batayan sa pilosopiyang pinoy

23
MGA BATAYAN SA PILOSOPIYANG PINOY

Upload: chierelyn-chavez

Post on 16-Jan-2017

161 views

Category:

Education


6 download

TRANSCRIPT

Page 1: Batayan sa Pilosopiyang Pinoy

MGA BATAYAN SA PILOSOPIYANG PINOY

Page 2: Batayan sa Pilosopiyang Pinoy

MGA BATAYANAYON KAY TIMBREZA

• Kung marunong magtaka ang mga kilalang pilosopong dayuhan, mayroon ding katangian ang mga Pilipino ng pagtaka.

• Kung mayroong karanasang tao na itinuro ang mga aksistensyalista at penomenolgo, mayroon ding pilosopiyang Filipino sapagkat may karanasan din ang mga Pilipino gaya ng kanilang karanasan

Page 3: Batayan sa Pilosopiyang Pinoy

• Kung ang pilosopiya ay napapaloob sa kultura kagaya ng natuklasan ng mga sosyologo at antropologo, tiyak na mayroong pilosopiyang Pilipino sapagkat mayroong kulturang umiiral sa mga Pilipino na kasing yaman ng kultura ng ibang lahi• Ang wika daw at pag-iisip ay magkakabit; wika

ang tagapagdala ng pag-iisip na siyang iginigiit ng mga dalubwika, kung gayon ay hindi maipagkakailang mayroong kaisipang Pilipino sapagkat ang wikang Filipino ay kasingganda rin ng wika ng mga ibang tao sa daigdig.

Page 4: Batayan sa Pilosopiyang Pinoy

AYON KAY RODRIGO• Nababakas ang kaunlaran at kabihasnan ng bayan sa

pamamagitan ng wika naginagamit ng mamamayan kasabay ng tao sa pag-unlad ang wika. 

• Ito ang sagisag ng kanyang isip, gawa at aral sa panahon ng kanyang kinalalagyan na tatak ng kanyang kultura.

• Ang wika at kultura ay hindi maaring paghiwalayin dahil ito ay tatak ng bawat isa

• Ang kapahayagan ng kaisipan, damdamin, mga pangarap, adhikain o anumang ninanais na tagumpay ay bahagi ng wika at kultura.

Page 5: Batayan sa Pilosopiyang Pinoy

AYON KAY TIMBREZA• Dalawa ang uri ng kultura, una, yaon daw kinagisnan

natin at ang ikalawa ay yaong kasalukuyan pang isinasagawa natin.

• Ang kulturang minana mula sa ating mga ninuno ay hindi lamang pamantayan ng pamumuhay sa kasalukuyan, kundi hulmahan din ng pagkatao at tayo raw ay nagiging bunga ng kulturang minana natin

• Ang tao raw at kultura ay magkabigkis hindi lamang sa pamamagitan ng kultura kundi dahil sa katotohanan na ang tao ay tagapagdala ng kultura.

• Ang tao ay mistulang bilanggo ng kultura

Page 6: Batayan sa Pilosopiyang Pinoy

AYON KAY PE PUA• Kakaunti na lamang o halos wala na ang mga Filipinong nag-aalinlangan sa sariling wika at kultura•Marahil namulat sa katotohanang ang wika at kultura ay magkasamang itinadhana sa buhay ng tao• Bukod sa ikaw ang kultura, ikaw rin ang tagapagdala nito at ang wika rin ang iyong daigdig

Page 7: Batayan sa Pilosopiyang Pinoy

TATAK TATE

Page 8: Batayan sa Pilosopiyang Pinoy

AYON KAY DE QUIROS• Ang Ingles ay "susi", at kahit aminin man

natin o hindi, kailangan din natin ang lenggwaheng ito sa pakikipagtalastasan lalo na kapag nagtrabaho sa ibang bansa• Ang wikang Ingles ay tagapagdala ng

kulturang Ingles at ng pag-iisip kanluranin

Page 9: Batayan sa Pilosopiyang Pinoy

• Dahilan kung bakit ang mga Pilipino ay nabibilad sa wikang Ingles, na tila kung umasta ay Amerikano, magaling mag-Ingles at nabubuhay sa rin sa kulturang Kanluranin, ang pag-uugali ay ugaling Kano, kung magbihis ay Kano at kung mag-isip ay pag-iisp Kano, sa kadahilanang ang kolonyal na panlasa ay laging nasa isip ng mga Pilipino.

• Mahilig sa "imported goods, imported players, produktong stateside, sabi nga tatal TATE"

Page 10: Batayan sa Pilosopiyang Pinoy

AYON KAY TIMBREZA• Kailangang gamitin natin at tangkilikin ang

katutubong wika, at kung gagamitin natin ang wikang banyaga, lingid daw sa ating kaalaman, sa katagalan ay magiging bilanggo tayo ng mga taong may ari ng wikang dayuhan• Nasaan ang kasarinlan na kung sa maliit na

bagay ay hindi natin mapagtagumpayan? 

Page 11: Batayan sa Pilosopiyang Pinoy

TALANGKA MENTALITY

Page 12: Batayan sa Pilosopiyang Pinoy

PAKAHULUGAN NI TIMBREZA• Sa loob ng isang lalagyan ay nag-

uunahan at nagkakahilahan sa kanilang pag-akyat para makalabas o maka-alis sa kanilang kinalalagyan. Yung nauunang makaakyat ay hahatakin naman pababa ng iba, kung kaya, sa ganoong sitwasyon, wala isa man ang magtatagumpay na maka-akyat, at pare-pareho silang mahuhulog pababa

Page 13: Batayan sa Pilosopiyang Pinoy

• Ang pagkamasarili ay nangingibabaw at nakakalimot sa kagandahang asal. • Hindi iniisip ang kapakanan ng iba.• Mayroong mga tao na ang kilala lamang ay

ang sarili niya at ayaw niyang uunlad ang iba.• Hindi niya alam na kapag hinihila niya

pababa ang isang tao, mangyayari rin ito sa kanya.• Ang sabi ng Bibliya, "kung ano ang iyong

itinanim, ay siya mong aanihin, siksik, liglig at umaapaw.

Page 14: Batayan sa Pilosopiyang Pinoy
Page 15: Batayan sa Pilosopiyang Pinoy

TAPAT KO, LINIS KO

Page 16: Batayan sa Pilosopiyang Pinoy

• Kanya-kanyang linis sa kani-kanilang lugar, ngunit naging iba ang dating ng mensahe. Tila isa itong pamamaraan ng pagiging makasarili at walang pakialam sa iba. 

• Maraming nagsasabi na tayo raw na mga Filipino ay mapanlamang, pero di nman lahat sapagkat marami sa mga Filipino ang mayroong magagandang kalooban at mapagbigay.

• Sa Bibliya, mayroong sinabi ang Panginoong Hesus, "mahalin ninyo ang inyong kapwa tulad ng inyong sarili."

• Pagpapatunay na tayong tao ay marapat na maging mapagbigay at hindi maging mapanlamang sa kapwa.

Page 17: Batayan sa Pilosopiyang Pinoy

• Ang pagiging mapagbigay ay isang katangian na ipinagmamalaki ng mga Filipino.

• Sa pagiging mahabagin maiiwasan ang pagiging makasarili at mapanglamang sa kapwa

• Marahil ang mga pag-uugaling ito ay naging kaugalian na, at nauwi ring maging kultura

• Kailangang makita ng lahat ang kagandahan ng tunay na kaugalian na dapat manahin at isalin sa mga susunod na henerasyon sa pamamagitan ng pagtanggap kung ano ang tama at nararapat na gawi. Dahil pag naisalin sa bagong henerasyong ang mga di kagandahang pag-uugali ay napakalaking pananagutan ng mga taong nagsalin nito sapagkat magiging gawing kakalakhan ng mga nag-aakalang tamang gawi ang kanilang ginagawa.

Page 18: Batayan sa Pilosopiyang Pinoy

BAYAD NGA

Page 19: Batayan sa Pilosopiyang Pinoy

• Sa pagsakay sa pampasaherong sasakyan lalo na sa jipney, dito makikita ang maling kaugalian ng Pilipino na naging kaugaliang itinuturing na gawi, isang gawing hindi maganda.• Kapag papasok sa loob ng jipney, tiyak na pipiliin ang

upuan sa bandang dulo sa may pintuan pababa at papasok.• Isa sa hindi magandang gawi ay ang pagpapa-abot ng

pasahe o bayad. Gamit ang wika na tila nawala na ang kagandahang asal sa pakikisuyo sa pag-abot sa bayad. • Kapag may sukli at ia-abot sa sinuklian, madalang pa sa

patak ng ulan ang maririnig na "pasalamat" sa mga nagkusang kumuha at umabot ng bayad para ibigay sa kanya.

Page 20: Batayan sa Pilosopiyang Pinoy

• Ang pagbibigay halaga sa kultura, lalo na kung ito ay mabuti, kailangan itong patatagin at ipagpatuloy upang mahalin ng susunod na henerasyon.

• Dapat tandaan na hindi maaring mabuhay ang tao kung walang pagpapahalaga sa lahat ng mga bagay sa kanyang kapaligiran.

• Habang lumalaki ang bata ay hinuhubog siya sa kultura o gawi na mga taong nagpapalaki sa kanya. Kaya napakalaki ng responsibilidad ng mga tagadala at taga-lipatng gawi at mga pagpapahalaga

• Ang mahusay na paglipat ng mga pagpapahalaga sa pamamagitan ng mabuting halimbawa ng mga magulang, mga nakakatanda at mga guro.

Page 21: Batayan sa Pilosopiyang Pinoy

• Ang gawi, kaugalian, pamumuhay at edukasyon ay naging bahagi ng pilosopiyang taglay ng tao, bitbit ang pagmamalaki na dahil sa pilosopiyang Pilipino, magpapatuloy ang pag-ikot ng mundo ng mga Pilipino.

• Ang kultura ay naging sandigan ng bawat bansa upang mabigyang buhay ang pagkakakilanlan sa pamamagitan ng gawi at kinaugaliang nag-uugnay sa ating pagkatao.

• Nararapat bigyang halaga ang tama at iwaksi ang mali kahit pa sa maliliit na bagay.

• Ang kaasalan at kaugalian ay bahagi ng pilosopiya ng buhay ng tao na ibig mabuhay ng maayos at kapaki-pakinabang sa lipunang kanyang ginagalawan

Page 22: Batayan sa Pilosopiyang Pinoy
Page 23: Batayan sa Pilosopiyang Pinoy

Inihanda nina:Chierelyn ChavezIrene PasilanDonna Penas