andress bonifacio

Upload: resty-walter-sabornido

Post on 01-Jun-2018

310 views

Category:

Documents


1 download

TRANSCRIPT

  • 8/9/2019 Andress Bonifacio

    1/19

    F R I D A Y , A P R I L 2 4 , 2 0 0 9

    ANDRES BONIFACIO

    Talambuhay ni Andres Bonifacio

    Si Andres Bonifacio ay isa sa mga bayani ng Pilipinas noong panahon ng himagsikan. Simulan

    natin ang talambuhay ni Andres Bonifacio sa kanyang kapanganakan.

    Si Andres Bonifacio ay ipinanganak noong Nobyembre 30, !"3. Ang kanyang mga magulangay sina #. Santiago Bonifacio at #ng. $atalia %e $astro. Siya ay nagsimulang mag&aral sa

    paaralan ni %on #uillermo 'smena sa (elsic ngunit ito ay di nagtagal at sya ay nahinto sa pag&

    aaral. )indi ito naging hadlang upang siya ay matuto ng *astila sapagkat si Andres Bonifacio aymarunong nang bumasa at sumulat bago pa man siya huminto sa pag&aaral.

    )igit pa rito ay mahilig din siyang magbasa at magsulat ng mga bagay na may kabuluhan lalo nakung tungkol sa digmaan at himagsikan. Siya ay may di+a ng paghihimagsik kung kayat ninais

    niya na maging malaya ang Pilipinas laban sa mga mananakop. -to ang nagbigay daan at naitatag

    niya ang *atipunan na kakata+an sa himagsikan. %ahil dito si Andres Bonifacio ay kinilala

    bilang Ama ng )imagsikan. *asama niya sa kilusan si milio /acinto na kinilala naman bilangtak ng *atipunan. Ang kanilang samahan ay may iisang layunin at ito ang naging dahilan ng

    kanilang tagumpay.

    Ngunit di nagtagal ang kanilang tagumpay dahil si Bonifacio at ang kanyang kapatid na si

    Procopio ay dnakip, naharap sa paglilitis at nahatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng pagbaril.

    Sila ay binaril noong (ay 0, !12 sa Bundok Buntis.

    Posted byMellec Computer Centerat2:49 AM

    Talambuhay ni Andres Bonifacio

    This biographical piece on Filipino revolutionary Andres Bonifacio was written in 1922.

    MGA TANONG AT SAGOT

    1.Sino si Andrs Bonifacio?Siya'y isng tunay na Pilipino na ipinanganak noong ika-30 ng Nobiyembre ng 1863 sa

    http://www.blogger.com/profile/10852700350789483517http://www.blogger.com/profile/10852700350789483517http://aralingpinoy.blogspot.com/2009/04/andres-bonifacio_24.htmlhttp://aralingpinoy.blogspot.com/2009/04/andres-bonifacio_24.htmlhttp://aralingpinoy.blogspot.com/2009/04/andres-bonifacio_24.htmlhttp://www.blogger.com/profile/10852700350789483517
  • 8/9/2019 Andress Bonifacio

    2/19

    isang bahay na pawid sa pook na nasa sa harap ng himpilan ngayn ng pero-karil sa daang Azcrraga, Tund, Maynila. Ang

    kanyang am'y nagngangalang Santiago Bonifacio na ang hanap-buhay ay sastr at ang kanyang ina nama'y Catalina de

    Castro. Mga taal na taga Maynil.

    2.Nagkaroon ba siya ng mga Kapatid?Apat: sina Ciriaco, Procopio, Petrona at Troadio. Ang dalawang una at itong huli'y

    patay na at ang babai ay buhay pa. Ang babaeng ito ay siyang naging asawa ng nasirang bayaning si Teodoro Plata, is sa

    mga masikhay na kasama ni Andrs Bonifacio.

    3.Ano ang kabuhayan ni Bonifacio?Ang kaniyang mga magulang ay mga taong dukha kaya't siya nama'y isang taong

    mahirap.

    4.Ano ang kanyang Napagaralan?Siya'y nagaral sa paaralan ng gurong si G. Guillermo Osmea, sa pook ng Meisik,

    Binundok, Maynila. Datapwa nang siya'y tumutuntong na sa ika 14 na taon, ay namatay ang kanyang mga magulang at dahil

    dito'y naputol ang kanyang pagaaral. Siya noo'y maalam nang bumasa at sumulat ng wikang sarili (tagalog) at kastila.

    5.Ano ang kanyang ginawa ng siya'y maulila na?Upang siya'y mabuhay at sampu ng kanyang mga kapatid, binatak ang

    sariling buto't siya'y nagbili ng mga tungkod (baston) at mga pamaypay na papel na ginagawa niya sa loob ng kanilang

    bahay. Gayon din ang ginawang hanap-buhay ng kanyang mga kapatid.

    6.Ano pa ang kaniyang ginampanang gawain upang mabuhay?Nang si Bonifacio'y nakapagsanay na sa pagsulat, siya'y

    nasok na utusan sa bahay kalakal ni Fleming, at pagkaraan ng ilang panahon ay ginawa siyang kinatawan ng nabanggit na

    bahay-kalakal sa pag-bibili ng sahing, yantok, at iba pa.

    7.Nanatili ba siya sa tungkuling ito?Hindi. Nang lumipas ang ilang panahon siya'y naging kawani (personero) sa bahay-

    kalakal nina Fressell & Co., na nalalagay sa daang Nueva, blg. 450. Maynil. Ang sinasahod niya'y mga labingdalawang

    piso lamang sa isang buan. Patuloy pa rin siya sa paggawa ng mga tungkod at pamaypay, na itinitinda ng kanyang mga

    kapatid.

    8.Anong katangian, bukod sa kanyang hanap-buhay, ang tinataglay ni Bonifacio?Siya'y mahiliging magsulat sa sariling

    wika at may magandang ayos ang kanyang sulat. Dahil dito, nakatutulong sa kabuhayan nilang magkakapatid ang paggawa

    ng mga tatak at paunawa sa mga kayong ipinagbibili rito sa atin.

    9.Siya ba'y mahiligin sa pagbabasa ng mga aklat?Oo. nguni't ang kaniyang kinahihimalingang basahin ay yaong mga

    aklat na nakapagtuturo ng kabayanihan, tulad ng Kasaysayan ng himagsikan sa Pransiya, "Las Ruinas de Palmira," "Los

    Miserables," ni Victor Hugo, "El Judio Errante," Biblia, ang mga, aklat ni Rizal at ib pa. Siya'y mahiliging totoo sa

    pagbabasa. May mga gabing halos di nakakatulog sa pagbabas.

    10.Siya ba'y nagkaasawa?Oo. Ang naging kabyak ng kanyang pus'y pinapalayawan ng Oriang (Gregoria de Jesus) na

    ang sagisag "Lakambini," tag Kalookan. Sila'y nagkaroon ng isng ank na namatay.

    11.Ano't idinadakila ng Bayang Pilipino si Andrs Bonifacio at siya'y ipinalalagay na dakilang Bayani sa piling ni Rizal?

    Sapagka't siya ang nagtayo at nahalal na pangulo ng "Kataastaasan, Kagalanggalang Katipunan ng mga Anak ng Bayan,"

    na pinagkautangan ng Bayang Pilipino ng kabayanihan sa pagusig ng kaniyang ikalalaya. "May-pagasa" ang sagisag niy

    na "nangyari" bago siy mamatay.

  • 8/9/2019 Andress Bonifacio

    3/19

    Tala

    mbu

    hay

    ni

    Andres

    Boni

    faci

    o?In:Mga

    Kilalang

    Tao,Tal

    ambuha

    y[Edit

    categori

    es]

    ImproveAnswer:

    Si Andrs Bonifacio ay isng tunay na Pilipino na ipinanganak noong ika-30 ng Noviembre !"3 sa isang ba#ay na

    pa$id sa puok sa #arap ng #impilan ngay%n ng tren &ferrocarril, railroad' sa daang A(crraga &Claro M. Rectoavenuengayon') sa *ond%) +anila, Ang kanyang am ay si Santiago Bonifacio) na ang #anap-bu#ay ay manana#i

    &sastr, tailor', Ang kanyang ina naman ay si atalina de astro, +ga taal na taga-+aynil., Ang kanyang mgamagulang ay mga taong duk#a kaya siya naman ay isang taong ma#irap,

    Nagkaroon siya ng / kapatid) sina iriaco) Procopio) Petrona at *roadio, Ang una at ang #uli ay patay na, Angbabae ay bu#ay pa &nuong 1') asa$a ng nasirang bayani) si *eodoro Plata) na is sa mga masik#ay &matalik)

    malapit' na kasama ni Andrs Bonifacio,Siya ay nag-aral sa paaralan ng isang guro) si 2uillermo sme4a) sa pook ng +eisik) Binundok &Binondo ngayon')

    +anila, 5atap$a nang siya ay tumutuntong na sa ika-/ taon) namatay ang kanyang mga magulang at da#il dito)naputol ang kanyang pag-aaral, Siya nuon ay maalam nang bumasa at sumulat ng $ikang sarili &*agalog' at

    astila,6pang siya ay mabu#ay) sampu ng kanyang mga kapatid) binatak ang sariling buto at siya ay naglako ng mga

    tungkod &bastones, walking sticks' at mga pamaypay na papel na ginaga$a niya sa luob ng kanilang ba#ay, 2ayondin ang gina$ang #anap-bu#ay ng kanyang mga kapatid,

    Nang si Bonifacio7y nakapagsanay na sa pagsulat) siya ay pumasok na utusan sa ba#ay-kalakal ni 8leming) atpagkaraan ng ilang pana#on ay gina$a siyang kinata$an &agente' ng nabanggit na ba#ay-kalakal sa pag-bibili ng

    sa#ing &puno ng pili') yantok) at iba pa,Nang lumipas ang ilang pana#on) naging ka$ani &personero, employee' siya sa ba#ay-kalakal nina 8ressell 9 o,)

    sa bilang /:0) daang Nueva) +aynil., Ang sa#od niya ay mga piso lamang sa isang bu$an, Patuloy pa rin siyasa pagga$a ng mga tungkod at pamaypay) na inilako ng kanyang mga kapatid,

    Bukod sa kanyang #anap-bu#ay) si Bonifacio ay ma#ilig magsulat sa sariling $ika at may magandang ayos angkanyang sulat, 5a#il dito) nakatulong sa kabu#ayan nilang magkakapatid ang pagga$a ng mga tatak at pauna$a

    sa mga kayo &tela, cloth' na ipinagbibili rito sa atin,Siya ay ma#ilig sa pagbasa ng mga aklat at ang kanyang kina-#imalingang basa#in ay ang mga aklat na

    nakapagturo ng kabayani#an) tulad ng kasaysayan ng #imagsikan sa Pransiya &French revolution') ;Las Ruinas de

    almira); ;Los Miserables; ni

  • 8/9/2019 Andress Bonifacio

    4/19

    Bayan); na pinagka-utangan ng Bayang Pilipino ng kabayani#an sa pag-usig ng kanilang ikalalaya, Ang sagisagniy ay ;+ay-pagasa; na ;nangyari; bago siy mamatay,

    Andres Bonifacio

    Andrs Bonifacio

    Kaarawan: Nobyembre 3, !"#3

    Tondo, Maynila

    Araw ng

    kamatayan:

    Mayo !,!"$%

    Maragondon,&a'ite

    Palayaw: (u)remo

    Kilala sya bilang: Ama ng *ebolusyon ng +ili)inas

    Talaksan:Gat Andres Bonifacio.jpg

    200px

    Si Andrs Bonifacio(Nobyebre !0"#$%!&'ayo #0" #$)* ay siyang na+no sa rebol+syon ng,ilipinaslaban

    sa-spanya"ang +nang rebol+syon sa Asya na l+aban sa pananakop ng ga bansang iperyalista sa -+ropa.

    http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Tondohttp://fil.wikipilipinas.org/index.php/Maynilahttp://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Mayo_10&action=edit&redlink=1http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Mayo_10&action=edit&redlink=1http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=1897&action=edit&redlink=1http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=1897&action=edit&redlink=1http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Maragondon,_Cavitehttp://fil.wikipilipinas.org/index.php/Maragondon,_Cavitehttp://fil.wikipilipinas.org/index.php/Cavitehttp://fil.wikipilipinas.org/index.php/Cavitehttp://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Natatangi:Magkarga&wpDestFile=Gat_Andres_Bonifacio.jpghttp://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Nobyembre_30&action=edit&redlink=1http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Nobyembre_30&action=edit&redlink=1http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Nobyembre_30&action=edit&redlink=1http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=1863&action=edit&redlink=1http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Mayo_10&action=edit&redlink=1http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Mayo_10&action=edit&redlink=1http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=1897&action=edit&redlink=1http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Pilipinashttp://fil.wikipilipinas.org/index.php/Pilipinashttp://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Espanya&action=edit&redlink=1http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Espanya&action=edit&redlink=1http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Espanya&action=edit&redlink=1http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Europa&action=edit&redlink=1http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Europa&action=edit&redlink=1http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Tondohttp://fil.wikipilipinas.org/index.php/Maynilahttp://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Mayo_10&action=edit&redlink=1http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=1897&action=edit&redlink=1http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Maragondon,_Cavitehttp://fil.wikipilipinas.org/index.php/Cavitehttp://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Natatangi:Magkarga&wpDestFile=Gat_Andres_Bonifacio.jpghttp://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Nobyembre_30&action=edit&redlink=1http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=1863&action=edit&redlink=1http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Mayo_10&action=edit&redlink=1http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=1897&action=edit&redlink=1http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Pilipinashttp://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Espanya&action=edit&redlink=1http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Europa&action=edit&redlink=1
  • 8/9/2019 Andress Bonifacio

    5/19

    Siya ay isinilang noongika&!0 ng Nobyebre"#$%!sa T+ndo"'aynila.Ang kanyang ag+lang ay sina Santiago Bonifacio

    at atalia de astro. Siya ay nagsi+lang ag&aral sa paaralan ni /on G+illero se1a sa 'elsic s+balit siyay aagang

    na3into sa pag&aaral. Bagaat siyay na3into sa pag&aaral" ar+nong siyang b+asa at s++lat" at dal+b3asa na rin sa

    pagsasalita sa 4ikang 5astila.

    Na+lila sa ag+lang nang aaaga sa edad na #6. Naging tindero siya ng ratan at paaypay na ga4a sa papel de japon.

    Nagtraba3o din siya bilangclerk" sales agentat bodegista (warehouseman*. Na3ilig siyang basa3in ang ga nobela ni 7ose

    8i9alat nang itinatag ang a iga ;ilipina" s+api siya kasaa niApolinario 'abini.

    Bagaat a3irap ay a3ilig b+asa at s++lat ng ga bagay na ay kab+l+3an lalo na k+ng ito ay t+ngkol sa 3iagsikan

    at digaan. Siya ay ay di4a ng pag3i3iagsik. Siya rin ay nagnais na agbangon ng paa3alaang alaya na naging

    daan +pang kanyang aitatag ang 5atip+nan na kakata4an sa 3iagsikan at +pang aging 4asto at panatag sa kanyang

    itinatag. Noong#$2"atapos dakpin at ipatapon si/r. 7ose 8i9alsa/apitan" itinatag ni Bonifacio ang5atip+nano kilala

    rin bilang

  • 8/9/2019 Andress Bonifacio

    6/19

    kasaa ang kanyang kapatid na lalaki na si ,rocopio Bonifacio noong ika ng 'ayo" #$)alapit sa B+ndok Nagpatong

    (o B+ndok B+ntis*. >anggang ngayon" 3indi pa rin natatagp+an ang labi niya.

    Cbag+3inD'aaring bisita3in

    'ga /akilang ,ilipino" ni 7ose N. Se?illa sa Project Gutenberg

    Ang ak!ang ito aykatiting"stub#$ %umulong sa Wikifilipinoat palawakin pa ito&

    Andres Bonifacio: Ang Dakilang Supremo ng Katipunan

    Karapatang-ari ng Children's Communication Center

    1981

    Sa mga uro at !agulang

    !ahirap lang si Andres Bonifacio" !aagang namata# ang kan#ang mga magulang

    ka#a hindi si#a nakatungtong sa mataas na paaralan" $ero hindi ito naging

    hadlang para makatulong si#a sa kan#ang mga ka%a%a#an" Sa halip& kahirapan ang

    nagtulak sa kan#a para ipagla%an ang mga karapatan ng mamama#ang $ilipino"

    agtatag si#a ng re%olus#onar#ong samahang tina(ag na Katipunan para

    maghimagsik la%an sa mga )span#ol at pala#ain ang $ilipinas" Dahil sa

    Katipunan& na%igkis ang pagkakaisa ng sama%a#anang $ilipino"

    !inahal at pinaglingkuran ni Andres Bonifacio ang sam%a#anang $ilipino"

    agpakasakit si#a alang-alang sa kala#aan" !agaga(a din ka#a natin mahalin ang

    ating ka%a%a#an at magpakasakit para sa kala#aan* +sinasala#sa# sa li%rong ito

    ang %uha# ni Andres Bonifacio para mag-sil%ing inspiras#on at mapaghanguan ng

    aral ng mga %ata"

    Ang Ku(ento

    Kung pupunta ng !a#nila galing sa hilaga& ti#ak na madadaan ang mata#og na

    monumento ni Andres Bonifacio sa lunsod ng Kalookan" !akikita sa monumento ang

    lara(an ng kaapihan at paghihimagsik ng mga $ilipino sa panahon ng pananakop

    ng mga )span#ol" Ang monumentong ito a# sagisag ng ka%a#anihan ni Bonifacio at

    ng kang#ang mga kasamang re%olus#onar#o"

    Alam %a nin#o na %ata pa lamang si Bonifacio nang mamata# ang kan#ang mga

    magulang* Dahil dito& huminto si#a sa pag-aaral at nagtra%aho para ma%uha#

    silang makakapatid" agtinda si#a ng mga %aston at pama#pa#" agtar%aho rin

    si#a sa mga kompan#a ng da#uhan" Kahit nagtatra%ahong %odegero a# di si#a

    nagtigil sa pagga(a at pagtitinda ng %aston at pama#pa#"

    Kahit mahirap lang& pinilit ni Bonifacio na matuto sa kan#ang sariling

    pagsisikap" ag-aral si#a ng )span#ol at nag%asa ng li%ro" !ahilig din si#a sa

    mga dula at pagtatanghal ka#a gumanap si#a sa mga dulang moro-moro" agtatag

    sila ng kan#ang mga kai%igan ng isang samahan sa dula& ang ,eatro $orenir"

    Akti%o si Bonifacio sa kilusang maka%a#an" ang lumaganap ang Kilusang

    $ropaganda& madali ni#ang nauna(aan ang mga la#unin nito" Sumapi si#a sa

    samahan ng mga !ason at pagkaraan a# sa .a .iga /ilipina" ang mamata# ang

    http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Mayo_10&action=edit&redlink=1http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=1897&action=edit&redlink=1http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=1897&action=edit&redlink=1http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Andres_Bonifacio&action=edit&section=1http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Andres_Bonifacio&action=edit&section=1http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Andres_Bonifacio&action=edit&section=1http://www.gutenberg.org/files/17786/17786-h/17786-h.htm#Page_101http://www.gutenberg.org/files/17786/17786-h/17786-h.htm#Page_101http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Katitinghttp://fil.wikipilipinas.org/index.php/Katitinghttp://fil.wikipilipinas.org/index.php/Katitinghttp://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Andres_Bonifacio&action=edithttp://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Andres_Bonifacio&action=edithttp://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Mayo_10&action=edit&redlink=1http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=1897&action=edit&redlink=1http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Andres_Bonifacio&action=edit&section=1http://www.gutenberg.org/files/17786/17786-h/17786-h.htm#Page_101http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Katitinghttp://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Andres_Bonifacio&action=edit
  • 8/9/2019 Andress Bonifacio

    7/19

    .iga& naisip ni Bonfacio na hindi reporma kundi re%olus#on ang maka%a%ago ng

    kalaga#an ng $ilipinas"

    +sang ga%i& nagpulong sina Bonifacio at i%a pang maka%a#ang $ilipino para

    itatag ang isang lihim na samahan" ,ina(ag itong 0Kataastaasang Kagalanggalang

    na Katipunan ng mga Anak ng Ba#an0 o Katipunan" .a#unin ng Katipunan na

    maghimagsik la%an sa )span#a at pala#ain ang $ilipinas" Si Bonifacio ang

    naging Supremo ng samahan"

    a%ang pinamumunuan ang Katipunan& nakilala ni Bonifacio si regoria de 2esus"

    iliga(an ni#a si regoria at di nagtagal ikinasal sila sa sim%ahan ng

    Binondo" !uli silang ikinasal alinsunod sa alituntunin ng Katipunan" Sumapi si

    regoria sa samahan noon din" Si#a ang nangalaga sa mga dokumento& %aril at

    i%a pang mahalang kagamitan ng Katipunan"

    atuklasan ng mga )span#ol ang Katipunan& ka#a tumakas sina Bonifacio at i%ang

    kasamahan" agtipon-tipon sila sa $ugadla(in at doon a# ipinasi#a nilang

    simulan na ang himagsikan" Sa la%anan sa San 2uan& umurong sina Bonifacio

    dahil sa lakas ng kala%an" $ero kahit na%igo ang kanilang unang pagsalaka#&

    ma%ilis namang kumalat ang re%olus#on"

    Samantala& sumikat naman si )milio Aguinaldo %ilang lider ng mga Katipunero sa

    Caite" .aging panalo sa la%anan ang kan#ang huk%o ka#a maraming humanga ka#

    Aguinaldo" Dito nag-umpisa ang di pagkakasundo ng mga Katipunero sa Caite"

    ahati sa dala(ang pangkat: ang pangkat !agdi(ang at pangkat !agdalo"

    agdaos ng kum%ensi#on sa ,e3eros& Caite ang dala(ang pangkat ng mga

    Katipunero" Bilang Supremo ng Katipunan& si Bonifacio a# tuma#ong tagapangulo

    sa kum%ensi#on" agkaisa silang lahat na igagalang ang anumang mapagkasunduan

    sa kum%ensi#on" +tinatag muna nila ang repu%lika ng $ilipinas at pagkaraan a#

    nagdaos ng halalan"

    ahalal na pangulo ng repu%lika si Aguinaldo kahit (ala si#a sa kum%ensi#ong

    i#on" $ero nang mahalal na Direktor ng +nter#or si Bonifacio& isang !agdalo

    ang tumutol" Diumano& hindi dapat sa posis#on si Bonifacio dahil (ala si#ang

    pinag-aralan" Sa galit& pina(alang-%isa ni Bonfacio ang lahat ng

    napagkasunduan at agad na umalis"

    Sa isang pulong sa aic& nagtatag ng hi(ala# na pamahalaan si Andres

    Bonifacio" $ara ka# Aguinaldo& malaking pangani% sa pamumuno ni#a ang gina(a

    ni Bonifacio ka#a iniutos ni#a ang paghuli rito" $inuntahan ng mga tauhan ni

    Aguinaldo si Bonifacio at hinuli"

    ilitis ang magkapatid na Andres at $rocopio sa salang pagtataksil sa %a#an sa

    pagtatangkang i%agsak ang pamahalaan" !ga tauhan lahat ni Aguinaldo ang %umuo

    ng konsehong lumitis sa magkapatid" $agkaraan ng isang ara( na paglilitis

    0napatuna#ang0 nagkasala ang magkapatid ka#a hinatulan ng kamata#an ni

    Aguinaldo"

    Di alam ng magkapatid ang hatol na kamata#an" .ihim silang dinala sa %undok ng

    ,ala" Doon& ihini(ala# ka# Bonifacio si $rocopio" ati#ak ni Bonifacio na

    papata#in sila" A#on sa i%a& tumak%o si#a ngunit nasundan ng mga ka(al ni

    Aguinaldo at %inaril" Dito nag(akas ang %uha# ni Andres Bonifacio& ang

    dakilang Supremo ng Katipunan"

  • 8/9/2019 Andress Bonifacio

    8/19

    ANDRES BONIFACIO

    Ang Buhay na Puno ng Pakikipagbaka

    Daniel Mendoza Anciano

    Hindi mapag-aalinlanganan na ang mga

    Filipinong ilustrado ay nakapag-ambag ng

    malaki sa ebolusyon ng nasyonalismo sabansa, ang kanilang pagnanais na isulong

    ang interes na dinadala ng kanilang

    kinabibilangang pangkat sa lipunan at mga

    naging mapangahas nilang pagpapahayag

    ng ideyalismo para sa kapantayan ng mga

    Filipino sa mga Espanyol ay nagsilbing mga

    lagabog ng maso na lumamat sa tila

    matibay na moog ng kolonyalismo sa bansa.Ngunit ang kanilang mga mahalagang

    nagawa ay mayroon limitasyon, dahilan sa

    taglay nilang ilusyon na magkakaroon ng

    reporma at posibilidad ng asimilasyon sa

    sistemang kolonyal ay hindi nila tinawid

    ang parametro ng radikal na pagkilos upang

    tahakin ang kasarinlan ng bansa mula sa

    pagkaalipin ng mga banyaga.

    Sa ilang huling mga taon na lamang ng

    ika-19 na daantaon, ang ilusyon na

    dinala ng mga ilustrado ay nagbigay daan

    sa dis-ilusyon at napagtanto na ang

    pangarap na reporma ay hindi magaganap

  • 8/9/2019 Andress Bonifacio

    9/19

    sa isang lipunan na kontrolado ng mga

    pangkat ng mananakop na hindi

    kaylanman naging mapagparaya sa

    pagbibigay daan para sa mga positibong

    pagbabago, dahilan dito ang kurtina ngkasaysayan ay nahawi na para bigyang

    daan ang ating himagsikan.

    Ang Himagsikang Filipino ng 1896 ay

    maituturing na pinakamapagpasiyang

    pangyayari sa pahina ng kasaysayan ng

    ating bansa. Ito ang panahon na ang

    sambayanang Filipino ay kolektibo at

    nangahas na pinili ang pagsusulong ng

    isang armadong pakikibaka bilang paraan

    ng paglatid ng kadena ng kolonyalismo.

    Ito ang panahon na ipinahayag ng

    sambayanan ang kanilang paghahangad na

    maging mga tunay na panginoon na

    magpapasiya sa kapalaran at

    kahahantungan ng ating bayan. Kung ang

    himagsikan ay isang mapangahas napagkilos, gayundin masasabi nating ang

    naging tagapasimuno nito ay nagtataglay

    ng isang mapangahas na personalidad at

    tila aserong determinasyon upang

    pamunuan ang isang kilusan na

    maglalatid ng kadena ng pangkaalipin ng

    kaniyang mga abang kababayan. Ang lider

    na ito ay walang iba kundi si Andres

    Bonifacio, ang tagapasimuno at kaluluwa

    ng himagsikang Filipino.

    Kung ang mga ilustrado ay nakipaglaban

    para sa interes ng gitnang uring kanilang

    kinabibilangan ang masang Filipino ay

  • 8/9/2019 Andress Bonifacio

    10/19

    nakatagpo din ng lider na magsusulong ng

    kanilang totoong interes, sa katauhan ni

    Bonifacio, kung naging mas radikal man

    ang kaniyang naging direksiyon sa

    pagtahak sa pagbabagong panlipunan aysa dahilang ang buhay ng isang anak-

    maralita ay naratibo ng pang-araw-araw

    na personal na pakikipaglaban para

    mabuhay. Mga karanasan na pumanday

    upang magkaroon ng isang malalim na

    repleksiyon sa katotohanan ng buhay ng

    kaniyang mga kapwa maralita at epektibo

    mapamunuan ang himagsikan namagpapalaya sa kaniyang mga kababayan

    sa dinadanas nilang paniniil at kadahupan.

    Ang Panimula ng Pakikipagbaka

    Ang maralitang lider ay ipinaganak sa

    isang kubo sa Tondo noong Nobyembre30, 1863 sa mag-asawang Santiago

    Bonifacio na isang sastre at Catalina

    Castro. Sa batang edad ay naulila sa

    parehong magulang at natagpuan ang sarili

    na tagakupkop ng kaniyang mga

    nakababatang kapatid. Sa pagtutulungan

    ng mga magkakapatid nakita nila ang

    kanilang mga sarili na nasa lansangan ng

    Maynila o nasa mga patyo ng simbahan(na tilastreetchildrenngayon) at naglalako

    ng pamaypay at baston sa mga

    nagdadaan. Nagpatuloy ang kaniyang

    pagsuporta sa kaniyang mga kapatid

    hanggang sa pagdating ng sapat na taong

  • 8/9/2019 Andress Bonifacio

    11/19

    gulang at maempleyo si Bonifacio sa

    Fleming & Company (pag-aari ng mga

    Ingles) at sa bandang " huli bilang ahente

    ng Fressel and Company (pag-aari ng mga

    Aleman).

    Ang leksiyon ng kaniyang unang pakikibaka

    ay ang makita ni Bonifacio na siya ang

    nagsilbing magulang ng kaniyang mga

    kapatid. Isang karanasan na naghanda sa

    kaniya para tanggapin ang papel na

    maging isang ama na gagabay sa kanyang

    ulilang bansa.

    Ang Pakikipagbaka Laban sa

    Kamangmangan

    Si Bonifacio bilang isang anak mahirap sa

    kaniyang kapanahunan na pinalala ng

    pagkaulila at pangangailangan na

    maandukha ang kaniyang mga

    nakakabatang kapatid, ang isang mas

    malaking pakikipagbaka na kaniyang

    hinarap ay ang labanan ang

    kamangmangan na tiyak niyang

    kahahantungan. Sa kaniyang kabataan

    ang kaniyang tanging pormal na

    edukasyon ay ang pagpasok niya sa

    paaralan ni Don Guillermo Osmea na itoay agad din naputol. Sa pagtatantiya ni

    Professor Teodoro Agoncillo, sa ating

    panukatan ang kaniyang natapos ay

    ikaapat na baitang lamang ng paaralang

    elementarya.

  • 8/9/2019 Andress Bonifacio

    12/19

    Ngunit ang tunay na esensiya ng

    edukasyon ay hindi lamang turuan ang

    mag-aaral kundi ang matutunan ng mag-

    aaral na turuan ang kaniyang sarili.

    Nilabanan ni Bonifacio ang kamangmanganna maari niya sanang nasadlakan sa

    pamamagitan ng sariling pag-aaral at ang

    kaniyang pagtatrabaho sa mga

    establisementong dayuhan ay nagbigay

    daan para masundan niya ang mga

    kaganapan at pag-unlad ng kaisipan sa

    labas ng bansa. Ang kaniyang

    pakikisalamuha sa mga Espanyol satanggapang kaniyang pinaglilingkuran ay

    nagpatalas sa kaniyang komprehensiyon ng

    wikang Espanyol at magkaroon ito ng

    sapat na kaalaman upang maunawaan

    ang wika ng dati nating mga panginoon.

    Ito ang dahilan kung bakit nagkaroon siya

    ng pagkakataon na maunawaan ang mga

    kaisipan ng mga pantas ng kanluran na siHugo (Les Misarables_), Sue (Wandering

    Jews); inunawa ang sistemang presidensiyal

    ng Amerika (Buhay ng mga Pangulo ng

    Estados Unidos); at ang kalakaran ng

    himagsikan sa aklat naKasaysayan ng

    Himagsikang Pranses. Nagkaroon din ng

    inpluwensiya sa kaniyang kaisipan ang

    mga sulatin ng mga Filipinong

    Propagandista sa Europa, lalo na sina Del

    Pilar at Jose Rizal sa aklat ng huli naNoli

    Me TangereatEl Filibusterismo. Ang

    pagbabasa ng supremo ay hindi lamang

    naging isang pag-sasanay na pangkaisipan

    at hindi rin nanatili lamang sa bakuran ng

  • 8/9/2019 Andress Bonifacio

    13/19

    kaniyang kaisipan. Ang kaniyang mga

    natutunan ay nagsilbing isang apoy na

    nagpakulo ng kaniyang kaisipan, na sa

    dakong huli ang namuong ideya ay nailipat

    sa mas kongretong pagkilos.

    Isa rin sa naging sanayang pang-kaisipan ni

    Bonifacio ay ang tanghalan na kung saan

    siya ay isa sa mga gumaganap sa palabas

    na moro-moro. Ang moro-moro ay isang

    pagtatanghal ng paglalaban ng dalawang

    magkasalungat na puwersa, sa una ay

    maririnig ang argumentong isinasaad ng

    kaisipan at sa dakong huli ay ang

    pagpipingkian ng mga sandata ng

    dalawang pangkat na ang argumento ay

    hindi pinapakinggan ng isa't isa. Sa

    tanghalan lumalabas ang salungatan,

    katwiranan, at sa bandang huli ang pisikal

    na paglalaban. Dito natutunan ni Bonifacio

    ang pangangailangan sa pagkakaroon ng

    isang malakas, mapang-akit atmakapangyarihang pananalita, at ang

    pagtatantiya ng takbo ng istorya para sa

    mga tauhan. Nilisan ng supremo ang

    kaniyang tanghalang paaralan, ginamit niya

    ang pangangailangan ng mapang-akit at

    makapangyarihang pananalita sa kaniyang

    mga naging kasama sa Katipunan. Sa

    paglisan niya ng tanghalan ng moro-moro

    ay kaniyang inilipat ito sa mismong puso

    ng lipunan na kaniyang ginagalawan.

    Pakikibaka Laban sa Matandang Kaisipan

  • 8/9/2019 Andress Bonifacio

    14/19

    Ang lipunan sa panahon ni Bonifacio ay

    pinangingimbabawan ng sapot

    kamangmangan at pamahiin na pinanatili

    ng mga alagad ng kolonyal na

    Kristiyanismo sa paniniwala ng mga ito naang kanilang pagsasamantala sa ating

    bayan ay malulubos lamang sa isang

    kapaligiran na hindi sinisikatan ng liwanag

    ng kaalaman. Ang mga alagad ng kolonyal

    na Kristiyanismo ang nagpakalat ng

    paniniwala a ang mga katutubo ay likas na

    mahina, mangmang, at ang edukasyon

    para sa mga ito ay mapanganib sa kanilangmga kaluluwa - sa mismong panulat ng

    isang prayleAng isang indio kapag natuto,

    ay magiging kalaban ng Diyos at ng

    Espanya

    Sa pamamagitan ng sariling edukasyon,

    namulat ang mata ni Bonifacio sa

    kalagayan ng lipunan sa kaniyang

    kapanahunan. Ngunit ang kaalamangnatutunan ay hindi sinarili manapa ay

    kaniya itong ibinahagi sa iba sa layunin na

    gisisingin ang kaniyang mga kababayan

    para sa pagbabago sa bayan. Nagsimula

    bilang isang masugid na tagasuporta ng

    kilusang propaganda at naging

    tagapamahagi (sa pamamagitan ng lihim

    na pagtitinda) ng mga literaturang pang-

    protesta sa mga mag-aaral ng Unibersidad

    ng Santo Tomas, at sa pamamagitan ng

    pagtitinda ng mga literaturang pang-

    protesta ay nakilala niya si Ladislao Diwa

    na noon ay isang mag-aaral ng abogasya

    sa unibersidad at sa dakong huli ay

  • 8/9/2019 Andress Bonifacio

    15/19

    nakasama niyang naging tagapagtatag ng

    Katipunan.

    Sa pagkakatag ng Katipunan ay inandukha

    niya ang pagkakaroon ng isang limbagan atpahayagan ng kilusan. Sa pagkakalathala

    ng _Kalayaan_ naiparating niya sa

    pamamagitan ng panulat ang kaniyang

    mga pananaw, at adhikain para sa inang

    bayan. Katulad ng kaniyang mga nabasang

    mga literaturang politikal mula sa mga

    ilustrado sa kaniyang panahon, ikinalat

    niya ang kaniyang paniniwala na ang mga

    Filipino ay hindi mangmang at hindi

    dapat na manatiling mangmang, ngunit

    kakaiba sa kaniyang mga kasabayang

    ilustrado, naniwala si Bonifacio sa

    kakayahan ng mga mababang uri na

    mapalaya ang kanilang mga sarili. Sa

    pamamagitan ng propaganda

    ngKalayaanay naiparating ni Bonifacio

    ang pag-aaring ganap sa pangangailanganng isang armadong pakikibaka para sa

    katubusan ng bayan mula sa kadena ng

    mga dayuhan.

    Ang Pakikibaka Para sa Bayan

    Sa taong 1896, dumami ng bilang ngkasapian ng Katipunan at ang pagiging

    lihim nito ay hindi na maitago sa mga

    dayuhang maykapangyarihan. Sumapit

    na ito sa bingit ng pagkakatuklas. Hiniling

    niya ang payo ni Rizal sa pamamagitan ng

  • 8/9/2019 Andress Bonifacio

    16/19

    emisaryong si Pio Valenzuela at sinabing

    ang bayan ay hindi pa handa dahilan sa

    kakulangan ng sandata at kawalan ng

    isang bansa na posibleng maging

    kakampi sa panahon ng pagsiklab nghimasikan, at ilan din sa kaniyang mga

    mismong kasama sa samahan ay tutol na

    ang pasimulan ang himagsikan dahilan sa

    kawalan ng katiyakan ng tagumpay.

    Natuklasan ang Katipunan sa panahon ng

    kawalan ng kahandaan, ano ang

    magagawa ng mga itak, sibat na

    kawalayan, paltik, at ilang lumang baril at

    mga katipunerong walang aktwal na

    pagsasanay sa digmaan sa panahon na

    ito ay mapaharap sa puwersa ng kolonyal

    na pamahalaan na kumpleto sa

    kagamitang pamuksa, may ganap na

    pagsasanay at ang nakakarami ay mga

    beterano ng ilang mga labanan para

    Espanya sa nakalipas. Ito angpredikamentong namamayani ng

    ginaganap ang mapagpasiyang pagpupulong

    sa Pugad Lawin. Ngunit ang supremo ay

    tumayo, pinangibabaw ang ideyalismo laban

    sa pragmatismo at hinikayat ang mga

    kasamahan na magpasiya ng taliwas sa

    tila matinong pangangatwiran ng mga

    segurista, pinunit nila ang mga sedula na

    isang hayagang dokumento ng pagkaduwagi

    at sinindihan ang mitsa ng himagsikan.

    Ito ang himagsikang pinasimulan ng

    supremo, kulang sa armas, pagkain,

    lohistika, at mahusay na istratehiya na

  • 8/9/2019 Andress Bonifacio

    17/19

    kinakilangan sa isang matagumpay na

    pakikipaglaban sa isang hukbo ng kaaway

    na nagmamay-ari ng lahat ng kalamangan.

    Ang mga salik na ito rin ang naging dahilan

    upang magapi ang supremo saPinaglabanan. Bumagsak ang Pinaglabanan

    ngunit katulad isang malaking dinamita,

    kinakailangan munang masunog ng mitsa.

    Pagkatapos ng Pinaglabanan, ang

    himagsikan ay kumalat na tila malaking

    apoy sa mga karatig lalawigan ng Maynila

    at sa momentum ng lagablab ay nilalamon

    ng apoy nito ang habi ng istrakturangkolonyal.

    Ang Huling Pakikibaka

    Sa pagdating ni Bonifacio sa Cavite ay

    nahantad sa kaniya ang katotohanan na

    ang pagtatagumpay ng mga rebolusyonaryo

    sa nasabing lalawigan ay naging sanhi ng

    karibalan ng mga kapwa niya

    rebolusyonaryo. Nilasing ng tagumpay ang

    pamunuan ng mga paksiyong Magdiwang

    at Magdalo sa Cavite, pagkalasing na

    nagpalimot sa isa sa pangunahing aral ng

    Katipunan na kapatiran. Nilimot ang

    kapatiran dahilan sa pagnanais na kunin

    ang kapangyarihan at ipinatupad pa ngisang paksiyon ang maitim na balakin na

    lusawin ang Katipunan at palitan ito ng

    bagong anyo ng pamahalaan na

    dominante ng mga ilustradong Caviteo.

  • 8/9/2019 Andress Bonifacio

    18/19

    Sa Kumbensiyon ng Tejeros nalansag ang

    Katipunan sa pamamagitan ng isang

    tiwaling halalan, naagaw ang liderato mula

    sa supremo at nalipat sa kamay ng mga

    ilustrado. Hindi ito natanggap ng supremoat binalak niyang bawiin ang nawala sa

    kaniya sa pamamagitan ng

    pagproprotesta sa resulta ng eleksiyon na

    kilala sa tawag naActa de Tejerosat sa

    pag-oorganisa ng isang kahiwalay na

    pamahalaan sa ginanap na pagpupulong sa

    Naic.

    Sa mga unang pakikibaka ng supremo

    laban sa puwersang kolonyal ng kaniyang

    kapanahunan ay naging matagumpay siya,

    ngunit hindi sa kaniyang huling

    pakikibaka sa mga taong minsan ay

    kaniyang niyakap at tinawag na mga

    kapatid sa mga isinagawang inisasyon ng

    Katipunan sa nakalipas.

    Sa pagbabasa kaya ni Andres Bonifacio

    ng Kasaysayan ng ebolusyong Pranses

    hindi kaya niya nabasa ang yugto sa buhay

    ng isa sa mga naging tagapasimuno nito na

    si Maximilian Robespierre? Si Robespierre

    ay bumagsak sa kapangyarihan pagkatapos

    na maisagawa ang isang Kombensiyon ng

    mga Maghihimagsik at pagkatapos ay

    pinutulan ng ulo sa gilotina sa isa sa mga

    lansangan ng Paris sa kaniyang kamatayan

    na nakasama niyang pinutulan ng ulo ang

    kaniyang nakakabatang kapatid na si

    Augustine.

  • 8/9/2019 Andress Bonifacio

    19/19

    Ito rin ang kinahantungan ni Andres

    Bonifacio, ang pagbagsak sa Kombensiyon

    ng Tejeros at ang pagbitay sa kaniya at sa

    kaniyang kapatid na si Procorpio sa

    paanan ng isa sa mga bundok sa bayan ngMaragondon, Cavite.

    Minsan kung kung ikukumpara ang

    kamatayan ng dalawang pambansang

    bayaning Filipino ay makikita rin ang

    balintuna ng kasaysayan. Sa dalawang

    bayani na tila nag-aagawan sa pedestal ng

    kadakilaan ay makikita ang hayagang

    salungatan. Si Rizal na hanggang sa huli ay

    naniniwala sa pagiging tapat ng Espanya na

    maglalapat ng reporma pasa sa Filipinas.

    Samantalang si Bonifacio ay nanalig sa

    kakayahan ng mga Filipino na mapalaya

    ang kanilang sarili mula sa pamatok ng

    pagkaalipin. Ngunit ng ipagparaya ng

    kasaysayan ang kanilang mga buhay sa

    altar ng kalayaan, si Rizal na naniniwalasa Espanya ay namatay sa kautusan at

    punlo ng hukbong kolonyal, samantalang

    si Bonifacio na naniniwala sa kakayahan

    ng mga Filipino ay kinitilan ng buhay sa

    utos at punlo ng kaniyang mga sariling

    kababayan.