bilanggo - ricky lee

26
N~gsusulat sa filipino, Ingles at Bisaya. Nagsusulat sa teatro, magasin at telebisyon. Nagkamit ng mga sumusunod na gantimpala't parangal: "Dear Sam ... Sumasaiyo, Juan", Best TV Special of the Year, Gawad CCP Para. Sa Telebisyon, 1991; "Paario Kung Hindi Ka Na Lalaki?", karangalang banggit, Gawad CCP Para Sa Dula, 1990; "Bahay-Kubo: Partisipasyon Ng Kababaihan Sa Pabahay" (dokumentaryo), pangatlong gantimpala, Gawad CCP Para Sa Video at Pelikula, 1989; "Hanayome-San" (feature), unang gantimpala, Gawad CCP Para Sa Video At Pelikula, 1988; e"Alamat Ng Smoki Mawnteyn", pangalawang gantimpala, Gawad CCP Para Sa Dulang Pambata, 1988; at "Sampung Taon", (feature), pangalawang gantimpala, ABS-CBN Scriptwriting Contest, 1987. Nakapagsulat na ng pitong novelette. Misis at may tatlong anak. Free-lance writer. BILANGGO Ricardo Lee Ang una nating makikita sa screen ay iba't ibang images ng karahasan at pagpapahirap, mabibilis na lumilitaw at salea mawawala: kamay na pinipilipit, balat na pinapasong sigarilyo, matang tinutuunan ng mainit na bombilya, dugong dumadaloy sa paa, dibdib na kinokoryente, bibig na surnisigaw sa soot. Ang bibig na sumisigaw sa sakit sa panaginip ay magiging bibig nga.yon ng isang lalaking nakauposaisang sementadong· bench sa tagiliran ng fire station. Walang sound na lalabas sa nakabukas niyang bibig. Kagigising lang ng lalaki mula sa panaginip. Walang makikitang ekspresyon sa mukha niyang tinutuluan ng pawis dahil sa init. Nakatuon ang mga nakabukas niyang mata sa harapan niya pero parang di niya nakikita ang tatlong batang nagtatakbuhan sa may kana!.. Dalawang bombero ang mag-uusap habang naglalaro ng chess pero parang wala siyang naririnig. Naniniwala siyang kapag di siya gurnalaw 0 kumurap man lang maski kailan ay ligtas na siya, di siya makikita at mapapansin ng ibang tao. Para siyang tuod lang na nakaupo. May lalapit na Bombero·1 sa lalaki at manunudyong pagrnamasdan siya. BOMBERO Aba, hindi pa pala umaalis dito si Tisoy. Hoy, Tisoy, talaga bang mahalna mahal mokami't ayaw mo kaming iwan? ..

Upload: clara-buenconsejo

Post on 10-Apr-2015

1.018 views

Category:

Documents


16 download

TRANSCRIPT

N~gsusulat sa filipino, Ingles at Bisaya.

Nagsusulat sa teatro, magasin at telebisyon.

Nagkamit ng mga sumusunod na gantimpala't parangal:

• "Dear Sam ... Sumasaiyo, Juan", Best TV Special of theYear, Gawad CCP Para. Sa Telebisyon, 1991;

• "Paario Kung Hindi Ka Na Lalaki?", karangalangbanggit, Gawad CCP Para Sa Dula, 1990;

• "Bahay-Kubo: Partisipasyon Ng Kababaihan SaPabahay" (dokumentaryo), pangatlong gantimpala,Gawad CCP Para Sa Video at Pelikula, 1989;

• "Hanayome-San" (feature), unang gantimpala, GawadCCP Para Sa Video At Pelikula, 1988;

e"Alamat Ng Smoki Mawnteyn", pangalawanggantimpala, Gawad CCP Para Sa Dulang Pambata,1988; at

• "Sampung Taon", (feature), pangalawang gantimpala,ABS-CBN Scriptwriting Contest, 1987.

Nakapagsulat na ng pitong novelette.

Misis at may tat long anak.

Free-lance writer.

BILANGGORicardo Lee

Ang una nating makikita sa screen ay iba't ibang images ngkarahasan at pagpapahirap, mabibilis na lumilitaw at saleamawawala: kamay na pinipilipit, balat na pinapasongsigarilyo, matang tinutuunan ng mainit na bombilya, dugongdumadaloy sa paa, dibdib na kinokoryente, bibig na surnisigawsa soot.

Ang bibig na sumisigaw sa sakit sa panaginip ay magigingbibig nga.yon ng isang lalaking nakauposaisang sementadong·bench sa tagiliran ng fire station. Walang sound na lalabas sanakabukas niyang bibig.

Kagigising lang ng lalaki mula sa panaginip. Walangmakikitang ekspresyon sa mukha niyang tinutuluan ng pawisdahil sa init. Nakatuon ang mga nakabukas niyang mata saharapan niya pero parang di niya nakikita ang tatlong batangnagtatakbuhan sa may kana!.. Dalawang bombero angmag-uusap habang naglalaro ng chess pero parang wala siyangnaririnig. Naniniwala siyang kapag di siya gurnalaw 0 kumurapman lang maski kailan ay ligtas na siya, di siya makikita atmapapansin ng ibang tao. Para siyang tuod lang na nakaupo.May lalapit na Bombero·1 sa lalaki at manunudyongpagrnamasdan siya.

BOMBEROAba, hindi pa pala umaalis dito si Tisoy. Hoy, Tisoy,talaga bang mahalna mahal mokami't ayaw mokaming iwan? ..

BOMBERO 1 (idadaan-daan ang kamay sa harapanngmukha ng lalaki)Sinusumpong na naman si Tisoy! Nagpapatay-patayanna naman! Hoy, Tisoy, gumalaw ka nama.n d'yan!Baka mabulokka d'yan!

~ero wala pa ring katinag-tinag ang lalaki.

BOMBERO 1 (magbibiro)Sunog! Sunog!

Pero di pa rin kikibo ang lalaki. Mapapatingin ang mgabomberong naglalaro ng chess;

BOMBER02H'wag mo ngang guluhin 'yan, Berto, at bakasumpungin na namane mag-iiyak! Nakita mo nang sirae!

BOMBERO 1Ayaw gumalaw e. Gusto kong subukan kungmapapagalaw ko!

BOMBERO 3Hoy, Berto, ang pumapatol daw sa sira e mas sira!.

Nagtatawang aaHs ang Bombero 1. Maiiwan ang lalaking walapa ring kakibu-kibo. .

Mula sa bintana ng kanyang bahay ay pinagmamasdan niElynia ang lalaking nakaupo sa tagiliran ng fire station.

Mahigitnang treinta s~Elynia. Maganda pero hindi nag-aayoskaya ?rdinaryo ang itsura. Nagpaplantsa siya ng uniporme.

Pawisang-pawisan. Magtatagal ang plantsa sa isang bahagi ngdamit. Mapapahawak siya sa damit at mapapaso siya. Aatrasang kamay. Saka titingin uli sa lalaki sa tagiliran ng fire station.

Nagbibilang si Elynia ng perang ibibigay sa customer nanagwi-withdraw. Nakauniporme siya. Pinagpapawisan. Mainitna mainit ang panahon.

.Nasa loob siya ng counter sa loob ng bangkongpinagtatrabahuhan. Maliit lang angbangko at parangnakakulong ang mga empleyado nito dahil napakaramingproteksyong rehas at pinto anggusali .. Umuugong ang air-con .pero di matalo ang init.

Lalapit si Ditas, katrabaho niya. Mas bata si Ditas kay Elynia.Kita sa mukha nitokung masaya ita 0 hindi. Hindi kagaya niElynia naang emosyon ay laging nakatago.

DITASIkaw ha.· Akala ko,. nagpasabi ka nang absent kangayon?

ELYNIAE wala akong magawa sa bahay e.

DITASBa't ba ako, pag nagkakadisminoreya, hindi namanganyan kagrabe? Natutuy(} kalang siguro. Matagal kana kasing walang boyfriend e!

ELYNIA (kulairutin si Ditas)Bibig mol

DHASBibig ~o! Bakit, an(}'ng diperensiya ng bibig ko?

Masaya yata .ako dahil nagagawangbibig ko lahat nggusto niyang gawin! E ikaw, puro ka pigil e!

ELYNIAMagtrabaho pa nga tayo!

DlT AS (gagayahin)Magtrabahona nga tayo!

Katatapos lang maghanda ni Elynia ng higaan. Maliit lang angkuwarto niya, parang isang selda. Naroroon ang lahat ng kailanganniyang pagkain, babasahin, libangan at damit kiiya 'pag-uwimula sa trabaho ay di na halos niya nagagamit ang iba pangbahagi ng kabahayan. Ang kuwarto ang kanyang mundo.

Mauupo si Elynia sa kama at pipindutin ang remote control ngTV. Newscast ang labas. May demonstrasyon na naman augmga human rights groups Iaban sa puwersahangpagpapa-evacuate sa maraming mga tagabaryo sa Mindanaw.Isang madre ang naglalabasan ang mga litid sa leeg sapagbatikos sa kabuhungang ginagawa ng mga sundalo.

~

abot si Elynia ng potato chips at kakain. Ipinapakita sa TVscreen ng isang biktima ng hamletting mlg mga sariwang tamang baril sa binti niya. Maiinip si Elynia. Papatayin ang TV.

Tatayo si Elynia at dudungaw sa bintana. Gayang dati aymakikita niya ang lalaki roon. Nakaupo pa rin sa tagiliran ngfire station. Walang kagalaw-galaw. Paano kaya siyanakakatagal na maupo doon nang di gumagalaw? maiisip niElynia. Makikita niyang pumasok sa loob ang mga bomberopara matulog. Maiiwan sa labas, sa diIim, ang lalaki.

Isi-set in Elynia ang alarm clock. Aabutin ang baso ng tubig atang gamot at iinom. Bigiang susumpong ang sakit ng tiyan atmasasapo niya ito. Saglit lang ang sakit. Mawawaia rin.

Magigising si Elynia sa ingay ng kalembang ngkampana safire station. Susulyapan niya ang reio. Alas dose ng ha~inggabi.

Babangon siya at dudungaw. Maririnig ang pagkakaingay ngmga taong nagsisigawang may sunog, may sunogl

. Close-up sa mukha ng lalaki habang "naririnig angpagkakaingay ng mga tao sa kalsada. Lalapitan siya ngBombero 1 at kakausapin pero di natin ita makikita.

BOMBERO 1 (off-camera)Oy, Tisoy, pupuntahan lang namin 'yung sunog ha?Ikaw na muna ang bahalang magbantay dito sa firestation!

Magtatawanan sa biro ang ibang bombero. Di pa ringumagalaw ang lalaki.

BOMBERO 2Tena nga! Baka mahawa pa tayo sa kabaliwan nito!

Matagal.siyang di gagalaw. Saka marahang yuyuko,pagmamasdan ang sugat niya sa bisig. Malapit na itonggumaling. Haha wakan niya ito; Duduraan niya ang dalid at

Balagay ang laway sa sugat.

Saka mapapatigil siya. May mararamdaman. Babaling sakaliwa. Naroon si Elynia, pinagmamasdan siya. Mapapahiyaang lalaki dahil nahuli siyang gumalaw.

Ngingiti si Elynia. Di ngingiti ang lalaki.

ELYNIATlningnan ko kung saan ang sunog. Di naman patarrialapit dito.

DI kikibo ang lalaki. Babaling sa harapan ang tingin.

'ELYNIALagi kitang nakikita dito. Me kamag-anak ka ba samga bombero?

Babaling uli ~mglalaki kay Elynia. Parang iniisip kungkakausapin ang babae, 0 babaJik sa di paggalaw. Sakaalanganing nginghi. Ngingiti rin si Elynia. Iiling ang lalaki.,

ELYNIAE ba't lagi kang nandito? Saan ka nakatira? Dito ka bamatutulog?

LALAKIHindi ako natutulog.

Di malalaman ni Elynia kung paano tatanggapin ang sagot nglalaki.

ELYNIAHindi ka natutulog? .

LALAKIPag natulog·kasi aka, baka dumating sila, kukunin nila .ako~ Ayokongsumaina sa kan~la.

ELYNIA. Kaya ba ilang araw ka nang di gumagalaw d'yan? Paradi ka nila mapansin?

ELYNIASinopg sila?

Di na kikibo ang lalaki. Babaling uli sa malayo. Wala nananiang kagalaw-galaw. Saglit na pagmamasdan siya ni Elynia.Saka tatalikod si Elynia at aalis.

Maiiwang nakatingin ang lalaki sa nagkakagulong mga tao saharapan niya, at di pa rin natin nakikit;-'pero naririnig.Maiingay, nagtatakbuhan, naghahanapan.

. Babaling ang lalaki at makikita niyang naglalakad na palayo siErynia. Tatayo siya at susundan ita.

Pagkapasok ay magsasara na sana ng pinto si Elynia. Sakamapapansin niya sa gitna ng kalsada ang lalaki, nakatingin sakanya, malungkot, kalahati ng katawan ay nasa dilim dahil sailaw sa poste sa likuran nito. Noon lang niya mapapansingnakamaong lang ito, at T-shirt na marumi.

May ilang taong nagtatakbuhan pa rin sa kalsada, isinisigawang pangalan ng mga nawawalang anak 0 kapatid. Mag-iisip siElynia. Saka isasara ang pinto.

Sandalingnakatayo lang si Elynia sa tabi ng nakasarang pinto.Naririnig pa rin niya ang ingay ng mga tao sa kalsada,papawala na.

. Bubuksan uli ni Elynia ang pinto. Makikita niyang nakatayo pa

".~'. .',',-:·_'".,~:(,t;,"~"'··",',nil ...•• ,.£;;;

rin ang lalaki sa kalsada, malungkot na nakatingin sa kanya.Mapapahawak si Elynia sa tiyan niya dahil sa biglang bugso ngsakit.

Pinagpapawisang magpapabiling-biling sa pagkakahiga anglalaki. Nak~iga siya sa sala ng baI1ay ni Elynia. Umuungolsiya.

LALAKIGutom ... ako ...

Magpapatuloy ang images. May dugong pupulandit. Aangatahg mukha ng lalaki sa sakIt, noon sa nakalipas. Saka merongJalapit na mga kawad ng ko.ryente. Tutulo ang pawis· sa mgananlalaking mata ng lalaki.lkakabit ang kawad sa hubadniyang katawan at rnagkikikisay siya sa sakit.

Pagrnamasdan tang ng lalaki si Elynia. Saka lalakad siyapalapit. Pagtingala ni Elynia mula sa sakit ng tiyan ay makikitaniyang nakatayo na sa harapan niya ang lalaki.

ELYNIAHindi kita mapapapasok. Nag-iisa lang ako e.Maglalabas na lang. aka ng pagkain.

May.mga kamay na hahawak sa lalaki. Magkukumawala siya.Ngayon, sa kanyang panaginip, nakikita niya ang sarili niya,inililibing sa lupa nang ulo lang ang nakalitaw. Urniiyak nasiya, nagrnamakaawa, pero naghahalakhakan lang ang mga

"nakapaligid na sundalo. .- - - - _Isasara ni Elynia ang pinto at pupunta siya sa kusina.Maghahanda ng pagkain habang sinasabi ng mukha niya, anaitang ginagawa ko, ba't ko 'to ginagawa?

Di makahingang magigising ang lalaki, humihingal.Pinagmamasdan siya ni Elynia. Mapapatingala ang lalaki. Sakarnalalamang nakatulog siya. Dali-daling babangon at rnauupongparang kahoy uli.Dala ang pagkain, babalik sa pinto si Elynia at bubuksan ito.

Nakatingin ang lalaki sa kanya. Parang nahihilo ita. Iaabotsana si Elynia ang plato ng pagkain pem mapapasapo angkamay ng lalaki sa noo, saka matutumba ita at mawawalan ngmalay. Mapapasigaw si Elynia.

LALAKI (takot)Nakatulog pala ako!

ELYNIA '00. Kailangan mong magpahinga. Matulog ka uli.

Makikita niyang nakaupo si Elynia sa harap ng katre,pinagmamasdan siya. Madi-distort ang image ni Elynia atpapalit dito ang isang babaing maganda, si Grace, girlfriend nglalaki, nakaupo rin at nagbabantay sa kanya. Papatong dito angimage ng isang sundalo, nakaupo, nagbabantay rin.

LALAKIHindi. Bakadumaring sila. Baka kunin nila uti ako pagnakatulog aka.

ELYNIASino sila? At paano pag inantok ka at nakatulcig ka uti?

Iba't ibang panahon, iba't ibang okasyon. May kung anongmatinis na bases na kurnakanta ng matamis na awitin. Sakabiglang kakalabog, sunud-sunod, ang parang mga drums, o·malakas na tibok ng puso.

Hahawakan ng lalaki ang sugat sa bisig niya at pipisilin.Mapapangiwi siya sa sakit.

ELYNIASinasaktan mo ang sarili mo?

LALAKIKung hindi, darating sil.a at sasaktanako.

ELYNIA (mag-iisip, saka magsasalita)0, sige, di bale. Kumain ka muna. Ano'ng pangalanmo?

ELYNIAHa?

LALAKILuis.

ELYNIALuis?

LUIS00. (mag-iisip) Siguro. Manfini akong !Jangalan e.

ELYNIAAnong marami?

Sa halip na sumagot ay aabutin ni Luis ang plato at kakain.Matakaw sa pagkain, dahil matagal na siyang di kumakain.Pero nakakailang subo pa lang aybigla nang maduduwal.Itatap6n ang plato at saka uurong sa sopa.

ELYNIABakit? .

LUIS (ituturo ang plato).May uod! Marami! .

ELYNIAWala! Bagong bili ko 'yan. Anoba'ng pinagsasasabimo?

LUISNakita ko el Marami! Ba't mo nilalagyan ng uod angpagkain? Inutusan ka ba nila? Ayokong kumain! Di akakakain!

ELYNIASige, mamaya na lang uli tayo kumain. Magkuwentoka muna tung]ml sa sarili mo. Nasaan ang pamilya mo?Di mo pa .sinasabi kung bakit lagi kang nasa fire station.

ELYNIAGusto mo nang matulog?

Lalabas ang takot sa mukha ni Luis at paulit-ulit, malakas naiiUng siya.

LUISAyoko. Baka dumating sila.

ELYNIAAyawmo bang sabihin sa 'kin kung sino sila?

LuisMarami sila e. Dikosila kilala.

ELYNIAE kung di ka matutulog e ano ang gagawin mo?

Sa ilalim ng nakabukas na ilaw ay pare hong nakaupo sinaElyma at Luis. Nakatulog na s·iElynia pero si Luisay bukas nabukas pa ang mga mata, parang may hillihintay, parang may

. binabantayang kung sinumang sasalakay-sa gabing iyon.

Itutuon ng doktor na nag-eeksamin ang flashlight sa mga matani Luis. Magkukumawala si Luis, takot na takot.

-'-DOKtOR .""Bakit, takot ka sa Haw? Di ka sasaktan ng ilaw.

DOKTORHuminga ka nang malalim, h'wag mong pipigilan.Pinipigilan mo e.

/

DOKTORSige, ilabas mo, h'wag kang matakot, doktor ako, dikita sasaktan.

DOKTORAno'ng pangalan mo?

LUISGary.

DOKTORSabi ni Elynia ay Luis.

LUISIsa lang 'yun. Marami akong pangalan e.

DOKTORBa't marami kang pangalan?

LUISSecurity. Sabi nila.

DOKTORMe naaalaia ka ba tungkol sa buhay mo noon?

DOKTORTagasaan ka?

DOKTORSaan doon?

LUISSa tabi ng bombero.

DOKTOR (matatawa ang doktor)Natatawa tuloy ako sa 'yo e!

Matatawa na rinsi Luis. Mapapatingin ang doktor kay Luis.·Tumigil na siya ng pagtawa. Pero si Luis, patuloy pa rin sapagtawang mag-isa, parang may sarBing mundo na masayaniyang nakikita; "

Kausap ng doktor si Elynia.

ELYNIAHindi. Mabait siya. Nakaupo lang lagi sa isang tabi.

'DOKTORKailangang dalhin siya sa ospital. Kailangangmaiksamin siyang mabuti.

bigla na lang noong sunugin ang bahay mo? 0 kaya'ypagnakawan ka? Nag-aahiga ka ng baliw!

DITASMaski na. Malay mo kung datrpala 'yung kriminal.

ELYNIAKailangang dalhin ka sa ospital.

ELYNIAWala sa itsura oy.

ELYNIA--Ayaw mo?

DITASo kaya e baka me pamilya pala, hinahanap na siya,-kawawa naman. Baka me asawa na. Gusto rpo-bang>masangkot sa iskandalo?

ELYNIALuis, gusto rno bang dito rnuna sa akin turnira?Nag-iisa lang ako dito.

DITASNai-in love ka sa kanya ano?

LUlS (rnapapatingin, saka ngingiti at tatango)_00.

ELYNIAOy, hindi yata.

ELYNIANasa States ang rnga rnagulang at kapatid ko. 'Butingdito ka muna para rnaalagaan kita. Saka na lang kitadadalhin sa ospital.

DITASArninin mo na.

ELYNIASige na nga.

DITASo di inamin din.

DITASAoo? Di ba peligroso ang ginagav.-:aroo? Paaho kung

ELYNIAMedyo natatakot lang ako. Kasi kung minsan, parangwala siya saosarili. ..

DITASAnongkung minsan? Wala talaga siya sa sarili! Elynia,iyang taong ganyan, walang laman 'yan sa loob!Walang laman sa dibdib, walang laman sa isip! Paanomagwu-work ang relasyon n'yo?

ELYNIAH'wag kang mahiya. Tayo lang naman ang nandito.Eta, ibinili kita ng bagang damit. Isukat mo,

Alanganing aabutin ni Luis ang damit, Mapapansin ni Elyniana may mga kagagaling lang na sugat sa dibdib ni Luis,

DITASBaliw 'yun, Elynia. Wala 'yung naaaiala.

ELYNIAAna'ng nangyari d'yan?

ELYNIAMe kinatatakutan s'yang kung ano. -Pag nakikita kosiy~'y parang gusto ko s'yang laging yakapin at ..protektahan.-

Yuyuko si Luis at titingnan ang tinutukoy ni Elynia. Saka di nagagalaw ang ulo niyang nakayuko. Di siya kikibo.

ELYNIALuis? ~'-~

DITASGanyan din ang sabi mo noon sa former boyfriendsmo: Di ka pa ba nadala?

Di pa rin kikibo si Luis. Itataas ni Elynia ang mukha ni Luis.Lumuluha ito.

ELYNIAHindi. Iba na 'to, Ditas.

ELYNIALuis ...

DITASLahat naman 'yan, Elynia, nagsisimula sa iba na 'to.Pero pag nagtagal, mahihirapan ka rin, at pati akomadaclamay. •

ELYNIAKalimutan mo na, anuman 'yun. Kung may magagawalang ako, para tanggalin lahat ng mga nasa isip mo nakinatatakutan mo.

ELYNIASige, magbihis ka na.

Kalalabas lang ng banyo ni Luis. Bagong paliga. Nakatuwalyalang. Lumabas ang natural na pagkaguwapo.

Lalapit-si,Elynia, may dalang damit. Mabibigla si Luis kayElynia atp~ang nahihiyanguurong,' gustong magtago.

.Aabutin ni Luis ang dam it at magbibihis. Tatagilid nang kontisi Elynia.

ELYNIAHanggang narito ka sa bahay ko, ligtas ka. Ako'ngbahala sa 'yo.

ELYNIA.0, e di hindi ka na mukhangpalabuy-Iaboy.

ELYNIA0,· saan ka pupunta?

ELYNIASa fire station? H'wag ka nang pupunta doon mulangayon. Hindi magandang tingnan e. Malalaman nilangkababae kong tao'y pinatira kita rito. Naiintindihan moba ako?

Kekerereng ang telepono. Aabutin ni Elynia ang receiver atmagdadalawang-isip siya. Saka ilia-hang ang telepono.

ELYNIAPilitin mong matulog. Kailangan mo.

. Iiling si Luis:

. ELYNIA .Andito naman ako e. Walang makakalapit sa 'yo. Diako matutulog .

. Pagmam~sdan saglit ni Luis siElynia, saka lalapit pa ng higakay Elynia. Mag-aalangan si Elyni.a, saka iaakbay ang kamaykay Luis.' Nakaramdam ng proteksyon, ihihilig rri Luis ang ulosakatawan ni Elynia at ipipikit ang mga mata.

Pagmamasdan ni Elynia ang natutulog na si Luis. Magsisi-mulang maging banayad at regular ang paghinga ni Luis.

ELYNIA (voice-over ng iniisip niya)H'wag kang mag-alala, Luis. H'wag kang matatakot.Wa13.Llgsinuinang makakaIapit sa, 'yo para saktan ka ..Babantayan kita mula ngayon, maski ano'ng ginagawamo. bawat galaw mo, bawat paghinga mo. Di kamawawala sa paningin ko. Maski wala ako dito'y di kamawawala sa 'kin. .

Biglang mag-aalumpihit si Luis. Uungol. Lalabas ang ligalig samukha nito. Parang may kinakalaban itong di nakikita.

Nag-aalalang hihigpitan ni Elynia ang yakap kay Luis. Pero .sisigaw si Luis saka magkukumawala. .

LUISH'wag! Maawa kayo, h'wag!

ELYNIALuis! Luis!

LUIS (umiiyak na habang sumisigaw)Masakit! Tama na! Maawa kayo sa akin!

Lalong hihigpitan ni Elynia ang yakap kay Luis. Nanginginigsa takot ang katawan nito. May kung ano pang mga sinasabingdi roaintindihan

Naaawang yumuko si Elynia at pagmanlasdan si Luis: Sateahahagkan niya ita sa mga mata. Magmumulat ng mga mata siLuis. Magkakatinginan sila. Hahagkan ni -Elynia si Luis sabibig.

Yayakap si Luis kay Elynia, parang humihingi ng tulong. Sakatataas ang mukha at muli sila.ng maghahalikan. Papasok <tngkamay niLuis sa loob ng damit ni Elynia, naghahanap,humahaplos. Mapapapikit si Elynia, saka tuluyangmagpapaubaya.

Nagtatalik sina Elynia at Luis. Ingat na ingat at buongpagmamahal ang mga kilos ni Elynia. Ang kay Luis naman aymapusok, pisikal. Magkaiba ang pi~nggagalingan ng mgadamdamin nila. --

Magtatanggal ng damit si Luis at makikita uli ni Elynia ang- mga pilat nito sa dibdib. Hahagkan ni Elynia ang mga pilat ni

Luis.

Nakatingin si Luis kay Elynia habang nakapatong siya dito.Humfhingal si Luis habang pinapasok si Elynia. Sakamapapataas ang ulo niya at bibilis ang paghingal nito.

Matatapos sila. Tatagilid si Luis at kontentong makakatulogagad. Pagmamasdan siya ni Elynia. Saka ngingiti si Elynia.

Pinadadaan ni Elynia ang daliri niya sa mga pilat sa katawan niLuis, tini-trace ang mga ita mula sa Ieeg hanggang sa paa.

Nag-aayos sa harap ng salamin si Elynia. Naglalagay siya nglipstick. Pagmamasdan niya a.ng sarili. Maganda siya.

IK. itana rin sa...salamin ang nakabu~as na TV. Newscast uli ang.~alabas. Ibinabalita ang tungkol sa mga anomalya sa PCGG.

.Saka mapapansin ni Elynia sa salamin na gising na si Luis,pinagmamasdan siya. Lalapit si Elynia at tatabihan si Luis.

ELYNIAGood morning! Ang himbing ng tulog mol

Tataas ang kamay ni Luis at yayakap sa leeg ni Elynia,ibinababa ang mukha ni Elynia para maghalikan sila.

ELYNIASandali, sandali, kaaayos ko lang!

Dadako ang kamay ni Luis sa damit ni Elynia, gusto itong.tanggalin. MapaI?ahagikhik si Elyn.ia.

ELYNIAAna ba, Luis, gusto mo na naman?

ELYNIASandali.

ELYNIAMag-usap muna tayo. Masaya ka ba dito sa 'kin?

ELYNiAAko rin, masaya na nandito ka. Bago tayo nagkakilala,walang buhay ang buhay ko. Para akong bilanggo ditosa bahay. Walang pagkakaiba ang paggising sa umagaat pagtulog sagabi.

ELYNIASa States na nakatira ang mga magulang ko at kapatid.Di ko sila kasundo. Di namannila ako mahal e. Kungmahal nila ako'y pipilitin nilaakong sumama sa kanila.Pero isang tanggiko lang aypumayag nasila.

ELYNIABa't ka humahagikhik? Natatawa ka ba sa'buhay~o?

.Di nakakatawa ang buhay ko.

Lalong hahagikhik si Luis, saka yayakapin uli si Elyl1ia. Di naiiwas sicElynia. Magsisimula uli silang magtalik.- _.... -,:" -

Ihahanda ni Elynia ang automatic camera. Saka tatakbo siyapapunta sa tabi ni Luis. Aaakbayan siya ni Luis. Ngingiti silapareho. Magki-click ang camera.

Natutulog sa isang tabi si Luis, nakatago sa unan ang mukha.Nasa telepono si Elynia, kausap ang doktor. Nakabukas na .naman ang TV set, at sa newscast uli. Ang balita ay tungkol saisang rally laban sa presence ng US bases sa Pilipinas.

ELYNlAWala na ho dito si Luis, doc. Basta umalis na Iangkahapon. Di ko na pinigilan.

ELYNIAExcuse me, puwedeng magtanong?

ELYNIADi ba me laging nakaupo dito noong lalaki?(imumuwestra ang daliri sa uIo) 'Yung medyo me ...

BOMBERODi ba ikaw'yung nakatira d'yan sa tapat?

. ELYNIA00.

BOMBEROKilala mo ba si Tisoy?

ELYNIA. Ha? A, e, kamag-anak pala siya ng kinakapatid ko.

Ipinakikiusap na tingnan-tingnan ko siya. Kaya lang enapansin kong di na yata siya pumupunta dito.

BOMBERO00 nga e. Baka kinuha ha ng social services.

ELYNIA .E kelan ba siya unang nagpunta dito? Ganyan na hasiya noon pa?

BOMBERODi namin siya kilala e. Basta na lang isang umaga,nakita naming'nakaupo dito. Mula noon, di na umalis.

-BOMBEROHayaan n'yo, pag bumalik dito, pasasabihan narnin .kayo.

mga masang nagkakaisa, kapit~bisig, lumalaban para sa isangmaganda at makatarungang kinabukasan.

Nagulat, mapapatigil sa pagpipiyano si Elynia at pagrnamasdanna lang si Lui~. .

ELYNIAIkaw, marunong ka bang magpiyano?

Patuloy pa rin sa pagkant~ si Luis, malakas na malakas nangayon ang boses, punung-puno ng kombiksyon atdeterminasyon, hindinapapansing wala na siyangaccompaniment, at nakatanga na lang na nagmamasid sa kanyasi Elynia. . .

Nagpipiyano si Elynia. Isang lumang kanta ng pag~ibig saIngles. Nakangitingnakikinig ang katabing si Luis. Titigil siElynia. Babalingan si Luis.

-Iiling si Luis ..

LUISPero marunong akong kumanta.

Pinagsisilbihan ni Elynia si Luis habang naghahapunan ito.Magb4bantulot muna si Elynia, saka itatanong din ang kaninapa gumugulo sa kanya.

ELYNIASige. Tutugtog ako. Kumanta ka.

ELYNIAKanina, 'yung kinakanta mo, kanta 'yun ng mgaaktibista a. Aktibista. ka ba noon?

LUISGusto ko, Tagalog.

ELYNIAAnong kanta?

ELYNIA 'Luis, sagutin mo 'ko. Ba't alam mo ang mga gan'ongkanta?

LUISMaski ano. Basta maganda. LUIS

Tinuturo sa eskuwelahan.Natatawang haharap'sa piyano si Elynia at tutugtog ngKapantay ay Langit. Alam·ito ni Luis. Kakanta siya. Sisiglaang pagpipiyano ni Elynia. Sisigla rin ang pagkanta ni Luis.Habang nagpipiyano siElynia ay pasulyap-sulyap siya samukha ni Luis. Walang kaabug-abog ay biglarig lilipat si Luisng kanta. Ang kakantahinnito ngayon ay isang rebolusyo-naryong kanta. Matapang na kantang pangmartsa tungkol 'sa

Dadampot si Luis ng ulam at ilalagay sa plato niya.Hahawakan siya ni Elynia sa balikat.

ELYNIASagutin mo munaako nang mahusay. Me mga sugat kasa katawa.n. Tapos, me alam kang kantang

. - '.

':':, -,:':';'~;~-" ~'

.~:-->.~'';aiD:c""';N' j~

rebolusyonaryo. Aktibista ka ba noon? Nakulong ka bakaya may mga sugat ka?

ELYNIADi ka matutulog hanggang di mo ako sinasagot.

Di kikibo si Luis. Parang walang narinig na patuloy sa pagkuhang pagkain. Susubo na sana ~iya pero pipigilan ni Elynia angkamay niya.

Mapapatingin si Luis kay Elynia. Saka sumisigaw na biglaniyang tatabigin ang plato. Ang mga Iaman sa mesa.

.ELYNIA (matigas na ang bases)Sagutin mo muna aka, Luis.

LUISPare-pareho kayo! Huhulihin n'yo ako, tapas,pahihirapan n'yo aka! Mga pasista kayo! Lahat kayo!Magbabayad din kay~! .

Mapapatanga si Elynia, nabigla sa mga sinabi ni Luis.

Babaling si Luis kay Elynia, ngingiti, saka babalik sa pagsubosana. Pipigilan ni Elynia ang kamay ni Luis at saka tatabigin.Mahuhulog ang kutsara sa plato. Gulat na mapapatingin si Luiskay Elynia: Ngayon la~g niya' nakita ang ganitong ugali niElynia.

ELYNIA (galit na).Sagutin mo aka. Involved ka ba noon? Sino ang mgakasamahan mo? Ano ang nangyari sa inyo? Bakit kanakulong? Ano'ng nangyari sa 'yo?

Nagsisimula na ngayong pumasok ang takot sa mga mata niLuis habang nakatingin kay Elynia. Pero di ito mapapansin niElynia. Para pa rin siyang interrogator na patuloy sapagtatanong.

SUNDALOMahaba ang listahan, miss. Kelangang alam n'yo kunganong taon siya nakulong.

ELYNIASiguro ay nitong taong ita lang.

ELYNIADi ka kakain kungdi mo aka sasagutin. Ano angtalagang nangyari sa 'yo? Nasaan ang mga kasamahanmo?, Sino ka ba talaga?

Matiyagang tinitingnan nina Elynia at Ditas ang files.Nagpapatawa pa si Ditas.

LUISDi ko alamo

DIT AS (may piniling matanda at pangit)Hindi ito?

ELYNiAAlammo. Ayaw mo 1.angmagsalita.

ELYNIALoka!

LUISNap'apagoona. ako." .

Magpapatuloy sila sa paghahanap. Pagod namapapabuntung-hininga si Elynia. Saka mapapasulyap sa

. '~¥'".I."

.. '. ,,;'>":::l""ic,o'i:!il J' .,@

ELYNIASandali!

Pababalikin J1iElynia ang nabuklat nang pahina ni Ditas 0

Naroroon ang retrato ni Luis.

DITASSiya ba?

Kukunin ni Elynia ang file. Si Luis nga. Iba pa ang gupit ngbuhok pero siya nga. Sa ibaba ay may pangalan niya, angtotoo, Manolo Solis, at sakamaramingalyas. Isa- sa mga alyasang Luk

DITASNakalagay ba d'yan kung may asawa?

ELYNIA,Ikaw talaga, maski kelan, gusto mo e minamalas aka,ano? (titingnan ang file) Wala. .

DITASSuwerte mo pa rin.

ELYNIANi-raid ang headquarters nila. May mga kasamahansiyang nahuli atnakulong dito. Andito ang mgapangalan at address.

ELYNIAManolo ang pangalan niya. Manolo Solis.

DIT AS (makikisilip sa tinitingnan ni Elynia)Ano pa? Ba't daw nakulong?

N akaupo si Elynia sa sala, naghihintay. Pagmamasdan niya angpaligid. Simple lang ang kabahayan. May kalendaryong gawang mga detainees sa loobo Framed na revolutionary quotationsa dingding 0

ELYNIASubersiyon dawo Iyon naman lagi e. Apat na buwanlang nakulong, nakalagay ditoo Hinuli habangnaglalakad sa kalsada, sa Ten~eros St.. Aba, ita angkalsada ko a .. 0

Lalabas mula sa kuwarto si Myrna. Kasing~edad lang ita niElynia, di gaanong maganda pero may kapanatagan sa mukha,putol ang isang paa kaya nakasaklay.

DITASBaka kaya lagi siya sa may fire station. Baka sa bandaroon siya nahuli. Wala siyang maalala_sa mganangyayari pero iyon ang binabalik-balikan niya.Walandiyo, para tayong mga detective ano?

ELYNIASa UP siya nag-aral.

MYRNAIkaw ba ang naghahanap sa 'kin? Pasensiya ka na atpinaghimay kita.

ELYNIAOkey lang.

MYRNA (mauupo at saka i1alagay sa tabi ang saklay)Gusto mo ba ng softdrinks?

ELYNIAH'wagna. Di naman aka puwedeng magtagal e.

ELYNIAKasamahan ka daw ni Manalo' Solis.

ELYNIAKung iniisip mong baka military ako, 0 kaya ay espiya,h'wag kang mag-alala.

ELYNIAAlam kong nawawala si Manolo at hinahanap n'yoslya. Alam ko kung nasaan siya.

ELYNIANakita ko siya. (may ilalabas na ~etrato nila ni Luis)Wala siyang natatandaan sa mga nangyari. Nasira angisip niya.

Sa labas ng bahay, sa hardin nagkukuwento si Myrna kayElynia. Nakaupo sila sa swing.

MYRNADalawa silang naglalakad noon, si Manolo at si Jose,nangdamputin sila ng militar. Dinala sila sa kampo.Pareho silang pinahirapan pero sl Manolo angtumanggap ng pinakagrabe. Siguro'y natunugang

. madaIi siyang map~c]ghihina, Kung anu-anong ginawa

sa kanya. Pinaso ng sigarilyo, .kinoryente, winatertorture, ikinadena sa tiheras, pinalunok ng kunganu-anong drugs. Noong una'y matigas si Manolo,hindi nagsalita. Pero haIlggang saan ka tatagal saganoon? Makalipas ang dalawang linggo'y nagsalita rinsiya. Itinuro niya ang iba pa naming mga undergroundhouses. Nagkaroon ng tinatawag na sunog sa kilusan.Isa ako sa mga nahuli sa isa sa mga raids.

MYRNANagtangka akong tumakas noong second day ko sakampo.Binaril nila ako.

ELYNIAI'm sorry,

MYRNA -(matamlay na ngingiti)Merong mas grabe. Iyong isang kasamahan namingbabae, pinagsamantalahan. Iyong dalawa pa namingkasamahang lalaki, inilibing nang buhay. Iyong isa aydi pa nakikita maski ang bangkay.

. ELYNIALahat ay dahil kay Luis?

MYRNAPartly dahil kay Luis, partly dahil minsan ay bahagitalaga, ng pakikipaglaban ang mga ganitong pangyayari.

ELYNIAHindi ko alam na gan' on kagrabe ang mgaginagawa nila sa mga aktibista. '

ELYNIAI'm sorry kung wala akong nalalaman sa politics. Walatalaga akorig hilig e. Nool1g February, nagkulortg akosa kuwarto at hinintay kopa lang ang 'mga mangyayari.

MYRNAGanyan din ako dati noong bata pa ako.

ELYNIAAnong nangyari pagkatapos? I mean, nalaman ba niLuis. '.. Manolo ... na dahil sa kanya ay marami· kayongnapahamak?

_MYR}.lA (tatango)Dinibdib niya ang lahat nang malaman niya.Pagkalabas niya sa kulungan ay nagkaroon kami ngpangkalahatang assessment, at pinatawad siya ng mgakasamahan. Pero ibang klaseng tao si Manolo.Kailanman ay di niya pinatawad ang sarili niya. Mulanoon ay walang tigil siyang humingi ng tawad sa aminglahat, laging pumupunta sa amin at nagpapaliwanag.Sabi ko, Nolo, tapos na ang lahat, naiintindihan ka nanamin, magsimula na uli tayo. Pero hindi. Lahat kamipinipilit na naming kalimutan ang masamangpangyayaring iyon dahil rnarami pang ibang gawainpero si Nolo, lalo niyang tino-torture ang sarUi.Hanggang sa isang araw ay nabalitaan na lang namingnagtangka siyang rnagpakamatay. Buti na lang,naagapan ng ina. Dinala siya sa ospital. Di na naminsiya nadalaw dahil noong isang hapon ay bigla na langsiyang nawala.

Di mamamalayan ni Elynia ay lumuluha na siya. Papahirinniya ang luha niya.

MYRNAAlam mo, mahal namin si Manalo. Isa siyang

,mabuting kasarnabaIL M.abuti na lang at natagpuan mo '

ELYNIAHa? .. E umalis siya e.

ELYNIA ItHindi siya nagpaalam. Basta nawala na lang. Pero pagbumalik, kokontakin agad kita.

Nakaupo si Luis sa suIok ng kuwarto, walang katinag-tinag,, • parang gay a noong nasa tapat siya ng fire station. -

Pinagmamasdan siya ni Elynia -mula sa pintuan.Saka lalapit siElynia.

ELYNIALuis?

ELYNIALuis, ba't ka nandiyan?

LUISNakikita maba aka?

I ELYNIASyempre. Bakit?

LUISGusto kong walang makakita sa akin. Para di nila akomapuntahan.

ELYNIAMahal ko siya e.

ELYNIAAno ba 'ng pinagsasasa15i mo?

DITASAnong klaseng pagmamahal 'yan? Kinukulong mo siya.

LUISKailangang walang nakakakita sa akin. Para hindi nilaako mahuli at ikulong.Importante 'to. Buhay ko na 'to!

ELYNIAPara sa kanya rin 'yun. Alam mo"namang may ano siyasa ulo. E kung biglang umalis at masagasaan? 0 kayaay pagkatuwaan ng mga tao sa kanto?

Mapapaiyak sa awa si Elynia, saka pasugod na yayakapin siLuis at iduduyan-duyan sa dibdib niya. Walang ekspresyon samukhang sasanda!- si Luis.

DITASSabihin mo, natatakot kang baka me makakita sakanyang kakilala, maiuwi siya sa kanila.

ELYNIAMahal kita, l..uis. Mahal na mahal kita.Mula ngayon ay ditoka na lang. Di na kita ibabalik sakanila. H'wag kang mag-alala. Habang kasamamoako ay walang makakakita sa 'yo. Wala.

ELYNIA.Isipin mo na ang gusto mong isipin, basta tama angginagawa ko.

DIT AS (nagdaramdam)·00 nga. Lahat ng ginagawa mo, tama. Basta sinabimo, tama.

Sisilipin ni Elynia si Luis. Tahimik at walang kagalaw-galawitong nakaupo sa suIok ng kuwarto~ Isasara ni Elynia angkuwarto at lalabas siya. Mag-iisip siya. Saka ikakandado angkuwarto mula sa labas.

ELYNIAAno'ng ibig sabihin?

DIT AS (titingnang mabuti si Elynia)Elynia, magkaibigan tayong matalik. Dapatnagtutulungan tayo. Hindi nagbobolahan.

EL YNIA (magagalit agad)Kelan kita binola? Ano ba'ng gusto mong palabasin?

DITAS .Ginagawa mo na rin siyang.parangdeiaineemo.

DITASWala. Na ginagawa mo lang akong tagasahod ng mgaproblema mo. Pag may di ka ma-solve, pagriahihirapan ka,pag may gusto lang ihinga. Peropinakikinggan mo ba ako? HindL Habang nagsasalita

Nag-uusap sina Elynia at Ditas habang nagmemeryenda.

ka sa akin, ang pinakikinggan mo pa rin ay ang sarilimo.

ngayon? Kung nakaya mong magtahi-tahingmga.kuwento noon tungkol sa mga imaginary boyfriendsmo'y I\Uwede mo ring gawin 'yun ngayon.Walapalang Rod. Wala palang Tony. Malayko kungtalagang may Luis ..

EL YNIA (ibababa ang kutsara niya, nawalan nasiya ng gami)Ba't ba napunta diyan ang usapan?

DITASDahil sawa na 'ko, Elynia. Ginagamit mo na 'ko'y·pinagsisinungalingan mo pa ako.

DITASElynia, kung nalulungkot ka, .kung nahihiya kangaminingwalang nanliligaw sa 'yo, sa 'kin h'wag kangmahihiya dahil best friend mo aka.

DITAS- Me mi1GJ,usapakong kaklase mo sa college noon.

Nagkakuwentuhan kami tungkol sa 'yo. Alam ko nangayon, di pal a totoo ang mga kuwento mo tungkol samga boyfriends mo noon.

Sisinghot si Elynia. Papahirin niya ang mga luha sa mukha atsaka lalaQa&-;Manwan si Ditas.

ELYNIASiya ang nagsisinungaling.

DITASGusto mong iharap ko siya? Gusto mong ulitin nanaman niyang sabihing wala ka palang naging mgaboyfriends noon? Na la,hat palaay ilusyon mo lang?

ELYNIALuis?

Hindi makakakibo, lumuluha na si Elynia. Magtatangka siDitas ria hawakan siya pero iiwas ~i Elynia.

EL YNIA (matataranta na)Luis?

DITASElynia, I'm sorry. ELYNIA

Luis, 'nasaan ka?ELYNIA (titigas ang mukha)Totoo si Luis. Tarantang maghahanap sa buong kuwarto si Elynia. Bubuksan

ang cabinet. S~ka mapapatigil. Tiringala. Nasa itaas ng cabinet·si Luis; nakasabit sa kisame, takot na takat.DITAS

Sana, Elynia.Pero paano kita mapapaniwalaan

-" f ,·> •• n '".-~'-"-

ELYNIALuis, ba't ka nandiyan?

ELYNIALuis, sagutin mo ako. Ba't ka nandiyan?

LUIS (takot na takot pa rin)H'wag mong sasabihing nandito ako. Nasa labas kasiang mga kasamahan ko. Hinahanap nila ako!

ELYNIAWalang tao sa labas. Luis, bumaba ka na!

LUIS (parang walang narinig)Nasa labas sila, nagagalit sila sa akin! Dahil kasi sa'kin, nahuli sina Myrna. Ako ang pumatay sa mgakasamahan ko! Hindi ko sinasadya! (humahagulhol na)Patawarin n'yo na ako, sinaktan kasi nila ako, kunganu-anong pinainom nila sa akin, di ko na matiis!Patawarin n'yo na ako, patawad na!

Gulat na mapapatingin lang si Elynia sa humahagulhol na siLuis.

DOKTORLumalala ang lagay niya dahil di natitingnan nangmahusay. Kailangangdalhinmo na siya sa ospital.

Mag-iisip si Elynia. Di pa rin siya kumbinsido.

Magigising si Elynia na wala sa tabi niya si Luis. Magtatakasiya. Babangon. . .

Pagtayo ni Elynia ay saka niya rpapapansin, may mganakaglihit na itim sa dingding ng kuwarto, parang iyong .ginagawa ng isang bilanggo kapagnagbibilang siya rig araw.

Saka maririnig ni Elynia ang mga· sigaw ni Luis mula sa sala.Hindi niya maintindihan. Tatayo siya at pupunta ng pinto.Sa pinto ay mapapatigil siya. Makikitaniya sa sala si Luis,nakaupo, hub ad ang itaas ng katawan kaya kita ang mga pilatdoon, umiiyak habang nagsasalita.

LUISTatlo po silang nakatira doon. Tuwing linggo ay doonkami nagmimiting. May baril kaming nakatago. Nasa

. ilalim ng sahig sa ilalim ng· kama. H'wag n'yo na poakong saktan. Di ko na kaya. Itutllro ko na po sa inyokung saan. Kung sinu-sino ang mga kasamahan ko.

ELYNIALuis?

LUIS (patuloy na umiiyak)Pakawalan n'yo na po ako. Hinahanap napo ako ngmommy. Mamamatay ako dito.

ELYNIAManolo?

Mapapatingin si Luis kay Elynia. MapapatlgiL Lalapit siElynia..

ELYNIAManalo, ano'ng ginagawa mo?

LUISHindi aka si Manalo.

ELYNIALuis, Manalo ang pang-alan mol,

LUISHindi. May ebidensya ka ba?

ELYNIAHalika na uling matulog. Pagod ka lang.

LUISHindi aka puwedeng matulog. Ayaw nila akongpatulugin. Kung matutulog aka, gigisingin din nila akaat tatanungin ulL (haharap sa mga di nakikitanginterrogators) Suko na aka, patayin n'yo na aka, ba't di .n'yo pa aka patayin?

Pupuntahan ni Elynia ang polo ni Luis sa sahig at dadamputin.Paglingon niya kay Luis ay nasa may dingding na ita. At noonlang mapapansin ni Elynia ang pinutol na kawad ng koryentedoon.

ELYNIALuis?

LUIS (mabalasik ang bases, haharap kay Elynia, sakangingiti) .Miyembro ka nita ana?

ELYNIALuis, ana ba'ng pinagsasasabi mo?

LUISKokoryentehin ka munin pag di ka nagtapat. Magsalitaka na ..Miyembro ka ana? Nasaan ang mga kasamahanmo? Me mga barH kayo ana? Subersibo ka ana?

EL YN.IA (lalapit sana pero ihaharap ni Luis ang hawakna koryente)Luis!.

LUISAyawmohg magtapat ha?

Biglang ididikit ni Luis ang kawad ng koryente sa kanyangkatawan. Mangingisay siya sa sakit. Mapapatili si Elynia atdadalo kayLuis: Nanginginig ang katawang mabibitiwan niLuis ang kawadat matutumba siya sadingding; huniihingal,namumutla. Umiiyak na yayakapin siya ni Elynia.

ELYNIA'Luis, tama nal Tamana! Natatakot na aka, Luis, tamana!

LUIS (umiiyak)Ayaw nila akong tigilan, patigilin mo sila!

ELYNIA (habang yakap-yakap si Luis)00, Luis patitigilin ko sila, tama na!

LUIS (umiiyak pa rin)Andiyan sila, marami sila, patigilin mo sila!

ELYNIA00, Luis! (haharapsa di nakikitang mga kaaway niLuis) Maawa na kayo, tigilan n'yo na siya, di na siyalumalaban! (itatakip ang katawan kay Luis para .maipagsanggalang ita sa kung anuman iyong iniiwasanni LUis) Maawa kayo! Mahal ko siya! Mahal ko siya!

ELYNIAMatagal po akong di nakakapagsimba. Ngayon languli. Kailangan ko ang tulong n'yo. May ginagawa pokasi akong desisyon. Di ako sigurado pero gagawin kopo ita para kay Luis. Kayo na po ang bahala sa akin.

ELYNIA.Han po silang magkakapatid?

INA NI LUISApat. Hiwalay na kami ng asawako. (may kukuningmga retrato sa bag at ipakikita kay Elynia) 'Yan sinaManolo noong mga bata pa sila.

Mapapansin ni Elynia ang retrato ni Luis at ng isangmagandang babae. Mapapatingin ditoang ina ni Luis.

INA NI LUISA, ·Jyan si Grace. Girlfriend ni Nolo. Kasama rin niya'yan noon sa pagiging aktibista. Worded na worried narin nga 'yan e. Makikilala mo rin siya.

Papasok ang sakit sa mukha ni Elynia, Makakahalata ang ina niLuis.

INA NI LUIS (pinapahid ang luba)Di mo alam kung gaano kalaking bagay itongginawamo para sa aminoMatagal na naming hinahanap siManolo. Akala ko'y di ko na makikita pa uli ang anakko.

ELYNIAKailangan pong madala agad siya sa ospital. INA NI LUIS

Elynia, ilia, bakit?INA NI LUISHalika, puntahan na natin siya agad.

INA NI LUISKung saan-saan na ko humingi ng tulong para mahanapsiNolo ..Pad sa.rnga rnanghuhula at mediums,nagpunta ako; Siya na lang ang natitira kong anak.Lahat ay nagpuntahan na sa States. Nag-iisa na lang

INA NI LUISElynia, iha, may nangyari ba sa inyo ng anak ko?

Nahuli, mapapatingin lang siElynia sa ina ni Luis.Saka di rna~pigilan ay mapapaluha siya.

INir NI LUIS (hahawakan sa'kamay si Elynia)I'm sorry... .

May driver na nagda-drive. Nasa likod ng kotse sina Elynia atang ina ni Luis.

ELYNIA ,Wala naman hong masamasa nangyari. Ginusto namanho.munin pareho.

ELYNIAPero paano ngayon ... ?

ELYNIAAngcimportante ho muna ngayon ay ang gumaling siLu ... si Manolo.

Mananaginip si Luis. Di gaya ng dati, ngayon ang panaginipniya ay medyo kalmado na. At naiintindihan bagarnat halu-halopa rin. Images ng pagtatrabaho niya sa underground. Close-upng poster na sinusulat. Knapsack sa may dingding. Close-up ngpahina ng isang libro tungkol sa marxismo. Clenched fist. Mgakamay na nagmarnakinilya habang may cup ng "kape sa tabi.Mga baril na nakatutok sa ulo ng hinuhuling si Luis. Mga guhitnaitim na nakalagay sa dingding.

Mapapatingm lang ang ina ni .Luis kay Elynia. Di namakakapagsalita.

Papasok ng kllwarto sina Elynia at ang ina niLuis. Nakahiga siLuis. Nasa harap niya ang doktor: . . Biglang magigising si Luis: Makikita niya sa tabi ng katre,

nakatulog sa pagbabantay ang ina niya. Di kikibo si Luis.

DOKTORlniniksiyunan ko muna siya ng t~anquilizer.

ELYNIADoc, siya ho ang ina ni Luis. Katatapos lang ni Elynia na magbigay ng pera sa customer.

Matamlay siya. Lalapitan siya ni Ditas.

INANI LUISNolo? Nolo, anak ...

DITASMukha kang Biyernes Santo.

Magmumulat ng mga mata si Luis. Nanghihina ito.Nagtatanong ang mga mata. .

EL YNIA (hahawakan ang tiyan)Masakit ang tiyan ko.

mA t-;1LUIS: Anak, ako ang ina mo. Natatandaan moba ako? Alcala ko'y di na kita makikita pals

DITASAno, disminoreya na naman? (kukunin ang kamay niElynia at ililipat sa may dibdib) Baka ito ang masakit.

Di kikibo si Luis. Nanghihina pa ring babaling ang mukha sadingding at makakatulog. Umiiyak na yayakapin siya ng ina.. ,

ELYNIAMag-iisang buwan na, \\rala pa akong balita tungkolkay Luis.

DITASHindi na Luis ang pangalan no'n. Manolo na. Ba't kasidi mo puntahan e. ."

ELYNIAPinupuntahan ko naman a.

GRACEHi, nice to meet you. Thank you sa pagkakabalik mosa 'min kay Manolo. Hayaan mo, pag mas.magaling-galing na si Manolo, sasamahankita sakanya.

DITAS00 nga. Nagbabimtay ka sa labas ngospital. Di kanagpapakita. Ano ba talaga ang papel mo, martir,cradle snatcher"0 masochist?

ELYNIABigla akong sinumpong ng hiya e. Saka takot. Gustokong magpalipas muna ng kQntingpanahon~

Habang hawak-hawak ang damit ni Luis ay umiiyak si Eiynia.Sa mesita"ay naka-display na ang retrato nila noon ni Luis.

DITASIyon pala e, di magtiis ka rin ng konting panahon.

- .

DOKTORCongratulations. Two months ka na. Who's the luckyfather?

INA NI LUISPasensya ka ~a, Elynia. Nagkukulong sa kuwarto. Sabing doktor ay pabayaan IDunasa gusto. Ayaw humarapmaski kanino. (lilingunin ang isang magandang babaingkaIalabas lang) Maski nga itong si Grace, ayaw harapin.Grace ...

Pinagmamasdan ni Elynia ang tiyan niya habang sinasalat-salatita. Kekerereng ang telepono. Sasagutin niya.

INA NI LUISHello? Elynia? Si Mrs. Solis ito.

INA NI LUIS ,Grace, ito si ElYnia. Siya ang nakatagpokayManolo.

ELYNIAOho. Kumusta ho?

INA NI LUISMagandang balita. Magaling na raw si Nolo, sabi ngdoktor. Puwede na raw ilabas. Gusto ko sanang anditoka paglabas niya. Para makita ka na niya. rm surematutuwa siya.

Ibababa ni Elynia ang telepono. Nag-iisip siya.

40. INT. BAHAY NI ELYNIA. UMAGA.

Nag-aayos na mabuti ng sarili si Elynia. Maglalagay siya nglipstick sa mga labi at konting papula. sa pisngi.

ELYNIAKumusta ka?

LUISHa? Eta, mabuti. (saka mapapatinginsa ina)

INA NI LUISOi mo ba siya natatandaan, "Nolo? Luis kasi ang tawagniya sa 'yo noon e. Siya si Elynia ...

LUIS (na~ilito)Elynia?

Mawawala ang ngiti sa mukha ni Elynia. Nakatingin lang si~~. ~ . .

Pagmamasdan sandali ni Elynia sina Luis, ang ina nito, at si. Grace: Papalabas na ng ospital ang ~ga ito. Lalapit si Elynia.Ang ina ni Luis ang unang makakakita kay Elynia at ngingitiansiya nito. Mapapatingin din sina Luis at Grace. Di niyamalaman pero mahihiya si Elynia.

INA NI LUISIha, buti nakarating ka. Pauwi na kami.

ELYNIAOumaan ho muna kasi ako ng bahay mula sa trabaho e. '

Susulyapan ni Elynia si Luis at ngingitian ito. Ngingiti rin siLuis.

ELYNIA (kay Luis)Luis ...

LUISL .?, UlS.

INA NI LUISSiya ang nakatagpo sa 'yo. N'ong mawala ka.Inalagaan ka niya. .

LUISA ... ang laki pala ng utangna loob ko sa inyo.Mataming salamat ho.

Parang nawawalang mapapatingin lang si Elynia kay Luis.

LUISAng sabi ko ho, maraming salamat.

ELYNIAHa? A, e walang anuman. fmapapabaling sa ina siLuis, parang nalilito) E baka ho may iba pa kayonggagawin, nakakaistorbo aka ...

INA NI LUISHindi. Gusto ko ngang nandito ka para personal kangmapasalamatan nitong si Nolo.

, LUIS\ . Natatandaan ko Da. Sabi nga pala ng Mommy ay.•' " lumira ako. sa inyo. Nabbhiya mman Baka

.... '." . '~

.;.. ,'

naistorbo ko kayong masyado. Sana'y wala akongnagawang kalokohan habang nasa inyo ako.

ELYNIAWala naman. Mabaitka. (susulyapan ang mga dalaniya) Dinala ko 'tong Hangnaiwan mong gamit sabahay.

Aabutin ~i Luis ang mga gamit niya. Saglit na tititigan siya niElynia, umaasang baka may maalala siya pag natingnan siyanito. Pero blangko ang mukhang ngingiti Jang si Luis.

LUISSalamat. Pasyal ho kayo uli sa bahay pag me panahonkayo. Ito nga pala si Grace. Pakakasal na kami nextmonth e. Imbitado kayo.

LUISSaan kayo pupunta... a... EI...Elvira?

ELYNIAElynia ...

LUISElynia .. .Ihahatid ka na namin.

ELYNIAH'wag na. Me pupuntahan paako. Sige, aalisna ako.

LUISKami rin, paalis na, sige, bye.

Aakbay si Luiskay Grace' at lalakad na sila palayo. Maiiwansandali ang ina ni Luis, nakatingin lang kay Elyni,a. Sakalalapit ita at pipisilin sa bisigsi Elynia. Ngingiti si Elynia.

INA NI LUISPaano ka?

ELYNIAOkey'Iang ho.

INA NI LUISHindi, anak, alam kon~ hindi. Kung may magagawalang nga ba ako para sa 'yo.

ELYNIASige ho. Uuwi na ho ako.

INA NI LUIS~labait ila bata si Nolo. Din'on sasadyaing manakit ngtao. Patawarin mosana siya.

ELYNIAAlam ko ho. Wala ho siyang kasalanan. Walang maykasalanan. Sige ho; lalakad naho ako.

Magsisimulang lumakad siElynia. Pagmamasdan siya ng ina niLuis habang lumalayo siya. Saka tutuloy na sa kotse hila angina ni Luis. Sa bintana ng kotse ay mapapatingin din si Luis salumalakad na si Elynia. Saka babaling siya at ngingiti kayGrace. Patatakbuhin niya ang kotse.

Magpapatuloy ng paglalakad si EIynia. Saka malungkot nalilingunin niya ang papalayong kotse. Mapapahawak siya satiyan pjya. Saka unti-unting lalabas uli sa mga labi niya angngiti. Tataas ang mukha niya at bibilisan niyaang mgahakbang.