan sa Sanhi

5 Mga Uri ng Parirala

2.1 Pariralang Pang-ukol (binubuo ng

May iba’t ibang batayan kung paano isinusulat ang mga pangyayari sa maikling kuwento, narinig, nakita o napanood, nabasa, at batay sa karanasan. Lahat ng batayang ito ay maaaring gamitin ng malikhaing isip na nagpapakita ng larawan ng tunay na buhay na nararanasan ng isang tao. Maaaring hango sa tunay na buhay na nagpapatibay ng pagiging makatotohanan nito. Ang kaalaman at kakayahan sa paggamit ng wastong gramatika at retorika ay mahalaga upang malaman kung kailan naganap ang isang kilos na ginawa ng mga tauhan, nasuri kung maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari; nakita ang estilo ng may akda sa wastong gamit ng mga salita; at nasusundan nang may pagkakaugnay-ugnay ang mga kaisipang layong ilahad ng sumulat.

Makatotohanan ba ang mga pangyayaring isinasalaysay sa maikling kuwento? Paano nakatutulong ang pagkakaroon ng kaalaman at kakayahan sa paggamit ng angkop na gramatika at retorika sa pag-aaral ng maikling kuwento?

Pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba Ipahayag ang sariling damdamin at damdamin ng iba tungkol sa isyu ng unti-unting pagkawala ng hilig at kawilihan sa pagbabasa ng mga maikling kuwento. Mga Pamantayan: tapat; may pag-unawa sa sariling damdamin at damdamin ng iba. Interpretasyon Ibigay ang sariling interpretasyon kung bakit ang mga suliranin ay ipinararanas ng mga manunulat sa tauhang binuhay nila sa kanilang akda. Mga Pamantayan: makatotohanan; malikhain; masining. Paglalapat Magsalaysay ng ilang pangyayari o karanasan na may kaugnayan sa mga pangyayari sa alinmang nabasang maikling kuwentong Asyano. Mga Pamantayan: napapanahon; angkop sa paksa; makatotohanan.

story line C. Wasto at angkop

ang gamit ng

gramatika at retorika

D. Makatotohanan ang paksa

E. Napapanahon ang paksa

Page 3: Cg maikling kwento _final_ gsptagaytaycity

pang-ukol at layon nito)

2.2 Pariralang Pinangungunahan ng Pandiwa

Pagkilala sa sarili Ilahad ang pagbabagong naganap sa sariling paniniwala, saloobin, kaisipan, pagkatapos talakayin ang mga aralin tungkol sa maikling kuwentong Asyano. Mga Pamantayan: may batayan, makatotohanan; may kaugnayan sa paksa; tapat; makatotohanan.

Page 4: Cg maikling kwento _final_ gsptagaytaycity

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pinagmulan at katangian ng maikling kuwento sa tulong ng mga uri ng parirala A. Panitikan:

1. Kaligirang Pangkasaysayan

ng Maikling Kuwento B.Gramatika 1. Mga Uri ng Parirala 1.1 Pariralang Pangngalan (binubuo ng panuring at pangngalan)

Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng imbentaryo ng mga katangiang dapat taglayin ng isang kuwentista

Mula sa mga unang anyo ng maikling kuwento tulad ng alamat at mitolohiya ay lumaganap sa Asya ang maikling kuwento na sa paglipas ng panahon at pandarayuhan ng mga Asyano ay unti-unting pinalaganap ang mga ito na ibinatay sa iba’t ibang paksa tulad ng suliraning panlipunan, pag-ibig, buhay pamilya at marami pang iba. Bagamat binubuo ang parirala ng ilang salita na walang tiyak na kahulugan, nagsisilbi naman itong gabay upang malaman ang tungkol sa tauhan, tagpuan, aral na nakapaloob at higit sa lahat ang mga pangyayari sa isang pagsasalaysay.

Paano lumaganap ang maikling kuwento sa iba’t ibang bansa sa Asya? Bakit mahalaga ang paggamit ng mga parirala sa paglalahad ng mga pangyayari ?

Pagbuo ng imbentaryo ng mga katangiang dapat taglayin ng isang kuwentista

Pagpapaliwanag Ipaliwanag at bigyang patunay na ang paglaganap ng maikling kuwento ay lumaganap sa Asya kasabay ng paglaganap ng mga mitolohiya at iba pang anyo ng tuluyan. Mga Pamantayan: naglalahad ng mga patunay; nagbibigay ng mga halimbawa; batay sa pananaliksik; naglalahad ng sariling kongklusyon Pagbuo ng sariling pananaw Maglahad ng sariling pananaw tungkol sa katangiang dapat taglayin ng isang kuwentista. Mga Pamantayan: naglalahad ng pananaw ng iba’t ibang tao; may batayan ang nabuong sariling pananaw; napaninindigan ang sariling pananaw Pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba Ipadama ang saloobin ng isang manunulat kaugnay ng mga puwersang nagtutulak sa kaniya upang kumatha ng kuwento.

Pagtataya sa pagbuo ng imbentaryo ng mga katangiang dapat taglayin ng isang kuwentista batay sa mga pamantayan: A. Batay sa

pananaliksik

B. Makatotohanan C. Tapat

Page 5: Cg maikling kwento _final_ gsptagaytaycity

Mga Pamantayan: tapat; may pag-unawa sa sariling damdamin at damdamin ng iba. Interpretasyon Ilarawan sa masining na paraan ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga katangian ng mga kuwentistang Asyano. Mga Pamantayan: makatotohanan; malikhain; masining; tapat. Paglalapat Magmungkahi ng mga katangiang dapat taglayin upang maging matagumpay na kuwentista. Mga Pamantayan: makatotohanan ; batay sa pananaliksik. Pagkilala sa sarili Ibahagi ang katangiang taglay na makatutulong upang maging isang kuwentista. Mga Pamantayan: makatotohanan; tapat.

Page 6: Cg maikling kwento _final_ gsptagaytaycity

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga elemento ng maikling kuwento sa tulong ng pokus at kaganpan ng pandiwa (aktor) A. Panitikan: 2. Mga Elemento ng Maikling Kuwento

a. Mga Tauhan sa Maikling Kuwento • Protagonista

• Antagonista B. Gramatika 3. Pokus ng Pandiwa

• Pokus sa Aktor

• Kaganapang aktor

Ang mag-aaral ay nakapaglalarawan ng isang kakilala na may pagkakatulad sa katangian ng piling tauhan sa alinmang nabasang maikling kuwento

Mahalaga ang papel ng bawat tauhan sa anumang pagsasalaysay tulad ng maikling kwento. Ang antagonista ang bumubuhay sa tunggalian na kailangang magkaroon ng kakalasan na ang instrumento ay pakikipaglaban ng protagonista upang ang nasabing tunggalian ay magkaroon ng resolusyon. Magiging sapat ang kahandaan at magiging mahusay ang gagawing paglalarawan kung makikita ang kaugnayan ng pandiwa sa paksa at panaguri ng bawat pahayag na gagamitin sa nasabing gawain.

Bakit kailangang may protagonista at antagonista sa isang maikling kuwento ? Bakit mahalaga ang pokus sa aktor at kaganapang aktor ng pandiwa?

Paglalarawan ng isang kakilala na may pagkakatulad sa katangian ng piling tauhan sa alinmang nabasang maikling kuwento

Pagpapaliwanag Maglahad ng mga patunay na lubhang mahalaga ang protagonista o antagonista sa maikling kuwento. Mga pamantayan: naglalahad ng mga patunay; nagbibigay ng mga halimbawa batay sa pananaliksik; naglalahad ng sariling kongklusyon. Pagbuo ng sariling pananaw Ilahad ang sariling pananaw kung sino ang higit na nakapagpapataas ng kawilihan ng mambabasa, ang antagonista o protagonista. Mga Pamantayan: naglalahad ng pananaw ng iba’t ibang tao; may batayan ang nabuong sariling pananaw; napaninindigan ang sariling pananaw Pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba Maging katulad ng isang antagonista o protagonista sa ilang kwentong nabasa na may kaugnayan sa kasalukuyang mga pangyayari sa lipunan, ilahad ang maaaring maging

Pagtataya sa paglalarawan ng isang kakilala na may pagkakatulad sa katangian ng piling tauhan sa alinmang nabasang maikling kuwento batay sa mga pamantayan: A. Kaangkupan B. Tapat C. Makatotohanan D. Orihinalidad E. Wasto ang Gamit ng wika at retorika

Page 7: Cg maikling kwento _final_ gsptagaytaycity

damdamin kaugnay nito Mga Pamantayan: tapat; may pag-unawa sa sariling damdamin at damdamin ng iba Interpretasyon Lumikha ng katulad na katangian ng tauhan sa tauhan sa alinmang maikling kuwentong Asyano. Mga Pamantayan: makatotohanan; malikhain; masining Paglalapat Ilarawan ang isang kakilala na may pagkakatulad sa piling tauhan sa alinmang nabasang maikling kuwento. Mga Pamantayan: napapanahon; angkop sa paksa; makatotohanan Pagkilala sa sarili Pag-isipan ang kayang gawin ng isang manunulat sa pagbuhay ng isang tauhan sa kaniyang akda at ibahagi ang naging hikayat nito sa iyong kakayahang makasulat din. Mga Pamantayan: may batayan ; makatotohanan; may kaugnayan sa paksa; tapat; makatotohanan

Page 8: Cg maikling kwento _final_ gsptagaytaycity

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga elemento ng maikling kuwento sa tulong ng pokus at kaganapan ng pandiwa (ganapan) A. Panitikan: 2. Mga Elemento ng Maikling Kuwento

2.2. Ang Tagpuan sa Maikling Kuwento

• Lugar o pook

• Panahon

• Atmospera

B.Gramatika 4. Pokus ng Pandiwa

• Pokus sa Ganapan

• Kaganapang Ganapan

Ang mag-aaral ay nakabubuo ng sariling tagpuan ng maikling kuwento

Isa ang tagpuan na may pinakamahalagang nagagawa sa pagiging masining ng isang kwento. Nagpapakita rin ito ng pagiging makatotohanan ng anumang kwento lalo na at aktuwal na doon naganap ang isang tunay na pangyayari. Gumagalaw ang tauhan na angkop sa tagpuang ipinakikita sa kuwento. Sa tulong ng pokus ng pandiwa, ang paglalarawan ay mabisang naipakikita ang makatotohang ugnayan ng tagpuan sa mga karanasan o suliranin ng tauhan sa anumang maikling kuwento, lokal man o pang-Asyano.

Bakit kailangang ang tagpuan ay may kaugnayan sa mga tauhan sa maikling kuwento? Paano makatutulong ang pokus ng pandiwa sa paglalarawan upang maipakita ang ugnayan ng tauhan sa tagpuan?

Pagbuo ng sariling tagpuan ng maikling kuwento

Pagpapaliwanag Suriin ang kahalagahan ng tagpuan sa pagpapalutang ng kagandahan ng istorya ng maikling kuwentog Asyano. Mga pamantayan: naglalahad ng mga patunay; batay sa pananaliksik; nagbibigay ng mga halimbawa; naglalahad ng sariling kongklusyon. Pagbuo ng sariling pananaw Ibigay ang sariling pananaw sa kahalagahan ng tagpuan sa karanasan ng tauhan sa pagpapalutang ng kakintalan at diwang nais iparating ng manunulat sa mambabasa. Mga Pamantayan: naglalahad ng pananaw ng iba’t ibang tao; may batayan ang nabuong sariling pananaw; napaninindigan ang sariling pananaw. Pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba Ilahad ang naging saloobin at pag-unawa sa naging damdamin ng mga tauhan kaugnay ng tagpuan sa alinmang nabasang maikling kuwentong Asyano. Mga pamantayan:

Pagtataya sa Pagbuo ng sariling tagpuan ng maikling kuwento batay sa mga pamantayan: A. Kaangkupan ng

pook, panahon at atmospera

B. Makatotohanan C. Estilo D. Wasto ang gamit

ng gramatika at retorika

Page 9: Cg maikling kwento _final_ gsptagaytaycity

tapat; may pag-unawa sa sariling damdamin at damdamin ng iba. Interpretasyon Magdisenyo ng isang tagpuan sa maikling kuwento na ang sarili ang gaganap na tauhan. Mga Pamantayan: makatotohanan; malikhain; masining. Paglalapat Ilarawan ang kasalukuyang kalagayan ng ginamit na tagpuan sa alinmang nabasang maikling kuwento. Mga Pamantayan: napapanahon; angkop sa paksa; makatotohanan. Pagkilala sa sarili Pagnilayan ang ugnayang tagpuan-tauhan sa alinmang akda at ibahagi ang pagbabagong kaisipan o paniniwalang naganap sa sarili. Mga Pamantayan: may batayan ; tapat ; makatotohanan; may kaugnayan sa paksa.

Page 10: Cg maikling kwento _final_ gsptagaytaycity

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga elemento ng maikling kuwento sa tulong ng pokus at kaganapan ng pandiwa (sanhi) A. Panitikan: 2. Mga Elemento ng Maikling Kuwento 2.3 Ang Banghay ng Maikling Kuwento

• Panimula

• Saglit na kasiglahan

• Tunggalian

• Kasukdulan

• Kakalasan

• Wakas

B. Gramatika 5. Pokus ng Pandiwa

• Sanhi

• Kaganapan sa Sanhi

Ang mag-aaral ay nakapagbibigay ng sariling simula, gitna o wakas ng maikling kuwento

Isang mahalagang katangian ng maikling kuwento ang may mahalagang pagkakasunod-sunod ng mahalagang pangyayari. Mula simula, saglit na kasiglahan, paunlad na mga pangyayari hanggang sa magwakas. Sa tulong na magkakaugnay na pangyayari, makukuha ang kawilihan ng mambabasa na kailangang tapusing basahin ang anumang kuwentong nasimulan. Mula pa rin sa magkakaugnay na pangyayari, makikita ang layon ng may-akda na bukod sa magbigay ng kakintalan ay magbigay ng kaalaman at makalibang. Makatutulong ang iba’t ibang pokus ng pandiwa sa pag-uugnay-ugnay ng mga pangyayari sa isasagawang buod ng maikling kuwento, sapagkat makikita ang ugnayan ng paksa sa pandiwa na mahalaga sa bawat pangungusap na gagamitin sa pagbubuod.

Bakit kailangang magkakaugnay ang mga pangyayari hanggang wakas sa isang maikling kuwento? Paano makatutulong ang iba’t ibang pokus ng pandiwa sa pagbubuod ng isang maikling kuwento?

Pagbibigay ng sariling simula, gitna o wakas ng maikling kuwento

Pagpapaliwanag Patunayang ang lahat ng mga pangyayari sa isang maikling kuwento ay magkakaugnay Mga Pamantayan: naglalahad ng mga patunay; nagbibigay ng mga halimbawa naglalahad ng sariling kongklusyon Pagbuo ng sariling pananaw Paghambingin ang mga pangyayari sa alinmang dalawang kuwentong Asyanong mapipili at ilahad ang pananaw tungkol dito. Mga Pamantayan: naglalahad ng pananaw ng iba’t ibang tao; may batayan ang nabuong sariling pananaw; napaninindigan ang sariling pananaw Pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba Iugnay ang mga pangyayari sa tauhan sa kuwento sa sariling karanasan o karanasan ng iba Mga Pamantayan: tapat; may pag-unawa sa sariling damdamin at damdamin ng iba

Pagtataya sa binuong simula, gitna o wakas ng maikling kuwento batay sa mga pamantayan : A. Batay sa

pananaliksik B. Makatotohanan

C. Ugnayan ng

mga pangyayari D. Wasto ang gamit ng gramatika at retorika

Page 11: Cg maikling kwento _final_ gsptagaytaycity

Interpretasyon Suriin at bigyang-kahulugan ang naging reaksiyon ng tauhan sa mga kinaharap na suliranin sa nabasang maikling kuwentong Asyano. Mga Pamantayan: makatotohanan; malikhain; masining. Paglalapat Magsagawa ng pagsusuri sa mahahalagang pangyayari sa akda. Mga Pamantayan napapanahon; angkop sa paksa; makatotohanan. Pagkilala sa sarili Magkaroon ng pagtataya sa naging kabisaan sa sariling kaisipan, damdamin at kaasalan ng mahahalagang pangyayari sa mga tauhan sa akdang binasa. Mga Pamantayan: may batayan ; tapat ; makatotohanan; may kaugnayan sa paksa;

Page 12: Cg maikling kwento _final_ gsptagaytaycity

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga uri ng maikling kuwento sa tulong ng mga uri ng parirala

A. Panitikan

3. Mga Uri ng Maikling Kuwento • Kuwento ng Tauhan

• Kuwentong Makabanghay

• Kuwento ng Katutubong Kulay

• Kuwento ng Kapaligiran

B. Gramatika 2. Mga Uri ng Parirala

b. Pariralang Pang-ukol (binubuo ng pang-ukol at layon nito

c. Pariralang Pinangungu- nahan ng Pandiwa

Ang mag-aaral ay nakalilikha ng sariling story line ng maikling kuwento

Dahil sa impluwensiya ng mga banyagang kultura, kalagayan at pangangailangang panlipunan ay patuloy na umuunlad ang maikling kuwento at nagkakaroon ng pagkakaiba-iba sa uri ayon sa paksa at layong nais pangibabawin ng may-akda. Bagamat binubuo ang pariralang pang-ukol at pariralang pinangungunahan ng pandiwa ng ilang salita na walang tiyak na kahulugan, nagsisilbi naman itong gabay upang malaman ang tungkol sa tauhan, , kapaligiran, katutubong kulay, aral na nakapaloob at higit sa lahat ang mga pangyayari sa isang pagsasalaysay.

Paano nagkakatulad at nagkakaiba ang mga uri ng maikling kuwento? Bakit mahalaga ang mahalaga ang paggamit ng pariralang pang-ukol at pariralang pinangungunahan ng pandiwa?

Paglikha ng sariling story line ng maikling kuwento

Pagpapaliwanag Ipaliwanag ang mga naging dahilan kung paano nagkaroon ng iba't ibang uri ng maikling kuwento. Mga Pamantayan: naglalahad ng mga patunay; nagbibigay ng mga halimbawa; batay sa pananaliksik; naglalahad ng sariling kongklusyon. Pagbuo ng sariling pananaw Maglahad ng sariling pananaw kung bakit magkakaiba ang nangingibabaw na paksa ng bawat uri ng maikling kuwento. Mga Pamantayan: naglalahad ng pananaw ng iba’t ibang tao; may batayan ang nabuong sariling pananaw; napaninindigan ang sariling pananaw. Pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba Ibahagi ang naging damdamin sa maaaring naging damdamin ng sumulat ng iba't ibang uri ng kuwento.

G-Mailahad ang buod ng kuwentong isinulat

R-Manunulat A-Mga kritiko at

manunulat ng maikling kuwento

S-May paligsahan sa pagsulat ng maikling kuwento

P-Sariling story line maikling kuwento S-Pagtataya sa sariling likhang story line ng maikling

kuwento batay sa mga pamantayan:

A.Orihinalidad

B. Taglay ang elemento ng story line

C. Wasto at angkop ang gamit ng

gramatika at retorika

D. Makatotohanan ang paksa

E. Napapanahon ang paksa

Page 13: Cg maikling kwento _final_ gsptagaytaycity

Mga Pamantayan: tapat; may pag-unawa sa sariling damdamin at damdamin ng iba. Interpretasyon Paghambingin ang mga uri ng maikling kuwento sa masining na paraan. Mga Pamantayan: makatotohanan; malikhain; masining Paglalapat Maglahad ng ilang pangyayari sa kasalukuyan na may pagkakatulad sa pangyayari sa alinmang kuwentong nabasa. Mga Pamantayan: napapanahon; angkop sa paksa; makatotohanan. Pagkilala sa sarili Magbahagi ng mga kabutihang natamo mula sa pagbabasa ng maikling kuwentong Asyano ayon sa iba‘t ibang uri nito Mga Pamantayan: may batayan,makatotohanan; may kaugnayan sa paksa; tapat;

Page 14: Cg maikling kwento _final_ gsptagaytaycity